PROLOGUE
I'll kill all of you!.
You will experience severe punishment that deserves to all of you.
I, KAI, will find the killers of my family, of my loving family, of my caring mother, of my loving father, and my beautiful sister, Chen.
For them, I promise I will revenge and whoever gets in my way ... He'll be DEAD!!!
****
"Kai Hide!" my mother said. So I hide under our bed for something I didn't know.
"BLAG!!" "BLAG!!" (sound of forced entry)
I heard a loud noise. Our door was forced to open by a group of bad guys, I guess, known to our community, as criminals.
Sila ang mga taong makapangyarihan sa aming lugar, as far as I know. Pinipilit nila kaming sumunod sa lahat nilang gusto, at kapag mayroong tumanggi, o humadlang, ay pinarurusahan nila hangang sa mamatay.
They feared no one. Ang leader nila ay si Bingwen, na isang expert sa martial arts.
I saw him kicked my father in the abdomen. That was his final kick that sent my Dad to his death. I saw my mother and my sister, Chen too, both were killed by Bingwen, the leader with a scar on his forehead.
Under the bed where I am hiding, I saw everything that they did to my family that made me insane, almost insane, enough to ask for judgment. I will not forget that moment. I want to yell "STOP IT" but I couldn't, only tears coming out from the bim of my eyes. I just cried in silence.
****
I was ten years old then to witness everything and now I am just waiting for the right time to revenge. And because of what happened to my family it is harder for me to trust anybody and make friends.
Even in my dreams, I can see my mother na buhay na buhay siya sa aking guniguni na nagmamakaawa habang lumalabas ang mga dugo sa kanyang bibig at naliligo sa sariling dugo. Bago ko nilapitan ang aking ina ay siniguro ko munang wala na ang mga walanghiyang sina Bingwen.
Unti unti akong lumabas mula sa ilalim ng kama at ng makalapit na ako kay inay na nag-aagaw buhay and on her last breath I heard her saying "Kai, d-don't stay in this town w-which is u-under the c-control of c-criminals t-they are h-heartless, k-killers. G-Go to a p-place where you can l-live and g-grow happy for the r-rest of your life."
Then she collapsed and died with her eyes still open. I extend my hand to close them crying for revenge.
I buried them in the foot of the mountain, with the help of neighbors, before I fled away, after a few days of mourn, without the knowledge of our neighbors.
Nilakbay ko ang daan patungo sa kabundukan na may mga naninirahang ermitanyo na puwede akong magpaturo ng martial arts. Hindi ko inalintana ang layo ng aking pupuntahan basta ang nasa isip ko makarating ako kahit anong mangyari.
Subali't sa aking paglalakad ay nagkaroon ako ng iba't ibang hadlang upang pigilan ako sa aking balak.
On my way to my destination, I met a group of kids which I think If I'm not mistaken are the same age as mine, asking for money from kids they meet.
Tumigil ako sa aking paglakad dahil nakaporma sila ng pahalang sa aking daraanan.
Hey you give me your money or else something will happen to you
ang matigas na Sabi sa akin ng isa sa kanila.
Ang Hindi nila alam ay tinuruan ako ng Dad ko ng basic self-defense that I could be used in case of trouble.
Nang hindi ako magbigay ay nilapitan ako ng pinakamalaki sa kanila at inundayan kaagad ako ng suntok na aking nailagan.
I have no money I said then he tried to reach me and I missed his kicking.
Nang umilag ako ay sinipa ko siya sa dibdib na kanya agad ikinabagsak.
"BLAG"
Sa nakita ng kanyang mga kasamahan ay agad akong pinaligiran at bago palang sila makaporma ay isa isa ko na silang nabigyan ng malalakas na sipa na kanilang ikinatumba.
Wala silang nagawa sa akin at ng makita ko na gusto nilang gumanti ay tumakbo na ako. Humabol sila sa akin subali't ng may makita akong truck na paparating ay nagawa kong makalundag sa likod ng truck kaya hindi nila ako inabutan.
Nang sa tanya ko ay malayo na ako ay saka ako lumundag pababa at muli kong tinahak ang aking pupuntahan.
At nakarating ako sa paanan ng bundok at sa tingin ko ay sobrang taas ng aking aakyatin subalit hindi ako aatras kailangan kong makarating sa kung saan ay naroroon ang magtuturo sa akin ng martial arts.
Nang sisimulan ko na ang pag-akyat ay nakita ko ang isang aso na sobra ang laki sa pangkaraniwan parang isang 'wolf' sa tingin ko.
Nasabi ko sa sarili 'patay na ako nito what shall I do now hindi ako puwedeng tumakbo at tiyak mabilis niya akong aabutan'.
So, what I did is to just ready myself for his attack, and with a piece of hard stick on my hand would be the only weapon I have to defend myself.
The wolf is slowly walking towards me. I hide behind the big tree but still, he is moving to attack me.
Huminto Muna siya ng ilang hakbang sa akin upang ihanda ang kanyang sarili na lundagin ako. I just firmly hold the stick on my hand. At ng lundagin niya ako, and with a blink of an eye, hinataw ko siya sa gilid ng kanyang ulo na siya nitong ikinahilo. Subalit mabilis din siyang nakabangon at muli niya akong nilundag at saka ko uli ibinigay ang isa pang hataw sa ulo niya na tuluyan na niyang ikinahilo and he ran away at no direction.
"WHEW!"
Thanks, I drove him away. Ang nasabi ko na lang sa sarili ko.
I thought katapusan ko na buti kahit papaano nagamit ko ang itinuro sa akin ng aking Dad.
Naupo ako sa isang tabi at muli akong naluha dahil naalala ko ang aking pamilya na humihingi ng katarungan, na ako lang ang maaaring magbigay noon.
Ilang sandali pa ay tumayo na ako upang akyatin ang mataas na bundok sa aking kaharapan.
Pagdating ko sa kalagitnaan ay may hagdanang bato na hindi ko mabilang kung ilang steps, mataas ito.
Nagtiyaga akong akyatin ito at pagdating ko sa pinakamataas ay nakita ko ang sadya ko, ang ermitanyo na may mahabang puting balbas. Nakaupo siya sa itaas ng bato, squarely, na may sukat na six feet ang taas. Nakahalukipkip ang dalawang kamay sa dibdib, nakapikit, at sa pakiwari ko ito ay isang uri ng meditation.
Humanap ako ng isang puwesto at naupo. Hinintay ko siyang matapos at ilang sandali pa ay dumilat na siya at ako ay kanyang nakita.
Lumundag siya mula sa itaas ng paikot at ng bumagsak sa lupa ay nakatayo. Humanga ako sa aking nakita at lalo akong naghangad na matuto ng martial arts.
Lumapit ako sa kanya at habang hinihimas ang kanyang mahabang balbas ay tinanong niya ako.
"Bakit ka narito? Ano ang kailangan mo bata?" ang tanong niya na para akong sinusuring mabuti.
"Lolo ako po si Kai" ang tugon ko sa kanya na may halong kaba, subalit nagpakatatag ako, kailangang matupad ko ang aking sadya sa kanya, ang matuto ng martial arts.
Nagpatuloy ako sa aking sinasabi.
"I want to learn martial arts and be an expert on it" ang patuloy kong sinabi.
Hinimas niya ang kanyang mahabang Balbas bago niya ako muling tinanong.
"Why do you want to learn martial arts? What's your purpose?" ang tanong niya sa akin.
"I will use it for my revenge for the death of my family killed by criminals" ang sinabi ko na para siyang nag-iisip na mabuti habang hinihimas ang puting mahabang Balbas nito.
"Learning martial arts is not for revenge as you said, but for self-defense only, not for killing" ang paliwanag niya sa akin.
"Ano po ang aking puwedeng gawin?" I asked him.
"Just keep in mind that learning martial arts is for self-defense only and not the intention to kill unless it is necessary. In that case, you can easily learn and master all the techniques of martial arts without any hassles."
So I promise to him to abide by the rules. Pumayag siya sa kahilingan ko na matuto ako ng martial arts. Unti-unti niya akong tinuruan ng iba';t ibang techniques.
Tumagal din ng mahabang panahon ang ginawa kong pag-aaral kaya halos sa loob ng anim na taon kong pamamalagi sa kabundukang iyon ay masasabi ko na bihasa na ako sa pagtatanggol sa aking sarili at maging sa ibang inaapi ng mga taong masasama.
Subali't may isa pang ituturo sa akin si Master at ito ay makabuo ako sa aking kamay ng apoy sa pamamagitan ng concentration. It is called throwing ball of fire.
In my final lesson, the hermit himself would be my opponent. And to his surprise, after six years of learning, I've learned all the techniques including throwing a ball of fire.
What I have learned is enough for my mission, but because of what my Master told me, I have to set aside my revenge for good.
Subali't papaano ko maiaalis sa aking isipan ang paghihiganti sa tuwing maaalala ko ang aking pamilya, ang aking ina na duguan habang nagbibilin siya sa akin bago siya namatay. Papaano ko magagawa na kalimutan ang paghihiganti...papaano?
Subali't nangako ako kay Master kaya pipilitin kong kalimutan ang aking mission sa aking sarili. I'll just follow what he has told me, I believe, is for good, or else it may cause my death because my mind is full of revenge.
So I promise to my Master to obey by the rules. At bago ako tuluyang lumisan ay nagsalo muna kami sa isang hapunan. Binigyan niya ako ng isang inumin na ng inumin ko ay naramdaman ko na parang may pumasok sa katawan ko na isang kapangyarihan at ako'y nahilo ng limang minuto sa tingin ko until I regain my consciousnes.
I've grown-up kid now at the age of sixteen, and I think matured enough to handle delicate cases. Thanks to my Master for everything he taught me, discipline, and sacrifices.
My mission of revenge now changed and bear in mind of just helping other people in case my help is needed.
Bumalik ako sa aming lugar na sa pakiramdam ko ay ibang iba na ako at maaaring hindi na nila ako makikilala sa itsura ko.
"Hey, who are you?' said of a masculine, big and tall guy.
Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglakad ng harangin niya ako.
With a smile, I said to him na uuwi na ako sa dati kong Bahay at
sumagot siya na, "Eh, dayo ka lang dito papaano ka nagkaroon dito ng Bahay na sinasabi mo eh kilala ko mga tao rito?"
Instead of making an argument with him, I've tried to be friendly, although I don't trust him. His name is Mingjie.
After that, we parted away, and in my mind at least I have one friend in our community.
Pagdating ko sa aming bahay ay maraming dumi at kalat at halatang pinabayaan ng maraming taon. Lahat ng kasangkapan ay maalikabok.
At bigla parang Nakita ko ang aking Daddy, ang aking ina at si Chen, nakahandusay Silang lahat, Walang buhay. And my teet greeted and I want to kill but because of my promise to my Master my anger subsided.
Nilinis ko ang aming bahay, inilagay ang mga kasangkapan sa dating lugar. Bagamat praktisado ang aking katawan ay hindi ako gaanong napagod.
Upang mabuhay ay pumasok akong katulong sa isang panaderya kay lolo Guowei.
Nagustuhan naman ni lolo Guowei ang aking pagtatrabaho at kasipagan kaya inalok niya akong sa kanya na ako tumira yamang wala akong kasama sa bahay. Kaya mula noon ay paminsan minsan na lang ako kung umuwi sa amin na ilang kilometro din ang layo sa panaderya ni lolo Guowei.
Isang umaga habang nililinis ko ang panaderya ay naulinagan namin ni Lolo Guowei ang pag-uusap ng dalawang babae na nagdaan sa tapat ng panaderya.
"May nakita daw kagabi na isang patay na babae sa may tabing ilog at batay sa mga nagsiyasat ay pinagsamantalahan muna" ang nadinig namin sa mga nagdaang mga kababaihan.
"Lolo sino po sa palagay ninyo ang may kagagawan niyon" ang tanong ko kay lolo na may halong ngitngit sa aking kalooban dahil ayokong nakaririnig ng mga taong inaapi.
"Naku sino pa ang gagawa noon kung hindi ang grupo ni Bingwen. Talagang talamak na ang kasamaan ng grupo na iyan" ang tugon ni lolo "Bakit hindi pa mamatay ang mga hayop na iyan" dugtong niya.
At muli naramdaman ko ang pagpupuyos ng aking damdamin lalo na ng malaman ko na sina Bingwen ang may kagagawan niyon. Kung hindi lang sa pangako ko kay Master kanina pa ako umalis upang puntahan ang mga kriminal na iyon.
"Lolo matanong ko lang po, sino sino ang mga tauhan ni Bingwen?" ang tanong ko kay lolo at sinabi niya na sina Cao, Blake, Chang, Dong, at Feng.
Isang umaga, pagkaraan ng isang linggo ng mabalitaan ang tungkol sa pinatay na babae, ay may dumating na tauhan ni Bingwen sa tindahan at hinihingi ang pera na pinakabuwis sa kanilang grupo at sa lakas ng boses nito ay dinig na dinig ko iyon hanggang sa loob.
Nakiramdam ako kung anong gagawin nitong masama sa tindahan o kaya ay kay lolo.
"Puwede ba akong magbigay sa inyo bukas, kasi halos wala pa akong benta" ang narinig kong pakiusap ni lolo.
"Hindi puwede kung hindi ay babasagin ko itong salamin na lagayan mo ng tinapay" ang narinig kong banta nito. Sumilip lang ako at ng makita ko na babasagin nga ang mga salamin ay sa isang iglap ay natalon ko siya at isang sipa ko sa mukha niya ang nagpatulog sa kanya.
Nagulat si lolo sa ginawa ko at nangamba siya na baka gantihan ako ng grupo ni Bingwen.
Binusan ko siya ng tubig para matauhan at ng magising ay galit niya akong susugurin sana subalit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan, at ito ay umalis na nagbabanta.
Ilang sandali pa ay bumalik ito na may mga kasama, tatlo sila kaya naisip ko saglit lang ang laban namin.
"Hoy ikaw lumabas ka dyan at harapin mo kami, mayabang" ang sigaw ng ginulpi ko kanina.
Wala akong kibo na lumabas ng tindahan at lumakad ng palayo sa kanila na kaagad naman nila akong sinundan.
Nang hindi ko sila pinapansin ay doon na nila ako pinaligiran at nakita ko na may dala silang mga patalim.
"Ikaw na mayabang ka humanda ka at gugutayin namin ang katawan mo at ikakalat namin sa lugar na ito para makilala nila kung sino ang binangga mo" ang narinig kong sinabi ni Cao, ang sinabing pangalan ni lolo sa akin na siya kong nakalaban kanina.
Ngayon ko naisip na si Cao ang isa sa kasama ni Bingwen na pumatay sa aking pamilya. Muli akong nagngalit ng maalala ko ang aking ina na wlang awa nilang pinatay. At bago pa lang sila nakaporma ay sunod sunod na malalakas na sipa at suntok ang kanilang inabot at walang nagawa ang dala nilang mga patalim sa akin.
Subali't kahit gusto ko silang patayin dahil sa ginawa nila sa pamilya ko ay naging kalmado pa rin ako alang alang sa pangako ko sa aking Master.
Iniwan ko silang nakahandusay at ng medyo malayo na ako ay isa ang bumunot ng baril at ako ay pinaputukan. Dahil alam ko kung papaano umilag sa mga bala ng baril ay nagawa kong makalapit sa kanya at isang suntok sa dibdib nito ang nagpawala ng kanyang malay. Dinampot ko ang baril at inalisan ito ng bala saka ko itinapon sa malayo.
Sa pangyayaring iyon ay hindi pa rin ako sumuway sa pangako ko kay Master, kahit gustong gusto ko ng maghiganti sa pagkakataong iyon.
I've just said to myself, this is not the right time, maybe, for my revenge.
Nakita ng mga tagaroon ang aking ginawa at sila'y nagkatuwaan at nasabi nila na dumating na sa kanila ang kanilang tagapagtanggol.
Bago pa tuluyang matauhan ng husto ang mga nakalaban ko ay nilapitan sila ng mga tao at kinuha ang kanilang mga patalim. Sa gayon umalis silang lulugolugo at patuloy nila akong pinagbabantaan. Subali't huwag silang magkakamali dahil kapag pinilit nila ako ay papatayin ko na sila at iyon ay pagtatanggol na sinabi ni Master sa akin, kung kinakailangang pumatay ay pumatay dahil sa pagtatanggol sa sarili.
Pinalakpakan ako ng mga tao sa kanilang nasaksihan at sa pakiramdam ko ay bigla akong naging sikat, isang superhero sa paningin nila na biglang dumating upang ipagtanggol sila sa matagal na nilang pagkakabilanggo sa takot sa grupo ni Bingwen.
"I'm afraid for your life" sabi sa akin ni lolo Guowei "Alam ko babalik ang mga iyon at hindi titigil hangga't hindi sila nakakaganti sa iyo"
Hindi nagkabula ang sinabi ni lolo sa akin.
Isang tanghaling tapat dumating ang mga tauhan ni Bingwen at sa bilang ko habang sila'y papalapit ay mga dalampu sila.
Nasabi ko sa sarili ko mukhang katapusan ko na yata at hindi ako puwedeng tumakas kaya dapat ko silang harapin. Ang iba ay may mga dalang gulok at iniwawasiwas pa habang naglalakad papalapit sa akin na naghihiyawan pa. Natakot ang mga tao at unti-unting nawala sa paligid, parang naging ghost town ang lugar dahil sa nakaambang panganib.
Matatag ko silang hinarap na pawang nakahinto sa pag-atake at naghihintay ng hudyat sa kanilang pinaka'leader' ng grupo.
"Nasaan ang pinuno ninyong si Bingwen?" ang walang takot kong tanong sa kanila.
"Ulol, kami muna ang harapin mo bago mo makaharap ang aming pinuno dahil dito pa lang ay puputulin na namin ang kayabangan mo" ang maanghang na sagot nila sa akin.
Pinaligiran nila ako at sa pakiwari ko ay mahihirapan ako sa dami nila. Nasa ganito akong sitwasyon ng biglang mag'flashback' ang anyo ni inay na nilalabasan ng maraming dugo sa bibig bago ito namatay. At bigla sumulak ang iniipon kong galit at ng sugurin na nila ako bawa't tamaan ng aking malalakas na sipa at suntok ay hilong bumabagsak sa lupa. Isa sa kanila na sanay sa martial arts ang hindi ko nailagan ang sipa at ako'y gumulong sa lupa. Mabilis akong nakatayo at hinarap ko siya. Bukod sa kanya ay may lima pang matinik sa martial arts ang susugod, kaya tinatagan ko ang aking sarili.
Sumugod kaagad ang lima at sa bilis ng aking kilos na parang kidlat ay naiwasan ko ang kanlang mga sipa at suntok at ng gumanti ako ay doon ko sila napataob at hindi na nakakilos pa.
"Klap! Klap! Klap!"
Ang nadinig kong palakpak ng pinakamagaling sa kanila.
"Magaling bata, sino ang Master mo?" ang tanong niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot kaya para siyang nainsulto at ako'y bigla niyang inatake. Nailagan ko ang kanyang mga sipa at gayun din siya na nailagan ang aking atake. Isang sipa ko sa mukha niya ang hindi niya nailagan at patihaya siyang bumagsak. Nakita niya ang isang gulok at sa galit ay inundayan niya ako ng taga na akin naman nailagan. Nakakuha ako ng tiyempo at ng itinaas niya ang gulok ay para akong kidlat na umigkas at tinamaan ko siya ng malakas na sipa sa dibdib. Bahagya ko siyang napaurong at hindi ko alam na sa pag-iwas ko sa kanya ay naipit ang isa kong paa sa pagitan ng dalawang kahoy at hirap akong makaalis kaya nagkaroon siya ng pagkakataong malapitan ako at ng akma na niya akong tatagain ay mula sa likod niya ay dumapo ang malakas na sipa na galing sa kaibigan kong si Mingjie na kanina pa pala pinanonod ang aking pakikipaglaban.
"Bilib ako sa pakikipaglaban mo napatumba mo ang mga ito" ang sabi niya at tinulungan niya akong maalis sa pagkakaipit ang aking mga paa.
"Salamat ha kundi sa iyo patay na ako" ang nasabi ko na lang sa kanya.
"Bayaan na natin sila at siguro magtatanda na sila" ang sabi ni Mingjie, at iniwan namin silang hindi makagulapay sa sakit ng katawan na kanilang tinamo.
Sa pangyayaring iyon ay sinabihan muna ako ng aking lolo Guowei na magtago muna kaya isinama ako ng aking kaibigang si Mingjie sa kanyang hideout sa isang bulubundukin na medyo may kalayuan sa lugar namin.
Pagdating namin doon ay humanga ako sa hide-out ni Mingjie dahil kumpleto ito sa gamit sa training ng martial arts kaya buhay na buhay na naman ang dugo ko sa aking namalas.
At ganoon nga, tuwing umaga ay lagi akong nag'eensayo' at kung minsan ay si Mingjie ang aking ka'sparing' at talagang humanga siya sa akin sa bilis kong umilag at umatake na kahit siya ay aking natatalo bagamat siya man ay natatamaan din ako dahil sa husay din niyang umatake.
****
Naisipan kong puntahan si Lolo Guowei subali't nagulat ako sa aking nakita, wasak ang mga kagamitan at basag ang mga salamin ng panaderya at nawawala si Lolo Guowei.
"Nasaan po si Lolo Guowei?" ang tanong ko sa mga tagaroon. At sinabi sa akin na kinuha siya ng mga tauhan ni Bingwen, matapos wasakin ang mga gamit ng panaderya. Ganoon ang kanilang ginawa ng bumalik sila at hindi ako makita.
Bumalik ako kay Mingjie at sinabi ko ang nangyari kay Lolo Guowei.
"Hahanapin ko siya" ang sabi ko sa kaibigan ko.
"Kai, sasama ako" ang sabi niya sa akin subali't tinanggihan ko at sinabi ko na lang na sa akin sila may atraso.
Pinuntahan ko ang hide-out ni Bingwen at maingat akong nakasampa sa bakod ng walang nakapansin sa akin. At nakita ko ang matanda na nakagapos sa poste at mukhang hinang hina na. Nagmatyag ako sa paligid at ng makita ko na isa lang ang bantay ng matanda ay sinipa ko sa mukha at kaagad bumuligtad at nawalan ng malay. Dali dali kong kinalagan si lolo at naitakas ko. Dinala ko siya kay Mingjie.
"Ano ang binabalak mo ngayon?" ang tanong sa akin ni Mingjie na nababahala sa binabalak ko.
"Babalikan ko sila at siguro panahon na upang magbayad sila sa kanilang mga kademonyuhan" ang mariin kong sabi kay Mingjie.
Nagpunta muna ako sa aming bahay at nakita kong wasak ang bahay namin, winasak ng mga hayop na tauhan ni Bingwen.
"Magbabayad sila, silang lahat at si Bingwen ito na ang pagtutuos namin dahil sa ginawa niya sa aking pamilya.
Sa binabalak kong gagawin ay hindi na siguro magagalit si Master dahil ang gagawin ko ay pagtatanggol sa aking mga kababaryo na nagdaranas ng pang-aabuso sa kamay ng mga kriminal na sina Bingwen. Dapat ng wakasan ang kanilang kasamaan.
Bumalik muna ako sa hide-out ng kaibigan kong si Mingjie upang pag-aralang mabuti ang aking balak. Magsasanay akong mabuti bago lumusob dahil alam ko sa dami nila ay baka hindi na ako makalabas pa doon ng buhay.
"Napag-isipan mo na bang mabuti ang gagawin mo Kai? Alam mo naman na bata pa ang edad mo kung ihahambing sa kanilang may mga tahid na ang mga tuhod at sanay sa bakbakan, patay kung patay ang kanilang motto" ang paalala sa akin ni Mingjie.
"Salamat Mingjie sa paalala mo at mag-iingat na lang ako at isa pa pag-aaralan ko muna ang technique ng throwing fire sa pamamagitan ng concentration.
Sa loob ng dalawang araw ay nakabuo ako ng throwing fire at ito ang gagamitin ko kay Bingwen.
Sa huli kong pagsasanay ay nagkasundo kami ni Mingjie na magsanay ng totohanang pagsasanay kahit magkasakitan kami, at pumayag naman siya. At ganoon nga at sa wakas humanga si Mingjie sa akin dahil panay ang tama ko sa kanya samantalang ako ay bihira lang niyang tamaan. Medyo sumakit na ang katawan ng kaibigan ko kaya huminto na kami.
"Bilib na bilib na ako sa iyo Kai, pero nag-aalala pa rin ako dahil hindi biro ang gagawin mong paglusob sa hide-out ni Bingwen" ang muli niyang paalala sa akin.
Bago ako umalis ay muli kong sinanay ang throwing fire technique. Nag'concentrate' ako ibinuhos ko ang aking galit sa paraang iniisip ko ang aking ina na humihingi ng katarungan at nagawa ko ng dalawang beses na pinagmamasdan pala ako ni Mingjie.
"Mingjie bukas ng madaling araw ako lalakad bahala ka na lang muna kay Lolo Guowei.
***
Lihim akong muli na nakasampa sa bakod at lahat sila ay naroroon na sa tingin ko ay mga tatlumpo sila, subali't hindi ko makita si Bingwen, ang leader nila,
Nasa ganoon akong sitwasyon ng muli maalala ko ang aking ina na bago mamatay ay lumalabas ang mga dugo sa bibig nito at humihingi ng katarungan at bigla pakiramdam ko ay nagningas ang buo kong katawan upang maging dahilan ng aking gagawing paghihiganti.
"SI KARATE KID, NANDITO NA!" ang sigaw ng isang bantay at sapat na upang magsipaghanda sila gamit ang matatalim na sandata.
Pinaligiran nila ako at humanda naman ako sa gagawin nilang pag-atake sa akin.
"Bata, pumasok ka dito sa lungga namin at sa akala mo ba ay makalalabas ka pa ng buhay dito?:" ang sabi sa akin ng kanang kamay ni Bingwen at sabay sabay silang naghagalpakan ng tawa.
Hindi na ako sumagot kundi ang nakita nila sa akin ay ang nag-aapoy kong mga mata na nakahanda sa pakikipaglaban sa kanila. Ang iba na nakakita sa ayos ko ay parang kinabahan, nahintakutan at nag-alanganing maunang lumusob.
"Humanda kayo hindi ko kayo patatawarin ngayon" ang sinabi ko sa kanila na sa pakiramdam ko ay mayroon sa mga dugo ko na isang kapangyarihan na hindi ko maipaliwanag at tiyak ako may kinalaman iyon sa bisa ng ipinainom sa akin ni Master.
Pumikit ako at ramdam ko ang paglapit ng lima at bago pa sila nakaporma ay para akong kidlat na kumilos at sa lakas ng suntok ko at sipa ay patay silang bumagsak sa lupa. Napaatras ang iba at medyo natakot subalit dahil sa utos ni Cao ay pikit mata silang lumusob sa akin at tulad ng naunang lima ay bagsak lahat ng tamaan ng aking mga sipa at suntok hanggang ang matira na lang ay si Cao, ang kanang kamay na mayabang ni Bingwen.
"Tigasin ka bata pero hindi mo ako kaya" ang may kayabangang sabi nito subali't magsasalita pa sana ito ng lumipad na si Kai at iyong landing ng kanyang paa sa dibdib at mukha nito ay hindi na ito nakaporma pa.
"KLAP! KLAP! KLAP!"
"Mahusay ka bata tinalo mo ang tatlumpo kong mga tauhan kaya magbabayad ka sa mga kamay ko" ang sabi ni Bingwen na kanina pa pala nanonood sa bakbakan namin.
"BINGWEN MANININGIL AKO NG PAUTANG SA PAGPATAY MO SA AKING PAMILYA" ang malakas kong sigaw sa kanya.
"HAK! HAK! HAK!" ang tawa niya.
"At sa akala mo, kaya mo ako?" ang sabi niya na unti unting lumalapit sa akin. Ang pamilya mo ay mga walang kuwentang tao kaya dapat silang mamatay, NAIINTINDIHAN MO?"
Sa sinabing ito ni Bingwen ay lalo akong parang nagliyab at sinugod ko siya na naiwasan niya ang pamatay kong sipa at ng siya naman ang gumanti ay tinamaan ako sa tagiliran na aking ikinabagsak.
Ng bumagsak ako naalala ko ang sabi ni Master na huwag akong padadala sa galit dahil mawawala ako sa maayos na kaisipan at baka maging dahilan ng aking kamatayan.
Kaagad akong bumangon at ipinikit ang aking mga mata at para kong nakita si Inay naliligo sa sariling dugo at humihingi ng katarungan at dito muli akong may naramdaman sa aking katawan na nagpasulak ng aking dugo at bago pa lang ako malapitan ni Bingwen ay nakabuo ako ng apoy sa aking mga kamay at ng ihagis ko ito sa kanya ay nagliyab ang kanyang buong katawan hanggang sa siya'y tuluyang matupok.
Dito ako nakaramdam ng matinding panghihina at ako ay bumagsak ng patihaya sa lupa.
Isa sa mga tauhan ni Bingwen ang medyo nagkamalay at nakita niya akong nakahiga, at nagbigay sa kanya ng magandang pagkakataon na tapusin ako. At kahit mahina ang aking katawan ay kitang kita ko siyang itinaas ang hawak na gulok upang ako ay tapusin ng bigla ay may sumipa sa kanya sa kanyang tagiliran na naging sanhi ng tuluyan nitong pagkamatay.
"M-Mingjie i-ikaw pala salamat at sumunod ka pala" ang nasabi ko na lang sa aking kaibigan.
Dahil sa nawala ang aking lakas ay tinulungan ako ni Mingjie na makalakad hanggang sa kanyang hide-out.
"Kai, hanga ako sa iyo talaga, biro mo natalo mo silang lahat pati ang tigasin nilang pinuno na si Bingwen?" sa sinabi ng aking kaibigan ay nangiti na lamang ako dahil ayokong ipinagyayabang ang aking nagawa at iyon ang bilin ni Master, huwag maging mayabang.
Mula noon ay bumalik na ang saya sa aming lugar at wala ng naghahariharian, lahat sila ay masasaya at balik na muli ang maayos na takbo ng negosyo ng bawa't isa lalo na si Lolo Guowei.
At ang aking kaibigan na si Mingjie ay nagturo sa mga kabataan ng martial arts sa kanyang training camp.
Thank you guys, for reading "I Revenged For The Death Of My Family" and hope you enjoyed reading the story.
Another inspirational short story is coming, so enjoy reading thanks.