Lunes.
Walang nagsasalita laban kay Eunice. Lahat ilag sa kanya pagkatapos nyang makipaglaban ng salita kahapon sa School Website.
Hindi sya nanahimik sa sino mang nagsalita laban sa kanya at sa mga mahal nya sa buhay, kasama si Mel at si Jeremy.
Natameme ang lahat sa tapang na ipinakita ni Eunice.
At nagulat din sila ng malamang magpinsan pala sila ni Kate.
"Kaya pala ganun na lang ang galit nito sa nangyari kay Kate dahil magpinsan pala sila!"
"Nakakatakot syang magalit!"
Lalo naman nagpupuyos sa galit si Yna.
"Bwiseeet! Namumuro na sa akin ang dalawang yan!"
Inis sya kay Eunice dahil sa nangyari sa mall at inis din sya kay Kate dahil ang alam nya sya ang dahilan kaya nakipag break ang boyfriend nyang si Nick sa kanya.
Lagi kasi syang pinagbabawalan ni Nick na huwag na huwag guguluhin si Kate pero hindi sya nakinig.
At pagkatapos nyang guluhin si Kate nakipag break naman ito sa kanya.
Dahil dito naging miserable ang buhay nya. Hindi nya matanggap na ayaw na sa kanya ni Nick.
Hindi rin nya matanggap na ang ugali nya ang talagang dahilan kaya ayaw na syang balikan ni Nick.
At hindi rin nya matanggap na magpinsan sila Eunice at Kate.
Habang naglalakad sa corridor,
may nagtapon kay Eunice ng pagkain at nagmantsa ito sa uniform nya.
Si Yna.
Simpleng bagay lang ito kay Eunice at pwedeng hindi na nya pansinin dahil pwede naman nyang linisin ito at hayaan na lang pero... mainit talaga ang dugo nya kay Yna kaya sa bwisit nya sinugod nya ito.
"Ano bang problema mo, kulang ka na naman ba sa pansin?"
Singhal ni Eunice.
"Kakalat kalat ka kasi nakakainis yang pagmumukha mo dyan!"
Sagot ni Yna.
At nag away na sila kaya nadala sila sa principal's office.
Nanggigil sa inis si Nicole sa anak ng malaman ang ginawa nito. Kahit na hindi sya ang nagsimula, hindi ito lalala kung hindi nya pinatulan.
Binigyan nya pareho ng warning ang dalawang bata.
Pero binulungan nya si Eunice na nagbigay ng takot sa bata.
"Humanda ka sa Daddy mo pagdating sa bahay!"
Pagdating sa bahay..
"Edmund, kausapin mo yang anak mo! Nakipag away sya sa napaka simpleng dahilan!"
"Huh? Bakit sinong anak ko?!"
"Sino pa, edi yang panganay mong si Eunice! Manang mana talaga sa'yo yang anak mo! Hmp!"
Gigil na gigil sa galit si Nicole sa ginawa ng anak.
"Bakit pag may ginawang kalokohan yang mga bata anak ko, at sa akin nagmana! Bakit pag magaganda ang ginagawa anak mo at sa'yo nagmana?"
"At bakit may reklamo ka?!"
"Wala! Sinabi ko bang nagrereklamo ako!"
*****
Simula pagkabata, hindi pa nya napalo ang mga anak nya. Madalas ang Mommy nila ang namamalo sa kanila. Pero madalas pa rin nyang ipanakot ang sinturon sa mga Ito.
Hindi pa pumapasok sa silid nya ang Daddy nya umiiyak na sa takot si Eunice.
Ayaw nyang mapalo ng sinturon, hindi pa nya naranasan pero alam nyang masakit yun.
'Tsinelas nga lang ni Mommy masakit na yung pa kayang sinturon!' Huhuhu!'
Mukhang hindi na ako makakaligtas ngayon sa belt ni Daddy!'
"Eunice!"
"Waaaah! Daddy, sorry, sorry na po! Hindi na po talaga ako uulit! promise po!"
Awang awa si Edmund sa anak nya pero kailangan nyang gawin ito para madisiplina.
"Hindi ka na nakikinig, matigas na ang ulo mo, nanakit ka na ng kapwa mo at hindi na tama iyon! Kaya.... DAPA!"
"Daddy Huhuhu! Please po I'll do anything, huwag nyo lang po akong paluin! Please po! Huhuhu!"
Tumahimik si Edmund at tinitigan ang anak.
Matagal.
Hindi nagsasalita si Eunice, tanging pag iyak lang ang madidinig sa kanya.
Hanggang sa...
"Okey hindi na kita papaluin pero....
your grounded! Pati cellphone mo hindi mo pwedeng hawakan mula ngayon!
At.... dadagdagan ko ang training mo!"
"Pero sa oras na malaman ko na ginagamit mo sa masama ang mga training mo, mas matinding punishment ang ibibigay ko sa'yo!"
Agad na pumayag si Eunice. Mas maigi ito kesa mapalo sya.
"Opo, opo Dad Thank you po! Promise po I'll be good na! Hindi na po ako makikipag away!"
Nagusap ang magasawa tungkol kay Eunice.
"Anong gagawin natin kay Eunice? Nagiging rebelde na ang anak natin!"
Tanong ni Nicole sa asawa.
"Kailangan nyang may mapagka abalahang ibang bagay para maiba ang focus nya!"
Sagot ni Edmund.
Pero kahit na nagrebelde si Eunice, hindi nito pinababayaan ang pagaaral nya.
Nagkainteres sya sa binigay sa kanyang task ng mga teacher nya. Ang goal nila ay makapasa sila lahat sa exam pagkatapos ng finals.
Exam ito para sa Star Section. Kailangan lahat silang magkakaklse ay makapasa para maging magkakaklase ulit sila next school year.
Maganda ang privilege na binibigay nila sa Star Section kaya maraming magulang na gustong mapabilang dito ang mga anak nila.
Pero marami namang estudyante na ayaw dito. Sobrang higpit kasi at sobrang taas ng expectation.
Sa ngayon, kailangan nilang maabot ang 96% na score sa lahat ng subject para mapunta sa Star Section.
Kadalasan kasi nababawasan ang estudyante ng Star Section every year kaya pagdating ng Grade 12 halos kalahati na ang nabawas.
Si Eunice ang ginawang leader ng mga teacher nya. Nakita kasi ni Teacher Santi ang potential ni Eunice na maging leader.