Pagkalipas ng limang buwan na bigla na lang naputol ang Communication nila ni Jewel ay nagkita sila sa isang coffee shop malapit sa Company na pinagtatrabahuan ni Jewel.
Nagtatawanan sila habang nagke-kwentuhan.
Cynthia: Remember nung time na nagpunta tayo ng Tagaytay para lang mag starbucks?
Jewel: Oo, nakakatawa kasi 'yun lang pinunta natin d'un.
Cynthia: Eh 'yung inabutan tayo ng ulan sa roller coaster ng EK?
Jewel: Tapos nilagnat ka kinabukasan.
Nagkatinginan sila at sabay na natawa habang umiiling iling.
Cynthia: Kumusta na si Tita Doris? Kumusta na si Misha?
Jewel: Okay naman sila. Lagi ka ngang tinatanong sa akin ni Mommy. Si Misha, ayun malakas pa din kumain ng cat food. Mommy na si Misha, may 3 kittens na siya ngayon.
Cynthia: Wow, that's great.
Katahimikan.
Cynthia: Kumusta ka na?
Jewel: I'm okay. Whew, it's been five months since the last time we talked.
Cynthia: Oo nga eh.
Parehong napayuko. Nilaro laro ni Jewel ang straw ng frappe niya. Si Cynthia naman ay nag-angat ng mata at tumingin sa labas.
Cynthia: Ang dami kong gustong itanong sa 'yo. Kaso hindi ko alam kung saan magsisimula.
Jewel: I'm sorry.
Tumingin si Cynthia kay Jewel. Sincere naman ang huli sa paghingi nito ng sorry.
Cynthia: Para saan ba ang sorry mo?
Jewel: Sa lahat. I'm sorry Cynth... (she let a deep sigh out of her mouth)
Cynthia: Bigla ka na lang nawala. Hindi ka na nag re-reply sa mga messages ko, hindi mo sinasagot tawag ko. I don't know what happened. Ano nga bang nangyari?
Katahimikan.
Cynthia: I thought we're happy. Wala tayong label pero masaya naman tayo n'un 'di ba?
Hindi pa din tumitingin si Jewel kay Cynthia na parang nahihiya ito sa dalaga.
Cynthia: Sabi mo bigyan kita ng enough time to heal, kaya naghintay ako. Hindi kita prinessure na makipag commit kasi alam ko, you're still hurting deep inside.
Katahimikan.
Cynthia: Hindi pala totoo na it's impossible to miss someone you never had.
Nag-angat ng tingin si Jewel kay Cynthia. Nagsalubong ang kanilang mga mata.
Cynthia: I miss you. I miss our late night talks, I miss your kisses, I miss all those times na masaya tayo, nakikinig ng Music, nag mo-movie marathon, our early in the morning coffee talks, ang mountain climbing natin. I miss you, I miss us.
Muling napayuko si Jewel. Bakas sa mukha nito ang labis na lungkot.
Cynthia: Oh, I forgot, there's no Us nga pala.
Jewel: Cynthia...
Cynthia: Ang sabi mo n'un malapit ka na, malapit mo na akong mahalin, umasa ako. Mali ba na umasa ako?
Hindi kumibo si Jewel. Nagpunas ito ng luha sa mata.
Cynthia: We're almost there Jewel, what happened? What happened to us? Bakit bigla tayong naputol? Bakit bigla tayong natigil?
Katahimikan. Narinig niya ang pagsinghot ni Jewel. Hindi nito magawang salubungin ang mga mata niya.
Jewel: You'd been so good to me. Nandiyan ka kapag kailangan kita. But...
Hindi nito maituloy ang iba pang sasabihin.
Cynthia: But that wasn't enough. I wasn't enough.
Umiling nang umiling si Jewel.
Jewel: No, that was not the issue Cynthia...
Cynthia: Then tell me para maintindihan ko.
Katahimikan.
Jewel: I still love her. Mahal ko pa din si Alex. Nung time na hindi na ako nagpaparamdam sa 'yo, that was the time na nagkabalikan kaming dalawa.
Isang frustrated na buntong hininga ang kumawala kay Cynthia. Napasandal siya sa upuan habang naiiyak na nakatingin lang kay Jewel.
Jewel: I'm sorry... I'm sorry I don't have the nerve to tell you. I'm so sorry...
Cynthia: (Pinunasan ng kamay nito ang luha sa pisngi) I guess giving your everything will never be enough for someone who cannot love you back.
Tuluyan nang napaiyak si Jewel. Huminga si Cynthia ng malalim at mapait na ngumiti. Tumayo na ito sa pagkakaupo at walang paalam na lumabas ng coffee shop.
And that was the moment she knew...
Sometimes, love just ain't enough to make someone stay.
FIN
#oneshotstory
— Bab baru akan segera rilis — Tulis ulasan