Unduh Aplikasi
68.42% Pagdating Ng Panahon / Chapter 39: Chapter 39: Just friends

Bab 39: Chapter 39: Just friends

Nang dahil sa 'a friend' na yan, nag-iba ang hangin sa paligid namin. Nasa sasakyan man kami o sa bahay nya. Feel kong may nag-iba talaga.

"Galit ka ba sakin?." I ask him this one time. Hapon na nun at parehong kakauwi lang namin galing school. Mamayang gabi pa ang pasok nya ulit habang ako ay, bukas na. Abala kami sa pagluluto. Nasa may lababo kami pareho. Sya, nag-sasaing habang ako ay, binabalatan ang sibuyas.

Isinalang na nya ang kaldero. Tapos binalikan din ang isdang nakalapag sa tabi ng chopping board na gamit ko. "Hinde. Bakit mo naman naitanong?." he said calmly. Parang sa isang linggong lumipas. Ngayon ko lang ulit narinig ang boses nya. Simula kasi nung gabing sinabi kong hinahayaan ko lang syang gawin ang gusto nya, gaya ng pagyakap at hawak sa kamay ko ay dahil matalik na kaibigan ang turing ko sa kanya. Dahil rin dito. Nagkaroon ng gap sa pagitan namin. Nawala bigla yung closeness na kusang dumating.

"Ang tahimik mo kasi.." rason ko nalang. Naging tahimik kasi sya. Di gaya dati na ang daldal.

Di sya nagsalita. "Balik na akong bahay mamayang gabi." balita ko sa kanya. Been months na din simula ng tumira ako dito. At isang linggo mula ngayon. Kasal na ni Karen. Kailangan ko na talagang bumalik dahil request na ng bride. Yung gusto kong get away from them. Di na natuloy-tuloy. Lagi akong nagdadalawang-isip sa tuwing umaabante ang paa ko paalis sa puder nila. At lagi. Lagi ring bumabalik paatras ang mga paa ko pauwi sa kanila. "Kinausap na ako ni Mama. Humingi na sya ng sorry." paliwanag ko pa kahit hindi pa rin sya nagsasalita. "May mali din naman ako. Pinairal ko ang init ng ulo. Sama ng loob at tampo kaya umabot kami sa ganito. Sorry kung nadamay ka pa rito." I let myself out. Pinupunasan ko rin ang luha sa pisngi ko gawa ng sibuyas na hinihiwa ko. "Sorry kung nahirapan ka at napagsabihan nila Mama.." I was like. Crying so hard here. Kingwang sibuyas!.

Inihinto ko ang paghiwa. Saka humawak sa dulo ng lababo. Pumikit at hinayaang tumulo ang luha. "Sorry talaga.."

I assume na magsasalita sya't sasabihin dumito na muna ako just for this day. O dito na tumira. Assumera! But that was just my assumptions. Yung inaasahan ko kasing care na ipapakita nya kapag nagpaalam na ako. Nakakalungkot. Hindi ko nakita. Wala akong naramdaman. "Isang it's okay. They're your parents." Lang ang sinambit nya sa kabila ng dami ng sinabi ko.

I'm so disappointed to myself. Hindi ko sya masisi sapagkat ako din naman ang dahilan kung bakit sya ganito ngayon. Wala syang kasalanan. Nirerespeto nya lang ang meron saming dalawa. Yun ay ang pagiging magkaibigan. Na di na pwedeng lumagpas dun.

"Anong sinabi mo?!." here is Ate Kiona. Galit! Bakit ko raw sinabi na kaibigan lang ang turing ko kay Poro?. "Tanga ka sa part na yun!. Gaga!." hindi lang yan ang murang binato nya. Marami pa. "Obvious naman na gusto ka nung tao. Nararamdaman mo din yun. Tapos dineny mo lang?." namaywang sya. Hindi makapaniwalang humugot ng malalim na buntong hininga saka pinakawalan iyon.

Oo nga. Tama sya. Ramdam kong gusto ako nung tao. Hahawakan ba nya ako ng may pag-iingat kung hinde?. Tanga na kung tanga!. Anong magagawa ko. Nasabi ko na. Narinig na nya. Tapos na. Anong gagawin ko ngayon?.

"Di ko dineny. Totoo namang magkaibigan lang kami Ate.." pinanlakihan nya ako ng mata.

"Hindi mo sya gusto?." she caught me off guard. Di ako agad nakapagsalita dahil sa tanong nya. Dito nya rin nalaman na nagsisinungaling ako.

Tumawa sya. "Hay Kendra!.. Takot ka bang masaktan kaya inunahan mo sya ha?."

"Of course not.." agap kong saad.

"Sows!... Deny pa more.. Wag ka sakin magsinungaling gaga!. Kilala kita.. tsaka naikwento na sakin ni Karen na may tao raw na hinihintay yung Poro mo. Kaya ba ginawa mo yun para layuan ka nya ha?."

Umupo ako sa pagkakahiga. "Kung ikaw ba nasa sitwasyon ko. Anong gagawin mo?." sa kuko ko mismo ako tumingin saka nagiskwat ng upo sa kama.

Naglakad si Ate patungong pintuan para isara yun. Sumilip muna sya saglit bago tuluyang isinara. "Kung ako yun?." huminto sya't sumandal sa may pintuan. Pinagkrus nya ang mga binti pati mga braso saka nilagay ang isang kamay sa kanyang baba. Tapos tumingin na sa kisame. Parang duon nya makikita ang sagot. "Umamin na agad ako."

Yan ang pinagkaiba namin ni Ate. Kung sya, straight forward. Ako naman. May paligoy ligoy pa. Wala. Di kasi ako sanay magsabi ng totoong feelings ko. Lalo na pag biglaan. As what I've said. I can't filter myself. Kung di ko feel magsalita. Lalo na ang magsabi ng true feelings ko. Wala din. Wala kang maaasahan sa akin. Ganun. Pero si Ate. Walang preno bunganga nyan. Pag type ka nyan. Sasabihin nya. Pag ayaw din. Sasabihin nya pa rin. Masaktan ka man o hinde. Wala na syang paki dun.

"Bakit ko pa idedeny diba?. Kung may tao man syang hinihintay. E di hintayin nya lang. Bahala na si Batman kapag dumating yung tao na yun. It's his choice na ngayon kung sinong pipiliin nya. Ikaw ba o sya. Ganun gaga.."

Di ako makapaniwala na di ko naisip yun. Sabagay nga naman. Tama din sya. Sa totoo lang. Ginawa ko lang ang alibi na kaibigan para medyo magkaroon ng gap sa akin. I really wanted that to happen. Masyado na kasi akong nakadepende sa kanya. Mahirap nang masanay ako. Baka iyakan ko sya't di kayanin kapag iba ang pinili na nya.

"Oh ngayon. Nasaan ka?. Sa kangkungan?." kinagat ko lang ang ibabang labi nang tignan ko sya.

Okay lang mabulok ako sa kangkungan. Wag lang umasa at masaktan.

Talaga?. Is that inevitable?. Sa isang relasyon. Kaakibat na nito ang sakit. Saya, luha at ngiti. Hindi pwedeng wala dahil hindi masasabing maganda ang isang bagay kapag hindi ito galing sa pangit na nakaraan.

Dumating ang kasal nina Karen. Partners pa din kami kahit dumating ang kaibigan nyang si Mark. I already saw his friend. Minsan itong nagparamdam sakin kaso di ko lang sya bet. Gwapo naman sya. Parang Chinese pero iba talaga ang tipo ko. He has soft features. Yung manly naman ang type ko. Opposite.

"Long time no see." he whispers nang nagkita kami sa simbahan. Inilahad nya ang braso para sa kamay ko. Nilagay ko naman iyon sa kanya saka nagtabi. Ang awkward lang!

"Long time no see nga. Hahaha.." ewan ko ba kung bakit ba ako natawa. Wala naman syang sinabing nakakatawa pero natuwa pa rin ako. "Kamusta?." sinubukan ko talagang maging masaya ang tunog ng boses ko subalit bakit kahit anong tago ko, obvious na malungkot ito. Pumiyok pa kasi.

Sinilip nya tuloy ang mukha ko pailalim. "Ikaw ang kamusta?. You look like you're not okay huh?." bakit sya parang wala lang. Tapos eto ako kingina!. Sobrang kaba at takot na makita nyang namimiss ko na sya. "Miss mo na ako?."

Tinignan ko lang sya paitaas. Humaba rin ang nguso ko. "Ahahahahahahahaha!." tumawa sya. Yung tawa nyang namiss ko talaga. Hinawakan nya ngayon ang kanang kamay ko habang tumatawa saka niyakap. "Been weeks na rin nung umalis ka sa bahay.. Ang tahimik na tuloy.."

"Di ko naman kasi bahay yun.." binitawan na nya ako. Umakbay naman ngayon.

"Balik ka na kaya. Ipapaalam kita kay Tito.."

"Wag na.. magalit pa sila sa'yo eh."

"Ayaw mo akong pagalitan nila?."

"Of course. Nakakahiya kaya.." matunog ang ginawa nyang pagngisi.

Ngumuso sya. Saka tumitig ng matagal sa akin.

"How about hanging out with my friends?. Sama ka?. Out of town kami nila Kaka after their wedding. Batangas lang naman.."

"Busy ako." hinapit nya pa ako ng mas malapit matapos ko itong irason.

"Ikaw ata galit sakin eh. Iniiwasan mo ako simula nung umalis ka sa bahay ko."

"Di kaya.."

"Patunayan mo nga na di ka galit.." hamon nya sakin.

Paano nga ba?.

Then someone approach us. "Hey.." nakipagkamayan muna ito kay Poro bago sya humarap. "Kendra right?." he's Mark. The older brother of Kaka's best friend. Bamby.

Inilahad nya ang kamay sakin kaya naman kinuha ko yun. "Remember me?." anya pa na nakangisi na.

Kinuha ko ang kamay nya sabay tango. "Sino namang di makakakilala sa Eugenio siblings?." di lang kasi mga gwapo at maganda. Mabait pa. Pero sobrang istrikto pagdating sa kanilang bunso. Kaya sila naging sikat dahil kay Bamby na ligawin, na hindi pwedeng ligawan ninuman. Ang higpit nila pero may isang nakapuslit. Ang isang Jaden Bautista ng barkada nila.

"Hahaha.." tumawa sya habang nakapamulsa. Ang gwapo nya lalo tignan. Napapalingon tuloy ibang babae sa kinatatayuan nya. Pwede syang maging bida sa kdrama. Ganun.

Pagkatapos tumawa. Tinuro nya kaming dalawa ng kaibigan nya. "What?." iritableng ani Poro sa kanya.

"Are you guys dating?." nangapa ako bigla.

Anong–?.

"Nope. Just friends.." mabilis na tugon naman ni Poro na tinaasan nya lang ng kilay.

"Really?. Is that true Kendra?." pinaloob ko ang labi bago sya kinilayan. "Ahahaha.. di ka pa rin nagbabago bro.."

"Ano na naman?." ani Poro na tinanggal na ang kamay sa balikat ko. Ang kaibigan naman ang aakbayan sana kaso mabilis itong lumayo sa kanya habang nakangisi.

"Still slow, huh.. Ahahahah."

"Manahimik ka na nga lang.." kulang nalang takpan nito ang bunganga para di na sya magsalita pa.

"Ken, pag nanligaw to. Bastedin mo agad ha?."

"Asshole!."

"Ahahahahahahahaha.." hinila na nya si Mark palayo sakin.

Siguro nga. Mas maganda nang magkaroon kami ng label na 'just friends' kaysa sa umasa ako ng umasa hanggang sa wala naman akong mapala.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C39
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk