Unduh Aplikasi
6.08% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 7: Chapter 5

Bab 7: Chapter 5

Crissa Harris' POV

"Naks. First time mong may nasabing matino kambal.." sagot ni Christian.

Nag-echo sa boung kwarto na yun ang sinabi ng magaling kong kakambal at maya-maya pa..

"Hahahaha! Nice Chris!" - Renzo

"Papayag ka na lang bang ginaganun ka Crissa? HAHAHA!" - Elvis

"Kung ako yan, binaril ko na yan. Eto baril oh, Crissa. HAHAHA!" - Alexander

"Pffftt.." - Tyron at Sedrick. Sila Harriette, Alessandra at Renzy naman ay nakangiti lang.

Gusto ko mang paulanan ng sapak yung magaling kong kakambal, natawa nalang din ako. Seryosong-seryoso ang atmosphere namin pagkagising palang. At ang bigat din ng mga pakiramdam namin dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari. Kaya maganda na rin siguro ito na gumaan naman yung paligid namin at sumaya kami kahit man lang kaunti.

"So, should we now start with the plan?" seryoso na uling sabi ni Christian. Pare-parehas naman kaming tumango at umupo sa may sahig.

"Ito yung blue print ng mansyon. Sa first floor, second floor at third floor.." inisa-isa nyang ipakita samin yung bawat papel.

Kinuha ni Tyron at Sedrick yung sa 2nd floor, si Renzo at Alex yung sa 3rd floor, at si Elvis yung sa 1st floor.

"This is house is fvckin huge. Napakaraming kwarto." - Renzo

"Yeah right. Matagal na kaming tumatambay ni Elvis dito pero hanggang ngayon, hindi pa rin namin kabisado yung mga pasikot-sikot." - Alex

"And do you still remember nung.. nung.. pffftt.. HAHAHA!" - Elvis

"Tss. Shut up. Kung ayaw mong barilin ko yang bunganga mo." - Alex

"Parehas kong babarilin yang bunganga nyo pag di pa kayo tumigil." sabi ko sa kanila. Tumahimik naman sila agad at binalik yung tingin dun sa mga blueprint.

Kung hindi lang masyadong delikado ang lagay namin ngayon, siguradong ako pa mismo magpapasimuno sa kalokohan na yon dahil nagets ko agad yung tinutukoy ni Elvis. Tandang-tanda ko pa ang nakakamatay sa tuwang pangyayari na yun.

Napatingin naman ako kay Christian dahil nakatingin lang din sya sakin.

"What?" tanong ko.

"What should we do with the plan?"

Napaisip naman ako bigla. Ano nga ba munang dapat gawin? This is a critical situation for all of us. Hindi kami pwedeng gumawa ng desisyon basta-basta dahil we're all at stake. Kailangang pag-isipan to mabuti.

But based on what we concluded earlier, hmm..

"Search and clearing.." I blurted out loud kaya napatingin silang lahat sa akin.

Sinamantala ko na agad ang pagkakataon na magsalita habang nasa akin pa ang atensyon nilang lahat.

"Yes. We'll gonna do a search and clearing operation. Search, dahil yeah, hahanapin natin yung iba pa. Keeping a positive attitude na baka buhay pa talaga sila and nandito lang sila somewhere sa compound ng mansyon at nagtatago or hinahanap na rin tayo. And clearing naman, kung saka-sakaling they're all undead, we're gonna clear this place. In order for us to be rest assured we're safe staying here.."

"Undead?" they said in unison except for Christian and Elvis.

"Yes. From now on, yun na ang itatawag natin sa kanila. But back to the plan, are you with me?" tanong ko sa kanila. Nagtinginan silang limang lalaki at maya-maya pa, may nabuo ng mga nakakalokong ngiti sa bibig nila.

"I do." - Tyron

"That would be exciting." - Sedrick

"I second the motion." - Alex

"I'm always ready for that." - Elvis

"Kahit wala kaming alam sa nangyayari, agree na kami." - Harriette, Alessa and Renzy.

"Damn. Bakit ang pogi ko?" - Renzo. Tinignan ko sya ng masama. "Of course yes, agree ako! Ang pogi ko kaya!"

Hindi ko nalang sya pinansin at kay Christian naman ako tumingin.

"How about you kambal?"

"Makaka-hindi pa ba ako? Samantalang iisa lang naman ang tumatakbo sa isip ng mga kambal? After all, there's what we called twinepathy." nakasmirk na sabi nya at nag fist bump naman kaming kambal.

"Yun oh! Nagkasundo sila sa unang pagkakataon!" nang-aasar na sabi ni Alex, Elvis at Renzo. Napatigil naman sila nang magkasa ng baril si Christian at ako naman ay tinutukan sila ng kutsilyo. San galing yung kutsilyo ko? Ewan. Parang biglang nagteleport sa kamay ko yung hawak ni Tyron.

"Back to the topic na please." tumatawang sabi ni Sedrick habang nakatingin sakin. Umiwas naman ako ng tingin at inagaw kay Elvis yung hawak nyang blueprint ng first floor.

"S-sige! Magsitigil na kayo!" sigaw ko at napatingin na sila uli sakin.

"Where do you think should we start? " - Christian

"Third floor down to first floor?" - Tyron

"Parang mas mahirap ata yun." - Sedrick

"Oo. And isa pa, dito tayo sa basement manggagaling. Mas madali kung yung first floor muna ang maki-clear." - Christian

"And one more thing I forgot to mention, yung third floor, exclusive lang yun para sa family member ng Harris. Walang umaakyat dun na maid or anyone without our permission. At the top of the staircase may malaking pinto pa dun na guarded ng dalawang security at lagi namang nakalock. So.." tumigil ako saglit dahil gusto kong ipaubaya yung conclusion dun sa kakambal ko. Hindi naman nya ako binigo.

"So, the third floor is already cleared. We just have to look for the two securities na nagbabantay sa pinto."

"And please take note, 25 ang securities- na nasa labas ng masyon. So that means, meron din syempre dito sa loob. All in all they're 10. At yung dalawa, nasa may hagdan nga ng third floor." pagdagdag ko sa sinabi ni Christian.

"So bale, may nadagdag pa palang walo dun sa 28 na hahanapin natin?" - Renzo

"Yeah. 36." - Alex

Napatingin kaming lahat kay Elvis nang tumayo sya bigla.

"Halos 9am na. I think we should start."

"Elvis' right. Hindi tayo pwedeng abutin ng dilim nang hindi natin naki-clear at least yung first floor. Masyadong delikado." - Christian

Tumayo kaming lahat at nag-umpisa nang maglakad sa may pinto. Napatingin naman ako kila Harriette na mukhang nag-aalaangan pa kung sasama sila saming anim.

"You're coming with us. And don't worry, we'll make each other safe." ngumiti silang tatlo sakin at pagkatapos ay tumayo na rin.

Inalerto namin ang mga sarili namin nang lumabas kami ng kwarto. Napatigil silang lahat nang maglakad ako papunta sa pangatlong kwarto at buksan ko yon.

"Sumunod kayo sakin. Elvis, ilawan mo ko." sinundan naman nila ako papasok sa loob ng kwarto. Sari-saring reaksyon mula sa kanila ang narinig ko nung mapatingin sila sa may table na nasa gitna.

Hindi nako nagdalawang isip pa na lapitan na ng malapit na malapit yung table. Dahil wala nang laser detector na nakapaligid dun, magagawa na namin ang kahit na anong gusto naming gawin.

Nakangiti akong tumingin sa kanila. "It is ours now. You can have any of this to defend yourself.. And our group as well.."

"Seriously!? Can I have this one now?" akmang dadamputin na ni Renzo yung isang baril nang tampalin ko yung kamay nya.

"Not too fast, Mr. Tiangco."

"Hahaha! Serves you right." her sister Renzy said. Nagtawanan naman ang iba including Harriette and Alessa. It's good to see na nakakatawa na uli sila.

"And why not?" - Renzo

Tumingin ako kay Elvis giving him the look. Naintindihan nya naman agad ako at dumampot sya ng isang axe dun sa table.

"For the sound of gunshots will attract more undead." - Elvis

"So now, mga ganitong weapon muna ang magagamit natin." - Christian. Dumampot din sya ng palakol.

"What are you waiting for? Magsikuha na rin kayo ng sa inyo." sabi ko.

Nag-umpisa na nga silang kumuha ng sa kanila.

Machete kay Alex, isang katana kay Tyron at club naman kay Sedrick. Nung makita kong dadamputin na rin ni Renzo yung isa pang club, mabilis ko uling sinampal yung kamay nya.

"Don't you dare! Akin yan." dinampot ko agad yung club.

"Tss. Eto na nga lang sakin. Mukha rin namang astig." bulong nya habang napipilitang dinampot yung isang claw blade gauntlet.

Hanggang habang isinusuot nya yun sa kanang braso nya, patuloy pa rin ang pagbulong nya.

Hmp. Gusto ata nyang sya ang unang masample-an ko nitong club ko e.

Napatingin naman ako bigla kay Harriette dahil nanatili lang syang nakatayo sa may gilid ng table. Although manghang-mangha rin sya sa mga nakikita nya, para bang nag-aalangan pa rin sya kung kukuha ba sya.

"Uy, Harriette. Kumuha ka na rin. Para sating lahat yan." sabi ko sa kanya.

"Gusto ko sana e. Kaso, hindi naman ako sanay gumamit ng kahit ano dyan."

Nilapitan ko sya at inakbayan. "Pati rin naman sila e. Kunwari lang marunong yang mga yan." itinuro ko yung mga lalaki na hawak na yung mga weapon nila. "Saka hindi talaga tayo matututo kung hindi natin susubukan. Sige, kumuha ka na.."

Ngumiti lang sya sakin bago nagmasid sa table. Maya-maya pa, kinuha na nya yung isang spear.

"Eto bet ko. Mukhang magkakasundo kami neto." bulong nya habang tinititigan yung spear na hawak nya.

Tss. Nabaliw na ata si Harriette. Pati sibat, pinapatulan na.

Kay Alessa at Renzy naman ako lumapit. Nakatayo lang kasi silang dalawa dun habang tinitignan yung mga lalaki.

"Syempre meron ding para sa inyo. Wait lang ha." pumunta ako saglit sa kwarto naming mga babae tapos kinuha ko yung box na may lamang kutsilyo. Mabilis naman akong bumalik pagkakuha ko.

"Oh. Pinabibigay yan ni Yaya Nerry dun sa mga HRM students daw." sabi ko sabay abot sa kanila nung box. Kinuha naman nila yun at agad binuksan. Pare-parehas pa kaming nagulat ng combat knife ang tumambad sa amin imbes na kitchen knife.

"A tanto combat knife. This weapon originated in Japan." sabi ko sabay abot sa kanila ng tig-isa. I really thought, kitchen knife lang to kagabi.

"Content with your weapons already? If not, pwede pa kayong magpalit. For whatever weapon you decide to pick, it will be permanent.." seryosong sabi ni Christian na nakakuha sa atensyon naming lahat.

Wala namang umimik. Sa katunuyan nga, mas lalo pang humigpit ang hawak nila sa mga weapons nila na para bang handa silang pumatay pag may umagaw nun sa kanila. Maging ako ay halos yakapin ko na rin yung club ko dahil baka agawin pa to ng tikoy na si Renzo. Hmp. Subukan nya lang talaga nang ipalo ko to sa kanya.

"I think we're clear. We need to pick our permanent weapon para makapag-concentrate tayo sa paggamit nito. So kung wala na kayong objections.." tumingin sakin si Christian.

Nakuha ko naman agad na gusto nyang ako na ang tumapos sa sinasabi nya. Kaya tumayo naman ako ng matuwid at hinawakan ko ng mahigpit yung club ko.

"Kung wala nang objections..

..then we suggest we must proceed with our plan... The search and clearing operation.."

Naramdaman ko ang matinding excitement nang banggitin ko yun. At lalo pa kong naexcite at ginanahan nang makita ko ang nakakalokong ngiti nung mga lalaki. Nabuhay ang mga dugo ko at parang tumaas yung energy ng katawan ko.

Christian lead our way at nakasunod agad sa kanya yung lima pang lalaki kasama si Harriette. Nasa likod lang naman ako at napapagitnaan ako ni Alessa at Renzy.

I immediately grab the opportunity para sabihin sa kanila yung kanina ko pa dapat sinabi.

"Yaya Nerry gave that to you with a purpose. She believes, hindi masasayang yang mga kutsilyong yan kapag kayo ang gumamit. So please, do your best para hindi nyo sya mabigo.."


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C7
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk