Unduh Aplikasi
60% My Brother's Bestfriend / Chapter 18: Chapter 18❤️?

Bab 18: Chapter 18❤️?

Halos lahat kami ngayon ay puputok ang tyan sa busog after namin kumain ng madami.

"ano? Hindi na ba kayo kikilos para magswimming?" sabi ng mga boys na nagaaya na maligo. Lahat kaming mga girls ay nakatingin lang sa kanila habang nakaupo ngayon habang himas ang mga tyan. "boys! Kayo nalang muna" sabi ni ate buena sa mga ito.

Habang pinagmamasdan namin ang mga boys na naghuhubad ng pang itaas na suot nila ay halos lumuwa ang mata ni bakla. "girls? Siguro need na nila ako don?" sabi ni beks habang tinatanggal ang balabal sa kanyang katawan. "beks! Mahiya ka nga!" si she na natatawa na nahihiya habang nakatingin sa dalawang babae na sina juliet at ate buena. "hay naku! Okay lang yan girls.." sabi ni juliet samin at ngumiti ito kay beks.

"ay friend na tayo girl!" sabay lapit nito kay juliet at nakipag apir pa dito. "yang mga yan kasi KJ!" sabay irap samin na kinatuwa lang namin imbes na magalit dito. "OA mo ah!"sabi ni deo at tumayo ito para higitin si bakla, pagkahigit dito ay tinanggal nito ang balabal sa katawan at tinulak ito papunta sa mga boylets na naglalaro na ngayon "oh! Yan gusto mo diba? Manawa ka!" pahabol na sabi nito kay beks. Nag flying kiss lang ito samin bago humayo papunta sa mga pulutan nya hahaha….

"oh? Di pa ba kayo magaayos? Tara na din maligo?" sabi ni juliet samin. "a-ah.. Hehe mauna nalang po kayo" sabi ni bes sa dalawa at umalis na din ang mga ito. "tss.. Hindi pa ba sila ayos ng lagay na yun?" si bes na bumulong sakin pagkaalis nung dalawa. Nagkibit balikat lang ako dito at napatawa sa mukha nito na nakamangot na. "gusto ata ng mga iyon naka swimsuit din tayo?eh di sila na ang magandang katawana! Bwisit!" dugtong pa nito habang naka cross arm pa.

"alam mo she.. Hayaan mo nalang sila ang sexy naman talaga nila eh!" si deo habang parang namamalakpak pa. "mukha kang manyakis tingnan ngayon!" si she na pinandilatan pa ito. "oo nga! Dun ka na nga! Shoo…" bugaw ko pa dito palayo samin.

"grabe kayo sakin! Bahala na nga kayo.. Makikisaya na ako sa kanila!" at nagtatatakbo ito habang hinuhubad ang damit patakbo sa mga nagkakasayahan na ngayon. "tsk! Muntanga lang!" si bes na naasar sa inasal ni deo.

Habang nagsasaya sila ay naglibot libot lang kami ni she sa resort habang nagpipicture. Sinusulit muna namin ang  ganda ng lugar bago ang maligo sa dagat. Sa sobrang ganda ng lugar ay namangha kami ni she, kung ano ang nariresearch namin dati sa resort ng batangas ay ito ding nakikita naming ganda ngayon habang naglilibot.

Pagkatapos namin manawa sa pagikot sa resort ay bumalik na kami para makaligo na sa dagat. Hindi namin alintana ang init na tumatama sa aming mga balat habang nagsasaya kami. "oh! Kumpleto na ang girls.. Magvolleyball na tayo!"masayang sabi ni kuya jasper. Tig anim kami per grupo ngayon na nakahanay na, kasama namin sa grupo si beks at deo.

"eto na naman!" bulong ko kay she.. "okay lang yan bes! Tayo tayo lang naman dito eh! Pag natamaan ka hindi nakakahiya! Hahahaha" tawa pa nito sakin. Ano? Nang aasar ba ito sakin? Badtrip talaga!

Habang naglalaro kami ay okay naman.. Kahit hindi kami masyado marunong  ng mga babae maglaro ay nakakapuntos parin ng pachamba nga lang hehe.. Kabila ang nakapuntos kaya sila ang magseserve ngayon pag serve ni kuya harry ay natamaan sa mukha si juliet na kinagulat naming lahat. Nakahiga na ito sa buhangin sa sobrang lakas ng tama nito sa mukha "ahhh!!!" tili namin sa kabiglaan.

Nagmadali lumapit sina kuya pero mas maagap na nakakilos si jesthle. "juls.. Okay ka lang ba?" natatarantang sabi nito kay juliet habang tinatapik ang pisnge, hindi ito nagresponse kaya nagmadali ito na buhatin si juliet papasok ng rest house. Lahat kami ay nakasunod lang habang nag-aalala, pinaypayan namin ito para magising baka kasi nakadagdag ang init kaya hanggang ngayon walang malay ito.

"maigi pa pre ipasok mo na si juliet sa kwarto, para mas kumportable sya. Hintayin nalang natin na magising sya. Nakita ko na to dati eh" sabay tingin ni kuya sakin. Bwisit talaga ito! Tinutukoy ba nito nung natamaan ako sa ulo?! Hmp! Halos lahat sila ngayon nakatingin sakin na natatawa. Anong nakakatawa don? Sige nga? Inirapan ko lang ang mga ito habang napansin ko na binuhat ni jesthle ito papasok ng kwarto.

Hindi ko alam kung magseselos ako o maawa eh! Siguro kung hindi ko naranasan ang naranasan nya ay nag ngingitngit na ako sa selos ngayon dito. Habang hinihintay namin magising si  juliet ay kumain na muna kami ng meryenda. Lahat kami nakain pwera nalang kay juliet at jesthle na nasa kwarto parin simula ng ihatid nya ito.

"winnie, pakitawag nga si jesthle sabihin mo kumain na"sabi ni kuya habang nagreready na naman maligo ang mga ito. Nang makaalis sina kuya ay ako nalang at si she ang natira habang nagliligpit ng pinagkainan. "bes! Wait lang ah? Tawagin ko na sya para makakain." paalam ko dito at nagdiretso papunta sa kwarto kung saan sila pumasok kanina.

Kumatok muna ako bago pumasok pero walang umimik kaya dahan dahan na binuksan ko ang pinto "k-kuya jesthle kum" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita ko sila at nagmadali ako na isinarado ulit ang pinto. Bumalik agad ako sa pwesto ni bes at bigla nalang natulala sa harap nya. "oh? Bakit ganyan ka?" si she na nakatingin sakin ngayon na nakakunot "hoy! Bakit ganyan ka?ano ba bes? Baka naiyak ka?" nagpanic na sabi nito sakin at hinigit ako sa labas, hindi ko alam kung nasan kami ngayon dahil na din sa tuliro ang utak ko ngayon.

Tumigil kami sa lilim ng puno na may upuan, pinaupo muna ako ni she at hinawakan ang mukha ko. "bes! Ano ba? Magsalita ka nga! Wag ka lang umiyak dyan!" sabi nito sakin habang nagalala ang mukha ngayon. Hindi ko alam na naiyak na pala ako ngayon dahil sa nakita ko. "b-bes.. Na-nakita ko sila!" habang gumagaralgal sa pagiyak.

"anong nakita mo?" habang pinupunasan nito ang mga luha ko.. "na-nakita ko sila.. Mag-magkahalikan" at tuluyan na akong bumigay ngayon lumakas ang hikbi ko kaya niyakap ako nito habang tinatapik ang likod. "sshhhh… okay lang yan bes.. Sshhh… Wag kana umiyak" comfort nito sakin. Hindi ko alam kung hanggang kailan titigil ang hagulhol ko basta ang alam ko masakit! Nasasaktan ako ngayon..bakit kailangan ko pang makita ang ganong tagpo? Bakit feeling ko importante ako sa taong yun? Bakit feeling ko magkaisa kami ng nararamdaman minsan? Ano yun? Guni-guni ko lang ba? Ano yun?!

Namumugto ang mga mata ko ngayon sa kaiiyak ko kanina habang nandito parin kami ni she habang nagpapalipas ng oras. "bes, hindi ka nila pwede makita na ganyan ang itsura.. Malilintikan tayo nito sa kapatid mo" pagaalala ni she habang palakad lakad sa harapan ko. "tsk! Nahihilo ako sayo.." sita ko dito kaya naupo ulit ito sa tabi ko habang nakatingin sa mukha ko. "pahupain nalang natin ang paga ng mata ko.. O-okay na ako." piyok na sabi ko dito habang napabuntong hininga.

Habang naglalakad kami pabalik ay kinakabahan ako kasi feeling ko pag nakita ko sila maiiyak na naman ako ng wala sa oras. "huwag kana umiyak ah?" sabi ni bes habang nakahawak sa kamay ko. "huwag mo lang sila pansinin.. Isipin mo nalang wala kang nakita kanina na okay ka lang okay? Kaya mo yan!" sabi nito sakin.. Kung ganon lang kasimple.. Kung ganon lang kasimple lumimot ginawa ko na sana. Iba pala yung nagbibigay ka lang ng payo kesa sa gumagawa ng payo kasi hindi ganon kasimpleng gawin ang mga bagay basta basta nalang.

Pagdating namin ay nakatingin lang sila samin habang ako nakayuko pero ramdam ko na saamin sila nakatingin. "saan kayo nagpunta? Hapon na." sabi ni kuya habang nag gagayat ng pagkain. "a-ah.. Hehe. Hindi po namin namalayan ang oras pasensya na po" palusot ni bes sa mga ito. Bumitaw ako ng hawak kay bes para dumiretso sa kwarto para makalimot pero nakakailang hakbang palang ay namalayan ko na hawak nito ang braso ko.

"saan ka nang galing?!"pabulong na tanong nito sakin. Huh?! May gana pa sya magtanong ngayon ah! Parang walang nangyari ah! Pumalag ako para matanggal ang pag kakahawak nito sa akin. "wala kang paki!" mariin na sabi ko dito at nagmadali pumasok ng kwarto at humiga.

Makalipas ng ilang oras na pagmumukmok ko sa kwarto ay tinawag na nila ako para makakain na kami pero kahit wala akong gana ay lumabas parin ako para kumain, ayaw ko magmukhang maarte sa paningin ng mga ito.

"oh! Nandyan ka na pala.. Dito ka na sa tabi ko" turo ni kuya harry sa bakanteng pwesto sa tabi nya. Di na ako nag alangan pa kaya pumwesto na ako katabi nito. Halos lahat masayang kumakain at parang walang nangyari habang nakain kunsabagay hindi naman nila ang bagay na nakita ko kanina.

"oh.. Kumain kana" agaw pansin ni kuya harry at nilagyan ako ng inihaw na tilapia sa plato ko at pritong talong. "alam mo.. Mukha kang sad" bulong nito sakin na napatingin naman ako dito kasi ganon ba ako kahalata? Para malaman nya ang nararamdaman ko ngayon. "ahem!" tumikhim si kuya na kinabigla namin kaya kumain nalang kami ni kuya harry. Halos hindi ako tumitingin sa paligid ko para di ko makita ang mga iniiwasan kong tao ngayon kaya palagi nalang ako nakatungo.

Matapos kami kumain ng hapunan ay nagset ang mga lalake ng bonfire habang ang ibang tropa nya ay may mga dala ng alak na in can na pinamimigay sa amin. "pre? Paiinumin ba natin ang mga kapatid mo?"tanong nito kay kuya bago kami bigyan ng alak.

"tss.. Sige bigyan mo. Nandito naman tayo" pag sang ayon ni kuya sa mga tropa nya. "basta tigisang alak lang ah? Hindi porke pinayagan ko ito ay gagawin nyo nalang ito lagi.. Tandaan nyo kaya ko kayo pinayagan ay dahil nandito naman kami. Lalo kana winnie pinayagan lang kita kasi nandito ako" paalala ni kuya kaya tumango nalang kami para pag sang ayon dito.

Habang naguumpisa palang sila sa paginom ay eto ako at nakatingin sa apoy habang hawak ang malamig na inumin. Binuksan ko ito at sinimulan uminom.. Pwe! Ang pait pala nito! potek! Pero habang tumatagal ay tumatamis sa umpisa lang mapait tapos maya maya ay tumatamis na ito. Kaya sinunod sunod ko ito na ininom "hoy! Bes! Dahan-dahal lang!" bulong nito sakin.

Pinabayaan ko lang ito sa paninita habang patuloy na iniinom ang alak feeling ko kasi ito ang makakatulong sakin ngayon para lumimot eh.inabot ko pa ang isang alak at ininom ito, medyo nagkakatama na ako pero diretso parin ako sa paginom. Iinumin ko na ang huling lagok ng may umawat sakin. "tama na.. May problema ba?" si kuya harry pala. Umiling lang ako kaya ininom ko ang pinaka huling lagok na natitira.

Pinagmasdan ko sina kuya at busy din ito sa paginom habang kasama ang ibang tropa nito at girlfriend samantalang ang tatlong kaibigan ko ay busy sa pagkekwentuhan. "gusto mo ba magpahinga na?" tanong ni kuya harry sakin. Tinitigan ko ito na mukhang nagaalala sakin kaya tumango ako para pag sang ayon dito.

Inalalayan nito ako tumayo at nagpaalam na sa mga ito para makapagpahinga. "may problema ba?"tanong ulit nito sakin habang naglalakad kami medyo nayayanig na ang paligid ko kaya alam ko na parang may tama na ako "wala kuya.." sabi ko dito para di na mangulit pa sakin. "kaya mo na ba pumasok?" tanong nito sakin na hindi ko namalayan na nasa pinto na pala ako ng kwarto. "salamat" sabi ko dito kaya tumango ito at tumalikod na para bumalik na kay na kuya.

Napabuntong hininga ako ng mawala na sya sa paningin ko kaya napaharap na ako sa pinto para pumasok at magpahinga. Naramdaman ko nalang na may humila sa braso ko palabas sa likod ng resthouse. Pagtigil namin ay parang nayanig na naman ang paligid ko kaya napatutok ako sa sahig bago tumingin sa humila sakin.

Pagtingin ko sa taong nasa harap ko ay tinitigan ko pa ito para maaninag kung sino ito, ng mapagsino ko kung sino ang nasa harapan ko ay bigla nalang ako tumalikod para makaalis  "san ka pupunta?" sabi pa nito habang nakahawak sa braso ko. "ano ba! Bitawan mo na nga ako!" pagpupumiglas ko dito na hindi parin nagpatinag sa pagkakahawak sakin habang nagpupumiglas ako.

"magusap nga tayo!"sabi pa nito sakin habang naiirita ang tono. Huh?! Magusap para ano pa?

"ayaw ko makipagusap sayo!" sabi ko dito na nakatalikod parin dito. Huwag kang iiyak win.. Huwag ka iiyak sa harap nya hindi mo sya deserve.. Kaya mo din syang kalimutan. Pagkokonsinte ko sa sarili ko minsan kasi traydor to eh.

"magusap tayo! Bakit mo ba ako iniiwasan?" bakit ka pa nagtatanong? Eh alam mo na ang sagot sa tanong bwisit na'to! Hindi ako umimik kasi nagbabadya na naman ang mga luha ko na pumatak.  "ano ba?!" inis na sabi nito at hinarap ako para isandal sa pader. Ngayon magkaharap na kami at magkalapit pero nararamdaman ko parin ang sakit nung nakita ko sila. "ngayon sabihin mo sa akin kung bakit namumugto ang mga mata mo kanina? Tapos hindi mo ako pinapansin bakit ha? Dahil ba maraming nakapalibot sayo kaya pati ako nalilimutan mo na tingnan ngayon?!" sabi nito na parang may hinanakit ito habang binibigkas ang mga sinabi nito. Sya pa ngayon ang may gana magtanong? Hindi nya ba natatandaan ang mga ginawa nya?.

Tinutulak ko ang dibdib nya para makawala ako pero matigas talaga ito at hindi nagpatinag sa bawat tulak ko. "ano ba! Umalis ka nga!" pagalit na sabi ko dito habang tinutulak. "sagutin mo muna ako!" sabay hampas nito ng malakas sa pader na kinagulat ko.

"ano ba?! Hindi ka ba nasasaktan sa ginagawa mo ngayon?! Pag nagkasugat ka!"baka mamaya kasi may sugat na ang mga kamay nya sa lakas ng pagkakahampas nito sa pader. "wag mong intindihin ang kamay ko! Ang tanong ko ang sagutin mo!" halos naamoy ko na ang hininga nya sa lapit ng mukha nya sa akin. "bakit mo sakin yan tinatanong kung ikaw lang din naman ang makakasagot huh?!" hinampas ko sya sa dibdib ng malakas sa sobrang inis ko.

"bakit? Dahil ba may nagkakagusto na sayo?! May nagugustuhan ka na bang iba?!" ano bang pinagsasasabi nito? Sya ba ay nahihibang na? Eh halos sa kanya lang ako tumingin tapos kung ano ano ang pinagsasasabi nito sa akin ngayon! "ano ba?! Sumagot ka! Wag mo akong iyakan!"hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako at bigla nya akong hinalikan. Napatigil ako sa pagiyak sa sobrang bigla dahil sa magkalapat na ang aming mga labi. Nakakalasing ang ginagawa nyang paghalik sakin tila lalong tumalab ang epekto ng alak sakin habang magkalapat ang labi namin. Ninamnam ko lang ang mga halik na binibigay nya sakin, unti-unting kumapit sa leeg nya ang braso ko na tila may mga isip ang mga ito. Ang bawat halik nito na tinutugon ko ay naglaho ng biglang maalala ko ang mga nakita ko kanina kaya tinulak ko ito ng malakas kaya napaatras ito sa kinatatayuan nya.

"why?" pabulong na sabi nya sakin. Hindi ako umimik at tila natigalgal ako sa mga nangyari,naramdaman ko na naman ang mga luha na umaagos ngayon sa mga mata ko. "shit! Sorry!" nilapitan nya ako at sinapo ang mukha ko. "sorry.. Sorry.. Kung binigla kita.."hinging paumanhin nito habang magkatitigan kami habang naiyak ako. Pinapahiran ng daliri nya ang lumalandas na luha sa pisnge ko at panay hingi ng tawad nito.

Ewan ko kung bakit bigla nalang kumilos ang mga kamay ko at dumapo ito sa pisnge nya. Kaya nagulat ito sa ginawa ko na kitang kita sa mga mata nya ngayon. "sorry.." at nakatungo na ito ngayon sa akin kaya hindi ko mahagilap ang mga mata nito ngayon.

"huh?! Sorry?!" sabay pahid ng mga luha ko "hinalikan mo ako ngayon samantalang may hinalikan ka lang kani-kanina!" napatingin na ito sa sakin at mukhang clueless sya. Hindi nya alam na nakita ko sya na may kahalikang iba. "oh? Nagulat ka?!kitang kita ng dalawang mata ko kanina kung pano kayo maghalikan! Ngayon alam mo na! Ang masakit lang kasi.. Umasa ako.. Umasa ako ng napakatagal na panahon.. Niloloko ko lang pala ang sarili ko! Hahaha.. Sino nga ba naman ako para gustuhin mo? Sino ba naman para magpantasya na may pagtingin ka din sakin?!" nilabas ko na lahat ng gusto kong sabihin sa kanya dahil ang sakit na sobra…

"win… Let me explain!" sabi pa nito na lalapit pa sa akin. "hep! Hanggang dyan ka nalang! Explain?! Para san pa?eh kitang kita ko na kanina! Sinampal na ako ng katotohanan kanina na ang isang jesthle ay hinding hindi man magugustuhan ang isang tulad ko! Sinampal ako ng katotohanan na may gusto kang iba at hindi ako yun!"nagmadali syang lumapit sakin at sinapo ang mukha ko at kitang kita ko sa mga mata nya ngayon na ito ay lumuluha din. Hindi ko na nakayanan kaya tinulak  ko ito ng malakas at tumakbo papuntang kwarto. Hindi ko na sya pinagaksayahan ng panahon para makalapit at makapagpaliwanag pa sakin. Sapat na ang mga nakita ko kanina na isang tulad ko ay hindi nya magugustuhan.

Dumiretso ako sa kama at nahiga habang nakatalukbong ng kumot habang naluha parin. Ayaw ko umasa na gusto din nya ako dahil lang hinalikan nya ako kanina pero kung gusto nya ako… Kung mahal din nya ako siguro hindi mangyayari ang nakita ko kanina,hindi mangyayari na nasasaktan ako ngayon diba? Ano yun? Mamaya si juliet ang mahal nya tapos mamaya ako naman? May sira ba sya sa utak? Pwes! Kung ang ibang tao nalilinlang ng mga halik.. Ako hindi! Tapos na ang nararamdaman ko sa kanya. Pinuputol ko na ang malalim na pagtingin ko sa kanya bago pa ako malunod ng sobra at baka hindi na ako makaahon pa.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C18
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk