Unduh Aplikasi

Bab 9: 09

"Ganoon talaga mahal na prinsipe. May mga bagay na hindi natin akalaing nangyari, at may mga bagay na hindi natin alam na nagaganap nga. Kung ako sayo, hanapin mo siya at patayin, at baka kapag bumalik na ang kaniyang ala-ala at nalaman niya kung anong ginawa ng mahal na hari sa kaniyang ama, tiyak magwawala iyon." ani ng babaeng nasa harapan niya.

Naningkit ang mga mata niya habang nakatitig rito, "Bakit mo nga ba sinasabi sa'kin 'yan? Atsaka isa pa wala akong kinalaman diyan. Problema 'yan ng mahal na hari, hayaan mong siya ang umayos. Wag na niya akong dinadamay. Pinalayo niya ako sa mundo natin, tapos ngayon gusto niyang hanapin ko ang lalaking tinutukoy niya?" umikot ang mata niya at agad na inopen nalang ang tv na nasa harapan niya.

Napatingin siya sa kaniyang pintuan at agad na nilock iyon. Mahirap na at baka may pumasok, makita pa siya na kausap ang katakot takot na babae. Sa unang tingin, dimo malalaman kung anong nilalang.

Natawa ito kaya lalo siyang nainis. Maganda nga ang babaeng 'to, ang sakit naman sa tenga ng tawa niya. Mas pangit pa sa tawa ng demonyo, "Nalilimutan mo naba? Siya ang hari. Marami siyang koneksyon, at kung kailangang gamitin ang si Jun laban sa'yo gagawin niya. Mapasunod ka lang, mahal na prinsipe." Nang marinig niya ang pangalan ng kapatid ay agad na nagpantig ang tenga niya.

Agad agad siyang tumayo at kinuwelyuhan ang babae. Wala siyang pake kahit babae pa ito, "Ikaw... Sabihin mo sakin kung anong nangyayari. Sabihin mo saking ayos lang ang kapatid ko. Dahil kung hindi, hinding hindi ako magdadalawang isip na patayin ka ngayon." nangangalaiting saad nito.

Ang mga mata niya ay ngayon ay nagkukulay pula tanda na galit nga siya. Kitang kita iyon ng babae ngunit tumawa lang ito, "Ayos lang siya." unti unting bumitaw ang pagkakahawak niya rito ng sabihin nito iyon at agad siyang naupo.

"Mahal na mahal mo talaga ang kapatid mo, mahal na prinsipe. Ang tanong, totoong kapatid mo nga ba?" pabulong nitong sinabi ang huling kataga na hindi naman nito narinig. Agad na naglaho ang babae ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Triton, ang Mama ito. May ginagawa kaba? Sunduin mo nga si Sid sa bahay nina Sarah. Ayain mo siyang bumili ng mga groceries natin dahil wala na tayong stocks. Triton, nandiyaan kaba?" agad siyang tumayo at binuksan iyon. Unti unti siyang tumango at ngumiti.

Napatingin pa ito sa loob ng kuwarto niya, "May kausap kaba? May ibang tao ba riyan?" tanong nito kaya agad nanlaki ang mata niya at agad na umiling iling.

"Wala ho, Mama. Mag isa lamang ako. Ano nga po ulit ang sinabi niyo?" tanong niya rito.

"Ayain mo si Sid. Sunduin mo siya sa bahay nina Sarah. Bumili kayo ng groceries natin dahil wala na tayong stocks. Heto ang listahan at pera, i budget ninyo ang pera, maliwanag ba? Umuwi rin kayo agad pagkatapos bumili. Oh sige na, humayo kana at ng hindi kayo gabihin." saad nito, tumango siya at agad na nilock ang pintuan, kinuha ang car key at agad na umalis sa bahay na iyon para sunduin si Sid.

Pagka alis na pagka alis niya ay siya namang paglitaw ulit ng babae. Nakadungaw ito sa bintana habang minamasdan ang kotseng minamaneho ni Triton. Napailing iling siya, "Kawawang mahal na prinsipe. Ang lahat ng nalalaman niya ay hindi totoo, at ang lahat ng nasa paligid niya ay may maling pagkatao."

"Anong ginagawa mo rito? Ba't wala ka sa bahay? Paano mo nalamang nandito ako? Sinong nagsabi sa'yo kung nasaan ako?" sunod sunod na tanong ni Sid kay Triton na ngayon ay nakaupo na sa sofa nina Sarah. Si Sarah naman ay humahagikgik lang sa gilid na may kasamang nanunuksong mga tingin.

Tinignan ni Sid si Sarah at pinanlakihan ito ng mata. Sabihin mo ng hindi siya puwede rito at paalisin muna. Iyon ang gusto niyang sabihin rito ngunit hindi naman puwede niyang sabihin iyon ng lantaran. Ang kaso hindi nito magets ang panlalaki ng mata niya, kundi ay kinindatan lang siya nito kaya agad siyang napailing at napabaling ulit kay Triton na ngayon ay nakatitig lang sa kaniya, mukhang malalim ang iniisip.

Tinadyakan niya ito dahilan para mapa hawak ito sa kaniyang tuhod dahil nasaktan, "Ano ba, hindi kaba nakikinig? Ano ngang ginagawa mo rito?" akmang hahampasin niya ito ng biglang mahawakan iyon ni Triton. Unti unti itong tumayo habang hawak ang kanang kamay niya sa ere.

Nanlaki ang mata niya sa ginawa nitong paglapit. Bawat hakbang nito palapit ay siya namang hakbang niya paatras. Hanggang sa wala na siyang maatrasan. Ang kamay niya ay ngayo'y naka dikit na sa itaas. Nanlalaki ang mata niyang tinitigan sa mata si Triton. Palapit ng palapit ang mukha nito sa kaniya.

"Wow, makaka witness ata ako ng live sex." bulong ni Sarah sa kaniyang sarili habang pinapanood ang dalawang humarot sa harapan niya. Napaka hirap talaga kapag single.

Kinuha rin ni Triton ang kaliwa niya pang kamay at idinikit sa wall. Habang nakapikit, pinapanalangin nalang niya na sana hindi nito marinig ang tibok ng puso niya. Sobrang lakas ng kabog niyon. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya, kinakabahan ba siya o, salungat non.

Hinintay niya ang pagdampi ng labi nito sa kaniya ngunit isang bulong lang ang sinabi nito, "Mamalengke na ta'yo." iyon ang binulong nito sa kaniya kaya agad siyang napadilat at naiinis na tinadyakan ito sa gitnang bahagi ng hita niya dahilan para mapabitaw ito sa kaniya at mapahawak sa gitnang bahagi ng hita nito.

"Akala ko pa naman hahalikan mo ako. Iyon pala sasabihin mong mamalengke tayo. May pa atras hakbang kapa tapos..." hindi niya natuloy ang sinasabi niya ng marealize kung ano ang sinabi niya ngayon ngayon lang.

Napakurap kurap siya at napatingin sa kaibigan na si Sarah na ngayon ay nakangisi sa kaniya, "Bakit hinihintay mong halikan kita?" tanong ni Triton na ngayon ay mas visible ang ngisi sa labi. Napasimangot ako at agad na uminit ang pisngi ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganto, yung parang gusto ko nalang magpa lamon sa lupa.

Naiinis na lumapit ako rito at pinaghahampas ito, "Papansin ka? Wala kana bang mapagtripan? Nakakainis ka! Ang pangit mo! Umalis kana rito, walanghiya ka!" naiinis na saad ko at patuloy lang sa paghampas rito. Ngunit tumatawa lang ito habang sinasalag ang paghampas ko. Maya maya ay tumayo na ito at hinawakan ang dalawang kamay ko ng sobrang higpit, tumatawa parin.

"Sarah, mauna na kami sayo. Pasensya sa abala, mag dadate muna kami nitong future misis ko! Nag tatampo na eh. Sige, pasensya na ulit!" tumatawang ngumiti ito kay Sarah at agad na kinaladkad ako papaalis doon.

"Oo na. Ayos lang! Sa susunod nalang natin pagusapan ang tungkol doon, Sid! Enjoy kayo sa date niyo! Balitaan mo'ko pagkatapos, okay? Goodbye hahaha!" kumaway pa ito sa amin kaya pinanlakihan ko siya ng mata ngunit natatawang umiling lang ito at iminuwestrang sumama na'ko.

Napailing nalang ako at naiinis na napatingin sa lalaking kumakaladkad sa akin ngayon, "Saan ba tayo pupunta? Atsaka teka nga, wiling wili kana sa paghawak ng kamay ko. Bitawan mo nga ako!" saad ko at agad rin naman niyong binitawan atsaka tumingin sa'kin. Wala siyang emosyon sa kaniyang mukha habang nakatitig kaya agad na kumunot ang noo ko.

Bakit naman kaya biglang nagbago ang mood niya? Kanina tawang tawa lang siya tapos ngayon akala mo papatay na ng tao, "T-Teka nga... ba't ganiyan ka makatingin? Anong ginawa kong mali?" sunod sunod na tanong ko rito kaya agad itong tumawa ng pagkalakas lakas at may pahawak pa sa tiyan na nalalaman.

Napangiwi ako at napairap at nagpameywang sa harapan nito. "Kung wala kang magagawa sa buhay mo at wala kang mapagtripan, huwag ako, maliwanag ba? Meron pa akong ginagawa. Busy ako. Umalis kana." saad ko at agad na tumalikod at aalis na sana ngunit hinawakan nito ang kamay ko, hinila ako at agad na umakbay sa akin.

"Tara na, mag da-date tayo. Huwag ka ng mag tampo. Ang bilis naman magtampo ng baby ko." saad nito kaya agad nanlaki ang mata ko at mabilis na umalis sa pagkaka akbay niya. Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko at nakaramdam ako ng hiya. Bakit ba ganito na siya magsalita? Anong nakain niya?

"Mag da-date?" pinagkrus ko ang kamay ko sa dibdib ko, "Pinagloloko mo ba ako? Umuwi kana!" sigaw ko dito at tinadyakan ko siya sa paa ngunit agad itong natatawang nakaiwas.

"Tara na, mag date tayo." aya nito kaya napailing nalang ako.

"Saan nga?" sigaw ko rito.

Natawa siya, "Tignan mo 'to, ang sabi mo ayaw mo tapos gusto mo naman pala. Sus, pakipot pa ang baby ko. Tara na at mag dadate tayo sa palengke, bibili tayo ng groceries." saad nito at mabilis na inakbayan ako at nagsimulang maglakad.

"Ikaw, bitawan moko! Anong date? Date tapos sa palengke? Ang cheap ng date mo ha! Ayokong 'yan ang maging first date ko sa isang guy!" naiinis na saad ko ngunit tumawa lang ito at patuloy parin sa paglalakad habang naka akbay sa akin.

"Ano ang nasa una ng listahan?" tanong niya sa akin ng makadating kami sa palengke. Mabuti nalang at dinala nito ang kotse. Sabihin ba naman sakin kanina na maglakad nalang kami? No way.

"Mga gulay, doon tayo sa vegeatable section. Ikaw ang may hawak nito kanina hindi mo man lang ba binasa at dito tayo nagpunta sa bentahan ng mga isda? utak mo may talangka." pang aasar ko rito kaya natawa nalang ito at sumunod sa akin.

"Wag nang sundin yung nandito. Ako ng bahala kay Mama. Basta kumuha kana lang ng kahit ano diyaan." ani ko kaya agad itong tumango.

"Ikaw ang bahala." nag pili ito ng kung ano ano at kinausap ang nagbebenta. Ako naman ay agad na lumayo ng kaunti doon at inalabas ang cellphone ko atsaka tinawagan si Sarah.

"Hello, Sarah?"

"Oh, ba't napatawag ka? Kamusta ang date niyo? Masaya ba? Ang bilis naman ata natapos? Ikaw ha, hindi mo sinasabi sa'kin nagkaka mabutihan na pala kayo niyang si Triton. Ang sabi mo sa'kin noong una hindi mo siya kakilala, sus gusto mo lang pala ipagdamot hahaha!" natawa ito sa kabilang linya kaya agad akong napairap.

"Yuck. No way. Hindi kami nagdadate noh. Date, dito sa palengke? Atsaka isa pa, inutusan lang siya ni Mama para bumili ng groceries at ang loko pati ako dinamay."

"Ayos lang naman ang date sa palengke, ah. Mag batuhan kayo ng isda diyan hahahaha!"

"Wag na nga natin pagusapan 'yan. Sa susunod nalang natin icheck yung tungkol doon sa lalaki. Pasensya kana ah, wrong timing kasi itong si Triton."

"Ano kaba girl, ayos lang! Basta ba't magkakatuluyan kayo hahaha! My sheep is sailing." mas lalo pa itong natawa kaya agad akong napairap.

"Yveon!" narinig kong tawag nito sa akin kaya naiinis na napatingin ako dito.

"Ano?"

"Tignan mo 'tong carrots ang liliit parang ikaw!" sigaw nito at agad na natawa kaya napairap ulit ako at bumalik nalang sa pakikipag usap kay Sarah. Ang korni ng joke niya, ha ha ha.

"Sarah, mag hunos dili ka nga! Alam mo naman kung sino ang gusto ko diba?" saad ko.

"Oh, nawala na sa isip ko si Grant. Kamusta nga pala 'yon? Makikita mo nanaman siya bukas, may pasok na eh." saad nito kaya agad akong napangiti. Knowing na makikita ko si Grant bukas makes me feel so excited. I miss him, kahit two days lang na hindi kami nagkita.

"Ayon, wala parin, hindi parin naaalis sa stage namin na one sided love." saad ko.

"Yveon, tara na! Mamaya na muna 'yan! Tulungan moko rito!" saad nito kaya agad akong nagpa alam kay Sarah at pinatay na ang tawag at agad na lumapit kay Triton.

"Tapos na?" tanong ko at agad akong tumango.

Inilahad nito ang mga supot na may lamang mga vegeatables, "Ano 'yan?" tanong ko rito.

"Anong ano 'yan? Buhatin mo 'to." ani niya kaya agad akong napailing at natawa.

"Ako pagbubuhatin mo? Sinong lalaki sa'ting dalawa? Ako ba?"

Tumaas ang isang kilay nito, "Pumili ka, ikaw magdadala nito o ikaw ang bubuhatin ko?" tanong nito kaya agad akong napailing at nahihiyang napatingin sa paligid. Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to?

"Ako bubuhatin mo rito sa public place? Kung kaya mo." paghahamon ko rito, nanlaki nalang ang mata ko ng bigla nitong binaba ang mga binili niya at lumapit sakin kaya agad akong umiwas at pinulot ang mga kinuha niya.

Napangisi itong tumingin sakin, "Susunod naman pala eh. Tara na at ng hindi tayo magabihan, yaya."

"What did you just call me?" angil ko rito.

"Nako naman, hindi kana nga maganda, bingi kapa. Ya-ya, nagets mo na? y a y a." saad nito kaya agad akong tumakbo para habulin siya ngunit agad rin itong natatawang tumakbo para hindi ko mahabal.

"Walanghiya kang impakto ka! Napaka pangit mo!"

"I know baby! I know i'm handsome that's why you fall inlove with me! I love you too!" sigaw nito mula sa malayo sabay turo at kindat sa akin dahilan para mapayuko ako sa hiya. Napatingin narin ang iba sa amin, ang iba ay natatawa at ang iba ay kinikilig pa ata.

Impakto ka talaga, Triton.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C9
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk