Unduh Aplikasi
9.85% Never Talk Back to a Gangster / Chapter 20: Chapter Twenty

Bab 20: Chapter Twenty

*AUDREY DELA CRUZ*

"Sa tingin nyo ba tama ang ginawa nila sa alaga ko ha?! HA?!" sigaw ng Yaya habang pinapatahanan ang batang patuloy sa paghagulhol.

Napaismid ako. Psh! Nandito ako sa harap ng committee chairwoman na namamahala sa subdivision namin. Ipinatawag kaming mga nasa playground, so lahat nang nandon kanina nandito. Saksi sila sa mga nangyari sa playground at sa naging away ng dalawang bata. Aba! Wala naman masama sa ginawa ni Angelo!

Nakinig lang naman sya sa'kin at tama naman ang sabi ko na upakan nya yung kaaway nyang mataba! Alangan naman na magpa-api kami? Ako, si Audrey Dela Cruz ay hahayaang apihin ng iba ang batang kasama ko? No way!

Kaso itong Yaya ng matabang bata na mukhang balyena biglang nagsisisigaw, natakot tuloy ang ibang bata sa playgound at dahil don nagalit din ang ibang yaya. At ngayon nga ako ang sinisisi nila. This is so unfair!

"Nakikita nyo ba 'to?! May black-eye ang alaga ko!" sigaw pa nung balyena. "Ano nalang ang sasabihin ko sa mga amo ko? Mawawalan ako ng trabaho!"

"Yaya!! I want Mama!! WAAAAAAAH!!" iyak ng alaga nya.

Nyeta naman napaka-ingay. Malapit ko nang pasakan ng bulak ang bunganga ng dalawang 'to eh!

"Ano'ng masasabi mo don Miss? Dedepensahan mo ba ang bintang nila o aaminin mo na—" Di ko na pinatapos ang chairwoman.

"Magkano ba? Magbabayad nalang ako," sagot ko.

Tinignan ako ng mga tao na nandon.

"Honey, mag-sorry ka nalang para matapos na," bulong ni Pangit.

"Tumahimik ka dyan! Bakit ako magsosorry wala naman akong kasalanan ah! Shit!"

"Aba't mga kabataan nga naman kung makaasta akala mo kung sino nang mataas ah, oy babae pareho lang tayong nag-aalaga dito ng bata. Pareho lang tayo ng trabaho! Pareho lang tayong Yaya!" pangaral sa'kin nung balyena.

Nakita ko naman na sumangayon sa kanya ang ibang Yaya. Napatingin ako kay Pangit, binatukan ko. Pano? Nakiki-'Oo nga' sa sinabi nung Yaya.

At ano'ng sinabi niya?! AKO?! YAYA?! Excuse me! Hindi ba nila nakikita kung gaano kaganda ang kutis ko?!

"PWEDE BA?! SINO NAMAN ANG NAG-SABI SA'YO NA YAYA AKO HA?!" tumayo na ako.

Makakasapak na ako dito, nangangati na ang kamay ko, gusto na talagang manapak. Shit yan ah!

"Ay oo nga pala ayaw nila na Yaya ang tawag sa kanila ngayon! Mas gusto nila matawag na Nanny, inglesera ka day!" tumayo din yung balyena. "Pareho lang naman 'yon!"

I can't believe this! Sinasagad na talaga nito ang pasensya ko ah. Masasampiga ko na talaga 'tong babaeng balyena na 'to!

"Honey sige kaya mo 'yan!" cheer ni Pangit. "Fighting!"

Binatukan ko nga. Epal eh. Naiinis na talaga ako. Inilabas ko ang cellphone ko at tumawag sa bahay.

***

"Ayos na po ang lahat Young Lady," sabi ni Edward.

Tinawagan ko si Edward para ayusin ang gulo. Bayaran ang dapat bayaran kahit wala naman talaga, basta hindi ako mag-sosorry! Si Edward ang butler namin sa mansion. Magpasalamat pa sila sa akin dahil mabait ako.

"Ay 'Ne pasensya ka na ha? Bakit naman hindi mo kaagad sinabi na Dela Cruz ka pala?" sobrang bait baitan na sabi ng Yaya at tumingin kay Angelo. "Tutoy pasensya ka na sa alaga ko ha? Hwag na sana itong makarating kay Madam at baka masisanti aku pati sa agency. Huhu."

PSSSSHHHHHH!!! Umalis na kami.

"Honey pa'no ako? Sama ako! Ipakilala mo na ako kina Papa at Mama!" habol sa akin ng Pangit na stalker ko.

"Leche!" tinalikuran ko na sya at sumakay sa kotse

Nasa tabi ko si Angelo na walang tigil sa paglantak sa jelly ace. Isang balot kasi ang ibinigay sa kanya nung pangit na yun. Nag-drive na si Edward pabalik sa bahay.

NAKU! NAPAKA-MALAS TALAGA KAPAG KASAMA ANG PANGET NA 'YON EH! Napatingin ako kay Angelo.

"Penge nga ako," kumuha ako ng jelly ace at kumain.

Nakakainis. Paborito namin 'to ni Samantha noong bata pa kami eh.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C20
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk