"The Beginning"
**********
Booom!!!!!!
Agad akong nagising sa lakas ng pagsabog na narinig ko. Peste! Buti nalang hindi ako nalaglag sa sanga ng puno na kinahihigaan ko.
Tumalon talon pa ako sa mga sanga ng puno, hanggang sa makarating ako sa pinanggagalingan ng pagsabog. Nakita ko ang limang kalalakihan na pinagtutulungan ang isang babae. Automatic na nanlaki ang mata ko ng mapagtantong mga Dark Mage pala ang mga lalaking iyon. Kaya agad kong inilagay ang hood ng suot kong black cloak at tumalon sa harapan ng babae.
"Umalis ka diyan! Kung ayaw mong mamatay!" Tss... ako ba daw ba ang takutin. Ipadala ko siya sa impyerno eh.
Tumalikod ako para sana tulungan ang babae na makatayo pero biglang sumugod ang isa at binato ako ng tatlong daggers. Tsk! weak!
Agad kong binuhat ang babae at tumalon sa kabilang side upang makaiwas, inilapag ko sa sahig ang babae na hanggang ngayon ay wala pa ring malay, at naglakad papunta sa mga Dark Mage na ito.
"Imperio" pagbanggit ko noon ay saktong tumingin sa mata ko ang isang Dark Mage
"Kill them." at gaya nga ng sinabi ko bigla nalang niyang sinaksak ang mga kasama niya na halatang nagulat sa ginawa niya.
"Now Kill yourself" balewalang utos ko kaya naman sinaksak nga niya ang sarili niyang leeg.
Tsk sabi na nga ba mga weak. Naglakad na ako papasok sa gubat pero tumigil muna ako saglit.
"Kayo, get her and leave." Lalakad na sana ako ng makita kong ayaw pa rin gumalaw ng mga ito sa taas ng puno kaya nagbato ako ng Cards sa pwesto nila.
"I said get her and leave." At akmang lalakad na ako ng magsalita ang isa. Potek kailangan bitinin lagi ang pag-alis ko?
"Ikaw! Sino ka?"
"I'm just a... nobody" sagot ko. Kilala ko sila mga officials sila ng lugar na ito, ang Fleya kung saan makikita ang Air Kingdom.
Naglakad na ako papasok ng gubat at hindi ko na pinansin pa ang mga sinasabi nila.
"You, kanina mo pa ako sinusundan." Langya bakit ba ayaw agad lumabas pag kinakausap. Mga bwiset.
"Ikaw na nasa pang limang puno sa kaliwa, lumabas ka na diyan." Lumabas naman ang isang lalaki doon, siguro nasa 30's na ang edad niya.
"Tinago ko na nga ang Magi ko at ang aking Aura, ngunit nalaman mo pa rin na sinusundan kita?" Sabi nito. Pero imbis na sagutin siya ay tinanong ko na lang siya.
"Anong kailangan mo?" Cold pa rin ang boses ko kagaya ng una akong magsalita.
"Ahh gusto lang sana kitang imbitahang pumasok sa Crest View Academy" tahimik lang ako at hindi pa rin pala niya nakikita ang mukha ko dahil naka hood pa rin ako hanggang ngayon, which is good for me.
"Crest View?" Tanong ko. Alam ko ang Academy na ito dahil sobrang sikat nito at pili lang ang mga nakakapasok dito.
"Oo. And by the way I am Headmaster Luke." Pakilala niya.
"Sumama ka sa akin" at nag banggit siya ng ilang salita at pagkatapos nga ng ilang minuto nakapagbukas na siya ng portal kaya sumunod na lang ako.
Pag mulat ko ay nasa harapan na ako ng Academy pero wala na yung Headmaster Luke daw. Sumunod na lang ako sa pila ng mga gustong mag-aral sa Academy. Balita ko kasi ay may mga test o pagsubok ka muna na haharapin, at kapag hindi ka nakapasa edi malamang hindi ka rin makakapasok. Utak please.
"Ano ba yan girl, may freak ata rito? Haha as if makakapasa siya?" Girl 1
"You're right girl look at that cloak duh.. ang putik at sira-sira pa. Maybe he's from a common family." Girl 2
Hindi ko na lang sila pinansin paki alam ko ba sa kanila.
Nang makarating na ako sa babae na nagpakilalang secretary ay pinaalis niya ang cloak na suot ko. Matagal muna bago ako nakakilos. Hindi kasi ako sanay na wala akong takip sa mukha, hindi naman sa pangit ako gwapo ko kaya. Ayaw ko lang na pinagtitinginan ako naiinis ako.
"Ahh... excuse me po pwede po bang paki-alis na ang cloak ninyo at magsisimula na po tayo." Sabi pa ng secretary kaya no choice ako. Tsk. Bakit? Hindi ba sila makakapagsimula pag suot ko ang cloak ko aaiist..
Tinanggal ko ang suot kong cloak at ibinigay ko ito sa isang lalaki at saka lumabas. Nang tumingin ako ay nakatingin silang lahat sa akin. Tsk. I hate it.
"OMG girl ang gwapo pala nya!" Girl 2
"Oo nga may gosh! narinig niya kaya ako?" Girl 1
Pagkatapos ninyo akong laitin kanina tsk.
"Ok. Listen! Mayroon kayong tatlong pagsubok nadadaanan may chance na mag-isa lang kayo pero pwede rin na may makasama kayo. It depends on your luck. Illusion lang ang lahat pero totoo ang mga sakit na mararamdaman niyo sa loob. So if you're ready pumasok na kayo." Pumasok na sila kaya sumunod na ako.
Pagmulat ng mata ko ay nasa isa akong disyerto, wala akong makita kundi puro buhangin. Ano naman kaya ang gagawin namin? Tsk. Hindi kasi ako nakinig hay buhay nga naman.
Naglakad na lang ako ng naglakad kesa naman tumayo lang ako dito. Lumutin pa ako.
"Hmm... sa wakas may nakakita na rin sa akin. Ano handa ka na ba?" Sabi ng isang lalaking kulay abo ang buhok.
Tiningnan ko lang siya. Ito na kaya ang pagsubok? Alam kong madaming mata ang nakatingin sa akin, or let me say naka monitor kaming lahat dito.
"Ok." Walang gana kong sagot sa kanya.
Kita ko naman ang inis sa mukha niya kaya bigla siyang sumugod sa akin.
"Sand slash!" Nabuo sa buhangin ang isang malaking hugis espada at dumiretso ito sa akin. Pero nanatili lang akong nakatayo sa puwesto ko.
Hmmm... ano kayang ipangtatapat ko? Ayoko munang malaman nila ang kakayahan ko kaya ng malapit na sa akin ang atake niya ay nagbukas ako ng portal sa harap at likod ko. Isang mabilis na pagbukas at pagsara ng portal ang ginawa ko, kaya nagmistulang tumagos sa akin ang atake niya.
"Is that so?" Tanong ko naman dito na may tonong nang-iinis kaya agad niya akong sinugod. Pikon pala ito.
Puro iwas lang ang ginagawa ko. Hanggang sa maramdaman kong bumibigat na ang paghinga niya, mukhang pagod na.
"Iiwas ka na lang b----"
hindi ko na siya pinatapos pa at agad kong hinawakan ang leeg niya bago ko pinilipit hanggang sa hindi na siya humihinga pa. Nang bitawan ko siya ay nag-iba na naman ang paligid ko, nasa kuweba na ako at ng lumingon ako sa paligid ay nakita kong 15 na lang kami rito, kanina kasi ay nasa 40 kami ngayon 15 na lang. Hindi naman gaano kahirap ang unang pagsubok, o sadyang mahina lang ang nakalaban ko.
Nagulat ako ng may humila sa kamay ko kaya napatakbo na rin ako. Start na ba?
"Langya ka bro. Kanina pa kaya kita tinatawag sa simula pa lang pero halatang hindi ka nakikinig." Sabi ng humihila sa akin, at ng lumingon siya ay nakita ko ang mukha niya.
"Uy ikaw pala? Sino naman nagsabi sayo na pumasok ka rito?" Tanong ko sa kanya.
"Si mom sino pa ba? Nga pala call me Sage. Ikaw anong nilagay mong alternative name mo?" Sabi ni Sage ahh oo nga pala tinanong kami kung ano ang alternative name na gusto namin, para na rin maitago ang real identity namin.
"Soul... yun ang una kong naisip eh" sagot ko sa kanya..
"Ahh... pero ayos din ah related talaga sayo haha" binatukan ko na lang.. daming alam..
"Ano ba susunod na gagawin? Para hindi na ako mabigla baka may susugod na naman sa akin eh" tanong ko sa kanya at balewala lang sa amin ang pag-uusap habang tumatakbo.
"Kaya nga hinila kita siguradong hindi ka nakinig kanina haha" kaya binatukan ulit.
"Aray ha! Nakakadalawa ka na ang sakit kaya." Reklamo ni Sage.
"Kung sinasagot mo na lang kasi ang tanong ko ng maayos hindi ka masasaktan."
"Brutal ka lang talaga.. kailangan tayong makahanap ng tig-isang flag sa loob ng gubat na ito may timer tayo kaya bilisan na natin." Kaya nagpatuloy lang siya sa pagtakbo at nagpatangay lang ako nakakatamad kaya.
"Aaaahhhhhh!!!!!!" Teka malapit lang iyon sa puwesto namin.
"Oo nga pala may mga patibong sa paligid, kung wala naman may nagbabantay sa flag." Nagkibit balikat na lang ako.
"Ayon may nakita na ako" sabi ko kay Sage kaya nag tungo na kami doon.
Sage POV
Agad kaming tumakbo ni Soul sa may puno ng biglang may humarang sa amin.
"Get that Flag, ako na ang bahala sa panget na ito." Cold na sabi ni Soul.
Agad akong humiwalay sa kanya at agad na nagtungo sa puno at umupo pagkakuha ko ng flag. Pinanood ko na lang si Soul sa laban niya.
"Can you just out of my way or you'll be a dead meat" cold na sabi ni Soul pero mas cold pa kaysa kanina kaya nagtayuan ang balahibo ko so cringe.
"Hindi ikaw ang magpapasya ng mga gagawin ko! Vine Whip!" Agad na may lumabas na baging papunta kay Soul.
Biglang nagteleport si Soul sa likod ng kalaban niya at may binulong.
"Stupefy" hindi ko alam kung ano ang nangyari pero bigla nalang huminto ang mga baging at ang lalaki.
"See you in hell then.. Extecio" hinawakan o magandang sabihin na tinapik lang niya ito sa balikat at biglang umilaw ang buong katawan ng kalaban niya at biglang sumabog.
Otomatikong nanlaki ang aking mga mata sa nakita ko. Alam ko namang brutal siya pero grabe lang talaga. Siguro mga Spell na naman ang binulong niya. Bihira talaga gumamit ng Magi si Soul alam kong isa siyang Secret Caster, sa pagkakaalam ko rin wala ng nabubuhay na katulad nila maliban kay Soul.
Ang Secret Caster ang pinakamalakas na Caster sa Thorem noon, pero bihira lang ang nagtataglay nito. Kaya kasi nilang magbigay ng Curse Spell sa kahit sino nang hindi napapansin ng kanilang mga kalaban, tinatawag rin silang Cursed People.
Sigurado ako nagtataka na ang mga officials ng Academy kung paano ni Soul napabagsak ang kalaban niya. Hay nako naman bakit mukhang ako ata ang namomroblema.
"Lalim ata ng iniisip mo?" Halos malaglag ako sa sanga ng puno na kinauupuan ko. Ano ba naman ito bigla na lang sumusulpot kung saan-saan.
"Ahh hindi naman." Sagot ko nalang.
"Tara na" sabi nito at tumalon na sa sanga. Tiningnan ko lang siya.
"Anong tinitingin-tingin mo? Tara na. Sabi ko." At pinakita niya sa akin ang hawak niyang Flag. Teka saan naman ito nakakuha ng Flag?.
"Nahulog noong sumabog yung katawan ng kalaban ko." Kaya na pa ahh nalang ako.
Agad kaming nagteleport pabalik sa kuweba. Pagkapasok namin sa loob ay na teleport naman kami sa huling pagsubok.
"Okay so out of 40 people na gustong makapasok sa Academy 10 nalang kayo ngayon." Sabi ng Secretary ng Academy. So lima pala ang hindi nakapasa sa ikalawang pagsubok.
"Para naman sa huling pagsubok ay kakailanganin ninyong masira ang harang na ito para makapasok kayo sa loob at pagkapasok niyo naman ay mapupunta na kayo sa Office ni Headmaster Luke. Tapos ay bigla siyang nag teleport.
Nagsimula na silang sirain ang harang para makapasok. Pero kami ni Soul ay parehas lang na naka tayo sa likod nila, at nag kukuwentuhan.
"So kailan ka pa dito? Hindi ba nasa mortal world ka?" Tanong ko kay Soul
"Hmmm... last week lang, ikaw ba?"
"Kahapon lang, dapat sinabihan mo ako para doon ka sa amin nag stay."
"No need mas gusto ko mag gala dito sa labas at mag stay sa gubat, you know training na rin. So napag desisyonan mo na palang mag-aral rito? Sabagay you're one of them dapat lang na pangalagaan mo ang Thorem" nakangisi pa ito sa akin.
"Hmm... ayaw ko naman takbuhan ang responsibilidad ko. Tsaka isa pa, mahirap mag training sa mortal world alam mo na hindi ka basta basta pwedeng gumamit ng Magi unlike dito."
"Sabag---" naputol si Soul sa pag sasalita ng biglang sumingit yung isa sa mga kasama namin.
"Kayo hindi niyo ba kami tutulungan? Kanina pa kayo nag kukwentuhan jan ahh?" Tanong noong lalaking mayabang.
"Oo nga! Kami nagpapakahirap dito tapos pag na sira na namin papasok na lang kayo? Unfair!" segunda naman noong babaeng may salamin.
"Wow? Kasalanan ko ba kung nahihirapan kayong sirain yang pipitsugin na harang na yan?" Sabi ko na lang nang mag lakad paabante si Soul.
"Move." Halata ang gulat sa mukha nila sa boses pa lang ni Soul. Dapat lang no.
"Sino ka naman para utusan kami?"sabat ulit ng lalaking mayabang.
"Edi sirain ninyo yan mag-isa ninyo! Sasabihin ninyong tumulong kami tapos ayaw niyo namang umalis diyan. Take note ang lalaki ninyong surot at diyan pa kayo nag kalat at humarang sa daan." Ako na lang ang nagsalita bakas na kasi sa mukha ni Soul na naiirita na ito.
"Ang yabang mo ah!" Akmang susugod ang lalaki sa akin ng biglang may sumabog.
Pagtingin namin nakita kong sirang sira na ang harang, as in wala ng natira ni bakas man. Tapos napatingin ako kay Soul nakaharap sa amin noong lalaki pero yung kamay niya nakatutok pa doon sa harang and Obviously siya ang sumira noon.
"You're too noisy. The next time you'll interrupt me from talking. Your weak body will experience how to explode like this weak barrier." cold ulit na sabi niya. Halatang nagulat pa sila.
"Tsk.. kung hindi ko kayo pinaalis baka kasama na kayong naglaho ng harang na iyon." Tapos ay sumunod na ako kay Soul
-------
Soul POV
May lumapit sa aming babae at pinapasok na kami sa loob ng gate. Ang laki ng gate dito at may barrier din. Siguro para sa proteksyon ng Academy.
Pinapila kami at binigyan ng mga numbers at papel bilang guide sa mga gagawin namin sa pag-eenroll dito. Hindi kami magkasunod ni Sage ng numero. no. 5 ako samantalang siya naman ay no. 2, nakakainis sana ako nalang ang una.
Naglibot-libot lang ako ng tingin at sa tinagal-tagal ay ako na. Pumasok ako sa room 1 dito pinag-fill up ako ng form tapos ay pumunta ako sa room 2 dito naman ginagawa ang I.D pinatayo ako sa gilid at pinicturan tapos ay tinawag ako at tinanong kung ano daw ang gusto kong alternative name, it's like a code name or sort of a user name. Para daw ito sa protekyon ng real identity namin. Pagkatapos ay pinapunta na ako sa labas at ibibigay daw doon sa akin yung I.D ko. Ang bilis naman nila gawin pero ok na iyon. Hindi ka kasi makakapasok sa loob kung wala kang I.D bali itong pinasukan namin ay hindi pa mismo yung school namin.
After ko makuha ang I.D ko chi-neck ko lang ito napansin ko na ang plain naman.
******