A fantasy-romance novel
Yllac "adopted" a woman named Rua who out of nowhere appeared in his kitchen one evening. Her beauty is out of this world, the way she talks is strange but somehow amusing. She's mysterious and a little bit cuckoo. He saw her talking and tickling a pot of dead bougainvillea.
And then the dead bougainvillea started giggling.
Okaaaay...
Mukhang si Yllac ang may sira sa tuktok at hindi ang babaeng misteryosa.
It all started with a dog named Fujiku, a dirty grave and one broken glass jar. Dahil sa mga iyon ay nagkaroon ng bagong housemate si Ember-si Lantis Arcanghel. He was hot, he was beautiful, he was a little persistent and above all, he was dead,
Ito ang may ari ng puntod katabi ng puntod ng parents niya. Oh yes! Multo ang bagong housemate ni Ember ngunit ayaw nitong magpatawag na "multo". Phantom daw ito. At may kailangan sa kaniya ang panty-este phantom. Gusto na nitong tumawid sa linyang naghihiwalay sa mundo ng mga buhay at yumao na at si Ember ang masuwerteng nilalang na napili ni Lantis na tutulong dito.
"P-Paano kung...kung ayoko?" tanong ni Ember sa mumu.
Inilagay ni Lantis ang kamay sa isang tabi ng ulo niya, pagkatapos ay ang kabila na naman. Na-trap siya sa mga braso nito, na-sandwich sa pagitan ng bookshelf at katawan-este kaluluwa nito.
"Then I guess you have to get used to my presence," sabi nito sa boses na hindi niya mawari kung nag-uutos, nanunudyo o nananakot. "Titira ako sa bahay mo. I'll watch you sleep, watch you bathe. I'll watch you dress and undress...I'll talk to you when you're in public places, I'll shout in your ears, I'll follow you anywhere you go...I'll embrace you, I'll sleep beside you...in short, I'll haunt you. Hindi. Kita. Patatahimikin."
Anak ng tipaklong! Ito na nga ang may kailangan, ito pa ang may ganang pagbantaan siya! Walang choice si Ember kundi tulungan si Lantis. Magtagumpay kaya siya? O forever nang mananatili ang guwapong multo sa tabi niya?
Magmula pa noong mga college sina Ellice at Jacove ay madalas na silang magbangayan. Hindi kumpleto ang araw ni Jacove kapag hindi siya nito naaasar kung kaya nang grumaduate sila sa college ay tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Yep, Jacove is a burden and a total pain in the ass. Ngunit matapos ang pitong taon ay muli silang nagkita ng binata sa isang hindi inaasahang pagkakataon.
Nakipaghiwalay sa kaniya ang nobyo niyang si Kian, sa labis na galit ay binato niya ito gamit ang isang piraso ng stilettos niyang suot but to her horror, hindi si Kian ang tinamaan niyon kundi si Jacove. Uh-oh, she hit the wrong man! Another "uh-oh" because the guy from hell is back!