Nagkaroon ng ingay ang paligid. Mga bulungbulungan na hindi nakaligtas sa tenga ni Issay.
Hindi sila makapaniwala na isa na pa lang bilyonaryo ang batang yun.
"Paano nangyari yun?"
"Enough!"
Suway ni Madam Debbie.
Tumahimik ang lahat at muling itinuon ang atensyon sa bisita nilang si Doña Isabel.
Nakangiti ito sa kanila na hindi nila maintindihan kung bakit.
"Mabuti pa may ikukwento ako sa inyo!"
Nakangiting sabi ni Issay ng makitang nakatingin ang lahat sa kanya.
"Meron tatlong magkakaibigan, si Junie, si Marie at si Barbie.
Nasa highschool pa lang sila ng magkaroon ng malaking problema si Junie, nadisgrasya ang ama nya na isang OFW na naging dahilan kaya napauwi ito.
Nawalan ng pagkakakitaan ang pamilya ni Junie kaya naisipan nyang magtinda ng banana cue. Inilalako nya ito at hindi umuuwi hangga't hindi nauubos ang paninda.
Pero hindi sapat ang kinikita nya para tustusan ang pangangailan ng buong pamilya. Nagpapagaling pa rin nuon ang kanyang ama kaya walang maasahang kumilos kundi sya.
Nasa Grade 8 pa lang sya nun at hindi nya alam kung paano nya maipagpapatuloy ang pagaaral kaya naisipan nyang titigil na lang sya at maghahanap ng trabaho.
Nalaman ito nila Marie at Barbie. Syempre hindi sila makakapayag na maiwan ang kaibigan nilang si Junie kaya nagisip sila ng paraan para matulungan itong makapasok sa susunod na pasukan.
Nagtinda sila ng fishball, kikiam squid ball etc..
Kinse lang si Junie nun, si Marie ay disisais at si Barbie naman ay katorse ng simulan nila ang tusok tusok business nila.
Naging sikat ang paninda nila kaya dagsa ang namimili dahil maayos at malinis ito at marami din ang natutuwa sa sipag at tyaga ng magkakaibigan.
Araw araw, kumikita sila ng hindi baba sa 500 pesos kaya bago dumating ang pasukan, nakaipon na sila ng sapat na salapi para makakuha ng pwesto para gawing karinderia at ang ina ni Junie ang kinuha nilang cook.
Nakakuha ng scholarship si Junie kaya nakapagpatuloy ito ng pagaaral sa dati nyang school at sa tuwing uwian, pagkatapos ng klase, duon sila dumidiretso sa karinderia.
Sa sipag at tyaga nila sa loob ng isang taon naisipan nilang magtayo ng water refilling station na sinundan nila agad ng laundry shop.
Naging successful naman ang dalawang negosyong ito kaya naisipan nilang magtayo ng mga branches, kaya bago sila makagraduate ng highschool, lima na ang branches ng water refilling station at pati ang laundry shop.
Pero kahit na sobrang close nila, dumarating pa rin ang problema. Humiwalay sa kanila si Marie sa personal na kadahilanan at naiwan kina Junie at Barbie ang pagmamanage ng limang branches ng water refilling station at laundry shop.
Maging si Junie ay gusto na ring gumive up sa studies at mag concentrate na lang sa pagmamanage ng maliliit nilang negosyo.
Pero hindi pumayag si Barbie na huminto sya pag aaral, dahil alam nyang mas malayo ang mararating ni Junie kung magpupursige pa ito kaya nangako si Barbie na hindi nya ito iiwan at sasamahan nya ito hanggang sa makatapos!"
Syempre hindi duon natatapos ang kwento. Kinalaunan naisipan nilang pasukin naman ang convinient store business na naging patok naman dahil sa magandang location nito.
Freshman na sila ng mabuo muli ang barkada.
Pero sa pagkakataong ito mas matured na silang magisip.
Dahil hindi alam ni Barbie na hindi sapat ang nalalaman nya sa negosyo lalo na sa corporate world, naisipan nyang magtrabaho sa isang malaking kompanya. At ginagawa nya yun habang nagaaral sya at the same time tinutulungan si Junie sa pagmamanage ng mga small businesses nila.
Pero sa tuwing may magandang opportunity, hindi sila nagdadalawang isip na pasukin.
Kaya ng malaman nila na binebenta ang coffee shop na tinatambayan nila malapit sa school, hindi sila nag dalawang isip na bilhin ito, nagkaroon na sila ng bagong negosyo, nagkaroon pa sila ng libreng tinatambayan.
... and then after that nagkaron na rin ng branches ang coffee shop na yun.
Pagkaraan ng five years graduate na silang tatlo sa kani kanilang kurso at may kanya kanyang ng pinagkaka abalahan.
Si Junie, kapartner ang isang kaibigan ay meron ng restaurant at may isa pang bubuksan.
Napunta naman kay Marie ang pagmamanage ng maliliit nilang negosyo.
At si Barbie ... meron na syang sariling kompanya na matagumpay nyang pinamamahalaan!"
Natapos na ang kwento ni Issay pero tahimik pa rin ang lahat.
Hindi nila makita ang koneksyon ng kwento ni Doña Isabel sa problema nila ngayon.
"Eh, Doña Isabel, salamat po sa kwento nyo, magandang inspirasyon po ang adventure ng tatlo!"
"Nagustuhan nyo ba ang kwento ko?"
"Opo Doña Isabel!"
"Mabuti kung ganun, ano naman ang masasabi nyo sa mga characters ng kwento?"
"Nakakabilib po ang pagpupursige nila!"
"Bilib din ako sa friendship nila, lalo na ni Junie at Barbie, walang iwanan!"
"Masisipag sila kaya sila naging successful, magandang gawing inspirasyon ang kwento nyo Doña Isabel!"
"Tama! Yan mga ganyang tao ang nararapat bigyan ng best Entrepreneur of the year award!"
"Yes agree ako dyan, 100%!"
"Talaga? So kung makakasama sila sa list kanino naman sa tatlo ninyo ibibigay ang award?"
Tanong ni Issay.
"Sa tingin ko po kay Junie, kasi sya yung main character! Imagine from rags to riches!"
Oonga! I agree!"
"Yes magandang kwento yun at very inspirational talaga!"
Lahat sila naniniwala na si Junie ang karapat dapat sa award.
Tumaas ng kamay si Jason.
"Yes Jason?"
"Doña Isabel, sa akin pong palagay si Barbie ang mas karapatdapat sa tatlo!"
Napataas ang kilay ng lahat.
"Bakit mo naman nasabi yan, Jason?"
Tanong ni Issay.
"Kasi po kung hindi dahil kay Barbie, hindi mararating ni Junie ang success nya. Si Barbie ang tumulong sa kanya at kumumbinsi sa kanya na ipagpatuloy ang pag aaral nya dahil naniniwala itong malayo ang mararating ni Junie. Nakikita nya po ang potential ng isang tao kahit bata pa lang ito.
Sya po yung may focus sa kanila dahil lagi nyang iniisip kung papaano sila at ang negosyo nila na mag grow.
Sa tingin ko po mas inspirational and influential si Barbie dahil parang sya ang sunlight na tumutulong para mag grow ang grupo nila! Plus yung attitude nya na walang iwanan hanggang sa dulo!"
Napaisip ang lahat, mukhang may point si Jason.
"Kunsabagay, kung hindi dahil kay Barbie hindi sila magiging magaling!"
"Gusto nyo bang makita ang itsura ni Junie?"
Tanong ni Issay na ikinagulat ng lahat.
"Teka, totoong kwento ba 'to?"
"OMG! Akala ko kwento lang!"
"Ibig sabihin totoo yung mga characters?"
"Eto ang picture ni Junie!"
Kinuha ni Issay ang folder na naglalaman ng mga profile pic ng mga nasa list.
"OMG! Kilala ko yan! Si Sir Mel yan ng TAMBAYAN restaurant!"
"Totoo po ba 'to, sya po ba talaga si Junie sa kwento nyo?"
"Oo sya si Carmello de Guzman Jr. ang isa sa may ari ng TAMBAYAN restaurant!"
Natuwa ang lahat ng malaman ang kwento ni Mel, hindi nila alam na rags to riches pala ang kwento nito.
"At ito naman si Marie!"
"Wait knows ko sya! Siya ang genius natin! I love her!"
"Yes, tama ka, sya si Katherine Marie Santiago, certified genius.
Anak sya ng kauna unahang recipient ng best Entrepreneur award natin na si Nadine Belmonte!"
"Wow! Beauty and Brain, just like Mommy!"
"Alam nyo ba kung sino ang boyfriend ni Kate?"
Syempre gusto nilang malaman kung sino ang makakasungkit sa isang napakagandang nilalang na binayayaan na ata ng lahat na ganda.
"Si Mel ang Melabs ni Kate!"
Napanganga sila, hindi makapaniwala.
"Mukhang na shock kayo pero totoong nagmamahalan sila! Gusto nyo pa bang malaman kung sino si Barbie?"
Tumango sila at saka tumahimik, inaantay ang picture na kukunin ni Issay.
Ngunit mas na shock sila ng makita ang picture na hawak ni Doñ Isabel
"Si ... Eunice?!"
Hindi nila ito inaasahan.