Unduh Aplikasi
24.6% The Actor that I Hate to Love / Chapter 47: There's Only Me and You

Bab 47: There's Only Me and You

Shanaia Aira's Point of View

ISANG buong araw pa kami ni Gelo sa condo bago namin naisipang umuwi na sa amin para ipagpaalam nya ako kila daddy. Pinayagan naman kami na magbakasyon na kami lang dalawa. Katwiran ni daddy, nasa hustong gulang na kami at engaged na. Nakay Gelo na raw ang karapatan simula nung hingin niya ang kamay ko sa kanila. Naisip ko, kaya pala sa tuwing magpapaalam ako na sa condo uuwi ay hindi na nila ako hinihigpitan, yun pala ibinigay na nila sa amin ang basbas nila. May tiwala rin kasi sila kay Gelo, alam nila kung gaano ako iniingatan ni Gelo. Nangako siya sa kanila na malinis nya akong ihaharap sa altar kapag kinasal na kami.

Three days after naming magpaalam ay lumipad na kami ni Gelo papunta sa lugar na pagbabakasyunan namin ng 2 weeks. Medyo nahirapan nga kami papunta pa lang ng airport dahil kinailangan pang mag disguise ni Gelo.Naglagay sya ng fake na bigote at patilya na akala mo si Fernando Poe. Pinakapal ko ng konti yung kilay nya tapos pinasuot ko yung eye glass ko na pang nerd.

Naging effective naman kasi walang nakakilala sa kanya.

Lumapag kami sa Narita Airport ng 1:30 ng hapon. From there we hailed a cab para dalhin naman kami sa hotel kung saan sya nagpa-booked para sa 2 weeks vacation namin.

" Bhi bakit dito mo naisipang magbakasyon?" tanong ko sa kanya nung nasa hotel room na kami. Busy ako sa pagtanaw sa magandang tanawin ng Tokyo mula dun sa bintana ng hotel room namin.

" Naalala mo ba baby yung sinabi ko sayo nung huli tayong magpunta dito? "

" Oo naman. Na kapag nagka-girlfriend ka, dadalhin mo sya sa first anniversary nyo. At dito rin kayo magha-honeymoon kapag kinasal kayo. Pero hindi naman tayo dito nag celebrate ng first anniversary natin bhi dahil sa dami ng pinagdaanan natin. Buti nga nagkaroon na tayo ngayon ng time na bumalik dito. Thank you bhi for bringing me here again.I really love this place lalo na ikaw ang kasama ko."

" Wala naman akong gustong dalhin dito baby kundi ikaw lang. Nung sinabi ko sayo na dito ko dadalhin ang magiging girlfriend ko, ikaw yung nasa isip ko at tinutukoy ko nung mga panahong yon. Nun pa lang mahal na kita. After ng wedding natin, babalik ulit tayo dito for our honeymoon. "

" Hay bhi, pinapakilig mo na naman ako. Talagang bumabawi ka ha? "

" Syempre naman baby, ang dami kong shortcomings mula nung bumalik ako sa showbiz. Hindi na kita masyadong nabibigyan ng oras. Hayaan mo hindi naman permanently hectic ang sched ko. Sinasamantala lang ng manager ko habang in demand ako. Mabuti nga at may 3 weeks break ako bago ko simulan yung bagong movie ko. "

" You mean after natin dito magiging paspasan na naman ang shooting mo? "

" Yup. Kaya nga kailangan lubusin ko itong bakasyon ko kasama ka dahil kapag nagsimula na ang shooting namin, baka madalang na naman tayong magkita. Konting tiis lang ha baby? Huwag mo sana akong susukuan. " madamdaming pakiusap nya.

" Hindi bhi. Dito lang ako at hindi kita iiwan. Siguro malulungkot ako dahil hindi kita madalas makakasama pero kakayanin ko. " sagot ko.

" What if, sa condo ka na lang tumira?" biglang tanong nya.

" What? Naku bhi hindi ko alam kung papayag sila daddy dyan sa suggestion mo. Oo nga at ibinigay na nila sayo ang pagpapasya para sa ating dalawa pero baka hindi pa sila ready na umalis ako sa bahay namin. Okay lang yung weekends na dun ako umuuwi. Pero yung dun na talaga ako titira, hindi ako sure. "

" Oo nga sabi ko nga. What if lang naman yung sa akin. Hindi nga nila tayo hinihigpitan pero alam ko namang hindi sila papayag na magsama tayo ng hindi pa tayo kasal. Okay na sa akin yung weekends nandun ka, pipilitin ko na lang na makauwi dun kahit sandali lang. "

" So, Okay na? "

" Okay na. Tara I-advance na natin yung honeymoon natin? " may ngisi sa labing turan nya pero parang seryoso sya.

" Huy bhi anong honeymoon ka dyan? Baka gusto mong the whole Gallardo clan ang mag ban sayo sa bahay? Tsaka nasan na yung promise mo ha? " medyo kinakabahan kong sambit. Paano ba naman yung ngisi nya hindi na naman mapagkakatiwalaan.

" Sus baby binibiro lang naman kita, masyado kang kabado dyan. Hindi ako sisira sa pangako ko kay Lord at sayo kaya wag ka ng mag-alala dyan. "

" Hindi naman ako nag-aalala bhi. Ayoko lang na masira tayo sa pangako natin kay Lord." lumapit sya sa akin at niyakap nya ako mula sa likuran.

" Baby malakas ang pagpipigil ko. Kahit na nga minsan parang gusto ko ng manggigil sayo, pinipigilan ko lang. Kung bakit naman kasi ang ganda at ang sexy ng baby ko tapos amoy baby pa. Hmmm. tara na nga maligo na tayo." hinila na nya ako papunta dun sa bathroom para maligo.

Humanga ako sa ganda ng facilities nung hotel room namin.The bathroom is very spacious. It has a 36 inch wall mounted single bathroom vanity set with mirror. May kalakihan din yung bath tub nito. Maayos at mabango rin at yung mga toiletries ay talagang pasok sa inaasahan ko. Sabagay ganito naman talaga kapag mahal ang bayad. Isang executive suite kasi ang kinuha ni Gelo.

Sabay nga kaming naligo. Pangalawang beses na namin itong nagawa. But hey, don't get me wrong, ligo lang talaga walang all the way na nagaganap. Walang malisya, parang normal lang. Para kaming mga batang naliligo sa ulan na walang pakialam kung hubo't hubad man. Bilib na talaga ako sa galing ni Gelo na magpigil.

Matapos maligo ay nagpahinga muna kami at tuluyang nakatulog. Nung magising kami ay madilim na sa labas.

" Magpapa-room service na lang ba tayo o bababa tayo at sa resto na lang mag-dinner?" tanong ni Gelo habang nakahiga pa rin kami.

" Sa resto na lang tayo bhi. Tatlo ang restaurant nitong hotel, maganda siguro kung ita-try natin isa-isa." suhestiyon ko.

" Alright, sa resto na tayo. Tapos dito na lang ulit tayo sa room. Bukas na lang tayo mamasyal." tugon nya.Umakma na akong tatayo mula sa kama pero hindi ako makakilos. Paano ba naman para na naman tarsier tong lalaking ito kung makapulupot sa akin.

" Bhi ano ba? Kakain ba tayo o pupulupot ka na lang sa akin magdamag?" natatawang turan ko.

" Baby wait lang. Ten minutes lang. Let's just cuddle. I miss this kind of intimacy." saad nya at mas lalo pa akong niyakap ng mahigpit.

" Sige na nga. Ten minutes lang ha? gutom na ako bhi. " ngumiti look ang sya tapos hinalikan ako ng hinalikan. Talaga tong si Gelo minsan sinusumpong ng kalandian.

Tulad nga ng pangako nya, after ten minutes ay bumangon na kami. Nag-ayos lang kami saglit tapos bumaba na para pumunta sa isa sa mga restaurant nung hotel.

Umorder lang kami ng ilang Japanese food na paborito namin pareho tsaka isang bottle ng red wine.

Habang magana kaming kumakain may isang grupo ng mga lalaki at babae ang umupo sa katabing table namin.

" Oh my gosh, Gelo Montero, you're here?"

Napalingon kami ni Gelo sa nagsalita at pareho pang napanganga-sa gulat.

Parang de javu lang.


PERTIMBANGAN PENCIPTA
AIGENMARIE AIGENMARIE

Hello guys! sorry for the late update. I have a problem with our internet connection kaya hindi ako nakapag post yesterday. Pasensya na, babawi na lang ako.

Thank you for reading!

next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C47
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk