Please VOTE!
BUSTED!
Magbabayad na siya ng may marinig siyang mga yabag palapit sa tapat ng flower shop.
Mas malakas ang pan dinig niya kaysa normal na tao dahil well trained silang lahat sa NBI at hindi na sana siya humihinga ngayon kung hindi sila na i trained ng maayos.
"Miss, ilan ang lalaki sa harap ng pinto at papasok na sa Flower Shop niyo na nakikita mo ngayon?" Tanong niya dito at nag isip ito at nag bilang.
"Isa lang naman, bakit ho?" Tanong naman nito at kaysa sagutin iyon ay nag bayad na siya.
Narinig niyang bumukas ang pinto at mabilis niyang nilabas ang baril para tutukan ito. Ang cashier naman ay gulat na gulat.
Tinaas ng lalaki ang dalawang kamay nito sa ere. Matangkad ang lalaki at may kakisigan naka balanggot ito at shades. Tinanggal nito ang balanggot at salamin nito at nagulat siya kung sino talaga ito.
"Easy, tiger. It's just me." Sabi sa kanya ni Ten at bakas ang pagka gulat nito sa reaction niya sa pagtutok agad dito ng baril.
"What the hell is wrong with you? Bakit mo ako sinusundan?" Galit na tanong niya dito. Gusto niya itong sipain sa inis. Kinabahan siya sa walang kadahilan dahilan.
"First, you should put the gun down. You're frightening her." Kalmado na sabi nito at binaba niya ang kanyang baril dahil mukhang takot na takot ang cashier sa kanya.
"I'm an NBI Miss, so don't be scared. Here's my i.d." Pagpapaliwanag niya sa cashier at ibinigay niya ang kanyang wallet na naglalaman ng i.d. tila nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin kaya binalik naman nito agad ang kanyang wallet. Lumabas na sila ng Flower shop.
"Where are you going?" Tanong ni Ten sa kanya.
"I'm going to the cemetery." Simpleng sagot niya at inilagay sa passengers seat ang bulaklak bago sumakay sa kanyang sasakyan. Nagulat naman siya ng sumakay din ito.
"Get out." May iritasyon na sabi niya. Pero imbis na umalis ay nag seat belt pa ito.
"I'm not in the mood para makipag biruan, Johnson." Matigas niya na sabi dito at ngumiti pa ito.
"So, you still remember my name? Huh?" Tila touched naman na sabi nito. Talagang sina sagad siya ng ungas na ito.
"I'm not yet old for memory gap, kaya bumaba ka na diyan!" Mataas na ang boses niya sa huling sinabi niya.
At hindi naman ito natinag dahil pinag krus pa ng mga kamay sa dibdib nito at prente pang na upo.
"I'll just accompany you. Hindi ka ba natatakot na simenteryo ang pupuntahan mo? At hapon na din. Sige ka baka kung ano ang maka salubong mo don'." Pananakot pa nito sa kanya.
"I don't need your help, and I do not believe in ghosts. So, get out." Pagtanggi niya sa alok nito.
"Oh, really? Then why're you shaking?" Balik naman nito sa kanya at natatawa pa. At oo nanginginig na pala siya ng hindi niya namamalayan.
Actually she's not afraid with guns and knife kaya lang ibang usapan na kapag multo dahil hindi niya talaga linya iyon.
Hindi din siya nanunuod ng horror films dahil hindi siya maka tulog sa gabi. May be that can be her weakness. Well, nobody is perfect kaya natural lang iyon.
"Fine, pero umuwi ka din agad." Wala na siyang nagawa kung hindi tanggapin ang alok nito sa kanya.
Nag seat belt na siya at tinanggal na niya ang kanyang cap para makita ng maayos ang daan. At in- start na niya ang makina.
"What happen to your hair?!" Ngayon lang ata nito napansin ang kanyang buhok.
Sa tingin niya ay nagulat ito sa pagpapa ikli niya ng buhok na hanggang itaas ng balikat.
Naninibago lang ito siguro dahil hindi pa siya nito nakikita sa ma ikli na buhok.
Buhat isang linggo na din ang nakalipas ng pagupitan niya ang buhok niya para iyong kabayaran sa pag palpak niya na ma iligtas si Arthur.
Siguro nga ay hindi sapat ang buhok niya para maging kabayaran sa kapabayaan niya.
Gusto niya laging ipaalala sa sarili na sa tuwing titingin siya sa salamin ay hindi niya dapat makalimutan na si Arthur ang dahilan kung bakit pa siya nabuhuhay ngayon. Kailangan pagbayaran niya ang lahat.
"Nothing much." Iyon lang ang sinagot niya at nag kibit balikat. Hindi na niya pinag tuunan ng pansin ang pagka gulat nito at nag concentrate na sa pagmamaneho.
"You are still blaming yourself aren't you?" May simpatya sa boses nito. At hindi naman siya sumagot.
"You should stop blaming yourself. Lahat naman ng lalaki ay gagawin ang ginawa niya para sa taong mahal nila. Kahit ako man siguro ay ganoon din ang gagawin ko." Dagdag pa nito.
"Woah, at kailan pa pumasok sa bokubularyo mo ang pagmamahal?" Sarcastic na balik niya dito.
"Kahapon lang." Pilosopong balik naman nito.
"Kung ako ang tatanungin mas gusto ko ang buhok mo ngayon. You look, ahmm.. Sexy." Puro nito sa kanya at napahawak siya ng mahigpit sa manibela ng sasakyan.
Biglang nag init ang kanyang pakiramdam sa sinabi nito na iyon.
"Shut up, hindi ko hinhingi ang opinyon mo. Now, tell me why you're following me? Ilalaglag kita sa sasakyan kung hindi ka aamin." Pananakot niya dito.
"Fine, kinuha ko kay Salley yung' address mo. Inabot na nga ako ng isang linggo sa pangungulit para lang makuha ko ang address mo. And thanks to my charm, ibinigay din niya kanina ang address mo." Pagmamalaki pa nito sa kanya. Mayabang talaga ito kahit kailan.
"Pupuntahan na sana kita kaya lang ng mapansin ko na lumabas ka sakay ng kotse ay sinundan na kita. " Pagpapaliwanag naman nito.
Kung ganoon ay hindi pala ito ang sumusunod sa kanya. May iba pa kaya o guni guni lang niya iyon.
"At bakit mo naman ako sinusundan? Sa pagkaka alala ko ay wala naman akong utang sa'yo and we are not friends at all." Tanong pa niya ulit dito at medyo natawa ito sa sinabi niya.
"I just want to make sure you're okay at isa pa hindi ako mapalagay dahil baka mamaya matuluyan ka na sa pagpapakamatay." Biro naman nito sa kanya.
"I can't die right now. I still need to find the one who murdered my mom and Arthur. At kailangan ko pa tuparin ang binilin ni Arthur. May be after that I can leave in peace." Seryoso naman niyang sagot dito at ito naman ang natahimik.
"Sorry, but I will not let that happen." Sabi nito sa kanya ng makabawi. At hindi niya maintindihan ang gusto nitong sabihin.
"Is that all? Kaya mo ako sinundan?" Pag uusisa pa niya na animo ay may hinihintay na sagot na gusto niyang marinig dito.
"Are you fishing an answer?" Naka ngiti naman na tanong nito.
"No, I'm not. I just don't see the logic of wasting your time in me. You should play with your girls more than being with me." Sarcastic ulit na balik niya.
"Let's just say that I'm bored with them. And I'm really worried about you." Simpleng sagot naman nito. Feeling naman niya ay pinaglalaruan siya nito kaya tinapakan niya ng madiin ang preno.
At mabuti na lamang ay naka seat belt ito kung hindi ay maaari itong magka amnesia kung sakalai na tumama ang ulo niyo sa salamin ng kotse sa lakas ng impact ng pagkaka preno niya.
"Papatayin mo ba ako?!" Inis na sabi nito sa kanya.
"Andito na tayo kaya bumaba ka na." Sabi niya imbis na sagutin ang tanong nito. Lumabas na siya ng drivers seat at kinuha ang bulaklak. Sumunod naman si Ten sa kanya.
"May sumusunod ba sa atin?" Tanong niya dito ng makaramdam siya ng pagka balisa na parang may sumusunod sa kanila.
"Wala, napa praning ka lang." Sagot naman ni Ten. Siguro nga, ay praning na siya kaya binaliwala na lang niya ang nararamdaman.
"Hi!" Bati niya sa puntod ni Arthur ng makarating sila doon. Inalis niya ang mga munting mga dahon na naka kalat sa puntod nito.
Samantalang tahimik naman si Ten. At inilgay niya ang bulaklak na kanyang binili.
"Kamusta ka na? Pasensiya na kung ngayon lang kita dinalaw, hindi ko kasi alam kung ano na ang gagawin ko ngayon na wala ka na at mas lalong hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin."
" I... I... I don't know what to say, really. Kung sana ay itinakas na lang kita ng araw ng kasal natin at saka tayo lumayo. Edi' sana hindi ito nangyari."
"I really don't know mind, spending a lifetime with you." Hindi niya na pigilan umiyak. Hindi na niya natuloy pa ang iba niyang sasabihin. Si Ten naman ay walang sinabi basta inakbayan lang siya and comforting her.
"Shhhhhh." Pagpapatahan naman nito sa kanya.
"Ganito ka ba lagi sa tuwing dadalaw ka dito? Mag isa kang umiiyak." Tanong naman ni Ten sa kanya.
"No, it's the first time that I visit his grave dahil ngayon lang ako nagka lakas ng loob na puntahan siya." Sagot niya dito sa pagitan ng hikbi at luha.
"Really? Eh, bakit may mga bulaklak pa ang puntod niya bukod sa galing sayo. Akala ko ikaw ang nagdala niya'n." Sabi nito sa kanya.
Sapat na ang sinabi nito para ma alarma siya at umalis siya sa pagkaka akbay nito at pinunasan ang kanyang mga luha.
Inilabas niya ang kanyang baril at nagpalinga linga sa paligid. Ang isang bulaklak na hindi galing sa kanya ay bago pa kaya baka nandito pa ang nag dala.
This story was finished and I'm only transferring it from Wattpad. Please visit and follow me at ILoveMongSiya. Thanks!