Agad ko itong kinuha at inihabol kay misis!
Mabilis ko naman sanang maaabutan si misis pero dahil sa marami ang mga pumapasok na empleyado ay nabagalan ako sa paghabol kay misis.
Halos 15 hakbang lamang ang layo ni misis sa akin at maabutan ko na siya pero napansin ko ang magalang na pagbati sa aking mahal na misis, dinig ko rin na tinatawag na siya sa mataas na posisyon ng mga empleyado.
Tila totoo nga ang sinasabi sa akin ni misis na promoted na siya.
Nakaka-proud marinig ang mga papuri sa aking pinakamamahal na asawa, mas lalo kong nasabi sa aking sarili na napakaswerte ko sa pagkakaroon ng asawang mapagmahal at may pangarap sa buhay.
Pero sa mga papuri at paggalang na naririnig kong sinasabi kay misis ay isang pahayag ang pumukaw sa aking atensyon! Pahayag na pinag-isipan ko kung si misis nga ba ang pinatutungkulan?!
Habang naglalakad ay narinig ko sa dalawang babaing kasabayan kong ang…
"Hmmmmp…ayan na ang puta ng taon"
"Napakalandi…"
"Napakagaling dumiskarte ng makating babaing 'yan"
"Hmmmmp may karma din 'yang haliparot na 'yan"
"kulang na lang lahat ng lalaki asawahin"
Bahagya akong napatingin sa dalawang babaing nagkukwentuhan dahil tila galit sila sa isang babae?
Sino kaya ang pinatutungkulan ng dalawang babaing kasabayan ko? Si misis kaya?
Hindi ko rin direktang makumpirma kung si misis nga ba ang pinatutungkulan dahil may ilang mga babae pa naman ang mga nagsisipasok sa entrance ng building.
Pero kung kagandahan ang pag-uusapan ay siguradong angat ang ganda ng aking misis sa mga babaing pumapasok sa building!
Hindi ko na lang pinansin ang komento ng dalawang babae dahil mas nangingibabaw ang paghanga ko sa papuring tinatanggap ni misis sa mga bumati at gumagalang sa kanya.
Nag-abot kami ni misis sa receiving area ng building at mabilis kong iniabot kay misis ang kanyang naiwang folder.
"Ingat ka love…love you"
Kindat lang ang iginanti ko sa mapagmahal kong asawa na kanya namang ikinakilig.
Papalabas sana ko sa building ng mayroon akong marinig na tatlong empleyadong lalaki na tila may pinagtatalunan sa kanilang cellphone.
Dahil hindi naman ako nagmamadaling umuwi ay tumingin-tingin muna ko sa receiving area ng building, maganda ang pagkakadisenyo ng lugar at mukhang bigatin talaga ang kumpanyang pinapasukan ni misis.
Marahan kong pinakinggan ang tatlong lalaking nasa sulok dahil parang nakaka-excite ang kanilang pinagtatalunan. Sa paglapit ko ng bahagya ay ganito ang aking mga narinig…
"Tang ina Pre! Lupit ng babaing 'to oh!"
"Oo nga Pre! Alam ko dito raw nagtatrabaho 'yan?!"
"Talaga?!"
"Oo Pre, at balita ko matindi talaga 'yang babaing 'yan! Katawan palang oh mukhang palaban talaga!"
"Oo nga! Sino kaya 'yan? ang puti!"
"Hehehe malamang si Ms. Liwanag 'yan?!"
"Huh? Sinong Ms. Liwanag?"
"Hindi n'yo kilala si Ms. Liwanag? Hehehe bali-balita na dito 'yan na paiyot 'yan basta magkakasundo sa presyo"
"Talaga Pre?"
"Oo Pre, malupit nga raw si Ms. Liwanag kahit 5 lalaki kaya ng sabay-sabay"
"Talaga Pre?"
"Oo mga Pre, sulit na sulit ang ibabayad d'yan. Ang hilig pa ni Ms. Liwanag ay lumunok ng tamod hehehe"
"Tang ina, mukhang masarap 'yang Ms. Liwanag na 'yan hehehe"
"Kailan ko kaya matitikman 'yan?!"
"Kung gusto mo ipon ka ng 5k hehehe"
"5k daw minimum ni Ms. Liwanag hehehe"
"Talaga? Mahal naman pala"
"Mahal nga pero sulit naman daw, said kung said daw sa tamod si Ms. Liwanag kaya dapat marami ka ring tamod hehehe"
"Saan mo pre nakuha 'yang mga pictures na 'yan?"
"Ah ito? Pinasa lang sa akin 'to!"
"Kuha daw 'to nung outing lang"
Na-curious ako sa babaing pinag-uusapan ng tatlong lalaki kaya naman unti-unti pa akong lumapit at nagbabaka-sakaling makita ang pinag-uusapan nila sa cellphone, hehehe.
Base sa mga narinig ko sa tatlong nag-uusap na empleyado ay mukhang palaban nga ang babae, mukhang may magandang puta sa kumpanya ni misis, hehehe.
Ilang hakbang na lamang at malalapitan ko na ang tatlong lalaki nang…
"Boss? May kailangan po ba kayo?"
Ang tanong ng security guard sa akin.
"Ah wala naman sir, hinatid ko lang ang misis ko. Sige sir"
Hindi ko na nagawa pang makiusyoso sa tatlong lalaking empleyado sa kanilang pinagkukwentuhan.
Tulad ng plano ko ay tumungo ako sa apartment na tinutuluyan ni misis matapos akong umalis sa building nina misis, malapit lamang ito sa opisinang kanyang pinapasukan kaya naman madali ko itong napuntahan.
Halos 10 minuto lamang ang byahe at narating ko na ang apartment na tinutuluyan ni misis, halos walang pinagbago ang apartment ng huli akong makapunta rito.
Nasa gitna ang unit ni misis kaya madali ko itong natunton, may dala rin akong duplicate ng susi kaya hindi ako mahihirapan na pumasok sa kanyang unit.
Ito ang pagkakataon na mapatunayan kung talagang may tinatago sa akin ang pinakamamahal kong asawa.
Pagtapat ko sa unit na inuupahan ni misis ay nagtaka ko dahil bukas ang pinto ng kanyang unit, kinabahan ako bigla baka pinasok ng magnanakaw ang kanyang unit!
Pero nakakapagtaka naman kung papasukin ng magnanakaw dahil napakaaga naman? Sabagay, wala namang pinipiling oras ang mga kawatan sa pagnanakaw.
Tumapat na ko sa pintuan ng unit ng inuupahang apartment ni misis at napakunot-noo ko ng makita ko ang isang hubad-barong lalaki na nakahiga sa sofa!
Putang ina!
Sino kaya ang lalaking ito na nasa unit ni misis?!
Sinigurado ko munang mabuti kung tama ba ang unit na aking kinatatayuan at sigurado nga akong sa misis ko ito!
Bigla sumagi sa isip ko ang posibilidad na ginagago nga talaga ko ni misis dahil sa lalaking nakikita ko ngayon sa kanyang unit!
Naisip ko lang na ipagpapalit lang ako ni misis ay sa isang tulad lamang nito?! Ano kaya ang nakita niya sa animal na ito at mukhang ito lang ang ipinagpalit sa akin?!
Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at kinuhanan ng picture ang lalaking natutulog sa sofa pagkatapos kong makakuha ng larawan ng lalaking natutulog ay sinunod ko namang tawagan si misis!
Huli ka ngayon balbon!
Sapat ng patunay ang nasaksihan ko sa unit ni misis upang kumprontahin ang pinakamamahal kong asawa!
At sisiguraduhin kong may kalalagyan ang dalawang magkalaguyong ito!
Puta kayo! Si Pogi pa ginago n'yo!
Nag-ring na ang cellphone ni misis…
Ilang ring pa ang sununod…
Maraming ring pa ngunit hindi sinasagot ni misis ang aking tawag…
Pinag-ring ko pa ng ilang beses ng biglang…