Unduh Aplikasi
64.06% My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 41: Ano Bang Tama?

Bab 41: Ano Bang Tama?

CHAPTER 40

 -=Atilla's POV=-

I decided not to go to work tomorrow dahil sa totoo lang gulong gulo ang isip ko sa bagay na nalaman ko kay Ang, hindi pa din ako makapaniwala na ang taong tumulong sa akin ay kayang gumawa nang ganoon kaanumlya para lang kumita.

"Are you sure hindi ka muna papasok? Siguradong magtataka si Ang kapag hindi ka pumasok?" tanong ni Nicole, nakaayos na kasi ito para pumasok samantalang ako ay nananatili pa din na nasa kama, ni wala pa din itong kaalam alam sa bagay na nalaman ko tungkol kay Ang dahil parang hindi ko kayang masira ang imahe ng binata sa bestfriend ko.

"I'm quite sure Nicole, sorry I don't think kaya kong harapin si Ang sa ganitong sitwasyon at pakisabi kung sakaling pumunta siya na wala ako sa bahay dahil may emergency na nangyari." pakiusap ko dito at matapos nga non ay nagpaalam na din ito.

Naiwan ako sa condo unit ko nang nag-iisa, hindi pa din matanggap nang isip ko na ang katulad ni Ang ay tatanggap nang suhol para sa isang napakalaking project nang kumpanya kahit na nga ba hindi iyon makakatulong sa kumpanya dahil na din sa mga second rate na raw materials na isusuply nang kumpanyang pagmamay-ari ni Raymundo Mendez.

"Why of all people, bakit si Ang pa?" hindi ko mapigilang manghina sa nalaman dahil kahit paano ay tinuring ko na din siyang kaibigan kahit na sa ikli nang pinagsamahan namin and I am confuse kung ano ba ang dapat kong gawain, dahil kapag binuking ko ito ay siguradong matatapos na ang problema ni Henry pero kapag ginawa ko naman iyon siguradong mawawalan nang trabaho si Ang at maari pa itong makulong.

Dahil sa labis kong pag-iisip ay ni hindi ko man lang naramdaman ang pagkagutom dahil abala pa din ako sa pag-iisip kung ano ba ang dapat kong gawin, dahil siguradong may masasaktan kapag nagdesisyon ako.

Bandang alas ocho nang biglang tumunog ang phone ko at nakita kong nagregister ang pangalan ni Ang, para akong nanigas habang tahimik na nakatingin sa patuloy na nagriring na phone ko hanggang matapos ang pagriring non.

Minabuti ko na lang na bumangon na sa kama at pilitin ituon ang atensyon ko sa ibang bagay palayo sa nalaman ko at patungkol sa desisyon na kailangan kong gawin.

I tried to focus my attention sa movie na nagpleplay sa tv sa sala ngunit kahti anong gawin ko ay walang kahit na ano ang nakakapagdistruct sa isipan ko.

"Enough Atilla!" inis na inis kong sinabi sa sarili ko nang nagdecide akong iturn off na lang ang pinapanood ko at mamasyal na lang muna at umaasa akong makakatulong ang pamamasyal ko para sandali kong kalimutan ang bagay na kailangan kong gawin.

Dali dali akong naligo at nag-ayos para sa binabalak kong pamamasyal, ginawa ko talaga ang lahat para matuon ang atensyon ko sa ibang bagay, went to the same zoo that I visited sa unang beses kong pamamasyal sa Australia, went to watch Wicked again, and tried different food na nadadaanan ko na bago sa paningin ko ngunit kahit ganon ay hindi pa din niyon nababawasan ang pag-iisip ko kaya naman bandang alas siyete nang gabi ay nagdecide na din akong umuwi na lang muna dahil malamang sa malamang ay nakauwi na din si Nicole at siguradong nag-aalala na din ito.

Nag-aabang na ako nang taxi para makauwi na din nang isang tawag ang biglang nagpakabog ng dibdib ko nang sobrang lakas.

"Wait for me Ram!" narinig kong sigaw sa bandang likuran ko at hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na iyon, dahan dahan ay nilingon ko ang pinanggalingan nang boses na iyon at nakita ko si Miranda na parang may hinahabol na kung sino at nang matitigan ko nang maigi ay saka ko lang nakumpirma na siya nga iyon.

"Ram......." biglang parang may panibagong patalim ang nagbukas nang sugat na pilit kong pinapagaling habang nakatingin sa gilid nang mukha nito, gusto kong tumakbo palapit dito at magpakulong sa mga braso nito ngunit naduwag ako, naduwag akong makita ko na naman ang galit at panunumbat sa mga mata nito kapag nakita ako, sa tingin ko ay hindi ko na kakayanin na masaktan nang dahil dito, sakto naman at may humintong taxi sa harapan ko at matapos bumaba ang pasahero nito ay dali dali akong sumakay, nakita ko pa na naabutan na din ni Miranda ang binata na may ngiti sa mga labi at aaminin ko nasasaktan ako dahil mukhang wala talaga itong nararamdaman na pagmamahal sa akin samantalang ako ay naging bilanggo nang pagmamahal ko dito, life is so unfair bakit kailangan kong masaktan samantalang ang taong mahal ko ay parang balewala lang na mawala ako sa buhay nito.

"Tama na Atilla!" kastigo ko sa sarili nang maramdaman ko ang luhang nag-uunahan sa mga mata ko, pilit ko iyong pinapahid ngunit kahit anong gawin kong pagpapahid ay patuloy lang iyon sa pagdaloy, akala ko naubos na ang luha ko ngunit mali pala ako.

Hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng building kung saan ang condo unit na tinutuluyan ko at matapos magbayad ay dali dali akong sumakay ng elevator patungo sa unit ko.

"Saan ka ba galing Atilla? Hindi mo ba alam na....... anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong nito ngunit imbes na sagutin ito ay dumiretso na lang ako sa kuwarto ko kasunod pa din ito.

"Atilla huwag ka naman ganito kung hindi mo talaga gusto si Ang eh hindi ok lang yan, tapatin mo na lang ang tao." she while rubbing my back to comfort me.

Weird kanina gustong gusto kong mawala sa isip ko ang tungkol sa nalaman ko ngunit ngayon mas nanaisin ko pang isipin iyon kaysa isipin si Ram.

Thinking about Ram made my heart ache more, I'm longing for his touch, for his kisses and it pains me knowing na hinding hindi na mangyayari iyon.

"Atilla please stop this." narinig kong sinasabi ni Nicole ngunit kahit anong gawin ko ay hindi pa din tumitigil ang pagdaloy nang luha sa mga mata ko, hanggang mapagod ako at doon lang ako dinalaw nang antok and eventually fell asleep.

I woke up around nine in the morning feeling exhausted and again naalala ko na naman ang si Ram at naramdaman ko na naman ang pag-iinit nang mga mata ko na agad kong sinawata.

"Nicole?" tawag ko ngunit nagtaka ako dahil walang sumasagot hanggang makita ko ang isang papel na nakalagay sa pintuan nang ref sa kusina na agad kong kinuha.

"Atilla sorry hindi na kita nahintay magising dahil kailangan ako sa opisina ni Ang, there will be a meeting with the heads of the department with your brother, hinanda kita nang pancake kaya kumain ka na lang kapag gising ka na." nakalagay sa sulat at bigla akong naalarma nang maalala ko na ngayon pala gagawin ni Ang plano nito.

Sa pagpupumilit kong huwag isipin ang nalaman ko ay tuluyan ko na iyong nakalimutan kaya ngayon ay nagmamadali ako sa pag-aayos para pigilan ang kung anuman ang mangyayari sa meeting na iyon, alam kong masasaktan ko si Ang ngunit kailangan kong gawin ang tama at pipilitin ko na lang si Henry na bigyan pa nang pagkakataon nang binata dahil alam ko naman na hindi naman talaga masamang tao si Ram.

Matapos ang labing limang minuto ay nakaayos na ako at handa na akong umalis agad akong bumaba sa unit ko nang sabihin sa akin ng guard nang building na dumating na ang taxi na pinatawag ko.

Dali-dali akong sumakay at nagpahatid sa Chifley Tower, ngunit hindi ko alam kung nananadya ba talaga ang pagkakataon dahil biglang bumigat ang daloy nang trapiko, pasulyap sulyap ako sa wristwatch ko seeing na ten minutes before ten, at kailangan ko nang magmadali dahil ten ang simula nang meeting.

"Para! I mean stop." sinabi ko sa taxi at matapos magbayad ay lakad takbo patungo sa building kung saan ang kumpanya ni Henry.

Halos thirty minutes din ang inabot bago ako makarating sa harap nang Chifley Tower, pawisan na nga ako ngunit hindi ko iyon ininda dahil kailangan kong pigilan ang magiging contract signing dahil siguradong masisira ang pangalan ni Henry kapag ginamit ang mga magiging supply.

Halos hindi ako makahinga habang nasa loob ng elevator at hinihintay ang pag-akyat non sa building kung nasaan ang opisina ni Ang.

"Atilla anong ginagawa mo dito?" naguguluhang tanong ni Nicole nang maabutan ko ito sa opisina.

"Tapos na ba ang meeting?" nagmamadali kong tanong dito.

"Malapit nang matapos pinahatid na nga sa akin ni Ang ang kontrata na kailangan pirmahan nang kuya mo, pero teka ano ba talagang nangyayari?" tanong nito.

"I will explain it to you later saan ang meeting?" tanong ko dito.

"Sa conference room sa twenty fourth floor..." sagot nito at ni hindi ko na pinansin ang iba pang sinabi nito at dali daling bumalik sa elevator sabay pindot sa number twenty four.

"Sana hindi pa po huli." bulong ko hanggang finally nakarating na ako at mabilis akong tumakbo patungo sa conference room at nang buksan ko ang pinto ay sakto naman pinipirmahan na ni Henry ang kontrata.

"Henry stop!" sigaw ko at kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nang mga tao sa loob lalong lalo na ang itsura ni Ang.

"Atilla anong kaguluhanito?" naguguluhang tanong ni Ang nang makalapit ito sa akin, sa totoo lang hindi ko kayang tignan ito nang diretso dahil sa kailangan kong gawin.

"I'm sorry Ang kailangan kong gawin ito." malungkot kong sinabi dito at bumitaw sa pagkakahawak nito at dumiretso sa naghihintay na si Henry.

"Henry huwag mong ituloy ang pagpirma diyan dahil ang totoo...... ang totoo....." kahit nakapagdecide na ako ay hindi pa din madali na sabihin dito ang totoo.

"Ano ang totoo Atilla?" seryosong tanong ni Henry.

"Dahil siya ang rason kung bakit nalulugi ang kumpanya, tumatanggap siya nang lagay para ibigay ang kontrata sa mga taong kadeal niya." bulalas ko kasabay nang pagpatak nang luha, alam kong masasaktan si Ang dahil sa ginawa ko ngunit kailangan ko itong gawin dahil ito ang tama.

Nagulat na lang ako nang biglang tumayo si Henry at lumapit kay Ang na seryosong seryoso ang itsura.

"Henry huwag mo siyang saktan." pakiusap ko kay Henry ngunit hindi ito tumigil hanggang makaharap si Ang.

But what he said confuses me.

"Thank you Ang." narinig kong sinabi nito sa binata na sinuklian naman ni Ang nang isang genuine na ngiti na kinagulo nang isip ko dahil akala ko pa naman ay sasaktan ni Henry ang binata dahil sa ginawa nito, it doesn't make sense kung bakit ito nagpapasalamat.

Sabay na lumapit sa akin ang dalawang lalaki at ang nakakapagtaka ay nakangiti pa ang mga ito na para bang walang problema.

"Marahil ay naguguluhan ka sa mga nangyayari Atilla." sinabi ni Henry.

Ni hindi na ako nagsalita at hinintay na lang na magpatuloy ito sa kung anuman ang sasabihin ng mga ito.

"Everything here is just a setup." paliwanag ni Henry kaya naman pala parang hindi man lang nagulat ang mga tao sa loob ng conference room na iyon nang bigla akong pumasok ngunit bakit.

"Bakit mo ito ginawa Henry?" hindi ko maiwasang hindi masaktan dahil iniisip kong pinaglaruan lang pala ako nang sarili kong kapatid.

"Ginawa ko ito para tulunga kang makalimutan si Ram, alam kong hindi sapat ang ginagawang pagtulong sayo ni Nicole kaya naisipan kong kung may iba ka pang bagay na pagkakaabalahan ay siguradong matutulungan ka non para makapagmove on." paliwanag nito.

Bigla na naman akong nakaramdam nang sakit nang marinig ko ang pangalan ni Ram mula dito.

"Alam kong hindi mo gustong pumasok sa kahit na anong negosyo ko, but I'm still hoping na...." ngunit ni hindi man lang nito natatapos ang sasabihin nito nang putulin ko iyon.

"I will work for your company." sigurado kong sinabi dito, dahil totoong dahil sa nangyari ay panandalian kong nakalimutan si Ram at malakas ang hinala kong tuluyan kong makalimutan ang sakit na dulot nang pagkawala ni Ram kapag nagtrabaho na ako nang totohanan sa kumpanya ni Henry.

I decided to learn everything that i can para matulungan ko si Henry sa pagpapatakbo nang kumpanya at alam kong hindi ako papabayaan nang mga tao dito lalo na si Ang, tama ang pagkakakilala ko dito, napakabuting tao nga nito.

Inaya muna ako ni Ang sa rooftop nang building para makapagpahangin dahil mukhang kailangan ko iyon dahil sa mga nangyari.

"Thank you ha, it seems hindi lang ang pagliligtas mo sa akin ang dapat ko pasalamatan pati na din sa pagpayag sa plano ni Henry." sinabi ko dito habang nakatingin sa papalubog na araw.

"Walang anuman iyon Atilla." nakangiti naman nitong sagot, ilang minuto din kami sa ganoon posisyon habang pinapanood ang sunset sa kalangitan.

"Atilla...." mahinang sinabi ni Ang at nagulat ako sa kaseryosohan na gumumhit sa guwapong mukha nito habang walang kakurap kurap na nakatingin sa akin.

"I want you to know na hindi kasama sa plano namin ni Henry ang sinabi ko sayo sa opisina tungkol sa nararamdaman ko sayo, I really like you and I hope you will give me the chance." seryoso nitong sinabi.

"You are a really greta guy Ang but I'm not sure kung handa na ba ako, hindi ko alam kung nasabi ba sayo ni Henry ang pinagdaanan ko." malungkot kong sinabi dito, sa totoo lang nakapalad ko nga dahil ako ang nagustuhan nang taong ito pero alam ko sa puso ko na hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon.

"Alam ko kaya nandito ako para sayo, i'm willing to wait hanggang handa ka nang papasukin ako sa puso mo."  iyon lang at muli na naman nanaig ang katahimikan sa pagitan namin at hinatid na din ako nito sa tinutuluyan ko.

Alam kong hindi madali na kalimutan ang nararamdaman ko para kay Ram ngunit alam kong magagawa ko iyon sa tulong nang mga taong nagmamalasakit sa akin.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C41
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk