Unduh Aplikasi
37.83% My Beautiful ... Me / Chapter 168: Bagyong Parating

Bab 168: Bagyong Parating

'May tila iba sa taong ito!

The more na tinatakot mo, the more na lumalapad ang ngisi sa labi nya!'

'Mukhang nag eenjoy pa!'

Ito ang napansin ni Jaime ng kinakausap nya si Mon.

'Kailangan magingat! Hindi na dapat lumalapit sa taong ito ang mga bata lalo na ang anak kong si Kate!'

Dahil dito, naisipan tuloy na paimbistigahan itong si Mon.

Nagngingitngit naman sa galit si Coronel Reyes ng malamang hindi tumuloy si Jaime sa misyon nya.

"BWISIT!"

"Saan nagpunta ang Jaime na yun at anong dahilan nya at hindi sya tumuloy sa flight nya?!"

Bwisit talaga! Akala ko ayos na! Hmp!"

Pero wala na sa Maynila si Jaime. Bumalik na ito ng Zurgau ng walang nakakaalam. Humingi sya ng tulong sa Tito Joel nya na makabalik duon at tinulungan naman sya nito matapos syang hatawin ng baston.

Hindi nya sinabi kahit kanino kung saan sya pupunta. Wala talaga syang planong ipaalam ang kinaroroonan nya dahil ayaw nyang malaman ni Coronel Reyes. Sinabi lang nya sa Tito Joel nya na gusto nya lang mapagisa.

At hindi rin naman sya hahanapin sa militar dahil kasalukuyan pa rin naman syang suspended. Sikreto kasi ang misyon nya at wala dapat nakakaalam maliban sa kanya at kay Coronel Reyes. Maging ang mga team na naghihintay sa kanya ay hindi rin alam na sya ang team leader nila.

Sa pagkakataong ito, buo na ang isip nya! Susyuin nya ang pamilya nya pero uunahin nya munang suyuin ang mga byenan nya.

Sana hindi pa huli ang lahat.

*****

Kahit na patong patong ang demanda kay Mon, nakagawa pa rin nitong makapagpiyansa, bagay na hindi na maipagsawalang bahala ni Orly.

"Hindi na tama ito, may mali na sa nangyayari sa kaso ko!"

"Hindi naman criminal offense ang kaso ko bakit hindi ko magawang makapagpiyansa?"

Tanong nya sa abogado nya.

"Inaayos ko na ang kaso mo huwag kang mainip at darating din ang oras mo para magkaroon ng hearing! Sa hearing na yun natin hihilingin ang bail mo!"

Ang hindi alam ni Orly, matagal ng nakipagkasundo ang kampo ni Ames sa abogado nya na hindi na itutuloy ang demanda sa condition na hindi na ito magpapakita sa school o sa isa man sa estudyante ng AMES ACADEMY. Inilihim ito ng abogado nya sa kanya para hindi sya pakalat kalat. Yun kasi ang utos ni Gob.

Sa madaling salita, wala na talagang hearing na magaganap.

Malapit na ang eleksyon at hindi makakabuti na maalala ng mga tao si Orly, dahil minsan idinawit nito ang pangalan ni Gob Pancho, baka makasama sa kampanya nya at baka lumabas ang lahat ng baho nya.

Pakakawalan din naman nya ito pero pagkatapos pa ng eleksyon at yun ay sa dalawa o tatlong buwan pa.

Ang mga alipores ni Orly ay nalaman ito agad kaya naghanap sila ng ibang abogado kaya napalaya sila, pero nangako sila kay Gob na hinding hindi magpapakita pa sa San Miguel at wala silang pagsasabihan kahit na sino.

Kaya isa isa silang nawala para hindi mahalata ni Orly. Sa ngayon ay nasa ibang parte na sila ng Maynila.

Sumunod si Orly sa sinabi ng abogado nya, kahit na puno ito ng pagaalinlangan.

"Kailangan ko na talagang makahingi ng tulong sa labas!"

Napansin na rin kasi ni Orly na hinihigpitan ng abogado nya ang mga dalaw nya. Hindi sila pwedeng dumalaw na hindi kasama ang abogado nya.

"Bakit ganun, yung iba pwedeng dumalaw kahit wala ang abogado nya, bakit iba ang rules sa akin?"

Kaya kinausap nito si Mon.

"Mon, pwede ba akong humingi ng pabor? Pwede bang mahiram ang cellphone mo?"

Pinahiram sya ni Mon at saka sinabi.

"Orly, huwag kang magaalala, iiwan ko sa'yo ang cellphone ko! Hehe!"

Siguraduhin mo lang sa susunod na pagbalik ko dito, hindi na kita maabutan!"

Tiningnan sya ng may pagtataka ni Orly.

'Ang weird ng taong 'to! Umaasa syang babalik pa sya?'

Pero hindi sya pinansin ni Mon dahil masaya ito at makakalabas na ulit sya. Walang syang alam na may paparating ng bagyo sa buhay nya.

*****

Alumpihit naman si Jeremy sa sala at hindi mapakali.

Nakauwi na sila mula Zurgau, sumabay kila Carla. Nasa Zurgau pa sila Eunice dahil ayaw silang payagan ng Lolo at Lola nya.

"Ano bang nangyayari sa'yo apo at at kanina ka pa dyan! Malapit ka nangang umapoy yang sahig kaka pabalik balik mo!"

Sabi ng Lolo Lemuel nya.

"Pasensya na po 'Lo,!"

"Ano bang dahilan, si Eunice ba?"

"Opo 'Lo! Hindi ko po alam kung papaano ko sya aayain mag date, grounded kasi sya pati si Kate!"

"Malapit na akong umalis papuntang America!"

Nangiti si Lolo Lemuel.

"Madali lang yan iho!

Kung di mo sya madala sa date, yung DATE ang dalhin mo sa kanya!"


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C168
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk