Sa Zurgau.
Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Anthon, hindi na muli silang nagtabi sa kama ni Yasmin.
Kahit na makita ito ay hindi nya gusto, kaya madalas syang nagkukulong sa silid nya. Ayaw makipagusap kahit kanino.
Tumigil ito sa pagatrabaho dahil nahihiya sya sa nangyari sa kanya. Hindi nya matanggap kahit na sabihin ng mga kapatid na wala namang nangungutya sa kanya.
Lalo na ng mabuntis si Yasmin.
Galit na galit ito at kung maari lang gusto nyang ipalaglag ang bata. Buti na lang napigilan sya ng mga kapatid at hipag nya.
"Walang kasalanan ang bata at isa pa, makakasama sa'yo kung ipapalaglag mo ito!"
Yan ang madalas nilang sabihin sa kanya kaya sa huli, nagdesisyon syang ituloy na rin ito.
Pero ng manganak sya sa isang napaka cute na bata na parang isang kerubin at kamukhang kamukha ni Anthon, parang pinagsisihan nya ang naging desisyon nya.
Hindi nya ginusto ang nangyari sa kanya at hindi rin nya ginusto na mabuntis sya.
Pero ang mas ikinasama pa nya ng loob ay ng makitang kamukha ni Anthon ang bata.
Yasmin: "Bakit ba ako pinaglalaruan ng tadhana? Nananadya talaga!"
Sa huli, natanggap na rin nya ang bata simula ng mahawakan ang anak. Mahal nya ito at wala naman itong kasalanan sa kanya.
Yasmin: "Kagaya ko, biktima ka rin ng kawalanghiyaan ng ama mo! Pero huwag kang magaalala, palalakihin kita ng maayos para hindi ka matulad sa ama mo!"
Hanggang ngayon, kimasusuklaman pa rin nya si Anthon. Kaya pag nakikita nyang tuwang tuwa ito sa baby nya, naiinis sya. Ayaw nya itong nakikitang masaya lalo na pag kasama ang bata.
"Wala syang karapatang maging masaya!"
Kaya madalas itinatago nya ang bata sa tatay nya.
Baka daw mahawa.
At si Anthon....
Simula ng magsama sila sa iisang bubong, naging mabuti na ito sa kanya at sa pamilya nya.
Tinupad nya ang pangakong hindi na iinom at hindi nito nilalapitan si Yasmin. Laging malaki ang distansya nila pag lumalabas sila upang magpa check up.
Nagiba na ng kaunti ang pakikitungo sa kanya ni Rod at ng asawa at anak nito pero hindi ang iba pang kapatid ni Yasmin.
Pero mahahalata pa ring nagiingat sila kay Anthon lalo na ngayong nakikilala na nila kung sino talaga ito.
Sa tuwing lumalabas si Yasmin upang magpa check up, kasama nya ang tatlong Kuya nya at si Anthon.
Minsan ang buong pamilya ni Yasmin ang kasama nya at nagiging bonding moment tuloy nila ito, bagay na hindi nila nagagawa noon. At masasabing mas naging close sila ngayon.
Maliban kay Anthon.
Sa ngayon, magtatatlong buwan na ang bata at pinaghahandaan nila ang darating na binyagan nito.
Nagi guilty si Anthon pag naiisip na walang alam ang pamilya nya sa mga nangyayari sa kanya.
Gusto nyang papuntahin ang mga ito dito sa Zurgau lalo na si Mama Fe para makita ang anak nya, pero hindi nya magawa.
Kung sya na ama ng bata ipinagdadamot ni Yasmin ang anak, kay Mama Fe pa kaya?
Buti na lang mabait ang hipag ni Yasmin na si Beth, nagagawa nyang mahawakan ang anak.
Saka kilala nya ang mga kapatid nya, alam niyang gagawa ng paraan ang mga ito para malaman ang mga nangyayari sa kanya. Kaya madalas nyang gamitin ang ATM para madali sya nilang ma trace.
At si Issay...
"Ang mahal kong si Issay! Sana dumating ang araw na mapatawad mo na ako sa lahat ng nagawa ko sa'yo!"
Itong ang araw araw na panalangin ni Anthon.
Walang araw na hindi nya naalala si Issay. Bago sya matulog at pag kagising sa umaga, lagi nyang tinatanong kung kamusta na kaya sya. Sana ay nasa maayos sya at sana mapatawad na nya ang lahat ng kasalanan nya.
Lingid sa kaalaman ni Anthon, dahil sa lagi syang nagiiwan ng bakas para madali syang ma hanap ng mga kapatid nya, meron ding grupo na natutuwa at madali nilang nagagawa ang trabaho nila.
Ito ang grupo na matagal ng nagmamatyag sa kanya at sa bago nyang pamilya pati na rin kay Issay.
"Boss may bago akong balita sa'yo!"
"Ano na naman yan?
Huwag mong sabihing masamang balita yan?
Ilang beses na tayong na de delay sa plano natin dahil sa palaging may dumarating na aberya! Na aatat na ako! Kailangan ng mangyari ito!"
"Tungkol po kay Isabel Boss, nagpunta syang Zurgau!"
Napangisi ang tinatawag nyang Boss at saka humalakhak ng malakas.
"Hahaha!"
Hindi sya makapaniwala.
"Akalain mo nga naman ang pagkakataon! Ang tagal kong hinintay para maisagawa ang plano kong paghihiganti kay Anthon, sulit naman pala ang paghihintay!"
"Bakit po Boss?"
Hindi nya akalain na matutuwa ang Boss nya sa ibinalita nya.
Akala nya magagalit na naman ito dahil hindi na naman matutuloy ang pagdukot kay Isabel.
"Boss ano pong plano nyo?
"Ano pa, e di katulad pa rin ng dati! Dudukutin natin si Isabel! Tapos isusunod natin yung Yasmin!"
"Hahaha!"
"Ano pong uunahin nating gawin ngayon Boss?"
"Susundan natin si Issay sa Zurgau!"
Ito na po ang simula ng nalalapit na katapusan
Marami pong salamat sa walang asawa nyong pagtangkilik sa una kong nobela.
God bless everyone!