Unduh Aplikasi
32.2% The Baklush Has Fallen / Chapter 19: Chapter 18 : Get Together

Bab 19: Chapter 18 : Get Together

Kahit na okay na talaga ako ay hindi pa rin ako pinayagang pumasok ni Chal Raed, sabi niya magpahinga raw muna ako ng isa pang araw saka na ako bumalik sa trabaho at baka raw kasi bigla na naman akong magkasakit dahil pinabalik niya ako agad, magiging kargo niya pa raw ako.

Haaaay! Ang boriiiing!

Si Kuya Mico at Kuya Mayvee nasa trabaho—pareho silang civil engineer—si Kuya Messle naman may pasok, intern na siya, medicine ang kursong kinuha niya at pag natapos na niya 'yong internship niya at makakagraduate na siya ako naman ang babalik sa pag-aaral para makapag board exam na rin ako at tuluyan nang maging CPA.

Actually, may sapat na pera na 'yong mga Kuya ko para makapag-aral ako ulit for the preparation sa licensure exam kaya lang ay gusto ko na pera ko 'yong igagasta ko para sa sarili ko. Tsaka, tumatanda na sina Kuya, kailangan na nilang mag-ipon for their future family, kaya 'yong pera nila sa kanila na 'yon.

Pero, oo na accounting graduate ako, pero hindi ako accountant sa trabaho, sekretarya ako. Actually, hindi ko rin alam kung bakit—charot! Mas malaki kasi ang sahod bilang secretary ng CEO ng A Company, 'no, kaya roon ako nag apply nang kasagsagang naghahanap sila ng bagong secretary ni Sir Alonzo. Hindi talaga ako pwede, pero dahil dinadaan ko sa ganda—charot—dinaan ko sa humor, brain, perseverance, at persistency kaya natangga ako.

Dami kong daldal! HAHAHAHA! At ayon ang bunsong si Miracle naman ay may pasok din, grade 12 na siya at gusto niyang maging architect, naway maabot niya kanyang pangarap!

Pero, ang boring talagaaa! Send ka-chika, please!

"MONAAAAAY!!"

Wow! Dininig niyo agad!

"Ba't andito kayo? Walang trabaho?" tanong ko agad sa tatlo.

"Nang malaman naming loner ka sa bahay niyo ngayon, nag absent muna kami para samahan ka!" masayang sabi talaga ni Rosas.

"Salamat ha! Hulog kayo ng langit," nakangiting sabi ko.

"Syempre kami pa!" sabi naman ni Joy.

"Hinulog talaga kayo ng langit dahil hindi raw kayo bagay ro'n," pagbibiro ko pa.

"Ah, oo nga pala, may trabaho tayo, 'no? Tara balik na tayo," akmang hihilahin na ni Rosas ang dalawa paalis, pero hinarangan ko sila agad.

"Charot lang, 'di ma biro! Tara, may pizza at fries sa loob—" napatigil ako nang bigla na lamang silang nag-unahan na pumasok ng bahay. Kaloka, Mother Earth! "Okay, chibugan na," walang ka buhay-buhay ko pang dagdag at pumasok na rin sa loob, dinatnan ko naman agad ang tatlo na sarap na sarap na kinakain 'yong pizza at fries KO!

"Monay, hanggang ngayon hindi ko pa rin inaakalang naging jowa mo pala 'yong anak ni Sir Alonzo. Hanep, anak mayaman 'yon, Mon," sabi ni Rosas.

"Ako nga rin 'di ko inaakalang anak pala siya ni Boss," sagot ko naman dahilan para mapatigil sila sa pag nguya ng fries at pizza KO!

"Alonzo 'yon, Mon, bobo 'to. Malamang anak 'yon ng Boss mo," usal na naman ni Rosas.

"Alam kong Alonzo siya, pero hindi ko naman inisip na anak siya ni Boss, malay ko ba, akala ko magka-apelyido lang. Tsaka, hindi ko rin naman na meet 'yong parents niya no'ng kami pa, secret nga kasi, 'di ba? Walang may alam, at bawal ipaalam sa iba na mag-jowa kami," sabi ko, at ang tatlo ay para bang awang-awa sa'kin! Hutang 'yan.

"Okay lang 'yan, Mon, pizza oh," at sa wakas ay binigyan din nila ako ng pizza KO! Akala ko sila lang ang uubos, eh.

"Thanks, Joy, ha, naisip mo ring bigyan ako, kayo lang kasi chibug nang chibug diyan, eh," madrama kong sabi, pero hindi naman nila pinansin ang pag da-drama ko! "Oo nga pala, nagkausap na ba kayo ni Spade?" tanong ko sa dalawa, pero tiningnan lang nila ako. "So, anong mapapala ko sa sagot niyong wala?" tanong ko.

"Hehe, Monay, talaga. Hindi pa kami nag-uusap," sagot ni Joy at sumubo ng limang fries nang sabay. Kapag ganyan, hindi siya komportable sa usapan. Bahala siya riyan, pag-uusapan namin 'yong past nila, kahit mabilaukan siya kakasubo ng limang fries nang sabay.

Hahahaha, charot lang! I love Joy kaya, kahit mukha siyang alien.

"Oh, ikaw, Clarice, nag-usap na ba kayo?" tanong ko at umiling naman siya agad. "Kayong dalawa ni Joy nag-usap na ba kayo?" dagdag ko pa.

"Nag-uusap naman kami lagi, ah," sagot naman ni Joy.

"Iyong ibig kong sabihin 'yong tungkol kay Spade," sabi ko.

"PAKENING! ALAM NIYO BANG HINDI KO KAYO GETS?!" inis talagang sigaw ni Rosas. Oo nga pala, wala 'tong alam.

"Kawawa ka naman, makinig ka na lang tapos ipagtagpi-tagpi mo 'yong mapag-uusapan namin, o umalis ka na lang, balik ka na lang kapag iba na ang topic namin, ha," ang bruha inismiran lang ako "basta, makinig ka na lang," inis ko kunyaring sabi.

"Ano ba yan!" pagrereklamo pa ni Rosas. "Joy, ano ba kayo ni Spade?" tanong niya. Ops, tsismosa mode.

"Tao," sagot naman ni Joy. "Aray! Makabatok, akala mo chick!" inis niyang sabi kay Rosas na parang walang pake sa sinabi Joy.

"Ano nga kayo, dali sagot!" excited niya talagang sabi.

"Mag ex-jowa," nakayukong sagot ni Joy.

"PAKENING! Edi, nagka-jowa ka rin ng Alonzo? Gosh! Paano maging kayo?" talagang manghang-mangha niyang sabi. "Jowain ko na rin kaya 'yong baklang Chal Raed na 'yon para friendship goal tayo," aniya. Mahilig yata sa bakla si Rosas, ha, una si Jazz ngayon si Chal Raed. Support kita riyan, kaibigan! Kaya mo nga bang gawing straight ang nabaling meter stick? Hahahaha, huta! Ang hirap kaya!

"Eh, paano ako?" parang batang tanong ni Clarice.

"Jowain mo 'yong tatay," sagot ko naman at lahat kami natawa habang si Clarice ay todo simangot.

"Oh, sige, mag move on na tayo," usal na naman ni Rose. "Anong kinalaman ni Clarice kay Spade?" tanong niya.

"M.U kami," sagot ni Clarice.

Natahimik kaming tatlo tapos nagkatinginan kami ni Rosas sabay tanong ng, "M.U?!" Pero, si Joy nanatiling tahimik.

"Ano kayo teenager? Gising na Clarice, pareho kayong 23, may pa M.U-M.U pa kayong nalalaman," sabi ko sa kanya.

"Oo na, Monay, magaadjust na ako," aniya at kinuha ang atensyon ni Rose. "Itanong mo ulit sa'kin 'yong tanong mo, Rose."

"Iyong anong kinalaman mo kay Spade?" tanong naman ni Rosas.

"Oo, oo," sagot ni Clarice.

Parang tanga!

"Sige, sige," tatango-tango niyang sabi. "Anong kinalaman ni Clarice kay Spade?" pag-uulit nga niya sa tanong niya kanina.

Haaay! Mga aning-aning! Huta!!

"May gusto si Spade sa'kin at gusto ko rin siya, plano niyang ligawan ako, pero mukhang mauudlot na," halos pabulong na niyang sinabi 'yong huling linyang binitawan niya. Hay!

"At oo nga pala, Rosas, update lang kita para 'di ka masyadong nahuhuli sa balita, si Spade ay si 'Dear Monang, my love so cute'," sabi ko at muntik nang lumabas ang kaluluwa ko nang hampasin niya 'yong upuan.

Huta! Problema nito?!

"Ano ba 'yan! Parang umikot 'yong mundo niyo kay Spade! Una si Monay, tapos si Joy, tapos ngayon si Clarice? W-Wow!" napatakip pa sa bibig ang Bruha.

"Pero, 'yong akin, hindi na big deal kasi sobrang luma na, nagulat lang ako kasi hindi ko inaakalang magkikita pa pala kami ulit," sabi ko.

"Sabagay," sabi pa ni Rosas habang napapatango. "Eh, ikaw, Joy, anong update sa inyo?"

"Kahit 7 years ago na nang maghiwalay kami, 'yong breakup namin hindi klaro," nakayukong sabi niya. "Actually, 'yong rason ng paghihiwalay namin ay kagaya rin ng sa inyo, Mon," dagdag niya.

Grabe! So, Mommy nga nila ang magpapasya kung sino ang magiging jowa nila? Mighad! Siya na lang ang jumowa no'ng ipapajowa niya sa anak niya, 'no, dinadamay pa ang anak, eh!

"Ano ba 'yang Mommy nila, minamanipulate 'yong buhay pag-ibig ng kaniyang mga anak," inis pang usal ni Rosas.

"Sa mga narinig ko sa inyo, siguro mas mabuting huwag na lang ipagpatuloy ni Spade 'yong plano niyang panliligaw sa'kin," biglang usal ni Clarice. "Wala rin naman kasing point kung ipagpapatuloy pa, kung Mommy lang din naman niya ang magdidesisyon kung sino ang ipapajowa sa kaniya," dagdag pa niya.

Bahagya akong lumapit sa kaniya at sinandal niya naman 'yong ulo niya sa balikat ko. "Sigurado ka ba riyan?" nag-aalalang tanong ko. Kawawa naman 'tong si Clarice, pero kasi kung sakaling maging sila man, maghihiwalay rin sila dahil sa Mommy ni Spade, mararanasan din ni Clarice 'yong naranasan namin ni Joy, edi friendship goal na talaga.

"Yes, Monay. Buti na lang at medyo hindi pa ako tuluyang na i-inlove sa kanya. Dalawang buwan pa lang naman kasi ang nakakalipas nang unang araw kaming nagkakilala," aniya. Oo nga pala, nagkakilala sila sa eroplano. Pasahero si Spade at flight attendant naman si Clarice, siya 'yong timing na umasikaso kay Spade kaya nagka-usap hanggang sa nagpakilala na. Tapos nagkita ulit sila sa A Mall nang minsang nag shopping si Clarice kaya roon na nag hingian ng cell phone number, and the rest is a history.

"Hindi mo ba susubukan, Cla?" biglang tanong ni Joy. Parang ang intense ng tanong niya. Naka move on na yata itong si Joy, si Spade na lang ang hindi pa totally nakakamove on, pero baka parehas lang kami ng sitwasyon ni Spade, rason na lang ang hinihintay para makamove on na ng tuluyan.

"Baka masaktan lang ako sa huli," sagot naman ni Clarice.

"Ano ba, parang hindi ka naman nagka-jowa noon. Nasaktan ka na rin noon, 'di ba, natatakot ka pa rin?" tanong ni Joy.

"Baka kasi...labis ang sakit na maibibigay nito kaysa sa mga past relationship ko," sagot naman ni Clarice.

Sa totoo lang, nakaka-trauma talaga 'yong masaktan ka dahil sa pag-ibig, pero hindi naman ibig sabihin niyan na hindi ka na iibig pang muli. Paalaa ko lang, once you enter in the world of love, be prepared to get hurt for you will surely experience it. You need to be strong and overcome the pain. And doncha worry, because after getting hurt, an overflowing happiness is what comes next.

Kaya kayo riyan, never get tired of loving!

"Cla, go for it! Kung gusto kang ligawan ni Spade, hayaan mo siya. Kilala ko si Spade, ipaglalaban ka hanggang sa manalo siya. Hindi niya kinikilala ang kalaban niya basta alam niyang tama siya. At 'yan ang ugali ni Spade na nakalimutan ko nang kausapin ako ng Mommy niya. Nakalimutan kong kaya pala akong ipaglaban ni Spade kahit sa Mommy pa niya, pero wala, eh, iniwan ko na siya at lumayo na siya nang marealize ko 'yan. And, Clarice, ramdam kong seryoso siya sa'yo, kaya huwag mo 'kong gayahin, huwag kang sumuko agad," sobrang sincere talaga na sabi ni Joy. This time, nakita ko na naman itong pagiging mature na side niya. I'm so proud of her.

"Pag-iisipan ko, Joy," ang tanging nasagot ni Clarice.

Matapos ang mahabang usapan ay pinuno na kami ng katahimikan at puro chibugan na lang. Narealize ko tuloy, nakakagutom pala ang sobrang kadramahan.

Ilang sandali lang ay nakatanggap ako ng dalawang mensahe mula sa magkaibang tao. Una kong binasa ay 'yong mensahe ni Spade.

Oo nga pala, ha, siya nagsabi na 'yan ang ilagay ko sa name niya sa contacts ko.

From: Spade so cute

You okay now? Can we have dinner later?

Pakiramdam ko, niyayaya niya akong mag dinner dahil gusto niyang may makausap. Oo nga pala, sinabi kong lagi lang akong andito at tutulungan ko siya. Panindigan mo 'yan, Monay!

Sunod kong binasa ay 'yong mensahe ni Chal Raed.

From: Boss Gorgeous

Sis! Magpaalam ka sa mga hot mong Kuya, may pa-free dinner si Paps sa company dahil sa lumalaking ratings ng ating negosyo. Be there, ha!

MIGHAD!

Saang dinner ako sisipot?! Pwedeng both? HAHAHA patay-gutom.

Tsk, Mother Earth, hihingi ulit ako ng tulong sa'yo!


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C19
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk