Unduh Aplikasi
25% Protector's Love / Chapter 10: Chapter 10

Bab 10: Chapter 10

"Tart!" Sigaw ni Abi ng makitang dumating na ang ORION. Agad naman niyakap ni Andre ang girlfriend dahil sa takot na nakita nito sa mukha ng dalaga. "Relax, kami na ang bahala dito. Okay?" Pag-alo ng binata kay Abi. "Si Val...si Val...nasa loob siya." Umiiyak na sabi ni Abi. Tiningnan ni Andre si Luke na seryosong nakatingin sa bangko kung saan nandoon ang dalaga. "ORION, move!" Utos ni Luke sa mga kasama at isa-isa ng tumakbo sa iba't-ibang lugar ang mga ito.

.......

"Hindi sumasagot si Val." Sabi ni Archer habang nasa tainga ang cellphone na kanina pa tinatawagan ang doktora. "Si Abi?" Tanong ni Genesis na nakatingin kay Mia. Agad naman kinuha ng dalaga ang cellphone at tinawagan si Abi pero hindi pa man nag-riring ang telepono ng huli ay may ER nurse na humahangos sa OR. "Sila Dra. Villaflores at Abi nasa TV." Sabi nito. Agad naman lumabas ang tatlo at pumunta sa lobby ng ospital kung saan nandoon ang isang malaking TV monitor para sa mga out-patient na naghihintay ng kani-kanilang mga espesiyalistang doktor.

"Nahagip si Abi ng camera ng isang news program kanina. Iyak siya ng iyak habang yakap ni Sir Andre. Sinabi din niya yung pangalan ni Dra. Villaflores kaya nalaman namin na kasama siya doon sa mga tao na nasa loob ng bangko." Sabi ng isa sa mga secretary ng ospital. "Alam na ba ni Director?" Tanong ni Archer at tumango naman ang secretary. Halata sa bawat mukha na nahandoon ang takot at pag-aalala para sa doktora.

.......

"Aziz?" Tawag ni Luke sa kanyang Second Lieutenant. "Anim na armadong lalaki, anim na civilian, limang staff ng bangko." Report ni Aziz sa kanilang Captain. "Si Valerie?" Hindi maiwasang tanong ni Luke. "Hawak siya ng isang armadong lalaki, Cap." Sagot ni Bowie. Naisuntok ni Luke ang kamao sa pader kung saan siya nagtatago. "Andre, location?" Tawag naman ni Luke sa kanyang First Liuetenant. "Dalawa sa may pinto, dalawa sa may teller, isa na hawak si Valerie, ang isa ay moving papunta sa volt." Report naman ni Andre. "Ceasar, Darwin." Tawag naman ni Luke sa kanyang mga Staff Sergeants. "Moving, Cap!" Sagot ng dalawa habang palapit sa harapan ng bangko.

.......

"Boss, nalimas ko na." Sabi ng isa sa mga armadong lalaki na may hawak ng isang sako na puno ng pera. "Good! Boys, oras na para umuwi at magpakasaya!" Sabi ng lalaki na tinawag na boss at ang may hawak kay Valerie. Muling napangiwi si Valerie ng dumiin ang kamay ng lalaki sa kanyang leeg at hilahin na siya palabas. "Uwi na tayo, Miss Beautiful, papasayahin mo pa ako mamaya." Parang gustong masuka ni Valerie sa nadinig. Malapit na sila sa pinto ng may biglang bumagsak na parang lata sa kanilang harapan at lumabas na ang puting usok. "Nalintikan na!" Sigaw ng boss ng mga aramdong lalaki. "Atras! Atras!" Utos ng boss pero nakadinig na siya ng tunog ng baril.

Nakapasok na sila Ceasar at Darwin sa loob dahilan para bumagsak ang dalawang sa mga armadong lalaki. Si Luke naman ay lumitaw ang ulo mula sa kisame ng bangko at agad na bagsak ang dalawa pa sa mga armadong lalaki. Magpapaputok pa sana ang isa sa mga ito pero naunahan na siya ni Andre kaya bagsak na din ang ikalima.

"Taas mo ang kamay mo!" Sigaw ni Luke. "Tsk...tsk...tsk...paano ko tataas eh hawak ko siya?" Nanlaki ang mga mata ni Luke ng makita ang nasa harapan niya. Nakalagay ang isang braso ng lalaki sa leeg ni Valerie samantalang ang isa ay may hawak na baril na nakatutok sa ulo ng dalaga. Pero ang pinakadelikado sa lahat at makakapagpapala sa sitwasyon ay ang hawak na bomba ni Valerie.

"Bowie!" Tawag ni Luke sa bomb expert ng ORION. Sinilip naman ni Bowie mula sa kanyang sniper gun ang hawak ni Valerie. "Man-made bomb, Cap. Hindi malakas pero maaring masaktan si Valerie." Report ni Bowie. "Changing position." Singit ni Andre para humanap ng mas magandang lokasyon para ma-target mabuti ang suspect.

Kita ni Luke ang takot sa mga mata ng dalaga at ang pangangatog ng mga kamay nito. Kung pwede lang ay makipagpalit siya ng posisyon dito.

"Val, look at me." Sinunod naman ng dalaga ang sinabi ni Luke. "Trust me, okay?" Simple pero makahulugang sabi ni Luke. Doon na tumulo ang luha na Valerie na kanina niya pa pinipigil. Tumango ang dalaga bilang tugon sa sinabi ng Captain ng Orion.

"Hold your fire!" Utos ni Luke. "Hayan, ganyan, magpakabait kayo dahil sa akin nakasalalay ang buhay ni Miss Beautiful." Sabi ng armadong lalaki. "Ano'ng gusto mo?" Tanong ni Luke. "Simple lang, sasakyan." Sagot nito. "At saka 'yang sako at syempre itong si Miss Beautiful." Dugtong pa ng lalaki na ikinakuyom ng kamao ni Luke. "Got a better vision, Cap." Muling singit ni Andre. "Pero kailangan ko ng kooperasyon ni Valerie kungdi ay tatamaan ko siya." Patuloy ni Andre. "Subukan mo lang at ikaw ang tatamaan sa 'kin." Kahit nasa isang seryosong misyon sila ay hindi naiwasan ng ORION na mapangiti sa sinabi ng kanilang Captain.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang sasakyan na hiningi ng lalaki. Dahan-dahan ay naglakad papuntang pinto ang lalaki na hawak ng mahigpit si Valerie. "Adios, amigos." Sabi pa ng lalaki pero bago pa sila tuluyang makalabas ay sumigaw si Luke.

"Valerie, yuko!" Sabi ni Luke. Nabigla man ang dalaga ay ginawa niya ang sinabi ng binata. Bumagsak ang hawak na baril ng lalaki dahil sa timaan ni Andre ang kamay niya. Nakawala si Valerie dahil sa nabitawan siya ng lalaki. Halos sabay tumakbo si Luke at Valerie papunta sa isa't isa pero mabilis din ang pagkilos ng lalaki. Kinuha niya ang balisong sa kanyang tagiliran at mabilis na hinagis ito.

"Valerie!" Sigaw ni Luke.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C10
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk