DASURI KIM
Unang araw para sa huling taon ko sa high school. Sa wakas, magbubunga na 'rin ang ilang taon kong pangongopya este pagsusumikap na makapasa. Ngunit kahit na ganoon, hindi pa 'rin ako excited!
Bakit?
Kasi mababawasan na naman ang oras ko sa fangirling. Haysst. Sayang naman itong eyebags na naipon ko nitong bakasyon kakapanood ng music video ng Exo-K. Paniguradong mababawasan na naman.
Pero alam mo kung ano 'yung mas nakakaloka? Kaninang opening ceremony pa lamang ay itinatatak na sa mga utak namin na dapat maging handa sa kakaharapin sa kolehiyo. Like duh? As if naman na para kaming sasabak sa gyera after graduation. Mag-aaral lang naman ulit kami!
Hindi naman sa nagrerebelde ako. Sadyang naniniwala lang ako sa kasabihang, *We only live once, so find your bias and get married! Hoho.*
At gaya ng isang normal na high school student, marami din akong hinahangaang tao na nakakapagbigay sa akin ng INSPIRASYON. Pero hindi sila Aristotle, Mozart, Newton o kahit sino pang henyo ng nakaraan.
Dahil....
"Ako si DASURI KIM, at balang-araw magiging mabuting maybahay ako ng bias kong si Kai." Taas-noo kong litanya sa harap ng buong klase.
Kahit kasi nasa huling taon na ko sa high school, kinailangan ko pa 'ring lumipat ng eskwelahan dahil sa isang personal na dahilan. At dahil nga bago ako, inutusan ako ng guro namin na magpakilala sa lahat at sabihin ang plano ko sa buhay. Ngunit imbes na palakpakan, halakhakan at tawanan ang namutawi sa paligid.
Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Nagpakilala lang naman ako sa paraang gusto ko. Hmp!
"Tahimik!" saway ni Ms. Shin sa buong klase. S'ya nga pala ang magiging advisory teacher ko ngayong taon. Lumapit pa ito sa akin upang pagmasdan ako nang mabuti. Tila ba hindi s'ya makapaniwala sa kanyang narinig.
"Ms. Kim, hindi mo yata naiintindihan ang pinagagawa ko sa'yo. Ang sabi ko, introduce yourself and tell us about your future plan." Nakahalukip-kip nitong pahayag.
"Yes, ma'am. Gusto ko nga pong maging mabuting asawa ni Kai!" Pagpapatotoo ko sa aking sinabi. Namutawi na naman ang halakhakan sa paligid. Napahawak na lang tuloy sa sintido n'ya si Ms. Shin.
Ano bang magagawa ko? e, 'yon talaga 'yung plano ko. Ano kayang magsinungaling ako di 'ba?
"I said SILENT! Hindi 'ba kayo makaintindi? Unang araw pa lang ng school year pinapasakit n'yo na ang ulo ko." Sentinmyento pa ni ma'am bago ko senyasan na bumalik na sa aking upuan. S'ya naman ang nagtungo sa unahan.
"Mukhang marami pa talaga sa inyo ang hindi pa nakakapagdesisyon kung anong landas ang gusto n'yong tahakin. But don't worry, as your adviser, I will guide you until you realized that reality is way different to your fantasy." Muli pa kong sinulyapan ni ma'am na para 'bang para sa akin talaga ang mga salitang binitawan n'ya.
Yumuko na lamang ako habang nakasimangot. Kasalanan ko ba na ang ang tanging pangarap ko sa buhay ay maging isang MAPAGMAHAL NA ASAWA NI BIAS?!
If I know naman, katulad ko rin ang karamihan sa mga estudyante dito. Dahil ang South Korea ang pasimuno ng Hallyu. Natural na ang fangirling. Tanggap na ng lipunan 'yon. Ewan ko nga ba kung bakit bad vibes si ma'am pagdating sa mga Idols. Di naman s'ya inaano.
"Hi." Bati sa akin 'nung babaeng nakapwesto sa aking unahan.
Matapos kasi ang klase namin kay Ms. Shin, mayroon kaming thirty minutes break bago ang susunod na klase.
"Hello." Bati ko 'rin dito.
"Sorry, pero ano nga ba ulit 'yung pangalan mo? Kim??"
"Dasuri Kim." Sagot ko naman.
"O' nice meeting you! Ako nga pala si Soyeon. Soyeon Park." Ngumiti muna ito sa akin bago ilahad ang kanyang kamay. Agad ko naman iyong tinanggap.
"Hmm, yung ginawa mo kanina…" naku, 'wag mong sabihing pagtatawanan 'rin ako nito? Mukhang mahihirapan ako sa school na ito ha!
"Masyado kang exaggerated pero in fairness ang lakas ng loob mo. Gusto kita! Hahaha." Sabay alog nito sa kamay ko. Nagulat naman ako sa naging reaksyon n'ya.
"T-teka, Soyeon. 'Yung kamay ko." Saway ko pa rito ngunit parang wala s'yang naririnig. Ipinagpatuloy n'ya lang ang pag-alog 'non.
Mabuti na lamang at may lumapit sa aming isa pang babae. "Hoy, Soyeon! Itigil mo nga 'yang ginagawa mo. Balak mo bang putulin ang kamay n'ya?"
Napanganga ako sa ka-cool-lan ng babaeng iyon. Maikli ang kanyang buhok habang puno ng piercing ang tenga. S'ya 'yung klase ng babae na nagiging girl crush.
"Pasensya ka 'na sa kaibigan namin. Malakas lang talaga ang tama n'yan sa utak pero mabait 'yan. Ako pala si Amber." Pagpapakilala nito.
"Krystal Jung here. Maganda, fashionista at higit sa lahat, maldita." Singit naman nung babaeng katabi ni Amber. Matangkad ito at balingkinitan. Totoo naman ang lahat ng sinabi n'ya, maganda nga s'yang talaga.
Sandali pa akong namangha sa mga ito bago nagpasyang magpakilala rin. "Ako pala si Dasuri Kim."
"I know." Mataray na pahayag ni Krystal. Namilog naman ang mga mata ko nang marinig ang sinabi n'ya.
Bakit ang sungit n'ya sa akin? May nagawa 'ba akong masama?
Napansin siguro ni Soyeon ang gulat kong expression kung kaya sumingit ito sa usapan.
"Ang bad mo talaga! Huwag mong pinagpapansin 'yan Dasuri. Ganyan talaga pag single… masungit! Bleh!" Dinilaan n'ya pa si Krystal dahilan para irapan s'ya nito.
"Look who's talking? Bakit may boyfriend ka 'ba?" balik naman nito kay Soyeon.
"Err. Nag-aaway na ata sila?" tanong ko kay Amber habang panay sulyap kila Soyeon at Krystal. Mamaya kasi may isang bumulagta na lang sa kanilang dalawa.
Ngumiti naman ito. "Ganyan lang talaga sila magmahalan. Masasanay ka rin."
"Ganon 'ba?" Ibang klase naman pala magmahalan ang mga tao dito, para nang nagpapatayan.
At hindi nga nagtagal ay sumigaw na lang bigla si Soyeon. "Waaaaah!"
Agad ko naman s'yang nilingon. "Okay ka lang?" tanong ko baka kasi nasaksak na s'ya ni Krystal hindi pa namin alam.
"OMO! OMO! OMO!" Tumayo pa ito habang nakatitig sa hawak n'yang cellphone. "Bumalik na daw sila! Bumalik na! Kyaaah!"
Umalingaw-ngaw sa paligid ang boses n'ya. Mabuti na lamang at kakaunti lang ang estudyante sa room dahil lumabas ang ilan sa mga kaklase namin. Kung hindi baka mapagkamalan s'yang baliw.
Pero teka, sino nga ba 'yung bumalik?
"Shut up Soyeon! Para kang buntis na di mapaanak-anak." Saway ni Krystal kay Soyeon.
Agad naman itong sumagot, "Ano ka 'ba Soojung! Emergency 'to noh!"
Nilingon ko si Amber para alamin kung sino 'yung Soojung na tinutukoy ni Soyeon. "Si Krystal din 'yon. Ayaw n'ya kasing tinatawag sa korean name n'ya. Hindi daw sosyal." Bulong nito sa akin, Tumango-tango ako naman ako.
"It's Krystal, okay?!" pagtatama nito sa pangalan n'ya.
Nagmake-face naman sa harap n'ya si Soyeon. "Whatever! Basta masaya ako kasi bumalik na ang mga oppa ko. Sa wakas, nasa Korea na rin ang EXO-K. Makikita ko na naman ang mga gwapo nilang mukha!!" kinikilig na pahayag nito.
Para namang nagpanting ang magkabila kong tenga nang marinig ang sinabi n'ya. "A-ANO?!! BAKIT HINDI MAN LANG NAGSABI SA AKIN SI KAI?!" sigaw ko sabay tayo.
Sa pagkakataong iyon, sa akin naman natuon ang atensyon ng tatlo. Nakatitig sila sa akin na para 'bang hindi makapaniwala sa naging reaksyon ko. Agad naman akong natauhan. Hindi nga pala nila alam ang tungkol sa sikreto ko.
"Bakit ka naman n'ya sasabihan? Close 'ba kayo?" Natatawang pahayag ni Krystal. Napakamot ako sa aking ulo habang pinag-iisipan ang sinabi n'ya. Dapat ko bang sabihin sa kanila ang totoo?
Pasimple kong sinulyapan ang mukha ng tatlo. Mukha naman silang mapagkakatiwalaan. At kung nais ko talaga silang maging kaibigan mas maganda na 'rin siguro na magsabi na ko ng totoo sa umpisa pa lamang.
"Ang totoo kasi n'yan…" panimula ko.
"May sikreto kasi akong itinatago sa iba." Rinig ko ang kabog ng aking dibdib habang nagsasalita. Kumislap naman ang mga mata ni Soyeon at Krystal.
"Sikretong…"
"Malupet?" dugtungang pahayag ng dalawa. Kahit hindi sigurado sa mga susunod pang mangyayari, tumango ako bilang sagot.
"May asawa na ko." Saad ko sabay taas ng aking kaliwang kamay upang ipakita ang aking wedding ring. Namilog naman ang mata ng talo.
"O my God! Are you serious? That's freaking beautiful!" lumapit sa akin si Krystal upang pagmasdan 'yung singsing. Hindi rin nakatiis si Soyeon at nakiusisa.
"Oo nga! Mukha pang mamahalin." Komento pa nito. Napangiti naman ako nang marinig iyon
"Bakit parang ang aga mo naman atang nag-asawa? Kaka-eighteen mo lang di 'ba?" singit ni Amber sa usapan na halatang maraming katanungan ang tumatakbo sa kanyang isipan.
Ngumiti muna ko dito bago nagsalita, "Ang totoo kasi n'yan, yung parents talaga namin ang nagpasya na ipakasal na kami. Hindi na ko tumutol kasi gusto ko 'rin naman na talaga 'yung asawa ko kahit noong umpisa." Grabe. Ganito pala kasaya kapag naiku-kwento mo sa iba ang tungkol sa love-life mo! Nasanay kasi ako na itago ang mga bagay na alam ko.
"Oh? Mayaman ka siguro? Mayayaman lang naman ang kasi ang nakakaisip ng arranged marriage." Usal ni Soyeon.
"Yeah, right. Pero ang tanong gwapo naman 'ba?" maintrigang pahayag ni Krystal.
"Oo naman!" agad kong pahayag. "Baka maglaway pa kayo pag nakita n'yo s'ya ng personal." Sobrang proud kaya ako sa asawa ko!
"Ows?" taas-kilay na pahayag ni Krystal.
"Oo nga! Sikat na sikat nga s'ya ngayon e. Lumapit kayo sa akin nang maibulong ko sa inyo ang pangalan n'ya. Hindi ko kasi pwedeng ilakas baka may ibang makarinig, machismis pa." sinenyasan ko sila ng lumapit sa akin. Agad naman silang tumalima.
"Wag ka'yong magugulat ha? Si asadshsf." Bulong ko sa pangalan ng asawa ko.
Nagkaroon naman ng matinding katahimikan sa pagitan naming apat. Nakatulala lamang sila at walang binabangit na kahit anong salita. Si Amber ang nagpasayang bumasag ng katahimikan. Sinulyapan pa n'ya ko bago umiling-iling.
"Kumain na kaya ta'yo? Mukhang gutom na si Dasuri." Saad n'ya bago maglakad palabas ng room. Sumunod naman sa kanya si Krystal na natatawa pa. "Gosh! I can't believe na naniwala ko sa kanya. Mas baliw pa pala 'to kay Soyeon e."
"T-Teka! Totoo lahat ng sinasabi ko! May singsing nga ako di ba?!" Sinubukan kong muling magpaliwanag pero patuloy lang sila sa paglalakad. Naramdaman ko naman ang pag-akbay sa akin ni Soyeon.
"Okay lang 'yan, Dasu. Feel kita. Ganyan din ako madalas, nangangarap nang dilat ang mga mata." Saad nito bago ko isama palabas.
"Ang mabuti pa, sumama ka na lang sa akin mamaya pagkatapos ng klase. Sasalubungin natin ang Exo-K sa pagbabalik nila ng SM Entertainment. Hindi naman sa pagmamalaki pero isa lang naman ako sa masternim ng mga fansite ni Suho oppa kaya nasa mabuti kang kamay." Dagdag pa nito.
"Pero … totoo naman kasi lahat ng iyon." Bulong ko habang nakanguso. Hayst! Talaga bang mahirap paniwalaan 'yung mga sinabi ko?!
ASAWA KO NGA ANG BIAS KO!
"Ang tagal yata nila? Hindi kaya nadisgrasya na 'yung van na sinasakyan nila?" tanong ni Soyeon matapos ang halos isa't kalahating oras naming pag-aantay sa tapat ng SM Entertainment kasama ang iba pang mga fans. Kagaya nang napag-usapan namin kanina. Nagtungo kami sa agency ng EXO-K upang salubungin ang mga ito. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nasisilayan maski ang anino ng mga iyon.
"Hindi naman siguro." Saad ko bago kuhain ang aking cellphone. Tumunog kasi iyon hudyat na may natanggap akong text message. Galing iyon kay Maria eonnie.
(Nakauwi na s'ya)
Namilog ang aking mga mata matapos mabasaya iyon. Nasa bahay na daw si Kai?! Pero nagpost ang grupo n'ya sa twitter na dadaan muna sila ng SM Entertainment bago dumiretsyo sa kanilang dorm. Hindi kaya may nangyaring masama sa kanya?!
"Huy! Okay ka lang? Namumutla ka ata?" Nabalik ako sa realidad nang marinig muli ang boses ni Soyeon. Nakatitig ito sa akin na para bang taking-taka sa kanyang nakikita.
Nawala lang ang atensyon n'ya sa akin nang dumating na 'yung van na inaantay namin kanina pa. Nagtayuan na ang iba pa naming mga kasama at nagtungo sa paligid ng van. May humarang agad sa kanila ang mga body guard upang bigyan ng daan ang mga taong lalabas sa sasakyan.
"Waaah! Nandyan na sila Dasu! Tara na!" Naunang umalis sa pwesto namin si Soyeon at humalo sa karamihan. Nanatili naman akong nakatitig sa cellphone ko. Talaga bang wala dito ang asawa ko?
Kinuha ko 'yung gamit kong nakasalampak pa sa sahig. Isinukbit ko iyon sa aking dalawang balikat at sumugod na rin sa karamihan. Wala akong pakialam kung sino ba yung mga nadaraanan ko. Basta nilusutan ko silang lahat hanggang sa mapunta ko sa unahan. Sakto namang nakababa na 'rin mula sa van ang mga myembro ng EXO-K.
Agad kong hinanap ang isang partikular na lalaki. Ngunit gaya ng inaasahan ko, wala nga s'ya roon. Bakit kaya s'ya umuwi ng maaga? Hindi kaya may sakit s'ya?! Omo!
"Gusto ko nang umuwi!" bulong ko habang naghahanap ng madadaanan. Ang tanging daan lang kasi na pwede kong lakaran ay nahaharangan ng van. Kailangan ko pang lagpasan 'yung mga myembro ng EXO-K para makaalis sa lugar na iyon.
"Aish! Bahala na nga!"
Huminga ko nang malalim bago pikit-matang nilagapasan 'yung mga guard. Lumusot ako sa espasyo sa ilalim ng kanilang mga braso. Sa akin naman natuon ang atensyon ng lahat. Maski na ang mga kagrupo ng asawa ko na inaantay ang susunod kong gagawin.
"Hyung!" tawag ni Sehun kay Suho bago magtago sa likod nito. Akala ba n'ya susugurin ko s'ya at yayakapin kagaya ng mga saesang fans? Psh. Feeling din 'to e.
Dinilaan ko nga s'ya bago tumakbo palayo sa kanila. Narinig ko pa ang boses ni Soyeon na sinisigaw ang pangalan ko.
"DASURIIII!!!!!"
Gusto mo bang mapangasawa si bias? Paano kung mabigyan ka ng chance pero as a SECRET WIFE lang, KAKAYANIN MO BA?!
Like the story? Add to library!