Nang sumunod na araw, dahil sa may trabaho si Tangning ng alas - 8 ng umaga, gumising siya ng alas - 6:30 ng umaga. Inutusan niya si Long Jie na gumawa ng almusal bago tahimik niya itong dinala sa suite ni Mo Ting.
Dahil sa nagmadali si Mo Ting na pumunta sa photography studio pagkatapos niyang bumaba sa eroplano kahapon, wala na siyang oras para asikasuhin ang kanyang mga damit at mga dokumento. Sa sandaling ito, ang mga ito ay nakakalat sa sopa.
Alam ni Tangning na pagod ito, kaya marahan niyang nilinis ang lahay ng maayos bago niya inilagay ang mabangong almusalan sa mesa sa labas ng kanyang silid tulugan.
Sa huli, naglakad siya ng nakayapak papunta sa kama ni Mo Ting at umupo sa gilid bago marahan na hinimas niya ang kaakit - akit na mukha.
Tila matagal nang nagising si Mo Ting. Nang maramdaman niya dumadampi ang mga daliri nito sa mukha niya, hinawakan niya ito at inilagay niya ang kanyang ulo sa binti ni Tangning.