Unduh Aplikasi
73.37% There is US not You and I / Chapter 113: Kilala Mo Ba Sya?

Bab 113: Kilala Mo Ba Sya?

"Sissy, mas mabuti siguro maghiwa hiwalay tayo para mas madali ang paghahanap."

Suggestion ni Mel.

According sa aerial view ng nakunan nila, may posibilidad na dumapo sa isa sa tatlong isla si Kate at yung nakasagip sa kanya.

Hindi kasi masyadong nakita dahil naratabunan na ng kahoy kahoy ang lagusan patungo sa tatlong isla. At pare parehong may tao sa tatlong isla.

Pero inip na si Mel. Kung pupuntahan iisaisahin nila ang bawat isla, tyak na aabot sila ng bukas kaya mas maiging maghiwahiwalay sila.

"Pero Beshy, hindi mo pa kaya! Mas makakabuti kung sama sama tayo!"

"Sissy, may mga kasama naman tayong tutulong sa atin at atat na ko! Miss na miss ko na si WifeyLabs ko!"

"Huwag kang magalala Eunice, akong bahala kay Mel. Sa grupo namin sya sasama! Mas maigi nga ang naisip nya para matapos natin agad ang paghahanap kay Kate! Kahit ako hindi na rin mapalagay!"

Sabi ni Joel.

Ang grupo nya ang makakasama sa paghahanap na ito.

Mas lalong kinabahan si Eunice. Isang nakasaklay at isang senior citizen, paano ba naman sya hindi magaalala?

Pero si Jaime ay tahimik lang na nakikinig sa kanila dahil andun din si Nadine.

Pero mapilit si Mel kaya nagkaayos sila sa gusto nitong mangyari. Ngunit dahil sa kalagayan ni Mel, nag dagdag si Eunice ng tao sa grupo nila.

At kinabukasan nga, maaga pa lang lumarga na sila.

Mas naunang nagsimula ang unang grupo na kinabibilangan ni Eunice at AJ, tapos ang grupo naman nila Jaime at Nasine ang ikalawa.

Ang ikatlo ay ang grupo nila Mel at Joel.

Sila ang pinakahuling nagsimula dahil inaalala nila si Mel, madali itong mapagod.

Ito ang dahilan kaya pinagpilitan ni Mel na hatiin sa tatlong grupo ang paghahanap, batid nyang magiging sagabal ang kapansanan nya pero hindi naman sya papayag na hindi sya kasama.

Sa grupo nila Mel napunta ang pinakamaliit na isla at nakahiwalay ito sa dalawang nauna at mismong si Mel ang pumili nito.

Hindi nya mawari pero malakas ang kutob nyang naroon si Kate.

'Malapit na ako MyLabs!'

Naluluhang bulong ni Mel.

***

"Mel, okey ka lang?"

"Okey lang po ako, Lolo Joel. Pasensya na po kung nagtatagal tayo dahil sa akin."

Nahihiyang sabi ni Mel.

"Ano ka ba, huwag mo ngang intindihin yun! Huwag kang mag alala makakarating din tayo!"

Pero nagulat sila ng biglang gumewang ang yateng sinasakyan nila at nahulog si Mel sa kinauupuan nya.

"Ahhh!"

"Mel!"

Nahulog sa binti ni Mel ang isang ice box na pinaglalagyan ng pagkain nila.

"Jorge, ano ba? Mags

dahan ka naman!"

Pinatay ni Jorge ang makina ng makitang nasaktan si Mel.

"Pasensya na Boss, ang lakas ng daloy ng tubig at may mga malalaking bato pa sa ilalim!"

"Okey ka lang Mel?"

"Opo okey lang ako!"

Pero namimilipit ito sa sakit.

"Anong okey eh may dugo yang binti mo!"

Agad nilang nilapatan ng lunas ang sugat ni Mel.

"Okey lang po ako! Sige na po tumuloy na tayo!"

Sabi ni Mel habang ginagamot ang sugat nito.

"Jorge, dahan dahanin mo lang ang pagpapatakbo, makakarating din tayo!"

"Opo Boss!"

Pero deep inside hindi okey si Mel. Kinabahan ito.

Paano sya mag rerelax kung naiisip nya ang nangyari kay Kate?

Nakita na nya sa satellite footage ang nangyari kay Kate simula ng ibaba ito ng sasakyan tapos ay barilin at mahulog sa bangin, hangggang sa sagipin ng kung sino at aludin ng rumaragasang tubig.

'Kung dito nga napadpad si WifeyLabs, Juskolord, kamusta. na kaya ang lagay nya?'

***

Nakarating sila ng isla na wala ng naging anomalya.

"Sir Mel, sumakay ka sa likod ko para makababa ka!"

Kita nila na ayaw magpaiwan ni Mel at gusto ring bumaba.

"Po?!"

Pero hindi na nakahirit di Mel. Agad syang isinakay nila sa likod ni Jorge.

Malakas ang pangangatawan nito kaya alam nilang kaya nya si Mel kaya hindi na nagawang tumanggi ni Mel.

Ramdam nilang nahihiya ito.

Hangggang sa nakababa na sila ng yate pero hindi pa rin sya ibinababa ni Jorge sa likod nito.

"Uhm, Mamang Jorge, pwede nyo na po akong ibaba."

"Hindi po Sir Mel, baka lalong lumala ang pamamaga ng paa nyo!"

Hindi na nagpumilit si Mel dahil sobrang kumikirot ang binti nya.

"Mabuti pa maghanap tayo ng masisilungan para makapagpahinga si Mel."

Suhestyon ni Joel.

"Boss Joel, may kubol po kaming natanaw sa banda ron!"

"Tara puntahan natin!"

Maayos ang kubol na nakita nila at may kama pa!

"Mukhang may mga tao nga dito, may nagluluto!"

Ibinaba nila si Mel sa kama at saka naghanap sa paligid ng kubol.

"Lolo Joel, okey lang po na iwan nyo na ako dito at magpatuloy na kayo sa paghahanap at baka gabihin po tayo!"

Sabi ni Mel.

"Pero paano kung dumating yung may ari ng kubol? Saka, hindi natin sigurado baka may mababangis na hayop dito! Mabuti pa maghalughog na kayo sa bandang malayo at maiwan na kami ni Mel dito!"

Utos ni Joel sa mga tao nya.

Tumalima naman agad ang mga tao nya.

"Mel, dito lang ako sa malapit, maghahanap hanap din. Sumigaw ka lang pag may problema!"

"Opo Lolo Joel!"

At pag alis ni Joel, nahiga si Mel sa kama na puno ng tuyong damo.

Pagod na sya at kailangan nyang ipahinga ang katawan nya lalo na ang likod nya.

Hindi pa ito malakas kaya sandali lang kumikirot na ito.

May naka balunbon duon na damit na ginawa nyang unan.

Ngunit ng mailapat na nya ang ulo sa mga nakabalunbon, hindi mapalagay ang puso nya.

"Bakit parang naamoy ko si Kate?"

Iginala nya ang ilong nya, hinanap ang pinagmumulan ng amoy.

Natagpuan nya ito sa nakabalunbon na damit na hinihigaan nya.

Napabangon sya agad at saka kinuha ang mga damit.

"MyLabs ...."

Inilapit nya sa ilong at inamoy amoy ito.

"Kay WifeyLabs nga ito!"

Namuo ang mga luha sa mata ni Mel sa tuwa.

Inakap nya ang mga damit at nakapikit na ninamnam ito.

"Namiss ko 'to!"

Nang biglang ...

"Hahahaha!"

May nadinig syang halakhak ng isang babae sa di kalayuan.

"Kate MyLabs..."

"Nagdedeliryo ba ako?"

Maya maya may nakita syang parating, isang babae. Nakangiti na puno ng buhay.

Napatanga si Mel habang pinagmamasdan ang babaeng papunta dito sa kubol.

'MyLabs....'

Naglulumundag ang puso nya at tila gustong kumawala sa dibdib nya at para magtungo kay Kate.

'Si WifeyLabs nga! Hindi ako pwedeng magkamali!'

Tatawagin na sana nya ito ng makita nya ang lalaking parating.

Nakangiti ito kay Kate.

Nagpupuyos sa selos si Mel ng makita ang lalaking nakangiti sa asawa nya. Kumakabog ang dibdib nya sa galit, gusto nyang lusubin ang lalaki at sapakin.

Agad nitong kinuha ang mga saklay at saka mabilis na bumaba ng kama subalit ...

BLAG!

UGH!

Nakalimutan ni Mel na injured sya kaya na out of balance ito at tuluyang tumumba na ikinagulat naman ng dalawang dumating.

"Sino ka? Magnanakaw ka ba?"

Matindi ang kirot na nararamdaman ni Mel kaya hindi ito sumagot pero pilit pa ring tumayo ni Mel hangggang sa mailagay ang saklay sa kili kili bilang suporta. Saka nagsalita.

"Ikaw ang sino ka? Bakit ganyan ka makangiti sa asawa ko?!"

Singhal na nangangalit na si Mel.

Pati mga ugat nito ay naglalabasan sa galit.

"Elise, kilala mo ba sya?"

Tanong ni Ethan.

"Hindi!"

Umiiling na sagot nito.

Sobrang tindi ang nararamdaman ni Mel sa buong katawan nya ngayon pero kaya nya itong tiisin.

Ngunit paano nya matitiis ang sakit na malaman nyang hindi sya nakikila ni Kate?


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C113
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk