Sampung beer in can na ang nakalagay sa basket na dala ni Yra pero gusto pa iyong dagdagan ng kaibigan. "Tama na ito, baka hindi natin maubos!" pigil niya dito.
"Ayus lang yan hindi naman yan mapapanis kung sakali!" dinagdagan pa uli iyon ni Heshi ng lima pa. "tsaka ako naman ang magbabayad eh." naglagay na rin ito ng ilang malalaking sitsirya sa basket niya.
"Bahala k-" hindi naituloy ni Yra ang sasabihin dahil may kung sinong bumangga sa kanyang likuran.
"I'm sorry miss, hindi kita nakita." hinging paumanhin nito.
Haller! ganon na ba ako kaliit para hindi niya makita? "It's okay. Tingin ka lang sa daan sa susunod!" sabi niya dito tumingala pa siya para makita ng maayos ang mukha nito.
"It's you!" biglang sabi nito.
Napakunot naman ang noo ni Yra, anong its you? di kita kilala no! sa isip na lamang niya. Pero tinitigan niya ang lalaking kaharap.
"Ikaw yung babae kanina! ako to si Shikamaru!" iminuestra pa nito ung buhok na nakataas sa pamamagitan ng kamay nito.
"Ung costplayer kanina!" naalala na niya ito, "yung kasama ko sa picture!"
"Oo ako nga!" tuwang- tuwa naman ito dahil natandaan niya ito.
"Sorry kanina hindi na ako nakapagpasalamat!" saad niya.
"Its okay, mukha namang may emergency kayo kanina. By the way my name is Francis and you are?" iniaro pa nito ang kamay sa kanya.
"I'm Yra." tinanggap niya ang kamay nito. "and this is my friend Heshi." pakilala niya sa kaibigan.
"Mukhang iinom kayo ah!" tinuro nito a.g laman ng basket niya. "baka malasing kayu niyan!" biro pa nito.
"Konti lang naman to, tsaka dalawa lang namin kami." sagot ni Heshi dito.
"Anung konti? eh pang limang katao na tan ah!" gulat na sabi nito. "Sige ganito ha, make sure na nakalock na mga pinto ng bahay niyo at wag kayong magsasama ng mga boys sa paginom kung ayaw niyong kayong dalawa ang mapulutan ha!" paalala pa nito.
"Ang sweet mo naman! salamat sa concern ha, paano ba yan mauna na kami." paalam niya dito.
"Sige ingat kayo pauwi." pagtalikod ni Yra ay bigla siyang pinigilan nito. "ahm wait!"
Nilingon ito ni Yra, " may event uli kami next month, baka intersado kang pumunta?"
"Sure!" bigla namang nag ning-ning ang mga mata ni Yra! Sa ngalan ng pagiging Otaku niya ay nakipagpalit siya dito ng numero.
"Ang gwapo ng isang yun ah!"saad kaagad ni Heshi nang makaalis sa harapan nila ang lalaking kausap.
"Oo nga, bagay kanya ang character nya." sangayon niya sa kabigan.
"Lam mo kambal, di ko talaga maiship kung bakit ito ginawa sha akin ng Juno na yun! hik!" sinisinok na si Heshi sa kalasingan "wala naman akong ginawang mashama sha kanya para lokohin niya ako!" madramang sabi ng kaibigan niya.
"Baka naman hindi, malay mo kaibigan niya lang ang kasama niya kanina." paliwanag niya dito, kahit kasi lasing na siya ay nasa matino pa rin siyang pagiisip.
" Wag mo na syang ipagtangol, ipinagpalit na talaga niya ako." saad nito.
Pinabayaan na lang niya ang kaibigan tutal ay alam naman niyang hindi sya mananalo dito. Dinampot ni Yra ang nagriring niyang telepono, Video call iyon ni Jion.
"Hello!" bungad niya dito ng masagot ang aparato.
"Hi Yra, matutulog kanaba?" tanong nito "naabala ba kita?"
"No, hindi naman!" sagot niya dito.
"Shino ba yang kaushap mo kambal!" tawag ni Heshi. "Shi Jion ba yan?" inagaw nito sa kanya ang telepono. " Oy Jion, shabihin mo jan sha magaling mong kapatid na ayuko na shyang makita kahit kelan." itinaaa pa nito ang hawak na cellphone at nag piece sign kahit lasing na lasing na.
"Umiinom kayo?" nagaalalang tanong ni Jion sa kanya, nakita pala nito ang mga basyo ng beer na nagkalat sa table niya.
"Medyo naparami ng konte pero carry pa naman!" sagot niya rito.
"Pupuntahan kita dyan ngayun, but please wag kayung lalabas ng bahay hanggat hindi ako dumarating okay.!" ibinaba na nito ang tawag.
Makalipas ang kinse minutos ay tumunog na ang doorbell ng apartment niya, kasalukuyan ng natutulog si Heshi sa kanyang sofa. Pinilit niyang tumayo kahit nahihilo na sya sa dami ng nainom. Sumilip sya sa peephole at nakita niya si Jion kaya binuksan na niya ang pinto.
Kaagad naman pumasok ang binata kasunod ang kapatid nito.
"Susunduin ko na si Heshi, Yra. Pasensya na sa abala." yun lang ang sinabi ni Juno at dirediretso itong nagpunta sa sala at binuhat na parang baby ang kaibigan niya.
"Wag mong isasara tong pinto, ihahatid ko lang sila sa kotse." saad ni Jion kaya bumalik nalang sya sa pagkakaupo sa sofa. Maya- maya pay bumalik ang binata at ini- lock ang pinto.
Pinanood ito ni Yra habang iniimis lahat ng kalat sa center table, isa- isa nitong dinampot ang mga nagkalat na balat ng sitsirya at mga lata ng beer. Nang makatapos na ito ay naupo ito sa kanyang tabi.
"You drunk so much," saad nito.
"Si Heshi kase eh, nahuli yung kapatid mong nambababae! kaya ayun nagpakalasing ng husto." sabi niya dito.
"Hindi naman nambababae si Kuya!" dinampot nito ang isa pang lata ng beer at binuksan iyon, saka ininom."
"Wag mo ng ipagtanggol yung kapatid mo, ganyan naman kayung mga lalaki eh nahuhuli nat lahat tumatangi pa rin." sabi niya rito, bago sumandal sa sofa at itinaas ang kanyang dalawang paa sa lamesita katapat niya.
Tuloy-tuloy lang si Jion sa paglagok ng beer na hawak. "Nasan nga pala ung mga pictures mo kanina don sa event na pinuntahan niyo ni Heshi.?" naalala nitong itanong sa kanya.
Dinampot naman ni Yra ang cellphone at tinanggal ang password noon bago ibinigay iyon kay Jion, "Hanapin mo na lang dyan." tinatamad na kasi syang magpipindot kaya bahala na itong maghanap doon.
Tinanggap naman nito ang telepono at nagbrowse doon, noong una ay nalilibang pa si Jion dahil ang ku-cute ng kuha ng Yra kasama ang mga Costplayer doon, hanggang umabot ito sa picture nila ni Shikamaru. Tiningnan siya ng masama nito, inisang lagok nito ang laman ng lata ng beer bago siya hinalikan ng masiil sa labi.