"Sino 'to?"
May ibang naramdaman si Eunice sa babaeng kausap nya.
Naalarma si Bea, hindi nya inaasahang si Eunice ang nasa kabilang linya.
'Anong nangyari kay Jeremy, bakit nasa kanya ang cellphone nito?'
"Pasensya na! Tinawagan kasi ako ni Jeremy kanina pero hindi sya sumasagot! Isa akong ..... duktor! Madalas akong tanungin ni Jeremy pag may sakit ito dahil ayaw nitong magpa duktor, mahal daw! Marahil kaya ako tinawagan ni Jeremy dahil may nararamdaman sya! Kamusta na sya?"
Paliwanag ni Bea.
Hindi pa ito ang oras para makilala sya ni Eunice kaya ito ang dinahilan nya, which is true naman.
"Nasa clinic sya ng school, unconscious! Papunta pa lang ako dun para tingnan ang lagay nya!"
Sagot ni Eunice.
Wala itong tiwala sa kausap pero kilala sya ni Jeremy at tila tinawagan pa sya bago ito bumagsak kaya sinabi na rin nito ang lagay ng nobyo.
Nagalala ng sobra si Bea.
"Mabuti pa tumawag ka na ng ambulansya at dalhin na sya sa ospital para ma general check up!"
Advice ni Bea kay Eunice.
"Okey!"
At binaba na nito ang phone.
Ayaw na nya itong kausap at yun din naman ang pakiramdam ni Bea.
'Anong gagawin ko? Kailangan kong malaman kung saang ospital dadalhin si Jeremy! Kailangan nya ako!'
Natataranta na siya Bea, hindi sya mapalagay sa condition ni Jeremy ngayon.
Si Bea, nung una pa lang na makita nya si Jeremy, attracted na sya agad dito.
Sino ba namang hindi maattract sa kaguwapuhang ni Jeremy na super pilyo kung ngumiti, plus ang hazelnut eyes nito at ang black and wavy hair nya na minsan nawawala sa direksyon na labis nagpabihag sa buong pagkatao nya.
Aminado syang nung unang beses na magkita sila sa bar ay sadya iyon.
Gusto nya lang gamitin ito sa paghihiganti nya kay Eunice.
Si Eunice kasi ang dahilan kaya nawala ang pinakamahalagang bagay sa kanya, kaya gusto nya ring kunin ang pinakamahalaga kay Eunice, si Jeremy.
Pero tila may ibang gustong mangyari ang tadhana.
May nangyari sa kanila ng gabing iyon, hindi nya ito sinadya pero simula nuon, hindi na nya makalimutan si Jeremy.
Halos araw araw nyang hinahanap hanap ang mga halik nito, ang mga haplos at ang ...
Hindi nya akalain na sa simpleng pagkikitang iyon mauuwi sa seryosohan at aminado syang sa mga oras na ito nainlove na sya ng tuluyan sa binata.
Kaya ng isuot ni Jeremy ang singsing sa kanya, totoo na ang nararamdaman nya.
Iniibig na nya si Jeremy at ramdam nyang ganun din ito sa kanya.
"Hinding hindi kita iiwan Jeremy, mahal na mahal na kita at alam kong mahal na mahal mo na rin ako! Ipaglalaban kita kahit anong mangyari!"
"Hinding hindi kita hahayaang mapunta kay Eunice dahil alam kong hindi ka magiging masaya sa kanya!"
Tumawag ito at sa ilang tawag, alam na nya kung saang ospital dadalhin si Jeremy.
Sa Perdigoñez hospital.
Nagmamadali itong umalis at nagtungo sa Perdigoñez hospital, ang ospital na pagaari ng pamilya ni Edmund.
Hindi sya duon nagtatrabaho pero may mga pasyente sya duon at meron din syang mga kaibigang duktor.
Bago bumaba ng sasakyan, isinuot nya ang personal nyang puting medical gown.
Sa kaliwang bahagi ng gown, nakaburda ang pangalan nya sa asul na sinulid.
DR. BEATRIZ FUENTES, MD.
Ito ang nakaburda sa suot nya.
*****
Samantala.
Habang nangyayari ang lahat ng ito, nasa byahe naman si Lemuel patungong Sinag ang bayan kadikit ng San Roque. Dito naninirahan ang pakay ni Lemuel.
Kahapon pa sya naroon sa Probinsya ng Laroza, ang probinsyang nakakasakop sa bayan ng San Roque at Sinag.
Maaga syang nagbihis para magtungo sa bayan ng Sinag. Mahalaga ang pakay nya sa lugar na ito, kailangan nyang personal na makausap ang taong iyon. Ang taong kukumbinsi kay Edmund para matuloy ang kasal na ito.
Si Garry Perdigoñez, ang Chairman ng buong Perdigoñez group of Corporation. Sya ang Head ng Perdigoñez Clan at pinsan ni Luis, ang ama ni Edmund. Kaya uncle nya ito sa pinsan.
Wala syang appointment sa matandang Perdigoñez pero personal nyang kilala si Garry at iniisip nyang napaka halaga ng pakay nya. Hindi sya ipapahiya nito.
"Pakiulit, sinong nasa labas?"
Tanong ng asawa ni Garry na Regina.
"Lemuel daw po! Mr. Lemuel Alvarez daw po!"
Sagot ng pinuno ng security.
"Sino sya at bakit nya hinahanap ang asawa ko?"
"Hindi po pamilyar sa akin ang pangalan nya Madam! Pero nagmula pa daw sya ng Maynila at medyo may katandaan na rin po. Halos kasing edad po ni Sir Garry!"
"Pero hindi ko sya kilala at nagpapahinga ang asawa ko! Ano bang pakay nya?"
"Ayaw pong sabihin, personal daw po! Tungkol daw po kay Sir Edmund!"
Napataas ang kilay ni Regina.
Nung bata pa itong si Edmund, kinabahan sya dahil wala ni isa sa mga anak nyang lalaki ang nagkainteres na saluhin ang negosyo ng pamilya at ng personal na turuan ng byenan nitong si Rem si Edmund, kinabahan na sya.
Pero isang araw, si Edmund mismo ang kumausap sa kanya at sinabi nitong wala syang dapat ikabahala dahil wala syang interes na mamuno sa family business.
Gusto nyang matuto sa Lolo Rem nya at nangako syang tutulong para makumbinsi si Glen o isa sa mga anak nya na mamuno sa Perdigoñez Corp pero wala talagang interes ang mga lalaking pinsan nya, bagkus ang nakumbinsi nya ay si Geraldine ang panganay at nagiisang babaeng anak nila.
Si Geraldine na ngayon ang CEO ng Perdigoñez Corp.
At si Edmund, mahilig sya sa computer kaya dito sya nag focus.
Sya na ngayon ang may hawak ng pinaka malaking computer security software sa bansa. Marami ng malalaking company ang tinutulungan nitong panatilihin ang seguridad ng mga computer nila against sa mga hacker.
Kaya naisipan ni Eunice na magaral ng computer science para makatulong sa company ng Daddy nya.
Malaki ang respeto ni Regina kay Edmund dahil sa ginawa nito nuon.
"Sabihin mo sa kanya bumalik na lang! Hindi ko pwedeng istorbohin ang pamamahinga ng Sir mo!"
"Opo Madam!"
Tumawag ito sa guard sa entance gate para sabihin ang sinabi ni Madam Regina.
"Sir, pasensya na po pero nagpapahinga daw po si Sir Garry! Bumalik na lang daw po kayo!"
"Okey lang, maghihintay na lang ako! Wala naman akong pupuntahang iba!"
Sagot ni Lemuel.
"Sige po Sir, pakitabi na lang po ang sasakyan nyo!"
Mahigit dalawang oras din naghintay si Lemuel sa labas ng gate bago sya pinapasok.
"Sir Garry, Madam Regina, magandang araw po!"
Iniabot nito ang dala nyang pasalubong na mga prutas.
"Lemuel ikaw ba yan? Ano't napadalaw ka?"
Bati agad ni Garry.
Napansin ni Regina na kilala ng asawa ang dumating kaya hinayaan na silang magusap pero hindi ito lumayo sa asawa, nasa likod lang ito.
"Pasensya na po kung nakaistorbo ako pero napaka halaga ng pakay ko!"
"Mukha nga! sa edad mong yan, di ka naman lulusob di ne ng wala lang, hane!"
"Hindi na po ako magpapaliguy ligoy Sir Garry pero narito po ako para hingin ang tulong nyo, tungkol po kay Edmund!"
"Bakit? Anong ginawa sa'yo ng damuhong batang yan? Tinalo ka na naman ba sa negosyo? Sabihin mo pumarine at ng mahataw ng tungkod ko! Lintek na batang yun di man lang ako maalalang dalawin!"
Medyo napahiya si Lemuel. Ilang beses na kasi syang tinalo ni Edmund sa mga negosyong pinapasok nya kaya ito agad ang pumasok kay Garry.
Hindi talaga galit si Garry kay Edmund. Close sila ng batang ito at mahal na mahal nya ito na parang tunay na anak, pero namimiss na nya ito at ang mga apo nya dito.
Pero hindi yun ang nasa isip ni Lemuel. Ang alam nya may lihim na hidwaan sa pamilya Perdigoñez at sasamantalahin nya ito para mapasunod si Edmund.