Unduh Aplikasi
58.97% Pahiram si Misis / Chapter 46: Pahiram si misis Part46

Bab 46: Pahiram si misis Part46

Tang ina!

Mukhang nakakagago na ang isang ito!

Bigla kong nilingon ng tuluyan si Gener dahil mukhang ako nga ang pinatutungkulan ng gago! Hindi ako makakapayag na gaguhin ng harapan!

Sa pagharap ko ay kita ko ay nakataas pa ang isang kamay ni Gener at tila may kinakawayan sa baba ng apartment?! Bigla akong bawi at mabilis kong tinanaw ang kinakawayan ni Gener at putcha!

Si Dante pala na kasamahan niya sa kabilang unit ang kanyang sinisigawan ng "niloloko ka lang n'yan" dahil kasama niya ang isang dalaga.

Tang ina!

Buti na lang at hindi ko sinugod si Gener. Kung hindi ako nakapagpigil ay malamang bugbog sarado sa akin ang tarantadong ito. Bakit nga ba hindi ko muna ko nag-isip ng mabuti kung ako ba talaga ang tinutukoy ni Gener.

Tila napahiya ako sa aking sarili dahil bigla na lamang akong naniwala sa aking duda na ako nga ang pinatutungkulan ni Gener.

Bigla kong naalala ang tawag ni misis ngunit nakita kong wala na ang tawag. Sinubukan kong tawagan ngunit ilang ring ang lumipas ay hindi pa rin niya sinasagot, binuksan ko na ang pinto ng aming unit upang makapasok at sa loob ko na lamang tatawagan si misis.

Umupo muna ko sa sofa at muling tinawagan si misis, ilang ring lang ay nasagot na rin ang aking tawag.

"Hello mahal!"

Ang bungad ko sa aking pinakamamahal na misis. Ilang beses ko pang inulit-ulit ang pagsasabi ng "Mahal" ngunit may sang boses ang biglang sumagot na aking ipinagtaka.

"Good afternoon sir, kayo po ba ang asawa ng may-ari ng telepono?!"

Tang ina!

Sino ang kausap ko at bakit tinatanong kung ako ba ang asawa ng may-ari ng telepono?!

"Hello! Sino 'to?!

"Sir, I'm nurse Vivian of St. Peter Hospital"

"Huh?! Anong ospital?! Ano nangyari sa misis ko?!"

"Ah sir, kung maaari po ay tumungo na lamang po kayo sa St. Peter Hospital dito sa Manila"

"Nakakaconfined po dito ang misis n'yo"

Tang ina!

Lubos kong ikinabigla ang aking nalaman! Ano ang nangyari sa aking misis at bakit siya nasa ospital?!

Mabilis akong umalis ng unit at sumakay ng kotse upang puntahan si misis sa ospital, gulong-gulo ang aking isip sa mga oras na iyon dahil ano ang nangyari sa aking misis?!

Halos paliparin ko na ang aking kotse upang mabilis na mapuntahan ang aking pinakamamahal na misis.

Halos 1 oras ang naging biyahe ko patungong Manila at makita ang St. Peter Hospital, mabilis kong tinungo ang information desk at tinanong kung saan naka-room ang aking misis.

"Room 235" ang sabi sa akin na mabilis ko namang tinungo, pagbukas ko ng kwarto kung nasaan si misis ay nakita ko ang kaawa-awang kalagayan ng aking pinakamamahal na misis!

Napansin ko ang dalawang babaing nagbabantay kay misis at mukhang kasamahan niya ang mga ito sa kanyang trabaho.

Mabilis kong nilapitan ang dalawa sabay tanong nang…

"Ano nangyari sa misis ko?!"

"Sabihin n'yo?!"

"Ano ginawa ninyo sa misis ko mga putang ina ninyo?!"

Ngunit tila mga bingi ang dalawang babae at minabuti na lamang nila ang yumuko tanda ng kanilang pagkahiya.

Masuyo kong tiningnan ang kalagayan ng aking asawa na ngayon ay may mga dextrose na sa kamay, muli kong binalingan ang isa sa mga babae upang tanungin ngunit bigo pa rin akong makakuha ng impormasyon sa kung ano ba talaga ang nangyari sa aking pinakamamahal na misis.

Gusto ko ng magwala sa mga oras na iyon dahil tila isa akong tanga na naghahanap ng kasagutan sa kung ano nga ba ang nangyari kay misis?!

Nilapitan ko si misis at marahang hinawakan ang kanyang kaliwang kamay, hindi ko napigilan ang unti-unting pagtulo ng aking luha dahil sa kalagayan ni misis.

"Mahal…"

"Nandito na si Pogi…"

"Mahal…"

Ang tangi ko na lamang nasambit yabang hinalikan ang kamay ni misis, ang alam ko lang ay company outing nila noong Sabado pero bakit ngayon ay nagkaganito na si misis?! Tang ina! Ano kaya ang nangyari sa kanilang company outing?!

Napasulyap ako sa pintuan ng biglang may dumating na isang nurse na babae, mabilis ko na agad na tinanong kung ano nga ba ang lagay ni misis.

"Nurse! Ano nangyari sa misis ko?!"

"Bakit ganito lagay niya?!"

"Ano nurse?!"

"Ah sir, hintayin n'yo na lamang po si dok ang magpaliwanag sa inyo. Papunta na rin po siya dito"

"Nasaan ba si dok?!"

"Nasaan?!"

Ilang saglit pa ay isang lalaking doktor ang pumasok sa kwarto, mabilis kong nilapitan si dok upang makuha ang sagot na gusto ko nang malaman!

"Dok! Ano nangyari sa misis ko?!"

"Ano?!"

Ang mga tanong ko sa doktor.

"Huminahon ko sir, base sa paunang examine namin at laboratory si misis ay sobrang na-dehydrate"

"Nakalulungkot man sabihin sir, pero mukhang na-rape si misis at hindi lang basta rape"

"Base sa examine namin maraming pasa sa iba't ibang parte si misis patunay na nanlaban si misis sa hindi sa isang lalaki marahil ay higit sa tatlo"

Tila gumuho ang aking mundo sa mga sinabi ni dok!

Ang aking pinakamamahal na misis!

Binaboy!

Pinilahan!


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C46
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk