Unduh Aplikasi
21.42% The Phantom Slayers: The Destined Teens / Chapter 3: 02: Academia Tcycheiro

Bab 3: 02: Academia Tcycheiro

VION

"ANO?! LILIPAT TAYO?!" Gulat kong tanong sa kanya.

"Hey, lower down your voice. Daig mo pa babae eh." Aniya habang itinataas-baba ang kanyang kamay na animo'y pinapakalma ako.

"Loko ka ba?! Sinong matutuwa sa sinabi mo? Bat tayo lilipat?" Bulyaw ko.

"Pano ko ba sasabihin to?" Kausap niya sa sarili.

"Ang alin ba?" Inis kong tanong.

"May kakaiba ka bang napapansin dito sa bahay?" Tanong niya pabalik. Napaisip naman ako. Naalala ko yung sa kwarto ko na parang may nagmamasid na ewan kapag binabangungot ako tapos kanina pagkaalis namin.

"Ano naman connect nun?"

"May nagbabantay satin, Vion. Kapag binabangungot ka, napapansin ko na may kung ano na nagmamasid sayo mula sa bintana. Alam kong napapansin mo rin iyon dahil hindi na yun bago satin." Aniya habang naglalagay ng mga gamit sa mga kahon. Yun pala ang purpose nun.

"Bat kailangan pa nating umalis? Pwede namang sila na lang. Baka may mga spy yung mga kapitbahay kaya ganon."

"Hindi tayo mga bigatin para may magpadala ng spy dito." Napatigil naman siya sa ginagawa at humarap sakin. "Anak tayo ng dating mga slayers." Seryoso niyang saad na nagpataka sakin.

Slayers? Wala akong maintindihan sa nangyayari ngayon hangang sa biglang nagflashback sakin yung nangyari 11 years ago. Yung mga lobong humahabol samin, yung pag-atake nito sa papa namin, yung pagkamatay ni mama at yung mga dugong tumalsik samin mula sa lalaking nais kaming patayin. Ang pinakahuli ay yung bulto ng tao na may hawak na katana habang papalayo samin.

"Kailangan nating lumayo dito dahil mapapahamak lang tayo. Hindi ko alam kung ano ang balak nila satin. Pero tinawagan ako ni principal kaya kailangan na natin umalis."

"Yun ba yung kausap mo kanina bago tayo umalis?" Usisa ko.

"Oo. Kaya naman tumulong ka na sa pagliligpit dito."

Matapos nun ay tinulungan ko na siyang maglagay ng mga gamit namin sa mga kahon. Tinagal kami ng halos apat na oras sa pagliligpit. Apat na kahon na rin ang naoccupy ng mga gamit namin wala pa ron yung mga damit namin. Anong kalseng paglilipat ba gagawin namin?

"Kumuha ka na ng mga damit mo sa taas. Yung mga ginagamit mo lang tyaka yung iba mo pang gamit." Sinunod ko naman siya. Habang papaakyat ay nakaramdam ulit ako ng kakaiba na para bang may nakatingin sakin. Napalingon naman ako sa paligid ngunit wala naman akong makita hanggang sa nakarating ako sa kwarto. Nabigla naman ako dahil bukas ang bintana.

"Sinara ko to kanina bago umalis ah."

"Hindi na ba ako welcome dito?"

Halos mapatalon ako sa sobrang kaba dahil sa boses na narinig ko. Boses ito ng isang bata. Matinis. Parang trying hard sa pagpapaliit.

"Sino ka? Pano ka nakapasok?" Tanong ko habang nililibot ang tingin sa kwarto ko. Wala naman na akong narinig. Ano yun?

"Vion?! Tapos ka na ba?!" Sigaw ni Hiruu sa baba. Isinawalang bahala ko na lang yung narinig kong boses at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit ko. Nilabas ko naman yung maleta kong itim mula sa ilalim ng kama ko't halos lamunim na ako ng alikabok mula rito.

"Fuck! Ang alikabok mo naman!" Singhal ko sa maleta habang pinapagpagan ito gamit ang walis tambo. Nang matapos ay nilabas ko na yung mga damit na gagamitin ko't nilagay ito sa maleta. Halos karamihan sa mga damit ko ay kulay maroon, puti at itim. Maya-maya pa'y natapos na rin ako. Naligo't nagpalit na rin ako ng damit dahil amoy pawis na ako.

"Tapos ka na Vion?!" Muling sigaw ni Hiruu. Tiningnan ko naman ang palibot ng kwarto ko. Medyo maayos na ito dahil nabawasan na ng gamit. Aalis na sana ako ng may mapansin ako sa ilalim ng kama ko na kumikintab dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana.

"Pababa na!" Sigaw ko pabalik. Kinuha ko naman ito at isa itong kwintas na may dalawang katana. Nilagay ko naman ito sa bulsa ko saka bumaba dala ang isang maleta at yung itim na backpack ko na ginagamit ko sa pagpasok.

"Andyan na ba lahat ng gamit mo?" Tanong ni Hiruu ng makababa ako.

"Oo. Iniwan ko sa taas yung iba kong gamit na di ko naman kailangan." Sabi ko. Tiningnan ko naman yung sala at napansing wala na yung mga kahon. Mukhang nasa labas na.

"Halika na. Kailangan na nating umalis." Aniya habang tinutungo ang pinto. Nauna akong lumabas dahil siya ang magsasara ng bahay. Pansin ko sa labas ang isang truck at isang kotseng pula. Yun ba yung sasakyan namin?

"Wala ka na bang naiwan sa loob?" Tanong ni Hiruu ng makalapit siya sakin. Tinanguan ko naman siya bilang tugon. Maya-maya pa'y lumabas na kami ng gate at sinalubong naman kami ng lalaking kalalabas lang sa kotse. Sa tingin ko ay nasa 5'11 ang taas nito. Nakasuot ito ng isang blue v-neck shirt at isang ripped jeans na pinaresan ng jordan air na sapatos.

"Yan ba ang kapatid mo, Hiruu?" Tanong nito habang kinukuha yung maleta namin.

"Oo." Maikling tugon ng kapatid ko. Nag-usap pa silang dalawa bago kami umalis.

Habang nasa byahe ay tahimik lamang ako. Kinakausap ako paminsan-minsan ng lalaking nagpakilala sakin bilang Harley. Kaklase siya ni Hiruu.

"You will like it there, Vion. Hindi siya basta-bastang paaralan lang." Ani Harley. Tinanguan ko lang siya dahil wala ako sa mood makipag-usap.

Call me introvert but I really don't know how to socialize with other people aside from my brother. Lumaki ako na laging nakakulong lang sa bahay at nag-aaral ako dati sa isang school kung saan nakahiwalay ako mula sa mga kaklase ko and I don't know why.

"Andito na tayo!" Wika ni Hiruu. Napatingin naman ako sa bintana ng kotse at namangha sa nakita pero hindi ko pinahalata sa mga kasama ko. Isang city ang nakikita ko at well-arranged ang mga bahay. May nakita akong isang parang bundok ng mga bahay-no, more like para siyang kastilyo.

"That's the Tcycheiro Academy, Vion. Dyan kami nag-aaral and dyan ka na rin ngayon mag-aaral." Tukoy ni Hiruu sa nakita kong parang bundok.

"Hindi yan bundok, Vion. It's a castle-like school looking like a mountain." Dagdag niya pa. Teka? Pano niya nalaman na ganon ang iniisip ko?

"You're saying it loud enough for us to hear it, Vion." Ani Harley. Hindi na lang ako umimik at saka nagmasid sa may bintana. May nadaanan kaming mga shop na naka-kanji katulad ng shop na pinuntahan namin ni Hiruu sa mall. May mga tao rin na naglalakad at ang mas nakapukaw sakin ay ang grupo ng mga estudyanteng nakasuot ng uniform na katulad sa binili namin.

Sa sobrang abala sa pagmamasid ay hindi ko namalayang nasa tapat na kami ng academy.

"Good day, Mr. Harrison! ID please." Ani ng nakabantay na gwardya sa gate. Pinakita naman ni Harley ang ID niya at saka kami pinapasok ganon rin yung truck na kasunod namin.

Pagkapasok ay may isang mahabang tulay ang natanaw ko bago makaabot sa pinakamain door ng academy. Gaano ba to kalawak? Mayaman siguro ang may-ari ng eskwelahang to.

"Mukhang humihigpit sila ngayon ah." Pagbubukas ni Hiruu sa topic.

"Pabago-bago naman kasi ng pag-iisip si Mr. Takano. Minsan mahigpit, minsan hindi. Haha." Natatawang sabi ni Harley. Maya-maya pa'y nakapasok na kami sa academy. Bumungad samin ang isang malaking fountain at ang sa tingin ko ay ang main building ng academy na may nakaukit sa itaas na Academia Tcycheiro. May mga estudyanteng nagkalat sa paligid. Pinarada naman ni Harley sa tapat ng main building ang kotse at saka sila bumaba ni Hiruu. Dahil sa pagtataka ay bumaba na rin ako at doon ko nakita ang kabuuan ng academy.

"Harley! Hiruu!" Sigaw ng kung sino kaya napatingin kaming tatlo sa gawi ng sumigaw. Nakita kong may babaeng nakauniform ang tumatakbo papalapit sa kinaroroonan namin.

Nakasuot ito ng gold blazer na ipinatong sa white long sleevea polo at may maroon na necktie. Checkered naman na gold at maroon ang kulay ng skirt nito na sa tingin ko ay 2-3 inches above the knee ang haba. Pagkalapit nito at agad niyang inakbayan ang dalawa bago napatingin sa gawi ko.

"Oh! Hi!" Masiglang bati niya sakin. Walang ekspresyong tiningnan ko ito. I'm not really fond of girls. They're clingy.

"May pupuntahan pa kami, Ayumi. Mamaya mo na lang kulitin si Hiruu." Ani Harley.

"Can I come? Please! Pretty please!" Napairap na lang ako dahil sa pagmamakaawa nito.

"Sige. Basta huwag kang magulo. Vion, halika ka." Yaya ni Hiruu at saka naglakad papasok sa main building.

Pagkapasok ko ay napansin ko ang malawak na paligid. May malaking chandelier na nakasabit. Naiimagine ko yung hall ng Hogwarts dahil dito o kaya naman yung mga hall ng magagarbong palasyo. I'm so amazed because of the interior design. Umakyat naman kaming tatlo sa second floor.

"Harley, Ayumi, dito muna kayo sa labas. Papasok muna kami ni Vion. Ipapakilala ko siya sa principal. Wait us here." Ani Hiruu. Tumango naman yung dalawa.

"Halika na, Vion." Yaya naman ni Hiruu sakin at sabay kaming pumasok sa isang kulay ginto na pinto. Sa pagpasok namin ay inilibot ko ang tingin hanggang natigil ito sa lalaking prenteng nakaupo.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C3
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk