"Hi!", bungad na bati sa kanya ng binata. She looked at him and as usual ay napaka-gwapo talaga nitong tingnan kahit na nakasuot lang ito ng simpleng polo shirt at pantalon.
Kahit ata sako lang ang suot niya, gwapong-gwapo pa rin siya! , tili ng isang bahagi ng isip niya.
Pinalis niya ang isiping iyon at tinigilan muna ang ginagawa at hinarap ang lalake. Naupo ito sa harap niya at iniabot sa kanya ang isang supot ng pagkain.
"A-ano 'to?", nagtatakang tanong niya sa lalake.
"Ahm.. buhangin", at humagalpak ito ng tawa ng makitang nakasimangot siya dahil sa sagot nito. "Pagkain,obviously. Mag-aala-una na at ang sabi sa labas ay hindi ka pa rin daw lumalabas para kumain", sumimangot ito at tumayo habang inaayos ang table niya at pagkain. Tumayo siya para lapitan ito, pinaupo siya sa pangdalawahang upuan at ng maiayos ang pagkain sa harap nila ay umupo ito sa tabi niya.
"Sabi nina Iza you have been doing this simula ng magsimula ka dito. I didn't know that you're a workaholic?", tanong nito na iminuwestra ang pagkain sa harap nila.
"Ahm..hindi naman, nasanay lang ako dati kay Ms.kriza. Mas madalas sa hindi ay ganitong oras na ako nakakakain dahil sa tambak na trabaho, kaya siguro nasanay na ang tiyan ko", nakangiti nitong saad habang sumusubo ng pagkain na dala niya. "Ikaw? Kumain ka na ba?", iniumang pa nito sa harap niya ang pagkain.
Umiling lang ang lalake at napa-isip habang tinitingnan ito habang kumakain. Hindi nito akalain na ganoon ang Gawain ng dalaga dati noong under pa ito sa nobya. Mabuti nalang at sekreto lang ang relasyon nila, hindi maiilang mag-open up sa kanya ang dalaga.
"Ang sarap, ayaw mo talaga?", muli ay alok nito, sarap na sarap ito sa kinakain. Hinawakan niya ang palapulsuhan nito at iginiya ang kamay nitong may hawak na kutsara. Isinubo niya sa bibig ang pagkain doon at saka nilasap.
"Hmm..", pumikit pa siya habang ninanamnam ang pagkain. "Ang sarap nga".
Nang ibuka ni Nik ang mata at makitang natigilan ito dahil sa ginawa niya ay lalo pa siyang nagpa-cute at kinindatan ang dalaga.
Diyos ko! Yung balun-balunan at atay ko, nahulog ata!, tili ng isip ni KC ng kindatan pa siya nito matapos isubo ang kutsarang may pagkain niya.
Para na din niya akong hinalikan dahil ginamit niya ang kutsarang gamit ko! Naghalo ang laway namin!, hindi na niya talaga mapigilan ang paghihisterya ng puso niya.
Pinagpatuloy nalang niya ang mabilis na pagkain at ng matapos ay inimis iyon.
Dream on girl! Dream on! Kaibigan lang ang tingin sa'yo niyan noh!, saad naman ng kontrabidang bahagi ng isip niya.
"Let's go out tonight, Kaz?", maya-maya ay nagsalita ito sa may likod niya. Hindi niya alam na nasa likuran niya na pala ito, abala kasi siya sa pagliligpit sa pinagkainan nila.
"Huh?", napaharap siya bigla sa binata, napakalapit nito sa kanya, kaya nagsimula na namang maging eratiko ang tibok ng puso niya.
"I said, let's go out tonight babe", inilapit pa nito ang mukha sa kanya, she can feel the air coming from his breath habang nagsasalita ito sa kanya.
"It has been a week simula ng lumabas tayo, at dahil naging busy tayo ay hindi na nasundan 'yon", dagdag pa nito.
Napatingin siya sa mga mata nito, habang ang mga kamay niya ay nakalapat sa dibdib nito, trying to push him away. Ngunit tila bakal ang kinalalapatan ng kanyang mga kamay, hindi niya matinag ang lalake sa paglapit sa kanya. Tila isang dangkal nalang ang layo ng mukha nito sa kanya, and because she can't look at him in the eyes, sinubukan niyang yumuko. But the man was persistent, hinawakan nito ang baba niya at itinaas ang mukha niya.
"N-nik-k", hindi niya matagalan ang mga titig nito, tila iyon nanunuot sa kanyang kalamnan at kaibuturan ng kanyang puso.
"I don't understand why you have to cover your lovely eyes with this ugly eyeglasses, babe", at dahan-dahan nitong tinanggal ang salamin sa kanyang mata.
Wala siyang maapuhap sabihin, at natigil niya ang hininga ng bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi, at nagtagal doon. Naramdaman niya ang pglunok nito ng ilang beses bago muling ibinalik ang tingin sa kanyang mata.
"You have the most exquisite features babe, and you're an expert in keeping those as secrets", saad nito sabay dinilaan nito ang sariling labi.
Dahil sa lapit nilang iyon ay halos tumama na sa mismong mga labi niya ang dila nito na nakapagpanginig ng tuhod niya. Mabuti nalang at maagap nitong nahawakan ang magkabilang braso niya at naalalayan siya sa pagtayo.
"You can keep those as secrets but I will never allow not to taste it", at tinawid nito ang gasinong agwat ng kanilang mga labi na nakapagpasinghap at nakapagpaliyo sa kanya.
****************************************************************
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!