Unduh Aplikasi
22.74% My Beautiful ... Me / Chapter 101: Ang Pagtakas

Bab 101: Ang Pagtakas

Dahil sa galit na muling nabuhay sa puso ni Miles, nagdilim ang paningin nito ng makita si Kate at patakbong nilusob ito na parang isang toro sa cubicle.

"AAAAHHHH!"

Sigaw nya ng buong pwersa.

Nakita sya ni Kate at agad na umurong pabalik sa cubicle para isara ang pinto ngunit huli na!

KABLAGH!

Sa sobrang lakas ng paglusob ni Miles bumalibag si Kate sa loob ng cubicle at tumama ang ulo nito sa tubo ng flush ng lavatory bowl.

"Aaagh! aahhh!"

Nasaktan si Kate! Tumama ang katawan nya sa buong lavatory bowl.

Pagkatapos ay hindi pa dun tumigil si Miles, tinadyakan pa nya si Kate ng paulit ulit.

Sa labas.

Nang mapansin ni Eunice na hindi pa lumalabas ang Ate Kate nya, nainip na ito at pinasok na nya sa loob ng CR.

Nagulat sya ng makita si Miles na may tinatadyakan sa loob ng cubicle. Kinabahan sya.

Agad nya itong nilapitan at tinulak upang tumigil sa pagtadyak.

Mas matangkad si Miles sa kanya kaya napaurong lang ito ng kaunti pero sapat na para mapatigil ito sa kanyang ginagawa.

Laking gulat ni Eunice ng makita ang Ate Kate nyang nakahandusay sa loob ng cubicle kaya agad nya itong nilapitan.

"Ate! Ate Kate!"

"Anong ginawa mo sa Ate Kate ko?!"

Babalik pa sana ulit si Miles para paalisin sya dahil hindi pa sya tapos kay Kate. Hindi pa humuhupa ang galit nya dito.

Pero nakita nyang papasok sa loob ng CR ang guard na nagbabantay sa kanya kaya napahinto sya.

"Anong nangyayari dito?"

Tanong nya kay Miles.

"Mamang Guard, sya! Sya po ang may gawa nyan! Kitang kita ko po ng itinulak nya si Kate!"

Turo ni Miles kay Eunice.

"Tulong! Tulungan nyo kami!"

Nagmamakaawang sabi ni Eunice sa dumating na guard.

Nakita nyang may bahid ng dugo ang mga kamay ni Eunice kaya agad nya itong nilapitan.

"Tumayo ka dyan!"

Utos nya kay Eunice.

Pero hindi tumayo si Eunice dahil ayaw nyang iwan ang Ate Kate nya. Patuloy lang ito sa paghingi ng tulong at mangiyak ngiyak na naghihisterikal dahil ayaw syang tulungan ng guard.

Kaya walang nagawa ang guard kundi lapitan si Eunice at pwersahang inialis kay Kate.

"Huwag! Huwag! Waaaah!"

"Si Ate Kate kailangan nya ng tulong! Huhuhu!"

Nakakita naman ng pagkakataon si Miles para makatakas.

Dahan dahan itong lumakad palabas ng CR habang busy ang guard kay Eunice.

Nakalabas tuloy ng CR si Miles at nadinig ng mga bodyguard ni Kate at Eunice ang ingay at sigaw sa loob ng CR.

Agad silang napalusob sa CR.

"Bitawan mo sya!"

Sigaw ng bodyguard ni Eunice na si Reah sa hall guard.

Habang ang bodyguard naman ni Kate ay tumawag agad ng tulong at ang isa ay nilapitan sya upang checkin ang kalagayan ni Kate.

"May malay pa sya!"

Maya maya dumating na rin sila Ames, Nicole, Nadine Jeremy at ang Mommy nitong si Elsa.

"Anong nangyayari dito?!"

Sigaw ni Ames ng makita ang sitwasyon.

Binuhat na ng bodyguard nya si Kate upang madala agad sa ospital.

"ANAAAAAAK!"

Naghihisterikal na sigaw ni Nadine ng makita ang nangyari sacanak at duguang ito.

"Anong nangyari sa anak ko? Sinong may gawa nito?"

"Eto po Mam!"

Sagot ng hallguard habang hawak hawak pa rin si Eunice sa dalawang braso nito, umiiyak.

"Ate Kate, Ate Kate! Huhuhu!"

Ang bodyguard nitong si Reah na kanina pa nagaantay ng pagkakataon ay pumwesto sa at bigla nyang sinipa ang guard sa alakalakan.

Napaluhod ito kaya nabitawan nya si Eunice na agad namang tumakbo sa Mommy nya.

"Mommy, Mommy si Ate Kate! Si Ate Kate! Huhuhu!"

"Anak sabihin mo, sinong may gawa sa Ate Kate mo nito?"

"Si Miles po!Huhuhu!"

Kasama si Nadine, inillabas na nila si Kate upang ilusob sa ospital, pero nadinig nya na si Miles ang may gawa nito sa anak.

"Ikaw! Anong dahilan at siya ang tinuturo mong gumawa nun kay Kate?"

Tanong ni Ames sa hall guard.

"Yun po ang sabi sa akin ni Miles, Ms. Ames!

Nakita raw nya na ang batang ito ang may gawa!"

Sagot ng hall guard.

"Si Miles? Nasaan si Miles?"

"Hindi ba sinabi ko bantayan nyo sya at huwag nyo syang iiwan?!"

Saka lang naalala ng guard ang binabantayan nya. Hinanap nya ito sa paligid.

"Kanina lang po andito sya, Ms. Ames!"

"Anong klase ba itong mga guard mo? Saan mo ba pinagkukuha ito?"

Sambit ni Nicole.

Samantala.

Tuwang tuwa si Miles at nakalayo sya sa nagbabantay sa kanya at laking saya din nya dahil natakasan nya ang ginawa nya kay Kate.

'Kawawang Eunice! Bagay sayo yan! Magsama kayo nung Kate na yun! Hahahaha!"

Ngiting ngiti ito ng makita ang entrance.

'Konti na lang, makakalabas na ako! Hehe!'

Nagmamadali itong lumabas sa pinto ngunit napahinto sya ng makita kung sino ang padating.

'Jusko, bakit sya nagpunta dito?'


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C101
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk