Sadyang di makakaila,
Lungkot na aking nadarama,
Ng ika'y lumisan.
Ngunit sadyang ang buhay ay ganyan,
Di mo alam saan ang simula,
At saan ang katapusan,
Walang makatitiyak,
Ni sinuman.
Ganyan din ang problema,
Tila aninong sadyang sa ati'y nakasunod,
Di mo alam kung kailan magsisimula,
Gayon din ang wakas.
Ngunit wag tayong mabahala!
Problema'y nasosolusyonan,
Lungkot ay napapawi,
Ang pagsilang at pagkamatay sadyang di maiiwasan,
Sa pamamagitan ng Panginoon,
Sa kanya nagmumula ang solusyon maging kaligayahang di mahihigitan nino man o nga kung ano man.