Batid ni AJ ang dahilan kaya nasabi iyon ni Eunice kaya kinausap nya ito.
"Coffee Honey, alam kong naiinis ka dahil sa gustong mangyari ng Daddy mo na itrain ka nya personally, pero Coffee, alam mo naman siguro that this will be good for you!"
Paliwanag ni AJ kay Eunice.
"Pero Milky serious ako! Ayokong magstay dito na wala ka! The last time na nawala ka halos mabaliw ako and i don't wanna feel that feeling anymore! Kaya sasama ako!"
Parang batang sabi ni Eunice.
Alam ni AJ na totoo ang sinasabi nya dahil maging sya ay halos mabaliw din sa pagka miss sa nobya pero alam din nyang gusto lang takasan ni Eunice ang training.
Natatakot sya at nararamdaman yun ni AJ kahit hindi nya sabihin.
"Coffee, listen, hindi pa kita pwedeng isama dahil hindi pa pwede! Hindi pa ako malakas!"
"Milky Honey, stop blaming yourself! Hindi mo kasalanan ang nangyari sa amin ni Lola, lalo na kay Lola! So please don't worry too much, I can take care of myself!Hindi ako magiging pabigat sa'yo, promise!"
"No Coffee you don't understand, may problemang parating at ayokong madamay ka!"
At ikinuwento ni AJ ang napagusapan nila ni Fidel.
"OMG! Seriously!? This is a big thing! Anong plan mo ngayon? Kung ano man ang plan mo please let me help!"
Susunod sunod na tanong ni Eunice sa kanya.
Seryosong si Eunice na gusto nyang tumulong sa problema ni AJ, maging si Edmund ay nagalok din ng tulong dahil batid nyang hindi nya ito makakayang magisa.
"Coffee Honey, if you really want to help please stay here at ituloy mo ang training. Maswerte ka at meron kang ama na mag ga guide sa'yo, kaya huwag mong balewalain ito. This is a good opportunity! You will grow and I need to grow too!"
Nakaramdam ng lungkot si Eunice para kay AJ. Feeling nya naiinggit si AJ dahil wala syang Daddy na magtuturo sa kanya.
'Siguro na mimiss nya ang family nya lalo na ang Papa nya!'
'Tama si Milky ko, I need stay here para sa training! I need to grow we both need to grow!'
'Hindi ko na aayawan ang training, magagamit ko iyon para matulungan si Milky ko! Tutal ang future nya ay future ko!'
"I will be here every other month para asikasuhin ang tungkol sa pagaari ng lolo ko, at ikaw naman magiging busy na sa training. So, hindi tayo totally magkakalayo dahil babalik balik ako dito para magkasama tayo."
"Milky naintindihan ko na magtetraining na ako pero sa isang kundisyon!"
"Ano yun Coffee?"
"Marry me, Milky!"
Nangiti si AJ sa sinabi ni Eunice.
Hawak ang kamay, nagulat na lang si Eunice ng bigla itong lumuhod in one knee.
"Coffee, matagal ko ng gustong gawin ito pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. The first time we met, yun din ang first time na naramdaman kong lumundag ang puso ko sa sobrang saya! You are my Happy Thought! Will you marry me and grow old with me, my Coffee?"
Na shock si Eunice.
It was just a tease but he came prepared. Hindi tuloy nya alam ang gagawin.
"Of course Milky I want to grow old with you!"
Sagot ni Eunice na umaagos na ang luha sa sobrang shock at saya.
Tumayo si AJ at inakap sya.
"Andaya mo! Hmp!"
Patuloy pa rin sa pagiyak si Eunice.
At nadinig na lang nila ang palakakan sa paligid. Hindi nila napansin na napapalibutan na pala sila ng mga tao na masayang masaya para sa dalawa.
*****
Kinabukasan.
Sa condo na iniuwi ni AJ si Lola Inday para duon muna magstay.
Kailangan muna nyang magpalakas bago nya ito iuwi sa farm.
Hindi na rin sya bumalik sa dati nyang apartment dahil alam ito ni Lemuel.
Pero hindi nya inaasahan na tatawagan sya ni Conrado.
'Marahil ay naubos na nya ang perang binigay ko sa kanya!'
"Hello?"
"Hello Mel, kamusta?"
"Sino po sila?"
Kunwaring hindi alam ni AJ.
"Si Conrado ito at napatawag ako para singilin ko na yung napagusapan natin! Bale 2 months ka ng delay bata at malapit ng mag 3 months! Kaya pwede ba bayaran mo na ako at gusto ko buong tatlong buwan ang ibayad mo, bale 150K yun!"
"Eh Sir, pwede po bang cheke ang ibigay ko?"
"Naku iho hindi pwede gusto ko cash! Ipadala mo sa banko ko, agad agad nasa Maynila ako kaya hindi kita mapupuntahan dyan!"
"Sir andito rin po kasi ako sa Maynila ngayon para sunduin ang lola ko. Kung gusto nyo po magkita na lang po tayo. Pagka po kasi sa banko may charge pa po iyon at malaki po ang charge! San po ba kayo tumutuloy para ako na po ang magdadala sa inyo?"
"Ganun ba iho, mas maigi nga na magkita na lang tayo. Sasabihin ko ang address kung saan tayo magkikita!"
Masayang masaya si Conrado.
'Hehe! Tiba tiba na naman! Easy money!'
'Uto uto rin 'tong Mel na 'to! Hehe!'
Pagkatapos makausap ni AJ si Conrado, tinawagan naman nito si Atty. Rico para sabihing magkikita sila ni Conrado.
"Iho, ihahanda ko na ang lahat! Magsasama na ako ng mga pulis para mahuli na ang Conrado na yan!"
Excited na nagpunta si Conrado sa tagpuan nila ni AJ at sa isang restaurant ito.
Ngiting ngiti si Conrado, binibilang na ang mga gagawin nya pagkakuha ng pera.
'Naku, hindi ko pala mabibili lahat, dapat pala four months ang hiningi ko o di kaya five months.'
'Haaay, napaka liit kasi ng 50K mukhang kailangan ko ng dagdagan ang monthly payment nya para mas malaki ang matatanggap ko!'
Maya pagdating nya sasabihin ko! Ang tagal naman, nasaan na ba yun?'
"Sir, hello po!"
Bati ni AJ kay Conrado.
"Oh, Mel iho, mabuti at dumating ka na. Kanina pa ako dito nagaantay ang tagal mo naman, akala ko tuloy hindi mo ako sisiputin Hehe!"
"Pasensya na po Sir, ang haba po kasi ng pila sa banko kaya po ako nagtagal!"
Pero ang totoo nyan nakipag kita pa sya kay Atty Rico at mga pulis para kunin ang mark money. Kailangan nilang ma caught in the act si Conrado.
"Huwag kang magalala iho, binibiro lang kita, aantayin naman kita eh! Pero dahil sa tagal mo umorder na ako, ikaw ang magbabayad nito ha! Hehe!"
"Maupo ka na nga at saluhan mo ako!"
Naupo si AJ pero inilagay nya sa tabi ang bag na naglalaman ng pera.
"Busog pa po ako Sir, kakain ko lang. Saka hindi po ako pwedeng magtagal dahil may sakit po ang lola ko, kalalabas lang po nya ng ospital ng tumawag kayo. Sige po ako na po ang magbabayad nitong kinain nyo!"
Tumawag ito ng waiter.
"Ayan na ba ang pera iho?"
Tanong ni Conrado na hindi maalis ang tingin sa bag na dala ni AJ.
"Opo!"
"Amina nga para makaalis ka na! Mukhang nagmamadali ka, kaya hindi na kita pipigilan!"
"Eto po Sir, chekin nyo po!"
Binuksan ni AJ ang bag at nanlaki naman ang mga mata ni Conrado ng makita ang pera.
Agad nya itong kinuha mula sa bag at napahalakhak pa sa saya. Wala syang kamay malay na na mapapalitan ng pagkagulat ang saya nyang iyon dahil bigla na lang may mga pulis na dumating at inaresto sya.