Unduh Aplikasi
61.71% My Beautiful ... Me / Chapter 274: Matapang Na 'Sya

Bab 274: Matapang Na 'Sya

Sa isang private room ng isang mamahaling restaurant, naruon si Eunice nakikipaghalikan kay Jeremy.

Palihim syang umalis sa San Miguel at nakipagkita kay Jeremy para icelebrate ang pasko nila together kahit na late.

Kaalis lang nya ng bahay ng matanggap ni Edmund ang balita na dinala sa ospital si Gene. Ang pinsan nitong si George ang nagbalita sa kanya.

Kaya hanggang ngayon wala pa ring alam si Eunice sa nangyayari.

'Ano ba 'tong si Jeremy, kanina pa ako nililipstulip nauubusan na ako ng hininga, hindi ba sya titigil?'

"Te-Teka, Je..Je..re...my..."

Pero hindi sya pinansin nito.

Nainis na si Eunice, ginamit na ang paa nya para sipain si Jeremy palayo sa kanya.

Malakas manipa si Eunice kaya ininda ni Jeremy ang sipa nito, pero muli syang sumugod para halikan si Eunice.

"Wait Jeremy, WAIT!"

(Hingal)

"?????"

"Teka lang Jeremy, taympers! Bakit ba masyado kang agresibo ngayon?"

"Bakit ayaw mo ba?"

Hindi makasagot si Eunice.

Syempre gusto nya! Gustong gusto nya! Pero kinakabahan na sya sa kung saan gumagapang ang mga kamay ni Jeremy.

Kaya ng akmang hahalikan ulit sya nito, umilag si Eunice hawak ang dibdib na biglang napatayo.

"Teka! Sandali lang pwede! Kailangan kong huminga!"

At kailangan nyang lumayo kay Jeremy dahil nanghihina na ang tuhod nya, tyak na bibigay na sya sa kapusukan ng nobyo at baka maibigay nya ang lahat, lahat dito.

KRRIIING!

Tumunog ang cellphone ni Eunice na nasa mesa. Kinuha nya ito para sagutin pero biglang inagaw ni Jeremy at pinatay.

"Nababaliw ka na ba? Bakit mo pinatay, si Daddy ko yung tumatawag?!"

Nagulat si Edmund ng biglang binabaan sya ng anak, never pa itong binabaan sya. Muli nya itong tinawagan pero can not be reach na.

Pinatay na kasi ni Jeremy ng tuluyan ang cellphone nito para walang istorbo.

"Hindi pa tayo tapos! Pagkatapos natin saka ka lang pwedeng sumagot ng cellphone!"

Sagot ni Jeremy na may panunukso kay Eunice.

"Jeremy, hindi mo ba ako narinig? Si Daddy ko yung tumawag, kailangan kong sagutin yun dahil magaalala yun!"

"Kahit na Daddy mo pa yung tumawag, hindi pwede! Minsan na nga lang kita maka date me mangiistorbo pa! Ayaw!"

Matapang na sabi ni Jeremy.

"Aba matapang na sya oh, hindi na sya takot sa Daddy ko.."

Pabirong sabi ni Eunice.

Hindi alam ni Jeremy kung ano ang magiging reaction nya sa biro ni Eunice.

Dahil kanina pa ito naiinis ng sabihin sa kanya ni Eunice na alam na ng Daddy nya na mag jowa na sila at gusto syang makausap nito.

Kabilin bilinan ni Jeremy kay Eunice na ilihim nila ang relasyon nila dahil ayaw nyang makarating ito kay Edmund. Hangga't maari, ayaw nyang harapin si Edmund.

"Gusto ni Daddy na makausap ka nya! So ... kelan ka ba pwede?"

Tanong ni Eunice.

"Eunice, hindi ba pwedeng saka ko na lang haharapin ang Daddy mo, kasi kailangan ko munang ihanda ang sarili ko!"

Gusto pang kulitin ni Eunice si Jeremy pero tumunog ang isa pang cellphone nito at mabilis nyang kinuha.

Personal phone nya ito, ginagamit nya sa business at dalawa lang ang nakakaalam ng number nyang ito. Si Mel at si Kate.

Nakipag agawan si Jeremy sa phone pero maagap si Eunice, at this time lumayo agad ito pagkasagot.

"Hello, Mel? Bakit?"

"Sis, asan ka? Hinahanap ka ng Daddy mo! Si Lolo Gene nilusob sa ospital!"

Sabi ni Mel sa kabilang linya.

"Huh?! Saang ospital? Sa Perdigoñez hospital ba?"

"Oo, nasa operasyon pa sya, sa puso daw! Kasama mo ba si Jeremy?"

Tinanong ito ni Mel para ipasundo sana sya kay AJ pero kung si Jeremy ang kasama nito malamang sya na ang maghatid sa kanya sa ospital.

"Oo Beshy! Sige susunod ako dyan!"

Kita ni Jeremy ang pagaalala sa mata ni Eunice.

"Sinong naospital?"

"Si Lolo Gene, nilusob daw! Pasensya na Jeremy pero kailangan ko ng pumunta sa ospital, pwede mo ba akong ihatid?"

Napataas ang kilay ni Jeremy. Naiinis sya at nasira na naman ang date nila tapos ngayon magpahatid sya?

"Uhm, pasensya na Eunice pero ...."

Ayaw nyang ihatid si Eunice.

Ayaw nyang makita silang lahat lalong lalo na si Edmund.

Hindi na pinilit ni Eunice si Jeremy.

"Sige, kay AJ na lang ako magpapahatid!"

Akmang tatawagan na nito si AJ ng muling inagaw ni Jeremy ang cellphone nya.

"Bakit kailangan magpahatid ka dun sa lalaking yun, andito naman ako ah?!"

Galit na sabi nito.

"Pero diba kanina tumatanggi kang ihatid ako?"

Kanina yun! Pero naisip kong mas mabuting ihatid na kita!"

Sabay hablot sa kamay nito at hinila na palabas si Eunice.

Pero hinatid lang ni Jeremy sa ospital si Eunice, hindi na ito bumaba ng sasakyan at nagmamadaling umalis.

Agad itong umalis dahil baka may makakita sa kanya, hindi nya tuloy nakita kung sino ang nakasabay ni Eunice sa elevator.

Si Milky


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C274
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk