Tumalikod na si Edward sa kanya at hinila ang maleta.
Ni hindi man lang ito nagpaalam.
Hindi pa nakakalabas ng kwarto ay agad na nitong kinuha ang cellphone at tinawagan ang babaeng minamahal.
"Oh hey love! I'm sorry I took so long! Don't worry, I'm coming home."
Akala ni Dale wala ng sasakit pa sa masuyong halik na iginawad sa kanya ni Edward.
Pero nang marinig nya ang sinabi nito...
"Oh hey love! I'm sorry I took so long! Don't worry, I'm coming home."
Love
Home
Two words that she never heard from him.
Two mere words.
Nakatulala si Dale na nakatingin sa nakabukas na pinto kung saan lumabas ang dating asawa.
Hindi nya alam kung gaano sya katagal na nakatayo lang at nakatingin doon.
Gusto nyang umiyak.
Gusto nyang magwala.
Gusto nyang isumpa ang lahat ng santo na kilala nya.
Bahagya nyang narinig ang tunog ng sasakyan ni Edward na humarurot papalayo.
Doon lang sya natauhan.
Tapos na.
Wala na.
Lumapit sya sa pintuan at isinara iyon.
Tumungo sya sa banyo upang maligo.
Maybe the shower can wash away the pain she is feeling.
Binuksan ni Dale ang shower.
It's cold.
Parang pakikitungo lang sa kanya ni Edward.
Pumikit sya.
Habang lumalagaslas ang tubig sa katawan nya ay saka nya lang naramdaman ang pananakit ng kanyang pagkababae.
Masakit.
Pero mas masakit ang puso nya.
Pero walang nararamdaman na pagsisisi si Dale sa nangyari.
Nagmahal lang naman sya.
At alam nyang wala na syang ibang mamahalin kundi si Edward lang.
At kung tatanungin sya?
Kahit hindi nya naranasan ang mahalin ni Edward ay ito pa rin ang mamahalin nya.
Nakarating na si Edward sa condo nya kung saan naroon ang babaeng una at huling mamahalin nya.
He found his parking spot and turned off the ignition.
Nangingiti pa sya nang makita ang envelope na binigay ni Dale.
Ang envelope na naglalaman ng kalayaan nya.
Bago bumaba ng kotse ay naisipan ni Edward na tingnan muna ang laman ng envelope.
Curiosity?
Ano kayang grounds for annulment ang inilagay ni Dale?
Nilabas nya ang mga dokumento at nag-umpisang magbasa.
Bakit ganun?
May kakaiba syang nararamdaman...
Dali-daling tiningnan ni Edward ang date ng annulment papers.
Ganun na lang ang pagkagulat ni Edward.
She signed this a month ago?!?!
"Why Edward? Why do you seem so surprised?" usig ng isip nya.
"Mahalaga pa ba yon?"
Tapos na.
Malaya ka na.
"Tapos na. Malaya ka na Edward. I hope you're happy now." bulong ni Dale sa isip.
She turned off the shower and dried herself.
She stepped out of the bathroom and put on her nightgown.
Umupo sya sa harap ng dresser at nagsuklay.
She looked at herself in the mirror.
Hanggang dito na lang ang kagagahan nya.
Isang taon na rin ang ibinuhos nya sa pagbabakasaling matututunan din syang mahalin ni Edward.
Na hanggang sa huling gabi ay hindi sya minahal.
Sapat na panahon na siguro iyon.
It's time!