Unduh Aplikasi
90.62% My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 58: His Brother's Wife

Bab 58: His Brother's Wife

CHAPTER 57

-=Atilla's POV=-

Kahit sobrang daming gumugulo sa isip ko ay kinailangan ko nang bumalik sa trabaho dahil nangako ako kay Ellaine na hindi ko papabayaan ang mga negosyo ni Henry and that's what I intend to do.

Tatlong araw na ang nakakalipas nang makabalik na kami sa Manila, tatlong araw ko na din hindi nakikita si Ram at sobrang miss na miss ko na siya, sa loob ng tatlong araw naman na iyon ay hindi ako pinabayaan ni Ang na patuloy sa pag-aaruga sa akin, I feel that I don't derserve Ang dahil sobrang buti niyang tao, he deserves someone who's trully in love with him wholeheartedly.

"Sigurado ka bang papasok ka na, maiintindihan naman siguro ng kapatid mo kung sakaling magpahinga ka na muna nang ilan pang mga araw." pangungumbinsi sa akin ni Ang kitang kita ko ang patuloy na pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa akin.

Nakabihis na kasi ako nang pamasok ko sa opisina, nainform ko na din ang temporary secretary ko habang ako ang namamahala sa mga negosyon ni Henry, hindi ko na talaga puwedeng maafford na umabsent dahil sigurado akong sobrang tambak na ang mga papeles na kailangan pirmahan at bigyan ng atensyon.

Wala na din itong nagawa kung hindi hayaan ako sa balak ko, ngunit sandali akong natigilan nang makita kong patuloy pa din ito sa pag-aalala kaya naman dali dali akong lumapit dito at banayad kong dinampi ang mga labi ko sa labi ng binata at nang tignan ko na uli ito ay nakita ko nang nakangiti na ito.

Matapos nga noon ay nagmamadali akong lumabas sa bahay nila Henry ngunit bago pa ako tuluyang makasakay sa kotse na pinahiram sa akin ni Ellaine ay humahangos na lumapit sa akin si Ang.

"Dadalawin kita mamaya ah, let's have dinner later." pahabol nito at mabilisan akong hinalikan sa pisngi ko at agad na bumalik sa loob ng bahay.

Napapailing naman ako sa kinilos ni Ang, nakakatuwa talaga ang taong iyon, he never failed to put a smile on my lips, sometimes I wonder kung marunong bang magalit ang taong ito kasi naman kahit yata anong gawin nang kahit na sino dito ay hindi ito magagalit, and somehow it made me wonder kung magagalit ba ito kapag nalaman nito ang nangyari sa amin ni Ram.

"Well of course magagalit si Ang, he will feel betrayed imagine his girlfriend na ginalang ay basta na lang binigay ang sarili sa ex niya." sa loob loob ko.

Thinking about Ram made me wonder kung pumapasok na din ba ito sa opisina and the thought of meeting him again made me feel like there are butterflies inside my stomach.

"Enough of Ram Atilla you need to remember the reason why you want to go to work." sawata ko sa naiisip ko at matapos nga noon ay agad kong pinaandar ang kotseng gamit ko at ilang sandali lang ay nasa kahabaan na ako ng EDSA patungo sa main office ng mga negosyo ni Henry.

Inabot ako nang mahigit na isang oras bago ako makarating sa opisina ni Henry pagkapasok na pagkapasok ko ay agad akong binati ng mga tauhan ni Henry.

"Good morning Ms. Atilla." ang sunod sunod na bati sa akin ng mga naabutan kong tao sa building na iyon.

"Good morning din." ang bati ko sa mga ito at agad na akong dumiretso sa personal elevator ni Henry na didiretso sa mismong opisina ng kapatid ko.

Sobrang lakas nang kabog nang dibdib ko habang palapit sa naturang floor, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong ikilos kapag nagkita na kami ni Ram, ibang iba ang sitwasyon namin nang nasa isla pa kami ngayong nasa Manila na kami.

"Good morning Ms. Atilla." ang salubong sa akin ni Samantha ang secretary ni Henry, akala ko nga sasama ito sa pagpunta sa US ngunit minabuti nitong magpaiwan para makatulong sa akin na labis ko naman na naaappreciate.

"Good morning Samantha and my first order is to drop the Ms. pakiusap lang." naiiling kong sinabi dito dahil simula noon nagpapatawag na ako dito sa pangalan ko ngunit hindi nito ginagawa siguro naman ngayong temporary boss ako nito ay mapagbibigyan na nito ang hiling ko.

"Masusunod Atilla." ang nakangiti nitong sinabi at halatang medyo naiilang pa din ito pero wala na itong nagawa dahil utos na iyon mula sa akin.

I cleared my throat bago magtanong dito kasi naman kanina pa gumagala ang mga mata ko looking for someone na mukhang wala pa din sa opisina.

"Si Ram ba wala pa?" I tried to act na para bang wala lang kahit na nga ba nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba.

"Wala pa siya Ms. I mean Atilla pero sa loob ng tatlong araw ay hindi siya nagmintis na pumasok sa opisina, hindi niya hinayaan na mapabayaan ang negosyo ng kapatid mo Atilla, Ram is a really good guy." nakangiti nitong sinabi.

I felt a shallow feeling inside me knowing na wala pala ang binata pero siguro tama na muna ito para kahit paano ay makapag-isip isip ako ng tama at para na din makapagfocus ako sa trabaho.

Nang tuluyan na akong makapasok sa opisina ko ay agad kong napansin ang maayos na pagkakasalansan nang mga papeles na kailangan kong pirmahan.

Agad akong nagsimula sa pagtatrabaho at kahit paano naman ay nakakapagfocus ako sa ginagawa ko meron nga lang mga times na bigla na lang papasok sa isip ko ang nakangiting anyo ni Ram na susundan nang mapait na ngiti ng binata bago kami maghiwalay nang nasa Cebu pa kami.

I tried to shrugg off any emotions that may hindrance me for being effective with my work at kahit paano naman ay nagagawa ko ng maayos ang trabaho ko.

Bandang alas dose ay nagpaalam si Samantha na maglalunch at doon ko lang napansin ang oras kaya naman sandali akong nag-inat inat.

Sandali lang akong nag-isip at nagdecide akong lumabas muna ng opisina para man lang makapagrelax, I decided to check one burger joint na hindi kalayuan sa office at agad akong nag-order nang special burger sa naturang lugar.

Aside from the burger ay nag-order din ako ng potato wedges with a melted mozzerela cheese dip at isang large Sarsi.

Mga ten minutes din siguro ang hinintay ko bago hinatid sa akin ang order ko, napailing nga ako sa nagdala sa akin non dahil parang hindi mawaglit ang tingin nito sa akin.

"Thank you." ang nakangiti kong sinabi dito at bigla akong nakaramdam ng gutom nang maamoy ko ang mabangong amoy nang patty ng burger at pinigilan ko talaga ang sarili kong mapapikit sa sarap ng kinakain ko no wonder na marami ang kumakain sa burger joint na ito, matapos maubos ang burger ay sinunod ko naman ang potato wedges na talaga namang sobrang sarap din, at nang maubos ko ang iniinom kong Sarsi ay agad akong umalis matapos na magbayad ng bills at dahil natuwa ako sa service at sa sarap ng food ay naisipan kong mag-iwan ng tip sa tip jar nila.

"Thank you for coming please come again." ang masayang bati sa akin ng mga crew ng store na iyon, I will definitely go back ang tanong lang ay kung sino ba ang isasama ko kapag bumalik ako.

Matapos ang lunch break ay bumalik ako sa opisina para ipagpatuloy ang mga kailangan kong tapusin na trabaho mabuti na lang at wala akong kailangan na imeet na kliyente ayon na din kay Samantha nang makabalik na ito sa lunch break nito.

"Inayos na ni Ram ang lahat." paliwanag ni Samantha, hindi ko maiwasang hindi mapangiti at matouch sa ginawang ito ni Ram.

Around five in the afternoon nang makareceive ako ng tawag mula kay Ang.

"Hi." ang sinabi ko ng sagutin ko ang tawag nito.

"Hi yourself gorgeous are you ready for our dinner date?' tanong nito sa akin at lihim kong natampal ang noo ko dahil nakalimutan ko ang tungkol doon.

"Oo naman tinatapos ko lang ang mga kailangan kong tapusin ngayon at hihintayin na lang kita dito." sagot ko naman dito at matapos ang tawag na iyon ay agad akong nagmadali.

"Atilla may kailangan ka pa ba sa akin?" tanong ni Samantha na dumaan muna sa office ko bago tuluyang umalis ng opisina.

"Wala na naman salamat Samantha, mag-ingat ka." ang sagot ko dito habang naghahanda na ako sa pagdating ni Ang.

Mga sampung minuto na din ang nakakalipas nang marinig kong may nagbukas ng pinto.

"May nakalimutan ka ba Samantha?" tanong ko dito sabay angat ng ulo ngunit nagulat ako ng makita kong ibang tao ang naroon.

"Miranda?" nagulat ako na muling makita ang naturang dalaga na best friend ni Ram, ang pinagtataka ko ay kung ano ang ginagawa nito dito.

"Hi Atilla, sorry kung dumating ako ng walang paalam kakauwi ko lang kasi galing States at sabi sa akin ni Tito ay dito ko daw matatagpuan si Ram." paliwanag nito.

"Long time no see Miranda wala si Ram dito ngayon, hindi siya nagpakita ngayong araw." ang sinabi ko naman dito.

"Ahhh ganoon ba, saan kaya ngayon ang lalaking iyon?" sinabi nito na parang mas kinakausap ang sarili habang hinihimas ang ibabang bahagi ng mukha nito na halatang nag-iisip.

Bigla namang namilog ang mga mata ko ng makita ko ang singsing na nasa daliri nito, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Oh my God Miranda did you just got married?" gulat na gulat kong tanong dito.

Isang matipid na ngiti lang naman ang nanilay sa mga labi nito.

"Sino ang masuwerteng la...." excited kong tanong dito ngunit bago ko pa tuluyang matapos ang sasabihin ko ay sumabay naman ang biglang pagsungaw ng ulo ni Ang sa pinto.

"Hi hon, oh sorry may bisita ka pala." nakangiti nitong sinabi ngunit sandali lang iyon at bigla iyong nawala sa mukha ni Ang ng tuluyan nitong makita ang itsura ni Atilla, agad na nagdilim ang mukha nito nang makita si Miranda samantalang si Miranda ay halatang nagulat din nang makita si Ang.

"What the hell are you doing here?" malamig na tanong ni Ang sa dalaga na labis kong pinagtaka, and for the first time nang pagkakakilala ko kay ay Ang ay ngayon ko lang nakita ang ganitong expression sa mukha ng binata.

"I'm here to visit a friend but since he is not here ay mauuna na ako Atilla." paalam nito at bago ito tuluyang umalis ay nakipagtitigan pa ito kay Ang na lalong nagpapagulo ng isip ko.

Ilang minuto nang nakalabas si Miranda ngunit parang hindi pa din nagbabago ang expression sa mukha ni Ang, kaya naman ipinatong ko ang kamay ko sa balikat nito at kitang kita ko ang pagkagitla sa itsura nito.

"Is everything ok Ang?" tanong ko dito na halatang pilit na kinakalma ang damdamin.

"Yeah, ok na ako, paano mo nga pala nakilala ang babaeng iyon?" tanong naman nito.

"Nagkakilala kami ng nasa US pa ako para mag-aral at dahil pareho kami ng circle ng friends ay naging magkakilala kami, why meron ba akong dapat na malaman?" nananantiya kong tanong thinking na ex ni Ang si Miranda.

"Yes because that lady is the wife of my brother." naiiling nitong sinabi at ilang segundo din bago tuluyan nagregister sa akin ang sinabi nito.

"So siya ang pinakasalan ng kapatid mo sa US kaya ka nagpunta ng America?" tanong ko dito hindi ako makapaniwala sa liit ng mundo.

"Yeah the one and only, the gold digger that married my brother." galit nitong sinabi sa nangangalit na mga ngipin.

Minabuti kong sarilinin muna ang opinyon ko sa bagay na iyon dahil sa pagkakakilala ko sa dalaga ay hindi ito ganoong tao pero naalala ko na ilang beses na nga pala itong nagpakasal at nakipaghiwalay kaya hindi ko na alam ang iisipin ko ng mga oras na iyon.

Miranda is his brother's wife.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C58
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk