Narinig lahat ni Tanaga ang mga sinabi ng kanyang ina na si Naomi, dahilan upang makaramdam siya ng pananakip sa kanyang dibdib. Hindi siya makapaniwala na ang nanay na pinagluluksaan niya ng napaka habang panahon ay sukdulan ang galit sa kanya. Hindi niya alam ang dapat isipin sa mga oras na iyon.
Dahil sa kanyang narinig, nagsimula siyang makaramdam ng galit sa mga oras na iyon at gusto niyang sabihin dito na umalis sa harapan ng pagmumukha niya.
Gusto niyang pagbuntuan ito ng galit na unti unting gumagapang sa katawan niya. Gusto niya itong sabihan na hindi niya ito kailangan sa buhay niya, pero nanatili lamang siyang hindi gumagalaw at nag aantay ng iba pang mga sasabihin ng magaling niyang ina.
Pinagpatuloy ni Naomi ang kanyang masasakit na pananalita habang si Tanaga ay nanatili sa pagkukunwari na walang malay habang nakatikom ang bibig at nakikinig.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pag subaybay. Kaya kahit nang hihina pa ako at nananakit pa rin ang mga kasu-kasuan ko, masaya akong sumulat ng susunod na kabanata.
Thank you!