Unduh Aplikasi
55.85% My Beautiful ... Me / Chapter 248: May Nag Cheat Daw

Bab 248: May Nag Cheat Daw

"May nakarating sa akin balita kanina na hindi ko nagustuhan."

Paninimulang salita ni Prof. Alex.

Tahimik ang lahat, nakikiramdam.

'Tungkol kaya saan yung masamang balita?'

May kaba sa dibdib ang bawat isa maliban kay Patricia na nanghahaba na naman ang leeg.

Isa isang pinagmamasdan ni Prof. Alex ang mga estudyante nya.

Merong tahimik na nakaupo lang pinipilit ipakita na behave sila.

Merong nagtatanong ang mga mata pero halatang kinakabahan.

At si Patricia na nanghahaba ang leeg, pinaparamdam sa lahat na may alam sya sa tinutukoy ni Prof. Alex.

"Sir, ano po ba yung masamang balita? May kinalalaman po ba sa nagdaang prelim?"

Painosenteng tanong ni Patricia pero halatang gusto mapansin ng lahat ang sinabi nya.

"Bakit mo naman nasabi na tungkol sa prelim exam ang tinutukoy ko Ms. Roldan?"

Tanong ni Prof. Alex

"Well Sir kasi po may nadinig din akong tungkol sa cheating daw sa exams. Kaya naisip ko po na tungkol dun!"

Buong ngiting sagot ni Patricia.

'Lintek talaga na bata ito hindi ko maintindihan kung papaano naging valedictorian nung highschool!'

Sabi ng isip ni Prof. Alex.

'Akala nya siguro hindi ko malalaman na sa kanya nanggaling ang chismis!'

"Hindi ko alam ang tungkol sa tsismis na yan Ms. Roldan. Can you tell us?"

Napatingin ang lahat kay Patricia na kinatuwa naman nito.

"Sir, ang nadinig ko po kasi ay tungkol po sa cheating sa class daw po namin."

Nakangiting sagot ni Patricia.

"Sa itsura mo mukhang naniniwala ka sa tsismis. Mukhang kilala mo kung sino ang nag cheat. Sapalagay mo ano ang dapat gawin?"

"Yes Sir, nadinig ko nga po kung sino yung nag cheat!"

Sabay lingon sa direction ni Eunice at Freddie.

Pati tuloy ang lahat napatingin sa direction ni Eunice at Freddie at nagkaroon tuloy ng bulung bulungan.

"Ano na naman ang problema nyang si Ms. Valedictorian nung highschool?"

"Ewan ko dyan, hindi siguro nya matanggap na naungusan sya nung dalawa nung exams!"

"Bakit sya nakatingin dun sa dalawa, ano ang ibig nyang sabihin sila yung nag cheat?"

"Imposible, sigurado ba sya? Kung makatingin kala mo sigurado na sya!"

"Pero tinanong ko si Freddie minsan kung bakit tumataas mga quizes nya at sinabi nya na tinutulungan raw sya ni Eunice mag review!"

"Oonga, madalas ko silang makita sa isang bench dun sa dulo ng lobby, nagrereview, nakikinig nga lang ako sa kanila pero para na rin akong nare review. Ang taas kaya ng nakuha ko sa subject na yun!"

"Talaga? Bakit di mo ako tinawag?"

"Tinawag kaya kita pero ayaw mo!"

"Quieeet!"

Tumahimik ang lahat.

"Sir, nadinig ko lang po ito, wala po akong kinalalaman dito!"

Pagpapaliwanag ni Patricia. Nadinig kasi nya ang bulungbulungan at mukhang nagdududa ang karamihan sa kanya.

"Very well Ms. Roldan, you may sit down!"

Ayaw pang maupo ni Patricia gusto pa nyang magpaliwanag pero pinaupo na sya. Masama tuloy ang loob nya.

"Since may nagdududa sa last prelim exams, nagusap kami na mga teacher nyo na ulitin ang exams ninyo para mawala ang pagdududa ng lahat at gagawin yan by batches dahil orally ang magiging exams ninyo!"

"Uhhhh...."

Puro ungol paligid, hindi makapaniwala. Naainis tuloy sila kay Patricia pati kay Eunice at Freddie kahit hula lang nila ito.

Hindi kasi nila alam kung sino ang sisihin kaya sa tatlo sila nainis.

"Listen, lahat kayo ay uulitin ang exam maliban kay Ms. Perdigoñez!"

Si Patricia ang unang nag react.

"Sir, bakit po hindi sya kasama, diba unfair naman po?!"

"Kasi meron syang ibang examination na gagawin!"

Nagkausap sila ni Prof. John na naging kaibigan ni Ames tungkol kay Eunice. Sya ang nagpunta noon sa Ames Academy mag pa five years na at nasaksihan nito kung gaano kagaling si Eunice.

"He's a genius Alex, it runs in her family! Para maniwala ka bigyan natin sya ng special exam!"

Naisip ito ni John ng madinig nya ang reklamo kay Eunice, halatang may naiinggit sa bata.

Pumayag na rin naman si Prof. Alex dahil napapansin nya ngang wala sa focus parati ang bata pero pagtinanong mo nakakasagot naman.

'Kung totoong genius sya, marahil ay bored na sya sa subject ko!'

Binanggit din kasi ni John sa kanya na nasagot nito ang Math problem na binigay at pang first year college na ang binigay nya pero nasa Grade 8 pa lang si Eunice nung time na yon.

"Pero Sir ..... "

Hirit ulit ni Patricia.

"Ms. Roldan, hindi ba dapat ang concern mo ang sarili mo? Saka huwag kang magaalala kay Ms. Perdigoñez, Ms. Roldan. Malalaman mo rin naman kung ano at para saan ang special exam ni Eunice. Close kayo ng uncle mo diba?"

Nangiti na lang si Patricia kahit masama ang loob nito dahil hindi nya mapapatunayan na nag cheat si Eunice.

"Sir?"

Nagulat ang lahat ng biglang nagsalita si Eunice kaya napatingin sila.

"Yes Ms. Perdigoñez?"

"Sir, wala naman pong problem kung magtake ako ng exams kasama mga classmates ko! I don't really mind, it's just exams!"

Sabi ni Eunice.

Sa tono ng salita ni Patricia, halatang may duda ito sa results ng prelim exams nya at napipikon kaya lumalabas na naman ang pagka maldita nya.

"Pero nagkausap na kami ni Prof John regarding that special exam at nailapit na namin ito kay Dean..."

"Okey po Sir, I will also take that exam."

"Hmmm... mukhang alam mo na kung para saan yung special exam."

Hindi na sumagot si Eunice.

Pero kita sa labi nito ang simpleng ngiti.

'Mukhang inaasahan na nya ito.'

"Very well Ms. Perdigoñez, I talk to prof John."


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C248
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk