Unduh Aplikasi
71.42% PINKY GANGSTERS / Chapter 15: CHAPTER 15: Birds

Bab 15: CHAPTER 15: Birds

Talline's POV

Itinakip ko sa aking mga tenga ang unan nang magsimula na namang kumanta si Maricris dito sa loob ng kwarto. Nakatambay kasi kami rito sa condo ni Maria at may mga sari-sariling ginagawa, pero si Maricris nandadamay.

"When tomorrow comes, I'll be on my own..."

Hay, nako.

"Maricris! Tama na nga, lasing ka ba?"

Inis na tanong ni Eloi, natawa naman ako nang bahagya dahil pansin din pala niya ang pagkanta nito. Tutok kasi kanina siya sa panunuod ng mga videos ni Sarah Geronimo sa YouTube.

Avid fan eh.

Ako naman ay matutulog na dapat at 'yun nga hindi ko matuloy-tuloy.

"And though the road is long

I look up to the sky

And in the dark, I found, lost hope that I won't fly

And I sing along, I sing along, and I sing along

I got all I need---- "

Nahinto lang ito sa pagkanta nang magsalita na si Maria, "Lasing? Baka inlove."

Nakita ko ang pagkunot naman ng noo ni Ana.

"Malamang, may boyfriend eh."

"Talaga 'tong si Maria mga trip," buntong hininga ni Eloi.

Oo nga, ano bang sinasabi nito?

Isinara ni Maria ang kanyang hawak na libro at lumingon sa amin. "Tanong ninyo, kamusta sila ni Lourd."

"Manliligaw mo!?" Tanong ni Wencie sabay sara ng laptop niya.

Tumayo naman ako sa pagkakahiga sa sofa at nagtanong din. "Si Toffer, alam ba niya?"

"Uhmm," medyo nahihiyang sumagot si Cris, don't tell me.

Totoo nga?

"Hoy! Maricris, may boyfriend kang berat ka!" Pangaral ni Eloi.

"Haya, 2-Timer." Tawa ni Diana, advance talaga 'to mag-isip kahit kailan.

"Hindi 'no, natutuwa lang ako sa kanya,"sagot niya sa mga tanong namin.

"Natutuwa raw, baka nagkakagusto ka na niyan."

"Oo, nga kawawang Toffer mukhang maiiwan na."

"Mayroon nga kaming conversation ni Lourd sa phone ko, hindi ko binubura. Paano kasi binabasa ko kapag medyo nagkakagalit kami ni Toffer." Simple niyang paliwanag at nagsimulang magbuklat ng phone.

"Lagi kayong nagcha-chat?"

"Idelete mo nga 'yan!"

"Naku, buti hindi nababasa ni Toffer?"

"Mukhang may third party tayo diyan."

Umismid ito at tumingin sa amin na parang nabigla sa mga narinig. "Sobra naman kayo! Binabasa ko lang, parang encouragement ganun. Puro positive kasi mga sinasabi niya."

"Hala, magkakainlovan na 'yan."

"Bye bye, Mariffer. Hello! Loucris!"

"Diyan, diyan... nagsimula lolo at lola ko eh."

"Mga berat! Masyado lang kaming close dalawa kaya open kami. Ang ne-nega ninyo naman." Depensa na naman niya.

Well? Totoo ngang close sila, umaabot pa nga sa point na umuunan si Maricris sa Lap ni Lourd dati nung... hindi pa sila ni Toffer. Pero luka na 'to, lumalantod pa.

"Basta-basta, natutuwa lang ako."

Natahimik nanaman kaming lahat at ipinagpatuloy ang kaninang mga ginagawa. Humiga ako ulit at nagtakip ng unan nang marinig ko na may tumawag ata kay Diana.

"Yes, babe.."

Ahhhh, si Hurvey.

"Sa condo ni Maria, having some bonding."

"Really? Okay, I'll text you later."

"Okay, bye..... I love you too, boyfriend."

"BOYFRIEND!!!???"

Sabay-sabay naming tanong na anim kay Diana na tila naestatwa naman ito at nabigla sa pagkakasigaw namin sa kanya. Ibinaba nito ang phone at naguguluhang tumingin.

"Teka, let me explain--"

"Kayo na?"

"Kailan pa?"

"O baka naman kamo, endearment nanaman nilang dalawa tulad nung babe."

"Haya! Hindi mo man lang sa amin sinabi."

"May boyfriend na si Maricris pati si Diana, kailan kaya tayo?"

Ibinato ko kay Diana yung unan, pagkabangon ko ulit.

Mukhang wala na 'tong tulugan.

"Luka ka! Kayo na pala niyang Anderson na 'yan."

"Sandali lang naman. Naging kami nung isang araw lang, tapos endearment nga namin yung boyfriend-girlfriend."

"Paanong naging kayo? Hindi ba magkaibigan lang naman kayo?" Tanong ni Maria habang lumalapit, hindi pa 'to nasiyahan sa pwesto n'ya kanina oh.

"Inamin niyang matagal na niya akong mahal, since college palang, pero natatakot daw siya na baka masira ang pagkakaibigan naming dalawa," paliwanag nito.

"E bakit umamin siya kung ayaw niyang masira." Sarkastikong tanong ni Eloi.

"Basta, hindi na raw niya kayang pigilin yung nararamdaman niya para sa akin kaya umamin na siya."

"E ikaw, bakit mo siya sinagot? Mahal mo rin?" Tanong ni Ana, tumango lang si Diana habang nakangiti.

"Malay mo baka akala mo lang na mahal mo siya, kasi nabigla ka sa love confession ni Hurvey," hugot naman ni Wencie.

"Okay lang 'yan, CEO 'yon tas gwapo rin naman si Hurvey..... mimistisuhin ang itsura. Gwapo, anak niyo niyan," komento ni Maricris.

"Wala namang forever." Singit ko sa kanila.

"Oo nga, wala nga pala," ani rin ni Maria.

"BITTER!" Sigaw namin sa kanya saka sabay-sabay na natawa.

Mga luka.

"Oh? Wala na bang aamin na may boyfriend diyan? O manliligaw? Aba, sabihin ninyo na habang maaga para makahanap na rin ako ng Mr. Right," sabi ni Eloi.

"Huuuuuu, makahanap. Nahanap mo na kamo!"

"Hoy! Maria, manahimik ka!"

"Sino?"

"Gwapo ba? Saan turo mo nga minsan."

Sinamaan ng tingin ni Eloi si Maria na parang pinipigilan itong magsalita.

"Maria, ano na?" Pamimilit dito ni Maricris.

Alam ni Maria na magagalit sa kanya si Eloi kaya idinaan niya sa tawa ang pagkukuwento.

"Nandito sa building namin, kapitbahay pa nga ni Eloi eh."

Kung itatanong ninyo kung bakit hindi naman kami tumambay kay Eloi? 'Yun ay dahil sa ayaw nito na may pumupunta sa condo unit niya. Ayaw raw niya ng bisita kaya lagi kaming nandito kay Maria, mas convenient kasi puntahan.

"Maria!" Suway ni Eloi.

"Tingnan natin dali-dali."

Ayaan namin at sabay-sabay ng tumayo para tingnan ang Mr. Right ni Eloi. Natawa ako nang palihim.

Siya naman ang ibubully namin ngayon.

Dumarami na ang love birds sa gang, where art thou na ba?

Tagal na kitang hinihintay ah?

Eloisa's POV

Sabay-sabay silang tumayo at nag-uunahang lumabas ng kwarto. Iniwan pa nga nila kung saan-saan yung mga phone at laptop nila.

Really?

Mas inintindi pa 'yon kaysa sa mga gamit.

Napairap ako sa hangin at napasigaw.

"F*cksh*t!"

Anong Mr. Right!? Baka kamo Mr. Left!

Never in my wildest dream na yung lalaki na 'yon ang magiging boyfriend ko, baka magka-worldwar III kapag kami ang nagkatuluyan!

Tsaka sa yabang, at pagkahambog ba naman 'nun. Sino magnanais na maging girlfriend 'non baka ayawan pa siya mismo ng babae, makita palang siya.

Nahinto ako sa pagsabunot sa aking buhok nang isang malakas na kalabog galing sa pintuan ang aking narinig.

Hanggang sa sunod-sunod silang pumasok.

"Waaahhhhhh!!!!!"

"Ihhhhhhhhh!!!!"

"O my gosh, o my gosh,"

"Sh*t, ang hot!"

"Ano ba ang ingay n'yo?" Suway ko sa kanila nang mga makabalik na ang mga ito sa kwarto.

Psh, parang mga kinikiliti ang singit.

Tilian nang tilian.

"Eloi! Naku, sagutin mo na 'yon. Jusmiyo, ang gwapo!" Kinikilig na komento ni Maricris.

"So hot," simpleng comment ni Talline, yung tipong pagdating sa pagpili ng mga gwapo at hot ay bilib ako kay Talline? Pero anyare sa kanya.

Shemay, malabo na ata ang mata.

"Ihhhhhhhhhh," impit naman na tili ni Ana. Ibigay ko nalang kaya sa kanya nang makagetover na kay Czirem 'to, eh 'no?

What do you think?

"Gwapo no?" Tanong ni Maria kay Wencie. "Naging crush ko nga nung nakita ko 'yun bago kami pumunta ni Eloi sa Dark Queens' Party."

Tumango si Wencie na parang wala ako sa harap nila.

"Oo, ang tangkad din."

"Nagulat nga ako nung sinundan ko si Eloi sa office nitong building pangithird time na pala nilang dalawa na nagpupunta roon." Tawa nang tawa si Maria habang nagkukwento.

Ha-ha-ha-ha, ang saya-saya. Clap your hands.

"Humanda ka sa akin mamaya, Maria," banta ko sa kanya.

"Oh bakit?" Curious na tanong ni Maricris, kung isumbong ko naman kaya 'to kay Toffer nang yun ang intindihin niya at hindi ako.

Nag-alangan pang sumagot si Maria pero napilit din ng mga berat. "Ilang beses na raw kasing nagrereklamo si Eloi sa office na paalisin si Mr. Right dito sa condominium, ayaw raw niyang kapitbahay."

"Really? Kung ako 'yon, ipagluluto ko pa ng ulam at dadalin sa room niya," natatawang ani ni Talline.

Tinalikuran ko sila at pinagpatuloy ang pagbubuklat ng instagram ko.

Bahala kayo sa buhay ninyo.

"Kamusta? Buti tumigil na?"

"Naiinis na nila kasi pareho yung manager at sinabing baka pareho silang paalisin dito."

"Tumigil ako dahil nasisira ang maganda kong image, baka bilhin ko pa itong buong building nila at pasabugin." Singit ko habang nakatalikod pero nagpatuloy lang sila na parang hindi ako nagsalita.

Pamaya-maya pa ay narinig ko naman si Diana na tawa nang tawa at parang may naalala. "Kaya pala!"

"Bakit?" Tanong ng mga nakaupo sa harap niya pero nagpatuloy lang ito sa pagtawa.

For sure, walang kwenta ang naalala nitong bagay.

"Hoy! Mamaya ka na tumawa, ikuwento mo muna!"

"Hahaha--- pfft. Paano kasi nagpunta 'yan sa company ko tapos nagpapahanap ng magandang condominium, eh hindi ba, eto na pinakasosyal dito sa lugar natin."

"Oh? Tapos?"

"Tinanong ko kung bakit siya lilipat." Pahinto-hinto ito sa pagkukwento dahil sa pagpigil na matawa. "Bumulong ba naman, e kasi may impaktong gwapo akong kapitbahay."

Napaharap ako sa kanila at tumayo bigla.

Sabi na nga ba walang kwenta yung sasabihin niya!

"Hoy! Diana! Wala akong sinabing ganiyan!" I disagreed, but they just laughed at me.

"Aba.. Pakipot 2.0."

"Yieee. Lumalove life, hindi ka na tatandang dalaga."

"Oo nga! Magtatayo na lang sila ng animal shelter."

Nagpamewang ako at sumingit nanaman. Napakababait talaga ng mga kaibigan ko.

SOBRA (Insert sarkastikong tono).

"Animal Shelter?" I asked Maria.

"Para sa aso't pusa." At ayun masayang-masaya sila.

"Ewan ko sa inyo! Hindi ako magkakagusto roon, over my dead body." Saka umirap nanaman ako sa kanila. I had enough! Tumalikod na ako at hinayaan na silang magkwentuhan.

Ugh!

Sabing hindi gwapo 'yon, o hot, o cool, o yummy eh!

Fine!

Konti lang!

Konting-konti lang!

Maria's POV

Pagkatapos naming mag-asaran at kumain nang sabay-sabay ay nagsiuwian na sila or rather, magpapakabusy na ulit sa mga buhay nila.

Despite being busy, we still make sure that we have time for bonding and girls' hangouts, so don't be surprised if we are always together.

Nagsimula na akong magligpit ng mga kalat na iniwan nila, gustong-gusto nilang dito tumatambay kasi ako ang tagapaglinis.

Hay, nako.

Pinulot ko ang mga plastik na pinaglayan ng mga chips. Iniayos ko rin ang mga pagkakalagay ng mga furnitures, at inurungan na rin ang mga nagamit na plato at kitchen utensils.

"Hay, thank you God. Natapos din." Ani ko at naupo na sabay sandal ng ulo sa sofa. Pagkapikit naman ng aking mata ay muli akong napadilat nang hindi makapaniwala at naalis sa pagkakasandig.

"Geez!" Singhap ko saka ginulo ang buhok.

Bakit si Scott ang mukhang nakita ko?

All of a sudden.

Hindi ko nga alam kung bakit.

Bakit nga ba?

Bumuntong hininga ako at sumandal muli. This time, hindi na ako pumikit tumingin nalang ako sa ceiling.

Siguro na-appreciate ko lang masyado yung ginawa niya sa akin nung nakaraan. Yung pagiging concern niya kahit bastos pa rin ang bibig. Siguro nga ganun lang, na nabigla lang ako sa pagbabago ng ugali niya.

Kinuha ko ang librong nakapatong sa mesa at binuksan sa page kung saan ako nahinto. Nakakaisang pahina pa lang ako ay naisara ko na ulit ito.

Ngayon ko lang naramdaman ito.... yung tila hindi focus sa binabasa.

I love reading kaya parang halos buong buhay ko ay ito na ang pinagtutuunan ko lagi ng pansin. I always thought that when I read, I could survive from loneliness.

I can still survive my life with another's happy endings.

I believe that it's better to be in love with characters in a story than to be connected and have a mutual understanding with real humans. So I never feel bored in reading, pero iba 'to. Hindi ako makapag-focus.

Nahinto ako sa pag-iisip nang may kumatok sa may pintuan kaya napalingon ako at ibinalik sa pinagkuhanan yung libro. Tumayo ako at sinalubong ang taong kumakatok.

"Oh? Eloi may nakalimutan ka?" Bungad kong tanong.

Malumanay naman ang mukha nito at tila nangangambang sumagot.

"May problema ba?" I asked again, kinakabahan na rin kasi ako sa pinapakita niyang expression sa akin.

Umiling ito nang nanlulumo at nagsalita. "Nabaril ang Daddy ni Ana," she uttered dolefully.

Ow. F*ck.

------

NEXT CHAPTER: CONCERN


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C15
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk