Unduh Aplikasi
18.36% Self Healing Magic / Chapter 18: Guild Hall

Bab 18: Guild Hall

Marami sa mga studyanteng magician ang sumang-ayon sa iminungkahi ng mga taga special students o section platinum batay sa gaganaping expedition sa loob ng itim na butas. Na lahat ng loots ay paghahatian at magtutulungan sa pagpapalevel up para sa lahat. Malaking tiyansa ito lalo na sa mga low level na magician.

Tanging ang mga may full party sa grupo lang ang pwede sumama.

Dapat ang lahat ng gustong sumali ay naka-off ang auto collect drops na makikita sa settings ng kanilang Interface para walang dayaan. Ang gaganaping expedition ay pamumunuan ng grupo ng mga taga special students.

Ang grupo naman ni Julie Brown na nabuo mula noong mock battle ay naisipang sumali. Marami pang grupo mula sa section Bronze, 1-D ang naisipang sumama. Lalo na marami pang level 2 sa section na ito. Marami naman sa estudyante ang gusto lang sumali para makasama ang iniidolo na taga special students. Gusto nila masaksihan ang tunay na lakas ng mga studyanteng ito na kaya gumamit ng rank S na magic. Sa sabado gaganapin ang unang araw na paglalakbay para sa kanilang expedition.

Ang guild ni Lady Curse, Undying, Holy King at Night Slayer ang mamumuno sa expedition na ito. Bago matapos ang forum ay marami pa silang napag-usapan gaya ng pagrecruit ng mga bagong ka-member sa bagong guild na gagawin. Pero tanging mga taga section Diamond 1-A, 1A at 1+A lang ang malimit na nakakasali.

Ngunit nagulat ang lahat nang personal na imbitahin ni Wolf King si Jin Makorov na taga lowest section. Halos may lumabas na question mark sa ibabaw ng ulo ng lahat ng nakasaksi. Pati narin ang mga kaklase ni Jin ay may mga katanungan na rumehistro sa kanilang pagmumukha. Bakit kaya personal na inimbita ng kilalang si Wolf King ang walang nagawa noong mock battle na si Jin Makorov? Ito ang mga katanungan sa isip ng mga kaklase ni Jin. Mas lalo pa nilang kinagulat nang tinanggihan ni Jin ang alok ni Wolf King.

Laking tuwa naman ni Kiko at dalawang kaibigan niya ng makapasok sa guild ni Necromancer. Instant celebrity sa paaralang ito pag nakapasok ka sa mga kilalang grupo gaya ng guild ng mga taga special students.

Mga babae naman ang nire-recruit ni Mina. Gayun din si Lady Curse at Night Slayer.

Ang mga guild na ito ay hindi lang basta bastang guilds. Dahil ito ay guilds sa loob ng paaralan na pinamumunuan ng mga may malalakas na magic na studyante at ini-sponsoran ng mga mayayamang negosyante. Lahat ng special students ay inatasang gumawa ng sariling guild. Bawat guilds naman ay may iba ibang pangalan. Gaya ng guild ni Necromancer na tinatawag na YourSoulIsMine or YSIM for short. Kay Undying naman ay PleaseKillMe or PKM for short. Kay Lady Curse ay KissOfDeath or KOD for short. At GoodNightWorld naman kay Night Slayer or GNW for short. Pwede rin gumawa ng guild ang hindi special students pero dapat nasa rank A pataas ang kaya gamiting magic ng leader at dapat din may sponsor ang gagawing guild.

Sa guild naman ni Mina ay nahihirapan si Kesha dahil hindi niya lubos akalain na ang korni ni Mina magbigay ng pangalan ng guild.

Minaaaa?! Anong Your My All Now?!

Una ay nagtawanan pa ang mga miyembro ng guild ni Mina pero nang mapansin ang abbreviation/acronyms? nito ay biglang nag devil mode ang mga mata nila at tanging si Kesha lang ang walang idea.

"Eh?! Ba-bakit Kesha?" Naguguluhang tanong ni Mina sa best friend. "Ang korni mo magbigay ng pangalan ng guild!" Direktang sabi ni Kesha sa best friend. Biglang nag'dot ang mga mata ni Mina sa sinabi ng best friend. "Kung ganun ano nalang.." Sabi ni Mina habang pinag isipan ang sunod na sasabihin. "Ah alam ko na!" Masiglang sabi ni Mina. "Hay! Buti naman at mukhang nakaisip kana ng mas matino." Sabi ni Kesha habang napa buntong hininga. "Young Me Are Naive nalang." Nahihiyang sabi ni Mina. Hindi alam ni Kesha kung matawa o magalit ba siya sa narinig, habang sa isip niya ay "Ahaha! Bakit pa ako umasa?" Hilaw na tawa habang hinawakan niya ang ulo at napailing-iling. Sa likod naman ni Kesha ay naniningkit ang mga mata ng miyembro ng guild habang nagkukulay pula.

"Grrrrr! Sino ba tong Yman na ito? Kung malalaman lang namin kung sino ka animal ka puputulin namin lahat ng pwede putulin sayooooo!!!" Mga pinagsasabi sa isip ng mga miyembro ng guild ni Mina.

"Papakainin ko ng malakas na fire ball ang manunuklawman na to!!!"

"Bilisan mo magpakita sa akin kung sino ka mang pangahasman ka! Gigil na ang mga dagger ko sayo!"

Kinalaunan napagkasunduan na Princess and Prophet o PAP in short ang pangalan ng kanilang guild. Pero sa isip ni Mina gusto talaga niya Your My All Now ang pangalan ng guild. Nagpakawala nalang siya ng buntong hininga habang lihim na nag-alala kay Yman. "Sana maayos na nakarating si Yman sa Engkantasya at sana makabalik na agad siya." Sa isip ni Mina.

*****

10:10pm ng Biyernes na, nakarating ang grupo ni Ron sa Engkantasya. Agad naman sinugod sa sikat na pagamutan ng kaharian si Yman. Isang sikat na Magic Doktor naman ang tumingin sa kanyang kalagayan.

Ilang oras na sinuri si Yman ng doktor. Paglabas ng doktor sa silid ay nagtayuan ang apat para tanuningin ang kalagayan ng misteryosong binatilyo.

"Dok kumusta ang kalagayan niya?" Nag-alalang tanong ni Ron. Tumango ang doktor at sumagot "Huwag kayong mag-alala hindi gaanong malubha ang kalagayan niya. Wala siyang internal injury. Over Fatigue at Mana Deficiency ang sanhi ng comatose niya. Mga apat o limang araw lang magigising na siya." Mahinahong sagot ng doktor. Lihim naman na natuwa ang apat sa nalaman. "Wala bang pinagbabawal ang pasyente dok?" Tanong naman ni Jesa. "Sa pagkain wala, bawal sa kanya ay inuming nakakalasing habang hindi pa bumabalik ang mana niya. Kailangan ng isang buwan o mahigit na pahinga ang pasyente at bawal siya gumamit ng mahika sa loob ng isang buwan. Mas mabuti rin kung iwasan niya mag travel ng malayo habang hindi pa bumabalik ang kanyang lakas para hindi mabinat ang kanyang katawan." Mahabang pagpapaliwanag ng magic doktor.

Nakahinga ng maluwag ang apat sa narinig ng doktor. Mabuti nalang at hindi malubha ang kalagayan ng misteryosong binatilyo.

Kinabukasan ay naatasan si Rea na magbantay sa pasyente. Habang sinamahan naman ni Jesa at Alexes si Ron sa guild hall ng adventurers guild.

May limang palapag ang building na ito. First floor ay reception area. Second floor makikita ang guild bar. Third and fourth floor ay lodging area para sa mga adventurers. Fifth floor ay sa Head Master office.

Kahit alas singko pa ng madaling araw ay maraming tao na sa reception area. Malakas na nagkukwentuhan ang mga ito. Kadalasan na tumatambay dito ay mga Bronze at Silver rank adventurers. Yung iba ay busy na pumipili ng mga mission sa mission board na nasa gilid ng reception table.

Nira-rank sa apat na antas ang mga adventurers. At ang mga antas ay Bronze, Silver, Gold, Platinum. Pero ang totoo ay may pang lima pang antas. Dahil secreto ang rank na ito sa labas ng adventurers guild ay tanging mga miyembro ng adventurers guild lang ang nakakaalam sa pang limang antas. Pero iilang tao lang ang nakakaalam sa mga pagkatao ng mga adventurers na ito. May dalawa palang na adventurers ang kasalukuyang nasa rank nato. At ang panglimang antas ay tinatawag na Adamantite. Ang rason kaya secreto ang rank adamantite sa labas ay dahil tanging mga sekretong misyon lang ang kanilang ginagawa.

Pagpasok nila Ron sa loob ng guild hall ay biglang tumahimik ang kaninang maingay na reception area. Gold rank ang grupo nila Ron at kilala din sila sa guild. Agad naman nagtinginan at nagbubulungan ang mga adventurers sa area.

"Diba si Ember yan?" Tanong ng isang adventurer na may tenga katulad sa lobo. At nakasuot ng mumurahing chest-plate na armor habang may malaking espada sa likod. "Oo si Ember nga yan at kasama niya si Breeze at Haste. Saan na kaya yung dalawa pa nilang kasama." Bulong naman ng pandak na taong mataba na napapalibutan ng mahahabang bigote ang mukha. Sa likod niya ay may malaking maso.

Emberman ay title ni Ron sa guild, Lady Breeze kay Jesa at D'Haste naman kay Alexes. Madalas ang mga sikat at malakas na adventurers ay binibigyan ng mga title. Dahil bago pa si Rea sa grupo ni Ron ay wala pa siyang title at si Vince naman ay si Mr.Iron.

Dumiretso agad ang tatlo sa reception table pagpasok sa guild hall. May tatlong receptionist ang makikita habang busy sa kani-kanilang ginagawa. Ngunit nang makita ng isang receptionist na may mahabang tenga at maganda na may shoulder length na kulay brown na buhok ang grupo ni Ron na palapit, ay bigla itong ngumiti at yumuko ng bahagya sa kanilang direksyon.

"Liela nasa office ba si Master Laura?" Biglang tanong ni Ron paglapit sa reception table. "Oo nasa office si Master Laura, sir Emberman." Mahinahong sagot ng receptionist habang namumula ang pisngi at palipat lipat ng tingin kay Alexes. Halata din na medyo nahihiya at namumula ang pisngi ni Alexes pero hindi siya nagsalita dahil importante ang pakay nila dito.

"Pwede bang itanong mo kung pwede siya makausap sabihin mo importante." Mahinahong pakiusap ni Ron. "Hindi na kailangan sir Emberman. Ibinilin na sa amin ni Master Laura na pag dumating grupo niyo at hanapin siya ay paakyatin nalang daw kayo sa taas." Mariin na pagpaliwanag ni receptionist girl Liela kay Ron.

Nagulat si Ron sa nalaman. Mukhang may importante din na gustong sabihin si Master Laura sa kanila. Gusto pa sana magtanong ni Ron pero naisip niya wag nalang. Tumango si Ron kay Liela "Sige salamat Liela." Pagkatapos magpasalamat ay dumiretso agad sa taas ang tatlo.


next chapter
Load failed, please RETRY

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C18
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk