Kinabukasan.
Dahil last day na ng exams, kinausap ni Teacher Gabby si Eunice ng matapos nya ang unang exam nya
"Eunice, since last day na naman ngayon ng exams, gusto mo bang itake na ng diretso ang dalawang natitira mo pang exams nang sa ganun matapos mo na agad at para hindi ka na maghihintay pa ng matagal?"
Nangiti si Eunice at namilog ang mga mata ng madinig ang sinabi ni Teacher Gabby.
"Talaga po Sir, papayagan nyo po akong kunin na lahat ng exams ko? As in ngayon na po?!"
Halatang excited ito at hindi makapaniwala.
Gusto nya talaga ito para maaga syang makatapos, pero nahihiya syang I request sa teacher na nagbabatay.
'Buti na lang si Sir mismo ang nag suggest!'
"Oo naman Eunice, nasa akin na naman ang tatlong exams nyo for the day! Saka ...para matapos mo na agad, ng hindi ka na naghihintay sa corridor ng matagal!"
Pero, dito ka mag exam sa tabi ko!"
"Yes po Sir, salamat po!"
At kinuha nito ang upuan nya at pinuwesto sa tabi ng teacher, nakatalikod sa klase.
Napansin ni Teacher Gabby na walang dalang gamit si Eunice maliban sa tatlong black ballpen na nasa bulsa ng palda nito. Kahit scratch paper wala.
"Eunice, wala ka bang dalang bag?"
"Wala po Sir!"
Nang makitang nasa ayos na ito, ibinigay na ni Teacher Gabby ang exams nya ng susunod na subject.
"Sige na mag start ka na!"
Habang nageexam, pinagmamasdan nya si Eunice.
Binasa muna nya ang mga questions at pagkabasa ay ibinaba na ang questionnaire at saka nagsimulang sumagot. Tuloy tuloy ang kanyang pagsagot, at hindi na ulit tumingin pa sa questionnaire.
'OMG! Hindi kaya may photographic memory ang batang ito? Isang beses lang nya binasa ang mga tanong!'
Kinuha ni Teacher Gabby ang questionnaire at binasa nya ang mga tanong.
Bago mag 15 minutes, natapos na si Eunice sagutan ang exam nya ibinigay na sa kanya na mukhang nag hinihintay na agad ng kasunod na exam.
"Eto na!"
Buong ngiting ibinigay ni Sir Gabby ang last exam sa araw na iyon.
Gaya ng nauna, ganun din ang ginawa nya pero this time kinausap na nya si Eunice habang nageexam ito. Gusto nyang malaman kung paano ito magre react pag may nangungulit sa kanya.
"Mukhang nag eenjoy ka sa mga exams mo?"
"Medyo po!"
At ngumiti pa ito sa kanya.
"Sino ba ang madalas na nagtuturo sayo, si Mommy o si Daddy?"
"Si Mommy po! Busy po kasi si Daddy sa work e!"
Sagot nito na hindi naalis ang mata sa answer sheet nya.
"Ganun ba! ... Eunice may itatanong ako sayo! Related ka ba sa bagong acting principal natin?"
"Opo Sir!"
"Anong relationship mo sa kanya?"
"Sya po ang Mommy ko!"
Sabay abot ng test paper nya.
"Ta..tapos ka na?!"
Sabay tingin sa relo.
'12 minutes?!'
English ang last exam nya.
"Opo Sir! Thank you po ulit! Pwede na po ba akong lumabas?"
"Tapos ka na? Sabay na tayong lumabas!"
Sabi ni Zandro sa kanya.
"Huy teka, antayin nyo ko!"
Habol ni Louie.
"Eunice kain muna tayo sa canteen! Treat ko!"
Aya ni Zandro.
"Yes! Manlilibre si Zandro!"
Sabi ni Louie.
"Oy! Si Eunice lang ililibre ko! Bakit pati ikaw?"
"Nagugutom na kasi ako, wala akong dalang pera, nakalimutan kong humingi kay Mommy!"
"Sorry guys pero ... tapos na akong mag exam! Pinakuha na lahat ni Sir Gabby yung 3 exams natin kaya hindi na ako pwedeng mag stay! Sige, mauna na ako!"
At iniwan na sila ni Eunice na nagmamadaling umalis.
Nagkatinginan ang 2 boys.
"Hindi ka ba natatakot Louie? Mukhang maaagaw na nya ang Top 2 placer mo!"
"Hindi! Ready na ako e! Ikaw ang dapat matakot! Ibang Eunice na ang katunggali natin ngayon! She's more smarter and more braver now!"
"... and she's getting prettier and prettier everyday."
*****
Hinanap ni Eunice ang pinsan nyang si Kate. Alam nyang exempted ito sa mga exams dahil nanalo sya sa Math competition na ginanap sa Australia kamakailan, at pumasok lang ito dahil bored na syang mag stay sa bahay.
Kaya nagtungo si Eunice sa tambayan ni Kate.
ANG LIBRARY!
"Ate Kate!"
"Bakit ka andito?"
Nagtatakang tanong ni Kate.
"Tapos na kong mag exam! Ikaw dika pa ba uuwi? Sabay na ako sa'yo!"
"Talaga tapos ka na?!"
Tumango si Eunice.
"Tara punta tayo kay Tita magpaalam tayo! Gusto kong magpunta ng mall!"
"YES!"
Pagdating sa principal's office, hindi kaagad sila pinapasok ni Secretary Kim.
"Bakit may visitor ba si Mommy?"
"Wala syang visitor, bwisitor meron!"
Nasa loob ang tatlong teacher.
Si Teacher Orly sa Math
Si Teacher Santi sa History/Social Studies
Si Teacher Chris sa Science.
"Ano bang problem mga Sirs at hindi po makapaghintay yan after school? Wala ba kayong classes na binabantayan?"
"Pasensya na Principal Cole, kung kailangan namin idulog sa'yo agad itong problem! Kasi hindi ito pwedeng magtagal at kailangan nyo na pong malaman para maaksyunan agad!"
"Ano ba yun Teacher Orly? Ikaw na ang magsabi kasi mukhang atat na atat ka ng sabihin!"
"Ehem! Principal, nadito kami para ireport ang isang cheating na naganap!"
"Sino naman yun tinutukoy mong nag cheat?"
"Si Eunice!"