Nang hindi pa rin sumasagot si butler Ruffy, nilapitan na ito ni Tatay Jessie at hinawakan sa kwelyo ng kanyang suot na Polo Shirt. "Sagutin mo ako! Buntis ba ang anak ko?!" Habang halos sakalin na ito ni Tatay Jessie sa galit.
Mabilis na inawat ng magkakapatid ang ama. Takot sila na baka kung ano ang mangyari kay butler Ruffy sa ginagawa ng ama.
"Tay! Huminahon po kayo! Papaano kayo sasagutin eh sinasakal nyo na si manong Ruffy. Please, lang Itay!" Pakiusap ni Arman sa ama habang pilit niyang tinatangal ang kamay nito sa pagkakahawak sa kwelyo ng matanda
"Opo! Itay, bitawan nyo muna si manong Ruffy, para masagot niya ang tanong nyo."
Dahil sa pakiusap ng mga anak, natauhan si Tatay Jessie at humingi sya ng paumanhin.
"Pare, pasensya ka na. Bugso lang ng damdaming ng isang ama." Dahan dahan niyang inalis ang kanyang kamay sa kwelyo ng damit ni Ruffy. Sabay umatras at umup sa sofa upang makinig sa sasabihin ng mayordomo.
Para masaya kayong reader ko, dalawang chapters today.
Here's #1
Maraming salamat sa inyong pag subaybay, hangang sa muli.
Stay home, stay safe, and stay healthy!
Always wash your hands and don't touch your face, your eyes, and your mouth. Wear mask!
May God bless you all!
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up!