Unduh Aplikasi
75.67% My Beautiful ... Me / Chapter 336: Sinong Makapagsasabi?

Bab 336: Sinong Makapagsasabi?

"Miles, anong ginagawa mo dito sa labas, bakit hindi ka pumasok sa loob?"

Tanong ng isang lalaking dumating.

Sya si Raymond Rios ang isa sa Department Head ng NicEd Corp. Sya rin ang kanina pa tinatawagan ni Miles para makapasok sya.

"Uncle Mon, ayaw po akong papasukin ng security, wala daw po akong appointment!"

Sagot ni Miles.

Mag pinsan ang Mother nya at si Raymond.

"Sana sinabi mong bisita kita! Halika na mainit dito sa labas!"

At sa wakas nakapasok din sa loob si Miles.

Okey na sana pero ...

"Miss bakit nandito ka na naman?"

Hinarang sila ng security bago makarating ng elevator na ikinagulat ni Raymond.

"Teka lang, bisita ko sya, ano bang problema kung pumasok sya ng building na 'to?"

Inis na tanong ni Raymond

"Sir Mon, pasensya na, hindi ho sya pwedeng pumasok dito sa loob, blacklisted ho sya, kaya pasensya na ho, pero hindi ho namin sya mapapayagan makapasok!"

"Blacklisted? Bakit? Paano sya naging blacklisted?"

Seryoso ang mga security na humarang sa kanila at halatang inis na rin ang mga ito.

"Dahil ho Sir, sa nangyari kahapon. Nagalit ho ang management at pinablacklisted sya!"

"Kahapon? Miles andito ka kahapon? Anong ginawa mo para ipa blacklisted ka ng management?"

Wala si Raymond kahapon dahil nasa Cebu sya at binisita ang isang branch ng NicEd duon.

Sya talaga ang pakay ni Miles nung una pero wala nga ito.

Ayaw nyang bumalik ng opisina nila kahapon na walang nangyari sa lakad nya, kaya naghintay sya, nagbabakasakaling baka dumating ang uncle nya.

Tapos ay nakita nya si AJ.

Hindi na nya pinalagpas ang pagkakataon.

"Wala po Uncle Mon! Ako nga po ang nasaktan kahapon dahil sa bwisit na babae na yun na sumipa sa akin, tapos ako ang pinaalis nila dahil nanggugulo daw ako!"

Paliwanag ni Miles sa tiyuhin.

Hindi naman makitaan ng mali ni Raymond ang pamangkin dahil sa maamo nitong mukha na hindi mo makikitaan ng bahid na pagsisinungaling.

"Hindi ko maintindihan kung bakit nyo pina blacklisted ang pamangkin ko pero nadinig nyo ang paliwanag nya at naniniwala ako sa kanya, kaya hindi ako makakapayag na bastusin nyo sya ng ganito! Pwede ba magsitabi kayo at daraan kami ng pamangkin ko!"

Utos nito sa mga security.

"Sir Mon, pasensya na ho pero sumusunod lang kami sa utos!"

"Hindi ako makakapayag na hindi ko maisama ang pamangkin ko!"

"Kung hindi ho kayo makakapayag, mapipilitan ho kaming palabasin kayong dalawa!"

Hindi nyo ba ako nakikilala? Bakit hindi ninyo ako papasukin?"

Singhal ni Raymond

"Sir Mon, kilala ho namin kayo at hindi ho namin kayo pinagbabawalan makapasok, pero kung ipipilit nyo ang gusto nyo na isama sya, pasensya na ho pero hindi ho pwede ang gusto nyo!"

Hindi makapaniwala si Raymond. Hindi nya kaya ang mga security na ito kaya kailangan nyang malaman saan galing ang utos.

"Sino ba ang nagutos na ipa blacklisted ang pamangkin ko?"

"Galing ho sa taas ang utos kaya kung may reklamo ho kayo, duon na lang kayo makipagusap!"

'Sa taas, pero sino sa taas?'

Ito ang nadatnang tagpo nila AJ at Eunice.

"Miss, anong nangyayari dun?"

Tanong ni AJ sa isang receptionist.

"Yun po kasing babaeng nagpunta dito na taga Front Company, pamangkin pala ni Sir Raymond. Kanina pa po sya nagpupumilit pumasok dito pero hinarang po ng security dahil blacklisted daw po!"

Napatingin si AJ kay Eunice. Nagtatanong.

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan dahil wala akong kinalalaman dyan!"

'Kung wala syang kinalalaman, sinong nagpa blacklisted kay Miles? Si Sir Edmund?'

At kinaladkad na nga ng mga security palabas si Miles at wala syang nagawa, pero nakakita sya ng pagasa ng makita nya si AJ.

"Teka, teka lang sabi! AJ, please pwede ba tulungan mo naman ako, sabihin mo sa kanila ang totoong nangyari kahapon! Wala naman akong ginawa diba, yang babaeng yan ang may kasalanan ng lahat! Bakit ba andito yan?"

At nilapitan nito si AJ saka sinubukang hawakan pero umiwas ito at hinarang sya ng mga security.

"Miss, nanggugulo ka na naman! Ginugulo mo ang mga empleyado dito!"

"Nanggugulo? Hindi ako ang nanggugulo kundi yang si Eunice! Kaya bakit ako ang pinagiinitan nyo!"

Sigaw ni Miles habang kinakaladkad sya palabas ng building.

Naiwan namang napatanga si Raymond sa biglang pagwawala ni Miles. Ngayon lang nya nakita ang ganitong ugali ng pamangkin.

Napatingin sya kila AJ at Eunice at napansin nyang tila wala silang pakialam sa nangyayari.

'Ano ba talagang nangyari kahapon?'

'At bakit pinagdidiinan nya si Ms. Eunice?'

Nilapitan nya ang receptionist.

"Miss ... Margie?"

"Yes po, Sir Raymond?"

"Alam mo ba kung anong nangyari kahapon between Ms. Eunice at ng pamangkin ko?"

"Ahhh ... pamangkin nyo po pala yung president ng Front Company. Itinulak nya po si Ms. E pagpasok nya sa lobby!"

"I-Itinulak? Sigurado ka ba?"

"Opo Sir Raymond, pwede nyo pong tingan sa security camera kahapon para po maniwala kayo!"

"Pero bakit naman itutulak ni Miles si Ms. E?"

Hindi ito direktang tanong ni Raymond sa receptionist, nagtataka lang sya.

"Sir, ang dinig ko pong sabi ng pamangkin nyo, hahara hara daw po sa daraanan nya si Ms. E saka masakit daw po sa mata! Tapos po pinagbintangan pa nyang sinipa sya ni Ms. E pero ang nakita ko po napatid lang!"

Sa anggulo ng receptionist hindi nga halatang sinipa ni Eunice si Miles dahil mahaba ang suot nitong damit, hindi halatang sinadya nya at muntik pang ma out of balance si Eunice pagkatapos nyang sipain ito, buti na lang nahawak sya agad ni AJ.

Kaya sinong makapagsasabi na sinadya nya ang pagkakasipa?

Meron, si Daisy at si AJ.

'Magkakilala sila ni Miles?'

Ito ang kanina pa iniisip ni AJ.

'Gusto ni Coffee na kilalanin ko kung sino si Miles. Bakit?'

Confused sya, feeling nya sinusubukan sya ni Eunice.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C336
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk