Unduh Aplikasi
8.33% Takot sa Dilim / Chapter 2: DAAN

Bab 2: DAAN

Kinakabahan, natatakot, at nakakabaliktad ng sikmura. Iyan ang aking naramdaman matapos ko siyang makita sa daan, sana hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa aking paglalakad. Ngayo'y tumigil na ako sa pag-aaral dahil sa naranasan ko noon. Ngunit hindi madaling kalimutan ang nakaraan dahil... dahil...

Ako si Angelica Reyes, bilugan ang mukha, katamtaman ang kulay ng balat, at nakasalamin. Hindi ako ganoong katalinuhan. Maraming nagsasabi na 'pag nakasalamin ang isang tao ay lugmok ito sa pag-aaral, lugmok sa pagbabasa ng mga asignatura ngunit ibahin niyo ako. Mahilig akong magbasa ng horror iyong tipong mapapatalon ka nalang sa kama mo habang nagbabasa. Iyong pagkatapos mong magbasa ay mag-sisitaasan ang mga balahibo mo sa katawan o 'di kaya'y mapapatalukbong ka ng kumot ng hindi sa tamang oras.

Sa totoo lang ay hindi ako naniniwala 'ni kahit anong storyang nabasa ko. Isa lamang mapaglarong utak ang nagsusulat ng mga iyon.

"Angelica, hindi ka ba papasok sa eskwelahan mo? Malalate kana!" isang bulyaw ang nagsilbing orasan ko. Kung malalate na ba ako o 'di kaya'y maaga pa ako- Si Ina'y ang tinutukoy ko.

"Nandiyan na po." pasigaw akong tumugon. Unang semestro palang ako sa aking pinapasukang unibersidad. Sana naman maayos ang papasukan ko. Maging mabait sana sila sa akin.

Ganito pala sa Kolehiyo makakasalamuha mo lahat ng iba't-ibang tao. Nariyan na ang madadaldal na walang tigil sa pagputak. Mga Mean Boys o Girls na walang sawang ginagawang miserable ang buhay mo.

Kumukuha ako ng kursong Education Major in Mape. At bakit Mape? Dahil kinahiligan ko na ang paglalaro at may kakaiba rin akong katangian. Isa kasi akong atleta sa aming eskwelahan.

"Aalis na po ako, Ma!" daig ko pa ang aso sa pagsigaw.

"Sige, mag-ingat ka diyan! Huwag na huwag kang magpapagabi at kung maari lang ay mangupado ka na nang sasakyan mo papunta dito sa'tin" bakas sa boses ng aking Ina ang pagaalala sa akin.

"Ina'y, hindi naman totoo iyang mga multo-multo na iyan. Mga gawa lang ng ating isipan o kaya nama'y mga kuru-kuro ng mga kapitbahay nating tsismosa." pagbibiro ko.

Hindi naman talaga totoo ang mga iyon, eh. Gawa lang iyon ng mga taong walang magawa sa buhay at mga taong gustong sumikat.

"Anak, pinapahalahanan lang kita. Tandaan mo lahat ng sinasabi ko sa'yo dahil lahat nang ito ay para sa ikabubuti mo." ani niya.

Nag-iisa lang nila akong anak. Kaya ganoon na lang ang pag-iingat nila sa'kin sa bagay-bagay. Aakalain niyong isa akong kalapating nasa hawla na walang humpay sa paglipad upang makalaya sa kamay ng mandaragit. Ngunit hindi naman sila ganoong ka-strikto.

**********

"Angelica Reyes!!" pumitlag ang puso ko matapos matawag ang pangalan ko.

Ako na pala ang kakausapin ng aming pinunong departamento.

"Umupo ka muna, Ms. Reyes." Mas naka-kagimbal pa ang boses niya kaysa sa isang dragon.

Tumango nalang ako at dahan-dahan akong umupo sa isang malambot na upuan.

"Ms. Reyes ito na ang iskedyul mo."

"Thank you, Mam," ngumisi ako.

Patungo ako sa tagabayad upang bayaran nang buo ang matrikula ko. Habang hinahalungkat ko ang ibinigay sa aking iskedyul ng aming Dean ay meron akong nasaging isang matandang babae.

"Ay! Paumanhin po. Hindi ko po sinasadya." magalang kong sabi.

Pinulot ko ang aking iskedyul at tinulungan ang matanda sa pagpulot din ng kanyang gamit.

Nanlaki ang aking mata, nagmanhid lahat ng aking kalamnan matapos niyang hawakan ang aking kamay.

"Huwag na huwag mo siyang papansinin. Kung pwede lang ay dumiretso ka na at magpatuloy sa iyong paglalakad." Isang malamig na boses ang pilit pumapasok sa aking utak. Pilit itong umaalingawngaw. Hanggang sa hindi ko kinaya ang boses ng matanda. Unti-unting nandilim ang aking paningin at nawalan ng malay.

Nagising nalang akong pagod na pagod. Hawak ko ang ulo ko habang dahan-dahan akong umupo sa hinihigaan ko.

Nasa klinika pala ako ng aming unibersidad.

"Miss, ayos ka na ba?" isang malamyos na boses ang bumungad sa akin dahilan upang makuha nito ang atensiyon ko.

Tumango ako at dahan-dahang tumayo.

"Ano bang nangyari sa iyo kanina. Nakita ka nalang naming walang malay. Mabuti nalang at wala pa doon ang mga adik dito sa unibersidad na ito, kundi matagal ka nilang napagdeskitahan."

"Wala, dala lang siguro ng panahon." pagsisinungaling ko.

Alangan namang sasabihin ko na may isang matandang bigla nalang humawak sa aking kamay dahilan upang mahimatay ako. Mas mabuti nalang sigurong itago ko ito sa aking sarili para hindi ako mapagkamalang adik, drug pusher, taga-hithit ng marijuana o ano pa iyang mga masasamang gawain ng tambay.

Gusto niya akong alalayan patungo sa pupuntahan ko pero sinabi kong ayos naman na ako. Gasgas lang naman ang aking natamo siguradong hindi naman ako mamatay agad-agad. Malayo sa bituka, eh!

**********

"Manong, para po! Sa tabi lang po!"

Sa wakas nasa kanto na ako at swerte ko dahil may isang tribike pa ang natira sa shed.

"Boy, sa Darragin huh?"

Tumango nalang siya bilang tugon.

Bigla nalang tumunog ang cellphone ko. Siguradong si Inay ito.

Siya: Saan kana?

Ako: Malapit na, inay.

Siya: Sige, mag-ingat ka.

Sa hindi ko alam na dahilan ay bigla nalang prumeno ng malakas ang sinasakyan ko.

"Boy, bakit anong mayroon?"

"Pasensiya na po. Pero hanggang dito nalang po." pagpapaliwanag niya.

Kumunot ang aking noo. "Bakit?"

"Nakalimutan ko po kasing palitan ng panibagong gulong ang dati kong gulong kaya ayun! Flat po!"

Anak n*ng!

Napilitan akong maglakad ngunit bagupaman ako maglakad ay ibibigay ko sana ang bayad ko para sa pagsakay ko sa kanya kaso humarurot siya agad palayo. Gabi na kasi mahirap na, baka matiyempuhan pa niya ang mga lasinggero rito.

"Hindi bale may street lights naman." matapang kong sinabi.

Nagsimula na akong maglakad. Sa bawat pagtapak ko'y damang-dama ang pagtaas ng aking balahibo, pakiramdam ko'y may nagmamasid sa akin.

Habang ako'y naglalakad ay may natanaw ako sa hindi kalayuan. Isang babaeng nakabestida mukhang humahagulgol.

Habang papalapit ako ay kumakabog nang malakas ang aking dibdib. Baka kasi isa nanaman ito sa mga modus ng mga tambay sa amin upang makapag-gudtaym.

Ngunit may kung anong pumipilit sa akin na kalabitin siya.

Hahawakan ko sana siya nang biglang may marinig akong boses na bumubulong sa akin. Huwag na huwag mo siyang papansinin... Bigo ang boses na pigilan ako dahil sa oras na ito ay dumapo na ang aking kamay sa kanyang balikat.

Ngunit bakit hindi siya umiimik. Pipi ba siya? Sa sumunod na kalabit ko ay bigla niyang hinawakan ang aking kamay.

Nakaramdam ako ng lamig sa aking katawan. Hindi karaniwan ito para sa akin. Nanaig ang takot sa aking sarili matapos kung makita ang laslas niyang leeg na walang humpay sa pag-agos ng masaganang dugo.

"Sa akin na ang buhay mo! Hahahah!!!" isang nakakapangilabot na boses ang aking narinig sakanya.

Damang-dama ko ang galit niya dahil sa nanlilisik niyang mga mata at dahil na rin sa mahigpit niyang hawak sa akin.

Unti-unti niya akong sinasakal. "Hahahha!! Papatayin kita!" pinapatay niya ako ng mala-demonyo niyang boses. Pahigpit nang pahigpit ang pagkakasakal niya sa akin.

Pilit kung minumulat ang aking mata. Binubuka ang sarili kong bibig upang makalanghap nang preskong ngunit naka-parilisado ang aking katawan.

Hanggang sa... hanggang sa...

**********

"Alice! Gumising ka! Gumising ka!"

Isang sigaw ang gumising sa akin.

"Anong nangyari sa iyo. Nakita kana lang naming nakahandusay sa daan, walang malay."

Niyakap ko nang mahigpit ang aking Inay at humingi ako nang patawad sa hindi pagsunod sa utos niya.

Ikwenento ko ang tungkol sa nangyari sa akin. Nagkwento rin siya tungkol doon sa babaeng gustong pumatay sa akin. Siya raw si Clara, anniversary nila ng Boyfriend niya. Gabi na siya umuuwi dahil sa kanyang trabaho. Magpropropose na sana ang kanyang nobyo matapos siyang gahasain sa daanan. Walang awa siyang pinagsasaksak at ginilitan sa leeg. Kaya siguro gusto niya akong patayin para masapian ako at magsama silang muli ng kanyang nobyo.

Sinubukan naming patahimikin ang espirtu niya sa pamamagitan nang pagtirik ng kandila sa daanan ngunit sabi ng albularyong aming nakausap. Hindi pa raw siya handa upang magpatawad. May natitira pa siyang galit at poot sa kanyang puso. Ang tanging paraan niya lang ay mang-biktima ng mga katulad ko.

Magmula noon ay hindi na ako muling pumasok nang paaralan. Itinigil ko na at tumulong nalang ako sa gawaing bahay. Upang matulungan ko rin ang aking, Inay. Nagtrabaho na rin ako sa isang supermarket na hindi gabi ang iskedyul. Ayaw ko nang ibalik pa ang aking TAKOT SA DILIM.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C2
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk