Chapter 953: Ako na ang Bahala (4)
Hindi kailanman naisip ni Huo Mian na isang araw ay makakapasok sya sa bahay ng mga Su Yu, isang lugar na tila mahiwaga.
Dahil kay Mrs. Su, bigla siyang nagduda sa kanyang kaligtasan.
Nakarinig na siya dati ng kwento tungkol sa isang babaeng tinanggihan ang pag-ibig ng isang mayamang lalaki.
Ginamit ng pamilya nito ang mga koneksyon nila para ipa-dukot ang babae at dalhin sa kanilang tahanan. Matapos pagsamantalahan ito ng lalaki, nabaliw ang babae.
Kalaunan ay ikinulong ito sa isang siyudad. Pagkatapos… sinasabing namatay ito dahil sa sakit.
Walang nakakaalam kung nasaan ito, at hindi na siya muling nakita ng kanyang pamilya; kahit ang katawan nito ay hindi na natagpuan pa.
Ang mga ganitong klase ng istorya ang dahilan kung bakit hindi gaanong lumalapit si Huo Mian sa mga taong makapangyarihan; masyadong maraming sikreto ang mga ito.