@ International_Pen
((( SENA )))
Nalaman ko kila Cecile, na yun… yung pari na magkakasal sa amin ni Sean. Kaya titignan daw nito kung may natutunan ako… at higit sa lahat… tuwing linggo na siyang babalik rito. Okey… sabi nga naman dapat continuous daw ang learning na mangyari sa isang tao. Wag titigil… dahil nga move forward nga palagi dapat.
Saka sayang nga ng Oras ko para magmukmok lang sa wala.
Kinagabihan… naghahapunan ako. Naitanong ko kay Cecile kung tumawag man lang ba ang asawa ko… Si butler Nazi ang kinausap daw nito… at kinakamusta ako. Sa kanila ko din nalaman na… kung nasaan si Sean ngayon. Sa Madrid Mansion… at sana naman hindi siya nakakulong doon. Napaka creepy kaya ng Mansion na yun. Haist… pero proper lighting lang magmumukha nang elegante yun.