Tanaw pa ni Edmund ang kotse ni Jeremy palabas ng gate ng dumating sila.
"Boss, diba may utos na bawal magpalabas dahil may dinukot? Pero bakit nakita ko yung huling kotse na lumabas?"
"Sir hindi po namin napigilan dahil hindi pa po nakasara ang gate! Saka kababa lang po ng utos!"
"Kilala nyo ba yung huling lumabas?"
"Mga teenager po Sir! Apat sila!"
"Ha?!"
"Bakit nyo pinayagan makalabas?"
"Wala po kaming nagawa Sir dahil bago po sila may nauna pa pong kotse at mukhang hinahabol po ng mga nila!"
"Sabi po ng mga teenager, dinukot daw nung hinahabol nilang sasakyan ang kaibigan nila kaya kailangan nilang sundan!"
"ANOOO???!!!"
Sabay na sigaw ni Edmund at Ames.
"Bakit hindi nyo sila pinara lalo na yung nauna?!"
"Sir, nagmamadali po yung naunang sasakyan, emergency daw, dadalhin daw nya ang anak nya sa ospital dahil inaatake ng epilepsy!"
"Paano ka naman nakakasiguro na anak nya yun?!"
Singhal ni Ames.
"Tara na Ames para maabutan pa natin ang mga bata!
Buksan nyo ang pinto at hahabulin namin sila!"
"Pero Sir, Mam, pasenya na po at kailangan po namin sundin ang utos na huwag magpapalabas!"
"Sira ka ba? Ako ang humiling na ipasara ang gate at huwag palalabasin ang sinuman pero may pinalabas pa rin kayo! Tapos ngayon kami ang haharangin nyo!"
"Isa ang anak ko sa mga humahabol kaya kailangan kong sumunod!"
"Sorry Sir, pasensya na po!"
"Anak ng teteng!"
Tumunog ang cellphone ni Edmund.
"Sir, lumabas po si Ms. Eunice ng resort sakay ng isang kotse kasama si Ms. Kate, si Sir Jeremy at Sir Mel!"
Boses ni Reah ang bodyguard ni Eunice.
"Okey Reah, pakiusap huwag nyo silang lulubayan, bantayan mong mabuti! Reah huwag mong pababayaan ang mga bata lalo na ang anak ko!"
"Masusunod po Sir!"
Pagkatapos ay tinawagan naman nya si Nicole.
"Hon hindi ko sila naabutan! Sinundan ng mga bata yung sasakyan ni Mon! Ang nakakainis nito hinarang kami ng mga guwardiya at ayaw kaming palabasin dahil sa lockdown!"
"Ha? Bwisit naman na mga guwardiya yan!"
"Hon, kailangan kong makausap si Nadine! Kailangan ma trace ang mga bata!"
"Hon hindi pa alam ni Ate Nadine ang nangyayari, natutulog sya kaya hindi namin inistorbo!"
"Okey Hon naintindihan ko! Huwag kang magaalala gagawa ako ng paraan para makalabas at masundan sila! Pakisabi na rin kay Papa ang nangyari!"
Tugon ni Edmund sa asawa.
"Hon, ipangako mo! Iuuwi mo ng ligtas ang mga bata!"
"Oo Hon, pangako!"
"Bakit anong nangyayari?"
Tanong ni Nadine na nasa likod ni Nicole. Mukhang nadinig nya ang usapan.
"Ate Nadine okey ka lang ba?"
"Okey lang ako! Nasaan ang mga anak ko?"
Nababalisang tanong ni Nadine.
"Kasama ni James ang Mama at Papa! Teka tawagin ko!"
"Nicole ano ng balita? Nasaan na ang mga bata?"
Tanong ni Nelda.
"Bakit Mama, anong nangyari?"
"Meron ba akong dapat malaman?"
Kinakabahang tanong ni Nadine.
Pati tuloy lahat nataranta ng makita si Nadine.
Lahat kasi alam na nila maliban kay Nadine.
"Ate huminahon ka lang walang nangyari sa mga bata!"
Kumunot ang noo ni Nadine.
"Pwede ba sagutin ninyo ako ng deretsahan huwag yung paliguy ligoy!"
Napipikon na sabi ni Nadine.
"Ate Nadine, nakita ng mga bata na dinukot ni Mon si Yna kaya sinundan nila! Nakalabas si Mon ng resort kaya napilitang sundan ng mga bata! Ang problema hindi sila masundan ni Edmund dahil naka lockdown ang resort!"
"Namputsa naman! Ang bagal ng damuhong yun!"
"Pa, kailangan masundan ni Edmund ang mga bata kaya patangal nyo na po ang lockdown!"
Saka Ate Nadine, alam ko shock ka pa pero need na namin ang help mo para ma trace ang mga bata!"
Totoong shock si Nadine dahil walang bodyguard na kasama si Kate maliban sa mga bodyguard ni Eunice.
'Sana hindi sila magkahiwa hiwalay!'
"James, kunin mo ang laptop ko! Dali!"
*****
Samantala.
Napansin ni Mon na kanina pa may sumusunod sa sasakyan sa kanya pero hindi nya sure kung sya nga ang sinusundan.
Pinaharurot nito ang dala nyang sasakyan.
"Bumilis din ang takbo ni Jeremy para maabutan si Mon.
Jhay, mukhang nakahalata na syang sinusundan natin!"
"Anong gagawin ko?"
"Huwag mong masyadong bilisan!"
"Kate myLabs, kung hindi natin bibilisan baka mawala na yun!"
"Ate Kate, si Reah ba yun nasa tabi nating motor?"
"Oo! Sya nga!"
"Bakit sya nandito?"
"Bodyguard mo sya natural andito sya!"
"Bodyguard?"
'Ibig sabihin totoo ang sinabi ni Tita Ames!'
"Teka Ate may idea ako!"
Kumuha ito ng papel at sumulat saka ibinaba ang bintana ng sasakyan at ipinakita ang message nya kay Reah.
[Ate Reah, we need your help! Follow that gray car please po]
Umiiling si Reah tapos ay sumenyas ng "STOP" kay Eunice.
Umiling si Kate.
"Sige Jeremy sundan mo na si Mon, tutal alam na naman nyang sinusundan natin sya!"
Sabi ni Kate.
Pero pinapatigil tayo nung Reah!"
"Okey yan may backup tayo! Sige Jeremy, sundan mo, lapitan mo!"
"Yes Wifee!"
"Alam nyo mas kinakabahan ako sa mga tawagan nyo na yan!"
Sabi ni Mel.
"Hahahaha!"
Nang malapit na sila.
"Sige Jeremy lapit pa! Subukan mong banggain ng kaunti yung likod ng kotse baka sakaling magising si Yna!"
Suggestion ni Eunice.
Napatingin sa kanya ang tatlo.
"Insan, kung minsan nakakatakot kang mag isip!"