Unduh Aplikasi
32.43% My Beautiful ... Me / Chapter 144: YOUR SELFISH

Bab 144: YOUR SELFISH

"Dad, gusto ko po talagang mag aral abroad! Please! Kahit hindi sa school na papasukan ni Jeremy, kahit sa California! Di po ba may relatives naman tayo dun?"

Pangungulit ni Miles sa Daddy nya.

"Pero Miles, pwede ka din naman mag aral sa Manila, marami din naman tayong universities na magagaling! Saka wala kang makakasama sa California, busy sila lahat dun! Walang titingin sa'yo, much better kung andito ka sa pinas, anytime pwede kitang makita!"

"Pero ayaw ko dito Dad, hindi ko makalimutan ang ginawa sa akin ng hayup na yun! Lalo na at malaya pa rin sya! Huhuhu!"

"Okey, kung gusto mong mag abroad, akong pipili ng bansa hindi ikaw!"

Naawa sya sa anak pero wala syang plano kunsintihin ito. Alam nyang ikakapahamak ni Miles kapag sinunod nya ang gusto nito dalhin sya sa amerika.

Sa huli, pumayag din si Miles.

'Gagawa na lang ako ng paraan para makarating ng amerika!'

*****

After a week ready na ang lahat sa bakasyon nila sa Zurgau.

Napansin ni Jaime pag pasok ng silid nilang mag asawa ang isang maleta.

Habang ang asawa nya ay busy na inaayos naman ang isa pang bag na naglalaman ata ng mga personal nyang gamit.

"May lakad ka?"

Tanong nito sa asawa.

'Ni hindi na sya sumalubong sa akin pag uwi!'

Tampo ni Jaime.

Naiirita na sya sa ginagawang pagbabalewala ni Nadine sa kanya kung minsan. Parang hindi sya nag e exist!

"Oo! Sa Zurgau, kasama ko si Kate!"

"Bakit hindi mo sinasabi sa akin na aalis ka pala?"

Napahinto si Nadine sa ginagawa nya.

"Bakit, gusto mo bang sumama?"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, ang sa akin lang, sana sabihin mo man lang kung saan ka pupunta! Asawa mo ako diba?!"

Naiiritang tugon ni Jaime.

Hindi nagsalita si Nadine, lumakad sya papunta sa lamesa at binuksan ang isang drawer.

Kinuha ang isang envelope at iniabot kay Jaime.

"Ano naman 'to?"

"Basahin mo!"

LEGAL SEPERATION AGREEMENT

"Ano 'to? Nadine, seryoso ka ba?"

"Ayaw kong masira ang pinakamamahal mong pangalan at ranggo kaya legal separation lang ang finile ko pero after five years baka mag file din ako ng annulment!"

"Ganito ka kadesperadong hiwalayan ako?!"

"Bakit hindi, what's the use of staying with your husband if your not happy!"

"Pero Nadine be reasonable naman!"

"Pinakisamahan kita ng 22 years, hindi pa ba reasonable yun?"

"Pag balik namin galing ng Zurgau, gusto ko nakaalis ka na dito sa bahay!"

Nagpintig ang tenga ni Jaime. Uminit ang ulo nito at gustong sunggaban ang asawa. Pero mabilis si Nadine, kinuha nito ang baril nya at saka tinutok sa kanya.

Pinaghandaan nya ito.

Sundalo si Jaime at isang tingin lang kay Nadine alam nyang hindi nya ito ipuputok kaya humakbang sya palapit pero biglang pinutok nito ang baril at sa isang iglap, patakbo itong nagtungo kay Nadine.

Nadinig iyon ni Kate na kasalukuyang nag iimapake din. Tumakbo sya sa silid ng ina at nakita nya ang Daddy nya nakikipagbuno sa Mommy nya.

Nagulat si Nadine ng bigla syang lapitan ni Jaime at nagpupumiglas ito ng hawakan nito ang dalawang braso nya para hindi sya makagalaw.

Nakita ni Kate ang baril dinampot ito at saka itinutok sa Daddy nya.

"Bitiwan mo ang Mommy ko!"

Lumuluhang sabi ni Kate.

Napatigil si Jaime ng madinig ang boses ni Kate at natakot ang dalawa ng makita nilang hawak nito ang baril.

"Anak, that's not a toy, be careful! Bitiwan mo ang baril!"

"No Dad! Hindi ko hahayaan na saktan mo si Mommy gaya ng lagi mong ginagawa sa kanya!"

Nagdadatingan na ang lahat ng tao sa bahay pati sila Nicole at Edmund ay napasugod na din ng madinig ang putok.

"Anak hindi ko sinasaktan si Mommy, gusto ko lang syang makausap! Please ibaba mo na yan, baka makasakit ka!"

NO DAD! Hindi na po ako bata! alam ko pong ikaw ang dahilan kaya laging umiiyak si Mommy, because YOU'RE SELFISH!

Hindi nyo po sya mahal gaya ng pagmamahal nya sayo! Kaya bakit hindi ka na lang po bumalik sa mundo na gusto nyo, tutal andun naman ang puso't isip nyo!

Bakit hindi nyo na lang po kami iwanan ni Mommy gaya ng madalas nyong gawin?!"

Hindi ka po namin kailangan Dad! Sanay na po kami na wala ka!"

Galit na galit na sabi ni Kate sa ama.

Umiiyak na si Nadine, hindi nya akalain na nasasaktan na pala ang anak nya sa nangyayari sa kanilang mag asawa.

Hindi marunong magalit si Kate. Lagi itong masayahin. Kaya nagdurugo ang puso ni Nadine ng makita sa ganitong kalagayan ang anak.

"KATE!"

Sabay na sigaw ni Edmund at Nicole.

Napalingon si Kate sa kanila kaya nagkaroon ng pagkakataon si Jaime na lapitan ang anak at kunin ang baril.

Hindi naka kilos si Kate sa pagkabigla. Hindi nya akalain na ganito kabilis ang Daddy nya.

Sinubukan syang akapin ni Jaime pero umiwas si Kate.

Saka sinalubong si Jaime ng isang suntok.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C144
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk