Unduh Aplikasi
30% Kasuyo / Chapter 3: Chapter 3

Bab 3: Chapter 3

Chapter 3

Kinabukasan hindi siya nakapasok dahil sinapian siya ng lagnat. Hindi rin siya pumasok ng sumunod na araw bagaman magaling na siya dahil baka raw masinat siya at kahit anong pilit niya ay hindi siya hinayaan ng magulang niya. Hanggang naging tatlong araw ang di niya pagpasok.

Papasok na siya sa wakas ng matapos ang tatlong araw. Siniguro niyang maaga siya at sa kamay ay hindi mawala-wala ang bulaklak, excited na excited na siyang pumasok. Pumwesto siya sa gate.

Maya-maya lang nakita niya si Johnny mag-isa ito, nakayuko lang ito kaya di siya nakita. Lumapit siya ngunit di pa rin ito nag-aangat ng tingin kaya humarang siya sa daraanan nito. Kunot ang noo nito ng mag-angat ng tingin. Mukhang nagulat ng siya ang nakita.

"Ikaw.." Sabi into.

"Anabel. Anabel ang name ko." Iniabot niya ang rosas.

"Alam mong hindi ko tatanggapin yan. " matigas na sabi nito. Tinapunan lang ng tingin ang bulaklak.

"Kahit ano pang pagtanggi ang gawin mo hindi ako magsasawang gawin ang ganito, ang araw-araw kang bigyan ng bulaklak at sabihin sayong gusto kita. Gustong-gusto kita." Mahabang litanya niya.

Umiwas ng tingin si Johnny. "Kung totoo man ang sinasabi mo na araw-araw mo akong bigyan ng bulaklak at araw-araw mo sasabihin kung gaano mo ako kagusto." Tumalim ang tingin nito sa kanya.

"Eh bakit sa nakaraang tatlong araw hindi mo ginawa iyon, at di ka pa nagpakita o nagparamdam man lang!" Medyo pasigaw ang pagkakasabi nito sa huli.

Naghagilap naman siya ng isasagot. Ayaw niyang tuluyan ng magalit ito sa kanya kaya sasabihin na lang niya ang totoo.

"Eh.. Kasi nilagnat ako tapos ng gumaling naman ako ay hindi ako pinayagan ng parents kong pumasok agad dapat pahinga raw muna ." paliwanag niya.

Biglang, pag-aalala naman ang gumuhit sa mukha ng una. "OK ka na talaga?" Tanong nito.

Tumango siya. Iniabot niya uli ang rosas dito.

"Kunin mo na. Apat na ang kinuha kong tangkay, pagbawi ko sa tatlong araw. Pangako hindi na iyon mauulit. " sabi niya.

Kinuha naman nito ang bulaklak. Tinitigan ito saka nakataas ang kilay na nag-angat ng tingin sa kanya.

"Wag kang assuming na maluwag sa loob ko ang pagtanggap sa bulaklak na ito.." Naging matinis ang boses nito. Napansin niyang hindi ganun ang boses nito kanina napailing na lang siya, baka ilusyon lang niya dahil parati niyang iniimagine ang boses lalaki nito.

Lalong tumaas ang kilay nito.

"Oh. Umiling ka pa. Naaawa lang ako sayo dahil kagagaling mo lang sa sakit baka pag di ko tinanggap masinat ka pa, ako pa ituro mong may kasalanan." Pinunasan nito ang ilong na may pawis na.

"Hindi ko gagawin yun sayo. Gusto kita, remember?" Sagot naman niya dito.

"Jan ka na nga sinira mo na naman ang araw ko.." Sabi nito at nilampasan na siya.

Medyo malayo na ito ng maalalang hindi niya ito binati. Tinawag niya ito. Huminto lang ang tinawag at di lumingon." Good morning nga pala Johnny." Sigaw niya. Di na niya ito hinabol…masaya siya dahil nakita na niya ito pagkatapos ng tatlong araw. Pumasok siyang may ngiti sa labi.

Kinabukasan gaya ng madalas niyang gawin ay inabangan niya ito sa gate para ibigay dito ang bulaklak. Gaya rin ng dati parang napipilitan pero tinatanggap naman.

Late na siyang nagising ng araw na iyon kasi hatinggabi na siyang nakatulog dahil sa kakanood ng Korean novela na si Lee min ho ang bida. Paborito niya kasi ang actor dahil kamukha nito si Johnny Agbayani.

Lagpas na sa alas nuebe ang oras ng narating niya ang school. Ayaw na sana niya ang pumasok ngunit bibigyan pa niya ng bulaklak si Johnny.

Dumiritso siya sa building ng fourth year. Sumilip muna siya sa bintana ng mga ito. Nakita niya ang gurong mukhang aalis na. Iginala niya ang mata sa mga estudyante, nakita niya si Johnny na panay ang tingin sa may pintuan…

Bakit parang di mapakali si Johnny? Tanong ng kanyang isipan.

Pagkalabas ng guro ay dalidali siyang sumungaw sa may pintuan sakto namang nagawi sa pwesto niya si johnny… Nagliwanag ang mukha ng lalaki pagkakita sa kanya. Tumayo ito at malalaki ang hakbang na lumabas.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong agad nito.

"Kasi napuyat ako eh. Hindi sana ako papasok ngayon kaso baka hinihintay mo ako at di nga ako nagkamali panay ang tingin mo sa may pintuan kanina at di ka mapakali.." Nakangiting sabi niya.

"Hindi kita hinihintay .. Naiinip lang kasi ako kasi ang tagal ni ma'am na lumabas, naiihi ako." Paliwanag naman nito.

Hindi na siya sumagot dito dahil mali pala ang akala niya.Hindi pa niya iniaabot dito ang rosas ng kunin nito sa kamay niya. Inamoy pa nito. Iniwagayway nito ang kamay tanda na pinapa-alis na siya.

"Sige na, umalis ka na bago tuluyang masira ang araw ko. Amoy pawis ka na, Hindi pa naman lumulubog ang araw. " lukot ang mukhang sabi nito.

"Hindi pa kasi ako naliligo eh..ang taas kasi ng sikat ng araw habang papunta dito kaya nangamoy na ako.." Sabi niya. Nakita niya ang pandidiri nito sa sinabi niya.

"Eeww.." Sabi nito. Natawa na lang siya. Wala itong paalam na pumasok na sa classroom nito.

Siya naman ay umuwi na lang sa bahay nila. Mag-aapat na buwan na niyang binibigyan ng rosas si Johnny kaya nasanay na siyang basta na lang nito siya tinatalikuran. Napangiti siya sa naisip, kung pinairal lang niya ang hiya at siguradong hindi pa siya kilala ng lalaki. Hay malapit na pala ang graduation ni Johnny..


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C3
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk