Unduh Aplikasi
37.38% My Beautiful ... Me / Chapter 166: Punishment

Bab 166: Punishment

Kinabukasan.

Kabadong nakatingin ang lahat sa sasabihin ni Edmund. Ramdam nilang galit pa rin ito dahil sa nangyari at simula nga nuon, hindi na ito nagsasalita, tinatanggap lahat ng nangyayari kaya mas natatakot sila!

Pero ngayon, bago sila umalis ng ospital bigla itong pumasok at nakatingin sa kanilang lahat, mukhang may gustong sabihin.

Alam ni Edmund na lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanya, naghihintay. Kaya hindi na nya pinatagal ang sasabihin.

Tumingin sya sa anak nyang si Eunice.

"Simula ngayon you are grounded forever! Hindi ka pwedeng umalis ng bahay na hindi kasama ako o ang Mommy mo!"

"Simula din ngayon lagi na sa tabi mo si Reah para bantayan ka!"

And lastly, dodoblehin ko ang training mo! You will train 2 hours every day, no "but's no why's"!

Tiningnan ni Eunice ang Mommy nya, nagmamakaawa pero hindi sya tiningnan nito.

Napakagat na lang sya sa labi, gusto nyang maluha sa punishment nya.

Awang awa naman ang iba na naroon kay Eunice lalo na ang pinsan nyang si Kate.

'Ako kaya, ano kayang punishment ko kay Mommy?'

".... and that includes YOU!"

Nagulat sila ng ang tinutukoy ni Edmund na "YOU" ay si Kate pala!

"Ninong?!"

"Simula rin ngayon you are also grounded 'till forever!"

"Mula din ngayon babantayan ka na rin ng bodyguard mong si JR!"

Gustong mag reklamo ni Kate lalo na si Nadine. Tinanggal na nya ito tapos ibabalik na naman?

Pero hindi na nakapagsalita pa ang mag ina dahil tinawag na ni Edmund si JR.

"JR, responsibilad mo si Kate at si Kate lang, maliwanag! Siguro naman alam mo na kung kanino dapat ang loyalty mo?"

"Yes Sir!"

"Sa susunod na malaman kong pinabayaan mo ulit si Kate, sisiguraduhin kong hindi ka na makakaalis ng Antarctica!"

Naintindihan ni JR ang ibig sabihin ni Edmund. Sa galit ng ama nyang si Asul sa kanya, binitbit nya ito sa Antarctica at iniwan dun. Nalaman ito ni Edmund kaya pinakiuasapan nya si Joel. Malaki man ang kasalanan nya dahil sa pagpanig nya kay Jaime, malaki pa rin ang tiwala nito na hindi nya pababayaan si Kate.

(Si Asul ang kanang kamay ni Joel, si Joel ang kapatid ni Gene na Lolo ni Kate).

Nakasibangot si Kate. Hindi nya matanggap na magiging bodyguard nya ulit si JR. Hindi nya mapapatawad ito dahil hindi man lang nito tinulungan ang Mommy nya ng makita nyang sinasaktan na ito ng Daddy nya.

Nakiusap sya nuon kay JR pero ayaw nitong makialam sa away ng magasawa kaya nya naisip na pulutin ang baril at itutok sa tatay nya.

Hindi nya gusto ang sinabi ng Ninong nyang ito.

".... at syempre kasama ka din sa training!"

Pagkatapos ay tiningnan nya si Mel.

"Hindi kita anak, kaya hindi kita pwedeng bigyan ng punishment! Pero bilang kaibigan nila gusto ko din sana na makasama ka sa training! Makakabuti ito sa'yo, kung papayag ang Mama mo!"

"Hindi ko po naintindihan, kung para saan ang training?"

Tanong ni Carla.

"Carla, please huwag mo na akong po-in, halos magka age lang tayo! Martial arts ang tinutukoy ko para hindi tumaba si Eunice!"

"Ahhhh! Parang Zumba pala! Hehe! Maganda yan, Mel! Sama ka para maging physically fit ka hindi yung kung ano anong pinapasok mo!"

"Mama, martial arts po yun hindi Zumba!"

"Kahit na, pareho din yun! Magkakaroon kayo ng ibang pagkaabalahan, hindi yang kung ano anong adventure ang pinapasok nyo!"

Nagpoprotesta ang kalooban ni Mel pero hindi nya masabi.

"Mama naman eh!'

"Sir, Daddy Edmund, pwede po bang dancing na lang huwag ng martial arts? Papayat din po si Sissy ko dun! Lalo na po yung ballet!"

Napataas ang dalawang kilay ni Carla sa sinabi ng anak.

"Hahahaha!"

Nagulat sila ng madinig ang tawa na yun!

At sabay sabay silang napatingin kay Nadine.

"Sorry! nakakatawa lang talaga itong si Melabs sa mga reaction nya!"

At nilapitan nito si Mel sa pinanggigilan.

"Hangkyut kyut talaga ni Melabs!"

Sabay kurot sa pisngi.

"Mom, Melabs ko po yan!"

"Melabs ka dyan! Bawal! Hangga't hindi ka nag be behave!"

Mel: (horrified face)

'Juskolord save me!'

"Hahaha!"

Natawa ang iba sa itsura ni Mel at nawala na rin ang tensyon sa paligid.

*****

Tinawagan ni Jaime si Jeremy para mangamusta at dito nya nalaman kung ano ang nangyari.

Gusto rin nitong magalit kay Jeremy pero pinigilan nya. Kailangan nya si Jeremy para makibalita sa pamilya nya.

"Jeremy, tawagan mo ako or mag message ka kung may problema, okey! And promise me na huwag mo ng uulitin na ilagay sa panganib ang anak ko!"

"Opo Tito Jaime!"

Mas gusto talaga ni Jeremy si Jaime kesa kay Edmund.

Dinala naman ni Jaime si Carl sa ospital para ma check up upang malaman ang totoong nangyari sa taong ito.

Lasing na lasing ito kaya hindi pwedeng kunan ng dugo.

Inantay na lang muna nilang humupa ang kalasingan. Kumuha sya ng isang room sa ospital para dun makapagpahinga si Carl.

"Pareng Carl sya si Benjie, sya ang bahala sayo! Lahat ng kailangan mo sa kanya mo hingin! Sya din ang tutulong sa'yo para malaman ng pamilya mo ang nangyari sa'yo!

Pero pakiusap, dito ka muna sa ospital para malaman natin ang totoong nangyari sa paa mo!"

"Pareng Jaime hindi mo na kailangang gawin ito, nakakahiya!"

"Hindi Pareng Carl kailangan kong gawin ito! Gusto ko pagbalik ko andito ka pa!"

"Gusto kitang samahan pero may kailangan akong gawin para sa pamilya ko!"

Hindi pa alam ni Jaime na ang bagong kaibigan nya ay ang ama ni Mel at asawa ni Carla na nasa Zurgau ngayon.

Nagulat si Carla ng biglang tumunog ang cellphone nya.

"Ay si Papa mo tumatawag!"

Bulalas nito kay Mel.

Nagkaron tuloy ng pagkakataon na makawala si Mel kay Nadine at Kate.

"Hello asawa ko! Kamusta? Magaling na ba ang paa mo?"

"Hello Mam, hindi po ako si Sir Carl! Ako lang po ang kasama nya dito sa ospital!"

Kinabahan si Carla

"Ospital? Bakit anong nangyari sa asawa ko?!"


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C166
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk