Unduh Aplikasi
31.88% Trying Again (Tagalog) / Chapter 22: SevenTEEN Dwarves (2)

Bab 22: SevenTEEN Dwarves (2)

Gusto ko pa uli siyang paluuin kaso nagbago ang isip ko at naupo na lang sa tabi niya. Dumating kaagad yung teacher na in-charge kaya hindi na kami nakapagusap pa ng matagal. After niyang ipaliwanag yung mga mangyayari, tinurn over na niya yung mic dun sa bagong elected na student council president.

Tradisyon na ng school namin na magpresent ang third years para sa graduation sa March. Kahit ano pwede kaya pinagbobotohan namin ngayon kung anong gagawin. Sabi nila dapat lahat may participation pero hindi naman required lahat ay magpresent. Kailangan lang may naitulong ka.

"Dance performance na lang tapos kahit mga selected students lang," suggestion nung isa.

"Sino pa may ibang suggestions?" tanong nung bagong president. Lalaki ulit ang bagong student council president at galing sa section a.

Maya-maya ng konti may nagtaas na ng kamay, "Bakit hindi na lang kagaya nung last year? Para lahat may participation."

Magrereact na sana ako dahil yung last year ay kumanta lahat ng third years kaso hindi pa sila tapos magdiscuss. Hinding hindi ako magpaparticipate dahil for sure laging may practice yun pag katapos ng klase. Nang natapos na sila at mukhang desido na sila na yun na lang para hindi daw hassle kaya hindi ko na napigilan, "Wag na lang yun!"

Napatingin silang lahat sa akin. Narinig ko din si Stan na tumawa, mukhang alam niya kung bakit ako nagreact. Napilitan tuloy akong tumayo.

"Bakit hindi na lang play?" sabi ko at nagpatuloy ako para magexplain, "Para naman kakaiba. At tsaka makakapagparticipate lahat, bukod sa mga gaganap, may props at costumes pa."

Halata naman na ang pipiliin ko ay props para pwedeng gawin kahit break o di kaya iuwi. Pwede din takasan ko na lang sa dami ba naman namin ay hindi na mahahalata pag umalis ako. Hindi ko kailangan magstay sa school araw araw. Ang mahihirapan lang naman talaga ay yung mga mapipili na gaganap. Mukhang napaisip sila at naupo na lang ako.

Dahil hindi sila makapagdesisyon, nagbotohan na lang. Mukhang maraming nakaisip ng plano ko dahil ang nanalo ay play. Pinauwi na din kami sa wakas, bukas na lang pagbobotohan kung ano ang story para sa play at kung sino sino ang mga gaganap.

Bago matapos ang lunch break kinabukasan may napili ng story. Puro mga classic fairytales ang pinamilian. Gusto ko sanang sleeping beauty para kakaunti ang characters kaso ang hirap ng props kaya hindi ko ibinoto kaya Snow White and the Seven Dwarves ang nanalo. Kaya naman nasa auditorium ulit kami ngayon para pagbotohan kung sino ang mga gaganap. Magkatabi uli kami ni Stan at syempre hindi ko pa din pinapansin si Keith.

"Risa, masyado kang obvious kahapon," sabi ni Stan sa akin pagkaupo ko na medyo natatawa.

"Ano ka ba? Kung hindi ako nagsalita kahapon, malamang ngayon namimili na tayo ng kanta," sagot ko naman sa kanya.

"Paano ka naman nakakasigurado na hindi ka mapipili ha?"

"Stan," pinahaba ko ang pagkakasabi ng pangalan niya, "Snow White ang play. Mukha ba akong Snow White?"

Pagkasabi na pagkasabi ko biglang may nagnominate sa akin. Lumaki bigla ang mata ko at napatawa si Stan. Medyo narinig ko din na napatawa din ng konti si Keith.

"Humanda sa akin kung sino man ang nagnominate sa akin," bulong ko sa sarili ko habang hinahanap ko kung san nanggaling yun.

"I object," bigla kong tayo. Hindi ko pinahiya ang sarili ko para lang makasali sa play na 'to. "Hindi po ako mukhang Snow White."

Narinig kong tumatawa na naman si Stan. Babatukan ko na sana kaso tiningnan ko na lang siya ng masama at nagpatuloy na ulit ako, "Mahaba po ang buhok at hindi po mukhang sweet ang mukha ko para magmukhang Snow White."

Pinalo ko si Stan na senyas para sumangayon sa akin at mukhang nagets naman niya. Tumayo siya, "Opo. Hindi po si Risa ang fairest of them all."

Pagkasabi niya yun, tumawa siya ng malakas at nagtawanan na silang lahat. Pagkaupo namin, pagsasabihan ko na sana siya kaso nagappear sila ni Keith. Para tuloy ng dati kaya nagbuntong hininga na lang ako at tumingin na uli sa stage. Buti naconvince sila na hindi ako proper maging si Snow White.

Napili na lahat ng cast maliban sa wicked witch. Si Aya ang Snow White at si Keith naman ang prinsipe. Ang seven dwarves naman ay sina, Gerald, Marco, Kim, Dan, Andy, Lance at Stan.

Tumayo si Stan, napaisip tuloy ako kung sino ang i-nonominate niya, "Si Risa Reyes po."

Napanganga naman ako. Nagpatuloy pa siya, "Kasi po sabi niya kanina hindi siya mukhang Snow White kaya baka po mas bagay sa kanya maging witch."


PERTIMBANGAN PENCIPTA
wickedwinter wickedwinter

Hey, thanks for reading! I'm just here to plug my other story, Ugly Little Feelings. Check it out, drop a comment, vote with power stone or leave a review if you enjoyed this chapter. Just so you know, I prefer if you could check out Ugly Little Feelings. Hehe.

Btw, who's your fave character so far? I have this fave character but he won't be appearing until volume two. I want to write more of him but ULF takes too much of time with the promoting and all.

next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C22
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk