Unduh Aplikasi
77.77% The Nerd's Quest / Chapter 7: TNQ 6 : ETHAN KNOWS

Bab 7: TNQ 6 : ETHAN KNOWS

ATHENA POV...

Kumakalam na talaga ang aking sikmura. Kainis! Mga walangya! Mga ipokrita! Agghh!

Napasabunot na lang ako ng buhok at napahiga sa damuhan. Nandito ako sa may garden ng academy kung saan tahimik at walang istorbo.

"Those Queens, sarap pakain sa mga pating sa karagatan." sambit ko habang tumitingin sa ulap.

"Ano tatawagan ko na ba si dad para ipatapon na sila sa karagatan na madaming pating?"

Napabalikwas ako ng higa at napaharap sa taong nagsalita. Pagkaharap ko palang inambahan na agad ako nito ng yakap.

"I really miss you couz. I can't believe you're here. Matagal ko ng kinukulit si Kuya Ares na ilipat ka dito and finally you're here. The heiress of the throne of the legendary queen, Hera Venus Perez Maxwell."

Napakunot ang noo ko sa mahabang litanya nito.

"Hey, nasasakal na ako sa yakap mo't pananalita."

Bumitaw ito ng yakap at ang langya ako pa ang tinaasan ng dalawang kilay.

Ang dami ng pinagbago sa pinsan kong ito. She's beautiful kahit uniform ng academy ang suot nito na tinernuhan ng light make up. Di ko matandaan kung kailan ko siya huling nakita.

"Done checking on me young lady?" tanong nito na taas-baba ang kilay. "Couz, I know I'm beautiful. Maganda kaya ang lahi natin." sabi niya sabay flip ng kanyang buhok.

"Whatever. What are you doing here?"

"I know you're hungry, kaya dinalhan kita nito." pagkasabi, inabot nito ang isang paper bag at biglang nag indian seat sa damuhan.

Nag indian seat din ako't binuksan ang dala niya at tumambad sa akin ang dalawang burger, dalawang cup cake, isang chocolate cake at isang soda.

"Hanggang ngayon ba, alam mo parin ang gusto kung pagkain?"

"Well,paano ko makakalimutan ang mga pagkaing gusto mo? Ehh, ako palagi ang pinapalibre mo. Butas ang bulsa ko lagi sa iyo noon no'. At nawala ka nga ng ilang taon, pumalit naman ang kuya mo. Siya ang pumili niyan at ako lang naman ang pinagbayad. Tsk, parang di kayo mayaman."

"Aba, bat sa akin ka nagrereklamo?"

"Aish. Di kaya ako nagrereklamo, nagsheshare lang ng nararamdaman. By the way, I love the way, you talk to those bitches. Nakakakita na sila ng katapat at ang real queen pa talaga. And what's with that look?"

"Bat mo pinalaki ang mga sungay ng mga ipokritang mga babaeng yon? So far as I know, karapatan mo ring mamahala sa akademyang ito. What's with my look? Nothing. Gusto ko lang mag-ayos ng ganito. Gusto mong gayahin?"

"Ehh, di nila ako sinubukang kalabanin kaya binaliwa ko sila. At thanks sa pag iimbita na mag ayos ako ng ganyan. Nerdy thing is not my hilig kaya."

"Sabihin mo na lang ayaw mong mabully."

"That's the one reason also at alam mo mababa lang ang pasensya ko sa mga taong bully baka makapatay ako ng wala sa oras."

"Tsk."

Naging madaldal ata ako kapag tong lukaret na babaeng ito ang kasama ko. Well, tbh I miss her too, so much. Siya ang isa sa mga kaibigan kong nagpapasensya sa pagkabipolar ko.

"You know how I miss the two of us just like this Athena." biglang saad niya. "Kaya nga ng nabalitaan ko na dito ka mag aaral laking tuwa ko't makakasama ko na sa wakas ang pinsan kung bipolar." dagdag pa niya.

Di ko namalayang humiga na pala ito sa damuhan at ginawang unan ang dalawa niyang braso.

"Tche, wag kang magsinti diyan. And besides, di sumagi sa isipan ko na dito ka nag aaral."

Totoo naman eh, di ko talaga naalala na dito rin pala ito nag aaral.

"Tche ka rin. Ganyan ka naman palagi, ulyanin."

"Duh! Pwede bang pakainin mo muna ako. I'm fucking hungry, wala pa kaya akong breakfast."

Wala na itong kibo kaya't kumain na ako. I feel uncomfortable habang nginunguya ko ang burger. Somehow, I feel there's someone spying us. Ininom ko muna ang soda at nagwika.

"Hiding on a tree is dangerous for spying. Baka di mo mamamalayan ang minamanmanan mo nasa likuran mo na."

Napabalikwas sa pagkahiga ang pinsan ko at tinungo kung saan ang taong nagmamanman sa amin. Nang malapit na ito sa puno, biglang lumabas ang taong nagtatago nito.

"Ikaw na naman?!" singhal ni pinsan.

"Hi, my dearest Iris"

"Hi mo mukha mo Chavez!"

Di ko inasahan na susuntukin ni Iris si Ethan ngunit nasalo naman iyon ng lalaki.

"Chill babe. Ang init ng ulo mo sa akin."

Babe? Kailan pa?

"Babe mo mukha mo! Hindi tayo Chavez at asa kang maging tayo! Let my hands down."

I see what is their status for now.

"Ok, I let your hands down and don't do any reckless thing to me or else I'll kiss you*smirk*."

"Kiss? Ikiskis mo sa pader ang malapad mong labi! Bitaw na nga sabi!"

Binitawan naman ni Ethan ang kamay nito.

"What brings you here?" mataray na tanong ni Iris at pinamaywangan pa si Ethan.

"Ahh.. Kasi.." kamot batok na sagot ni Ethan.

"Stupid!" sabat ko at tiningnan ako ng masama sa dalawa.

"Di ako matitinag sa masama ninyong tingin. Mukhang may future kayong dalawa if kayo ang magkakatuluyan." I said and smile to them.

"Asa ka Athena!" mabilis na saad ni Iris at inirapan pa ako.

Tsk. In denial stage pa sa ngayon. Tingnan natin sa kalaunan.

"Chavez, you know, curiosity can kill. But, di na ako nagulat, I expect that you and Cloud can discover my true identity in a little period of time. I know when you are fascinated with puzzles, you don't wastes time to solve it. You're the easy go lucky of the four. Isip bata kung tingnan ng karamihan cause you don't take things seriously but I think mali ang iba sa mga inaakala nila sa iyo. Ang totoong Ethan Dave Chavez ay nasa likod ng mga tawa at biro nito. The true Ethan Dave Chavez is a clever man na kasing clever ni Shinichi. You know how to analyze and elucidate the happenings around you. Correct me if I'm wrong Chavez?"

He smiled at me. Naging seryoso ito na ibinulsa ang mga kamay. Nasa side pa rin nito si Iris na nakakunot ang mga noo.

"You never failed to amaze me Athena Tyche Perez Maxwell. But, somehow your are wrong, I'm not clever as you are and as Shinichi. Di ko nga na isip kaagad na ang last name ni tita Hera is Perez at ang kaharap ko ay ang hidden treasure ng angkan ng mga Maxwell. After 12 years na di pagpapakita, you change a lot, Ty."

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi ng lalaki lalo na nang marinig ang palayaw nila sa akin dati na hindi ko kailanman nagustuhan.

"Don't you dare to call me on that nickname Chavez!"

Tumawa ito na lalong kinainis ko. Kahit kailan ang taong to di maalis ang biro.

"Kung di ka titigil sa pagtawa mo diyan, baka di kana sisikatan ng araw."

"Ok na po. Di na po tatawa." saad nito at tinaas pa ang dalawang kamay pagkatapos pasimpleng inakbay ang isang braso kay Iris. "Ayaw ko pang mamatay noh, di pa kaya ako sinasagot ng maganda mong pinsan."

Napairap naman ang pinsan ko at inikot nito ang kamay ni Ethan at inambahan ng suntok ang mukha na di nito napigilan.

"Ouch! babe ang harsh mo naman. Ganyan ba ang pagpapakita mo ng pagmamahal sa akin?"

Aambahan pa sana ng isang suntok ni Iris si Ethan nang pigilan niya ito at iginayak sa punong pinagtataguan. Na estatwa naman si Iris ng unti-unting ilapit ni Ethan ang mga labi nito sa labi ng pinsan ko.

"What the heck! You two, get a room! Langya! Ang PDA nyo masyado."

Bulalas ko na siyang ikinatigil ni Ethan. Humarap ito sa akin na nagkakamot ng batok.

"Kahit kailan Ty, panira ka ng moment."

"Aish. Ako pa talaga ang panira ngayon? Bahala nga kayo diyan."

Tumalikod na ako sa kanila. Napahinto lang ako ng nagwika si Ethan.

"Ty, wala ka bang ipapakiusap sa akin?"

"Kung mayroon man ay iyong wag mo na akong tawagin sa nickname ko na iyan at subukan mong saktan yang pinsan ko, ako ang makakalaban mo. Mark my words. You know what I can do Chavez." pagkasabi ko niyon nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Hey!talaga bang iiwanan mo ako sa gago na to?" sigaw ni Iris na halatang nahimasmasan na sa pangyayari.

"If you want to talk to me, puntahan mo ako sa mansyon. Alam kong alam mo kung paano lalampasan ang mga bantay doon. Enjoy with my dear couzin, Chavez." pasigaw ko ring saad at winiwave ang kamay ko sa kanila.

---------------------------------------


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C7
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk