Unduh Aplikasi
28.26% Salamin [BL] / Chapter 13: Salamin - Chapter 13

Bab 13: Salamin - Chapter 13

"Ano kamo?! Ikaw nagahasa?! Saan at kailan?! Nino?!" ang naiintrigang magkakasunod na tanong ni Mariah habang kunot at magkasalubong ang kanyang kilay at nakatingin sa akin sa pagkagulat at di pagkapaniwala.

Seryoso ang aking mga ibinalik na titig sa kanyang mga mata habang sibangot ang aking mga labing tikom na hindi sumagot sa mga tanong niya. Lalong napahigpit ang kanyang kabig sa aking braso at hinila ako papasok sa looban ng kanyang parlor.

Tulad ng dati, maraming parokyano at tambay doon. Ang iba'y sinusundan kami ng kanilang mga tingin at ang iba nama'y tila abala sa kung ano mang pinagkakaabalahan nila.

"Ikuwento mo nga ang nangyari. Katigas mong bata ka nagahasa ka pa?! Ng ano?! Ng bakla?! Kasing laki ko ba ang gumahasa sa iyo?! Nakita mo ba kung sino?!" ang pabulong na mabilis at magkakasunod niyang pang-uusisang muli sa akin nang kami'y madako sa bandang malayo sa iba at hindi makaririnig ng aming usapan.

Natatakpan kami ng malalaking karton na magkakapatong na itinambak ni Mariah sa bandang iyon laman ang anyang mga abubot.

"Ano ba?! Pwede na ba akong magsalita muna Mariah?!" ang nainis kong giit sa kanya.

"Ay sorry naman! Sige na, makikinig na ako." ang sagot niyang napipi sabay tikom sa kanyang mga bibig gamit ang kanyang isang palad ay ipinanakip.

Ipinatong ko sa sahig ang aking mga bitbit sandal sa isang pader upang makausap si Mariah ng maayos. Hindi ko siya maharap sa mata nang sisimulan ko na ang aking kuwento.

"Nag-inuman kami kagabi kasama ang lahat ng mga kasamahan ni Rodel sa varsity. Nandoon din si Alice at Randy. Nasobrahan ako, nasuka ako habang nag-iinuman kami, disoriented na ako... may nagpaligo sa akin sa bathtub tapos ginamit ako hanggang sa mawalan ako ng malay... tapos naalimpungatan ako kama na ako pero tinitira pa rin kasi ako kaya ako nagsing... wala akong salamin at sa likuran ko siya kaya di ko siya naaninag man lang, tapos dinagukan ako kaya nawalan ulit ako ng malay... nagising ako nasa sofa na ako at tulog na ang lahat..." ang

kuwento ko kay Mariah habang nakatingalang inaalala ang mapait na mga kaganapan habang ang mga kamay ko nama'y tila binibilang ang bawat pangyayaring aking binanggit.

"Sino-sino ba kasama mo?" ang tanong niya habang nakatitig sa akin ang mga mata niyang nagsasabing nakikinig siya sa akin ng maigi.

"Ang alam ko, si Rodel at si Randy na lang ang kasama ko nung mga oras na iyon kasi umuwi na rin si Alice pagkatapos umuwi nung iba. Dun na kami sa kuwarto noon. Hindi ko na makilala ang mga boses at kung anong oras na iyon at gaano na katagal lumipas ang mga sandali kasi basag na basag na talaga ako. Ang alam ko lang, sobrang sakit ng pinupuwersa ka. Ang dumi ng tingin ko sa sarili ko ngayon. Para akong..." sagot ko sa kanya na hindi natuloy dahil hindi ko na mapigilang humagulgol sa pait ng aking damdamin.

Napalakas ang aking daig kaya't ang mga nasa parlor ay agad lumingon sa dako namin. Ang ibang baklang tambay roon ay likas na usisero kaya't ang karamihan sa kanila ay sumisilip.

"Hoy! Mga puta kayo huwag niyo kami pansinin dito may problema lang yung tao igalang niyo!" ang mataray na sigaw ni Mariah sa kanila habang kumakaway ang kanyang mga kamay na pataboy sa kanila.

Pinatahan lang ako ni Mariah at ako naman ay pilit na inayos ang aking sarili.

"Ang sakit Mariah. Sobrang sakit!" ang gigil na sinabi ko sa kanya habang naglalagatukan ang aking mga daliring humihigpit ang pagkakakulot sa galit.

"Wala ka bang kahit kaunting clue sa gumamit sa iyo Jasper? Si Andrew... ay Randy.. hay ewan ko ba! Basta si pogi na pinakilala mo sa akin wala sa itsura niya na may manyak tendency siya pero yung Rodel na iyon... baka yun ang gumahasa sa iyo." ang kanyangconclusion naman sa mga nadinig mula sa akin.

"Si Rodel yung ex-boyfriend ko... at bakit naman niya ako gagahasain eh ilang beses namin ginagawa yun sa isang pagkakataon na magkakaroon kami? Hindi siya ganoon kabrutal... Tignan mo ang dami kong marka..." ang sagot ko naman sa kanya sabay taas ng aking suot na shirt upang ipakita sa kanya ang mga marka sa aking likuran.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita at di na nakapagsalita pa.

"Hindi gumagawa ng ganyan si Rodel. Si Randy naman bagama't wirdo eh... straight pa yun sa buhok ng mga nirerelax mo ang dito... girlfriend niya kaibigan kong naknakan ng sexy at ganda na si Alice. Galit sa mga bakla yun!" ang dagdag ko pa habang isinusuot muli ang aking shirt.

"Grabe ha... gusto ko yung ginawa sa iyo ng rapist mo. Kinky!" ang sagot niya naman sa akin habang nakangiti at sinusundot-sundot ang aking tagiliran.

"Sige, pag nakilala ko kung sino ipapagahasa kita." ang biro ko ring sagot sa kanya at kami ay nagtawanan na.

"Okay naman na ako Mariah, ayaw ko lang isipin ulit yung mga nangyari pero hindi ko palalampasin ang pagkakataon na magantihan ko kung sino yung gagong iyon." Ang pagpapalagay ko naman sa kanya matapos manumbalik muli ang pagkaseryoso ng aking mukha at tono ng pananalita.

"Wala ka ba talagang clue kung sino yon?" ang tanong ulit niya sa akin.

"Habang nasa bathtub ako at bumubuhos yung nakatapat na shower ako ginamit nung gagong iyon. Akala ko mahuhulaan ko kinabukasan kung sino pero pagkagising ko tinignan ko pang lahat sila habang natutulog pa. Masaklap lang kasi lahat nakapaligo na pala." Ang wika ko kay

Mariah na may panghihinayang.

Hindi makasagot si Mariah at halatang napapaisip na rin sa mga narinig.

"Ang isa pang gumugulo sa isipan ko kung di man si Rodel ang gumawa sa akin non ay bakit si Randy? Galit sa mga bakla titira ng bakla? EH hindi nga niya alam ang tungkol sa akin at kung ano meron sa amin ni Rodel. Ang alam nilang lahat best friends lang kami." Ang dagdag ko pa.

Di pa rin nakakasagot si Mariah tila tinitimbang ang bawat detalye sa loob ng kanyang isipan.

"Huli sa lahat, nang gumising ako, si Rodel at Nestor magkatabi at magkayakap na natutulog sa kama. Si Nestor yung pinagpalit sa akin ni Rodel. Bakit naman ako titirahin ng putlang baklang yun eh mukhang di yata tumitigas ang alaga non at kung tumitigas man yun eh parang di naman

mapupunit ng ganito pwet ko sa kanya. Mukhang maliit eh." Ang natatawa ko namang banggit na nagdulot sa kanyang ngumiti.

"Baka dalawang tao gumamit sa iyo o dalawang beses ka niya ginamit? Grabe naman libido noon. Baka naman naudlot ang kantot niya sa iyo kaya itinuloy niya na lang sa kama? Pero paanong walang nakakita o nakahuli man lang sa ginagawa niya sa iyo?" ang mga tanong niya sa akin matapos maisip ang ibang mga posibilidad base sa aking mga sinabi.

"Sa bagay na iyan may alam na ako. Kasi kinabukasan naglinis muna kami ni Randy bago iwan yung dalawang natutulog pang magjowa sa kuwarto. May nakita akong Valium sa basurahan." sagot ko naman.

"Anong Valium?"

"Basta hindi mo siya makukuha sa Mercury o ibang drugstore basta-basta kailangan ng reseta ng doctor na may mga license pa nila dapat na kasama. Masyadong kumplikado kung ipapaliwanag ko pa pero sa madaling salita, gamot iyon at pag hinalo yun sa mga alcoholic drinks pinatitindi nito ang tama ng inumin at pwedeng mamatay ang iinom noon na sinabay pa ng alak. Kaya rin siguro ako sobrang wala na sa katinuan at alam sa mga nangyayari gaano dahil isa sa kanila nilagyan non ang mga inumin namin." Ang paliwanag ko.

"Sa tingin mo sino sa kanila pwede makakuha ng ganon?"

"Hindi ko alam at wala sa kanila mukhang umiinom noon."

"Nakakatakot naman. Mayayaman talaga nakukuha ang lahat ng gusto nila basta nabibili ng pera." ang naiiling na sagot niya sa akin.

"Kamusta naman yang pwet mo? Masakit pa rin ba? Umamin ka, kahit papaano nag-enjoy ka no?" ang pangingibang usapan ni Mariah.

"Masakit pa rin! Sana nga tinanong na lang niya ako diba para pareho kami nag-enjoy wala pang drogang kasama... Gago di ako pokpok no." ang pabiro kong sagot sabay kabig.

"Puta ka! Naghahanap ka nga ng boyfriend sa chat sabihin mo hindi ka pokpok." ang sagot naman niyang pabiro tila ayaw maniwala sa aking sabi.

"Mamaya ha? Balik ka dito punta tayo ng shop ng fafa ko. Tulad ng dati, gabi ng landi." ang paalala niya sa akin sa nakagawian na naming libangan sa gabi – ang makipagchat buong magdamag sa computer rentals ng boyfriend niya.

Biglang narinig namin ang pagtunong ng isang pamilyar na ringtone ng isang tipikal na Nokia na cellphone na hindi pa napepersonalize ang ringtone. Nagkatitigan kami ni Mariah. Marahil sa isip niya ay hindi naman sa kanya yung tumutunog na teleponong iyon at ako nama'y nakalimutan kong may telepono na nga pala ako.

"Sosyal may first caller ka na sa bago mong phone! Mukhang ipinangalandakan mo na sa chat room iyang number mo ha." ang pang-asar sa akin ni Mariah habang nakapamewang na pinagmamasdan akong nagkakandarapang kunin ang telepono sa loob ng karton nito na nasa loob din ng paper bag.

Hindi ko na pinansin si Mariah at agad na lang na sinagot ang telepono matapos kumalat sa sahig ang laman ng karton sa pagmamadali.

"Ang tagal mo naman sumagot!" ang reklamong bati ni Randy sa akin.

"H-ha? Pasensiya Randy na nasa loob pa rin kasi nung karton at paper bag... hindi pa ako sanay din sa ganito kagandang telepono." ang nahihiya kong sagot sa kanya habang kinakamot ang aking ulo.

Si Mariah ay tahimik na nakikinig sa aming usapan ni Randy habang pinupulot ang kumalat na gamit at inilalagay sa karton. Pansin ko ang pilyong ngiti ni Mariah sa maya't-maya niyang paglingon sa akin.

"Randy nanaman! Andrew nga eh! Kulit mo!... Maiba ako, kaya ako tumawag kasi gusto kong magpatutor sa iyo sa isa kong subject. Balita ko kay Alice magaling ka daw sa math. Alam mo na ba yung Algebra?" ang sagot niya.

"S-sorry... B-baka naman mahal na yung phone bill mo Andrew kung over the phone? Pwedeng bukas na lang ng umaga kita tulungan diyan?" ang paumanhin ko naman sa kanya sabay nagabot ang aming mga mata ni Mariah at tinaasan ako ng kilay. Isang magkasalubong na tingin naman ang ibinalik ko sa kanya.

"Anong over the phone?! Wala rin akong balak ipagpabukas pa ito mas gusto ko nag-aaral bago matulog kasi mas matalas memory ko bago ako matulog. Nakaayos ka na ba? Kumain ka na ba? Susunduin kita diyan sa inyo." ang sagot naman niya.

"H-ha? H-hindi pa ako nakakauwi may... may... dinaanan pa ako dito kay Mariah. U-uwi na ako kasi asikasuhin ko muna nanay ko. Bukas na lang Andrew." ang dagdag ko pang pakiusap sa kanya.

"Anong bukas?! Ngayon na! Gusto mo bigyan ko pa ng yaya mommy mo tulungan mo lang ako. Pasamahan mo muna kay Mariah kamo bayaran ko na lang siya." ang mayabang naman na pangungulit niya sa akin.

"T-teka... H-hindi pwede... TEKA NGA MUNA ANDREW BAKIT BA ANG KULIT MO?! SINABI NANG BUKAS NA EH!!" ang bigla ko namang pagsabog sa nagliyab sa aking inis sa kanya.

"Wala lang... ikaw naman di ka na mabiro. Sige na please?! I'll pay you another thousand peso for teaching me tonight." ang nang-aasar naman niyang sagot sa kabilang linya sabay tawa ng malakas.

"Naku! Pera na! Kung di lang talaga kailangan ng perang pagamot ni inay." ang naiirita kong sabi sa aking isipan.

Nalapit na pala ang tenga ni Mariah sa bandang kung saan nakadikit ang aking telepono habang kinakausap ko si Randy. Isang matalim na tingin muli ang ibinalik ko sa kanya nang lungunin ko siya.

Tumawa lang siya ng malakas at tinusok ang aking tagiliran na parang tinutuya ako at kinikiliti.

"Pwedeng kamustahin ko muna nanay ko? Please? Sige na. May assignment din kami ni Alice pahingi naman ng number niya para matext ko siya kasi nasa kanya yung notebook ko." ang panunuyo ko na lang kay Randy.

"Sige ba! Sabi mo yan ha? Hihintayin ko text mo. Kausapin ko muna sa chat parents ko habang hinihintay ka. Hindi ko magawang maipasok sa utak ko itong lecture na to. Hintayin mo yung number niya forward ko sa iyo." ang sabi naman niya na parang wala talagang pakialam sa kanyang mga aralin.

"O sige na bye na." ang naiinip ko namang sagot sa kanya upang matapos na ang usapan namin.

"Otey! Drain mo muna battery ng phone mo bago mo charge ha? Dalin mo na charger mo mamaya para dito ka na magcharge. Bye Jasper! Buh-bye!" ang parang nag-inis lalo niyang pamamaalam sa akin sabay baba ng kabilang linya.

"Letcheng yun!" ang agad kong bulalas na nasabi sabay silid ng telepono sa aking bulsa.

"Anong meron? Bakit parang ang kulit naman ni Randy? Boyfriend?" ang agad na hirit sa akin ni Mariah.

"Boss hindi boyfriend!" ang sagot ko naman sa kanya. Isang ismid na marka naman sa kanyang mga mukha ang kanyang ipinakita na hindi siya sa akin naniniwala.

"Hindi ba masipag mag-aral iyon?" ang naiintrigang tanong ni Mariah.

"Mukhang pareho sila ng utak ng girlfriend niya. Hindi na ako nagtataka ngayon kung bakit nagkatuluyan yung dalawang utak-ipis na mga iyon. Pero si Randy mukhang dala lang ng katamaran yun. Mahilig din magbasa yun eh. Kanina ko lang nalaman mga english novels trip niya na mga tipong tulad ko lang ang magkakainteres magbasa." ang paliwanag ko naman sa kanya sabay nagsimulang ayusin ang aking mga bitbitin upang maghanda nang umalis.

"May naaamoy ako ha! Pakantot ka na kasi ahasin mo na yan sa jowa niya. Baka naman nagpapanggap lang iyan pero type ka rin niya. Masarap na yan mamaya pag tinira ka na niya." ang sagot naman niyang parang espesiyalista sa larangan ng kanyang sinabi.

"Ang baboy mo Mariah!"

"Hoy! Jasper walang personalan! Below the belt na yan bakla ha. Pag pumayat ako hindi na kita kilala. Isa pa kahit mataba ako may jowa naman ako no." ang sagot naman niya sa akin na aking tinawanan.

Agad tumunog ang aking telepono at ito'y agad ko rin tinignan. Numero ni Alice ang pumasok sa mensahe. Di na ako nagsayang pa ng panahon at agad ko siyang pinadalhan ng mensahe tungkol sa aming aralin kung saang chapter yung gagawan namin ng aming report. Bukod dito giniit ko sa kanya ang ugali ni Randy na nakakakainis na.

"Msny k n.Gnun tlga c babe ko.C u on mon & thx 4 helping my hubby n rin." ang huling sagot sa akin ni Alice matapos ang ilang palitan namin ng mensahe tungkol sa aming aralin.

Nagpaalam na ako kay Mariah at hindi na pinansin ang mga hirit ng mga malalanding baklang tambay roon. Gusto ko nang makita ang aking ina.

"Nay! Nasa bahay na po ako!" ang masiglang bati ko sa kanya pagkapasok sa aming pintuan.

Nagulantang akong mapansin ang aking inang nakahiga at malayo ang tingin na tila tagos sa aming kisame.

"Nay?"

Naalimpungatan siyang bigla at sabay ayos ng sarili upang umupo at iharap sa akin ang kanyang matamis na ngiting aninag ko lang sa liwanag na dala ng aming gasera. Agad na inangat niya ang magkabila niyang payat na mga braso upang ako'y salubungin ng isang yakap.

Nagmadali akong lumapit sa kanya at niyakap ng napakahigpit. Tila sa pagkakataong iyon ay ayaw ko nang bumitiw dahil sa kabila ng aking isipan ay natatakot akong mawala siya sa aking piling dala ng kanyang sakit.

"Kamusta ang mga lakad mo anak? Nag-enjoy ka ba?" ang tanong niya matapos naming magwalay sa yakapan.

"Okay naman po ako. Nag-enjoy po ako ng sobra at kumita pa ako. May phone pa ako!" ang masaya ko namang sagot sa kanya. Napatitig ako sa kanyang mga matang malamlam na at kita ang matinding kalungkutan.

"Nay, nasabi na po sa akin ni Mariah ang lahat. Makakabili pa po tayo ng gamot sa kinita ko." ang pagpapalagay ko naman sa kanya sabay abot sa kanya ng isang libong piso na aking kinita.

Abot tengang ngiti ang nakita ko kay inay sa kanyang nakuhang salapi. Tila namumuo ang luha sa kanyang mga mata na ngayo'y nakakakita na ng kaunting pag-asa. Hindi ko rin mapigilan ang pangingilid ng aking mga luha sa aking nakikita.

"Kumain ka na po inay?" ang tanong kong maiba ang aming usapan.

"Kahahanda ko lang anak ng hapunan natin. Ikaw na lang hinihintay. Kain na tayo." ang sagot naman niya sa akin sabay yaya sa akin lumakad sa aming hapag na nakahanda na.

Tulad ng aming nakagisnan ay masaya kaming nag-usap ni inay tungkol sa aking mga karanasan. Masaya at interesado naman siyang nakikinig sa akin. Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagligpit ng lahat at pinagpahinga na ang aking ina.

Habang naghuhugas ako ng mga plato at nakahiga na ang aking inay sa kanyang higaan.

"Nay, papaalam pala ako ngayon kasi nagpapatutor sa akin si Randy. Sunduin daw niya ako baka doon na po ako magpalipas ng gabi." ang paalam ko sa kanya.

"Ingat ka anak sa biyahe ha? Galingan mo sa pagtuturo. Kung buhay lang ang tatay mo ipagmamalaki ka rin niya. I-lock mo na lang yung pintuan bago ka umalis." ang sagot naman niya sa akin.

"Opo."

Nang matapos ako sa aking ligpitin ay hindi na rin ako nagsayang pa ng sandaling ayusin ang aking mga gamit na dadalhin. Matapos noon ay agad kong pinadalhan ng mensahe si Randy upang ipaalam sa kanyang pwede na niya akong sunduin.

Tumunog agad ang aking telepono sa aking pagkabigla dahil sa wala pang isang minuto ang nakalipas matapos kong ipadala sa kanya ang mensahe.

"Ang tagal mo. Nasa labas na ako ng pintuan niyo." ang pabating reklamo sa akin ni Randy.

Agad ko siyang binabaan ng telepono at binitbit ang aking mga gamit sabay tungo palabas ng bahay.

"Sabi ko hintayin mo kasi text ko eh. Sino ba nagsabi sa iyo na hintayin mo ko sa labas ng bahay namin? Baka kidnapin ka pa dito o holdapin ka. Kutis mo pa lang hindi pang mahirap at halatang di ka taga rito." ang salubong ko naman sa kanyang naiinis nang kami ay magkalapit. Tumawa lang siya sa akin at kinuha sa akin ang bitbit kong back pack na pinalitan ko lang ng mga laman para sa aking lakad ngayong gabi.

"Ako na magdadala!" ang inis kong sabi sa kanya habang nakikipaghilahan ako sa isang strap ng bag na hindi nakasukbit sa aking balikat.

"Ito naman, nagsisimula na akong mahiya sa iyo eh. Ang taray mo pala Jasper." ang sagot naman niyang nanunuyo habang patuloy na kinukuhang pilit sa akin ang aking bag.

"Naku! Kung di lang talaga sa pera at pakiusap na rin ni Alice sa akin hindi mo ako makikita ngayong gabi." ang inis kong sagot sa kanya taliwas sa kanyang mga nasabi.

"Sorry na.. Sige na ako na magdadala niyan." ang panunuyo pa rin niya ngunit hindi na siya nangungulit kunin sa akin ang aking bag.

"O heto! Kargahin mo! Uwi ako ng maaga bukas ha? Miss ko na nanay ko." ang inis kong sinabi sa kanya matapos ihagis sa kanya ang aking bag na agad naman niyang nasambot.

"Taray mo talaga boss." ang pang-asar niya naman na sinagot sa akin habang isinasabit sa kanyang balikat ang isang strap ng aking bag.

Padabog lang akong naglakad sa inis habang siya naman ay maya't-mayang humahagikgik na natatawa sa aking inaasal. Hindi ko siya pinansin at nauna na lang pumasok sa kotse matapos naming marating ito dahil agad din niyang ginamitan ng kanyang remote ito upang maalis ang lock ng mga pinto nang kami ay alapit dito.

Kita kong nilagay niya sa likod na upuan ang aking bag at sinundan ko na lang siya ng inis na mga tingin hanggang sa siya'y makasakay ng kotse. Bago niya paandarin ang makina ay nilingon niya akong saglit at tumawa ng malakas habang ibinabalik ang kanyang mga tingin sa kalsada.

"Ang tulis ng nguso mo Jasper." ang wika niya sabay patakbo ng kanyang sasakyan. Inisnab ko lang siya at pinanatili ang lagay ng inis sa aking mukha.

Maya't-maya siyang tumatawa habang nagmamaneho. Hindi kami nag-usap at nanatili lang kaming ganoon hanggang sa makarating kami sa kanilang garahe.

Agad kaming bumaba ng kotse at si Randy pa rin ang nagdala ng aking bag. Habang naglalakad kami tungo sa kanyang silid ay nanatili siyang tumatawa at ako naman ay talagang naiinis na ng sobra sa kanya.

"I'm crazy over you... I don't know what to do... I'm crazy over you..." ang biglaang awit ni Randy habang kami ay umaakyat ng hagdan.

"Maganda rin yang kantang yan. Paborito ko yan." ang sagot ko sa kanya nang mapansin ang kanyang awitin.

"Kakantahin natin yan tol. Sisiguraduhin kong nasa line-up ng kanta natin yan. Paborito ko rin yang kantang yun ng 112.

Hindi na kami nag-usap muli hanggang sa nakarating kami sa kanyang silid.

Agad niyang ipinatong sa kanyang kama ang aking bag at ako naman ay agad na binuksan ito upang ilabas ang aking aklat at yellow pad.

"Kunin mo na yung book niyo sa Algebra." ang utos ko sa kanya habang isinusulat sa isang pahina ang aking gagawin sa aking aralin.

"Tapusin mo muna yang assignment niyo madali lang naman siguro ang Algebra kasi i-eexplain mo lang naman sa akin yung mga formula." ang sagot niya sa akin sabay upo sa ibabaw ng kanyang kama at nakatitig sa akin habang ang kanyang mga ngiti ay nilalanggam na sa katamisan. Pilit kong hindi ito pinansin ngunit tila nagmarka ang kanyang mukha sa pagkakataong iyon sa aking isipan.

"Akala ko ba?.."


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C13
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk